Biglang nakagat ni Steffi ang dila nang ma-realize kung ano ang nangyayari. Napatitig siya sa nag-aalalang mukha ni Dean. Lumipat iyon sa mukha ni Jenny na nalilito sa reaksiyon nito. “Bakit? May alam ka ba tungkol kay Rusty?” tanong ni Jenny. Tumango si Dean. “Ano’ng problema kay Rusty?” Lumakas ang kaba sa kanyang dibdib. Napakalaking g**o ng pinasok niya. ang iniisip ni Jenny ay ang Rusty na nasa nobela niya samantalang si Dean ay iniisip ang Rusty na dapat ay ipapakilala niya dito. the one that he thought exists. Hindi niya alam kung paano pipigilan si Dean sa pagtatanong at si Jenny sa pagsagot. Her world is starting to spin. “Well, it’s just a minor problem. But I still need Steffi’s opinion.” Bumaling si Jenny sa kanya. “Steffi, remember Rusty’s problem with her father?” Her ha

