Natigilan siya nang makita ang pag-asam sa mukha nito. Wala sa isip na napatango siya. Lumuwang ang ngiti nito. “Nasaan na raw siya? Sana itinanong mo kung susunduin natin siya sa place niya. Pwede naman, hindi ba?” Napausal siya ng dasal bago muling ibinuka ang bibig. Sana patawarin ang pagsisinungaling niya pero iyon lang ang naiisip niyang rason. “Iyon na nga ang problema, Dean. H-Hindi makakasama si Rusty sa date natin ngayon.” “What?!” gulat na sabi nito. naipagpasalamat niyang nasa gitna sila ng traffic or else, baka bigla nitong naipreno ang sasakyan at disgrasya ang inabot nilang dalawa. “May nangyari daw bang masama? Naaksidente ba siya. Dapat siguro natin siyang puntahan,” puno ng pag-aalalang sabi nito. Bigla siyang naalarma. “No, hindi ganoon. K-kasi `yung Papa niya, nasa D

