“ANO ba ang mayroon? Himala! Ngayon mo lang ulit ako niyaya ng dinner,” kantiyaw ni Steffi kay Dean pagpasok niya sa bahay nito. “Nasaan si Tita?” “Pumunta si Mama sa party ng kaibigan niya sa Tagaytay. Bukas na nang umaga siya uuwi. Magba-ballroom pa daw sila.” “Wow!” she exclaimed. The simple dining area was transformed into a romantic and cozy place. May dim lit lamp at scented candle sa paligid. Nasanay siya na Spartan lang ang paligid kapag kumakain sila ni Dean. Parang romantic dinner tuloy iyon. “Anong okasyon? May bisita ka bang dadating?” “Tayong dalawa lang.” Inalalayan siya nitong umupo. “Na-miss kasi kita.” Inikot niya ang mata. “Hindi nga?” Nakatitig lang ito sa kanya. There was a mixture of fire and warmth in his eyes. Hindi niya alam kung bakit dahan-dahang gumagapa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


