Madiin niyang pinagdikit ang dalawang labi upang senyasan si Anne na tumahimik. Subalit talagang wala sa plano nito na ipreno ang bibig.
“Naroon sa Mama. Kanina lang kasi sila nagkakilala.”
“Ahhh… Saka, itanong mo naman kung saan niya iyon nabili.”
Lalong nagliwanag ang mukha ni Dean. “Bakit hindi na lang kayo ang magkwentuhan, Anne. Sa tingin ko magkakasundo kayong dalawa ni Margot. Gusto mo bang tawagin ko siya para sa makapag-usap kayo?”
Biglang naalarma si Anne. “Huwag na. a-ako na lang ang kakausap sa kanya mamaya. Siyanga pala, ninong at ninang kayo sa binyag ng anak namin.”
“Sure! Basta ninang ka rin sa binyag ng baby namin ni Steffi.”
“What?” naguguluhan niyang sabi. “A-anong baby?”
“Madali ka palang makalimot. Si Angel, sino pa?”
“Kayo ha, may inililihim kayong dalawa,” tudyo ni Anne.
”Cute ang baby namin, Anne.”
“Napaka-cute na baby. Mabalahibo nga, eh,” sabi niya.
“Balbon?” sabi ni Anne.
“Hindi. May buntot pa nga saka tumatahol.”
“Aso?!” Natawa si Anne. “Akala ko may bundles of joy na kayo. Magni-ninang lang ako kapag may totoong baby na ninyo.”
“Basta magni-ninang kami sa anak mo. Tapos!” pag-iwas niya sa usapan.
Nakahinga siya ng maluwag nang baguhin ni Anne ang usapan. Imposibleng maging sila ni Dean. Bakit ba hindi maintindihan ng mga ito na magkaibigan lang sila?
NASA baby section sina Dean at Steffi ng isang department store. Malapit na ang binyag ng anak ni Anne kaya sabay na silang bumili ng regalo.
“Dean, dito tayo. Dali!” excited niya itong hinatak sa section na puro laruan ng babies. “Ang cute-cute!”
“Akala ko ba damit na lang ang bibilhin natin?” reklamo nito. “Eh, kung saan-saan mo ako hinahatak.”
“Hindi mo ba ma-appreciate ito? Alam mo bang ito ang pinaka-favorite kong part ng store?”
“Paanong ito ang favorite mo samantalang wala ka pang baby?” Sinipat-sipat nito ang mga laruang naroon. “Hey, sa tingin ko cute itong mini-computer para sa kanya. Hindi ba, cute?”
Naiiling niyang ibinalik iyon sa shelf. “Three months pa lang `yung baby. Hindi siya toddler.”
“Gusto ko lang namang maging genius `yung bata. Para baby pa lang matalino na.”
“Ma’am, Sir, ano pong gusto nilang laruan para sa baby nila?” tanong ng saleslady na lumapit sa kanila. “Siguro po cute ang baby ninyo.”
“Wala pa kaming anak, Miss,” naiirita niyang sagot. Mukha na ba siyang may asawa?
“Saka hindi rin kami mag-asawa,” sagot ni Dean.
“Mag-boyfriend pa lang po ba kayo? Bagay na bagay po kayo.”
Nagkatinginan sila. “Magkaibigan lang kami,” sabay nilang sagot.
“Ma’am, Sir, doon din po ang uwi niyon,” kinikilig nitong sabi. “Basta po kapag nagka-baby kayo dito pa rin sana kayo bumili.”
Alangan siyang ngumiti. “Miss, saan ang section ninyo na may tape na pambata?”
“”Doon po, malapit sa counter 5.” Itinuro nito ang naturang counter.
“Thank you.”
“Ano’ng gagawin mo sa tape ng nursery rhymes?”
“Ireregalo ko sa baby,” sagot niya. Natigilan siya nang may makitang lalaki na masama ang tingin sa kanila. “Dean, kilala mo iyon?”
Sinundan nito ang direksiyon ng tingin niya. Umiling ito. “Baka naman may gusto sa iyo.”
“Hindi sa akin. Mukhang sa iyo nakatingin.” Ngumiti siya ng papilya. “Hanga na ako sa karisma mo. Hindi lang para sa babae, pang-pederasyon pa.”
“Ah, ganoon?” Natatawa itong umakbay sa kanya ang pinanggigilan ang kanyang pisngi. “Diyan ka nagkakamali, sistah! Papa ko siya.”
“Ngii!” Pilit siyang kumawala dito. “Dapat pala sa iyo na ako magpa-pedicure. Bestfriend ha. Grabe na ito! Tuluyan ka nang nagladlad!”
“Hindi ako bading! Nagbibiro lang ako. Gusto mo halikan pa kita, eh!”
Bigla siyang namutla nang marinig ang sinabi nito. sabi niya sa sarili niya ay hindi niya iisipin iyon. It was an innocent kiss after all. Pero hindi pa rin niya mapigilang matigilan kapag naiisip o nababanggit iyon.
“H-halika, pumunta na tayo sa record section,” pilit niyang pinasigla ang tinig kahit walang kumbiksiyon iyon. Kailangang iwaksi na niya iyon sa isip niya. She needs to do something about it.
“KAILAN mo ba talaga ako sasagutin?”
Nabitin sa ere ang kutsarang isusubo niya nang marinig ang tanong ni Chad. Kasalukuyan sila noong nagdi-dinner sa Racks, Makati. At gaya nang nakakaraan nilang mga paglabas-labas ay tinatanong na naman nito kung kailan niya sasagutin.
Kung tutuusin ay swerte na siya dito. Galing sa buena familia at botong-boto ang mga magulang nito sa kanya. Lahat din ng katangian na gusto niya sa lalaki ay taglay nito. Alam niyang kapag pinakawalan niya ito ay maraming magpapasalamat sa kanya. Hindi ilang babae ang tumawag sa bahay niya para lang maki-usap na lumayo siya dito. And she’s flattered na nagtitiis ito sa panliligaw sa kanya.
“Pwedeng pagkatapos na lang nating kumain?” Itinuloy niya ang pagsubo. Maari naman na niyang sabihin ang sagot subalit gusto muna niyang pag-isipan ang lahat.
Napilitan siyang makipagkita dito dahil ilang araw na siyang naliligalig sa nangyari sa kanila ni Dean. Ilang araw na rin niyang pinag-isipan kung dapat na niyang sagutin si Chad o hindi pa. At ngayon ang araw na napili niya.
Napailing na lang itong sumunod. “Alam mo minsan, naiisip kong ayaw sa akin ng bestfriend mo kaya hindi mo ako sinasagot.”
Muntikan na siyang mabulunan sa sinabi nito. Marunong din palang makahalata ang pobre. “Of course not!” wika niya nang matapos nang kumain. “Kung nagpapa-impluwensya ako, sana kasama ka na sa mga nabasted ko.”
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. “Ibig mong sabihin malaki ang pag-asa na sagutin mo ako?”
Nakangiti siyang tumango.
“Kailan mo kaya ako sasagutin? Alam mo bang inip na inip na sina Mama at Papa. Ako na lang ang hindi nakakapag-asawa sa amin. I want to build a family with you, Steffi. Do you love me?”
“Well…..” Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nawala ang pag-asam sa mukha nito. “Excuse me.”
Napilitan siyang sagutin ang tawag. “Hello…Yes Marithe?”
“Steffi, si Sir Dean….” May kinig sa boses nito.
Bumaha ang pag-aalala sa kanyang mukha. “What happened to Dean?”
“N-nabaril siya. Narito kami sa Makati Med ngayon.”
“Oh no! Pupunta na ako diyan.” In-off na niya ang cellphone.
Paanong nabaril si Dean? Sino ang gumawa niyon dito?
“Ano’ng nangyari?” nagtatakang tanong ni Chad.
“I’m sorry, Chad. I really have to go. Katatawag lang ng sekretarya ni Dean. He was shot.” Hindi siya magkandatuto sa pag-aayos ng shoulder bag.
“Let me drive you there,” alok nito “You are trembling. Baka mamaya madisgrasya ka pa. Pati ako mag-alala.”
Nagpatangay siya dito. “Thanks, Chad.”
Hindi na niya naisip ang naantalang pagsagot dito bilang nobyo. Ang mahalaga ay malaman niya kung ligtas na si Dean.
NANG dumating sina Steffi at Chad sa ospital ay kasalukuyang tulog si Dean. May benda ito sa kaliwang braso. Naipagpasalamat niya na hindi malala ang tama nito. Medyo nasa state of shock pa si Marithe sa nangyari subalit nagawa pa nitong isalaysay ang lahat.
“Galing kami ni Sir sa isang meeting sa Dusit Hotel. Paglabas namin, kinausap siya ng isang lalaki. Ex-boyfriend pala ni Margot. Sabi kasalanan daw ni Sir kung bakit siya hiniwalayan nito. Nang hindi pumayag si Sir, binaril niya. Mabuti nakaiwas si Sir Dean pero maraming dugo.” At humagulgol ito ng iyak.
Naipa-blotter naman sa pulis ang bumaril dito.
“Dapat sa kanya, makulong sa ginawa niya kay Dean.”
At wala pa ang balahurang girlfriend nito. Samantalang ito ang dahilan kaya’t nabingit sa kamatayan ang kaibigan niya. Tama nga ang kutob niya na puro kamalasan lang ang dadalhin nito kay Dean.
“Umuwi ka na muna, Marithe.” Alam kasi niyang nasa state of shock pa rin ito. “Sabihan mo na rin si Tita Constancia na huwag mag-alala. Ako na ang magbabantay kay Dean. Ikaw din Chad.”
“Sigurado ka, Steffi?” wika ni Marithe. “Kung gusto mo, kukuha na lang ako ng damit mo sa bahay mag-o-over-night ka. Kaya ko naman na.”
“Are you sure you’re okay?” nag-aalala pa rin niyang wika.
“Sasamahan ko na si Marithe para naman mapanatag ka, Steffi.”
Hinaplos ang puso niya sa pagtulong na ginagawa ni Chad. Samantalang hindi naman ito malapit kay Dean. Nakakahiya tuloy dahil hindi maganda ang pakita ng kaibigan niya dito.
“Salamat Chad. At sorry nga pala kanina kung hindi ko pa nasabi ang sagot ko.”
“I understand. Marami pang pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para sa iyo.” Pinisil nito ang baba niya. Isa sa mga sweet gestures nito. “Aalis na kami.”
“Mag-ingat kayo.” pahabol niya.
Binalingan naman niya ang nahihimbing na si Dean. Under sedation pa ito. Mukhang bata ito kapag natutulog. Subalit nasa mukha ang sakit nito. Awang-awa siya sa sinapit nito. Hindi pa naman itinulot ng Diyos na mawala ito.
Inilayo niya ang ilang hibla ng buhok palayo sa mukha nito. Lagi niyang ginagawa iyon tuwing binabantayan niya itong matulog kapag may sakit. Sana ay hindi na magbago pa ang samahan nila kahit pa sabihing may nagbago sa nararamdaman niya dito. Hindi niya makakaya kapag nagkalayo sila.
PAPUNTA na siya sa doktor ni Dean upang itanong ang kakailanganin nitong gamot nang makasalubong niya sa corridor si Margot.
Hindi niya alam kung paano pa itong napapasok samantalang hindi na visiting hours. Sa itsura nito ay mukhang galing pa ito sa party. Pahulas na ang make up nito sa mukha.
“Steffi, where is Dean? Is he okay? Totoo bang binaril siya ni Bernard? Please?” puno ng pag-aalalang wika nito.
Alam niyang bukal sa loob ng babae ang pag-aalala ngunit mainit talaga ang dugo niya dito. “Una, hindi na visiting hours Margot. And even if it is, hindi ka na nanaisin pang makita ni Dean,” walang kurap na wika niya.
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. “That’s not true! He needs me. Inilalayo mo lang siya sa akin dahil ayaw mo sa akin. Nagseselos ka lang dahil gusto mo sa iyo lang si Dean. Or kunyari pang bestfriend ka but the truth is that you want him for yourself.”
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Hindi nito alam na may nasangging isang sensitibong bahagi ng kanyang pagkatao na pilit niyang itinatago. Subalit hindi niya hinayaang mangibabaw iyon.
“You think so, Margot? Sa tingin mo matutuwa si Dean na marinig ang mga pinagsasabi mo sa bestfriend niya? And I’m not kidding, my dear. He doesn’t want to see you anymore. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nabaril siya ng ex-boyfriend mo. You almost killed him Margot!”
Nahintatakutan nitong tinakpan ang mukha. Umiyak ito. “That’s not true! Hindi ko kasalanan kung ayaw maniwala ni Bernard na hiwalay na kami. Na si Dean ang mahal ko. I want to see him. I can explain everything, Steffi. Please?”
Kahit paano ay nakunsensiya siya sa kasinungalingang tinahi. She just wants to get even sa pag-agaw nito sa atensyon ni Dean. Alam niyang kakumpitensya ang turing nito sa kanya.
“Umuwi ka na muna, Margot. You are not in good condition either. Don’t worry, sasabihin ko kay Dean na payagan kang makipag-kita sa kanya. But I cannot assure you that he will allow you to visit him. Ibang klase siyang magalit.”
Parang bata naman itong napasunod. “Thank you, Steffi. Sabihin mo kay Dean, bibisita agad ako sa kanya. Tell him I love him.”
Lumakad na ito palayo. Napasandal siya sa dingding ng hallway. Sa tingin niya ay hindi niya masasabi kay Dean ang mga bilin nito. Dahil hindi din nito dapat malaman na nagtangka itong dumalaw.
Ipinagdarasal na lang niya na hindi siya balikan ng mga ginagawa niya ngayon. Pihadong aanihin niya ang galit ni Dean.
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Thank you and happy reading!