Chapter 4

1661 Words
UMIIKOT ang pakiramdam ni Steffi nang magsanib ang mga labi nila. Dean's mouth was hot and wild. It was like trapping herself in one of her heroine's body. She had never been kissed. And she didn't expect to receive that one from Dean. Napapikit siya nang naging mabini ang paghalik nito. It was magic. She longed to touch him but she cling to the bed sheet instead. He left her breathless. She let something build up inside her. She was not sure but it could be desire. "Honey, you are so sweet," he murmured when he released her lips. Nang tuluyan nang nagbukas ang mga mata nito ay nagulat ito. "Hon—Steffi!" gulat nitong wika nang makilala siya. Kumawala siya at hinamig ang sarili. "At sino sa palagay mo?" pagalit niyang tanong upang mapagtakpan ang malakas na kaba sa dibdib niya. Nararamdaman pa rin niya ang panginginig ng bawat himaymay ng laman niya dahil sa halik na iyon. Nawala ang mahikang pinagsaluhan nila nang makita ang disappointment sa mukha nito. "Ano'ng ginagawa mo dito?" pag-iwas nito sa tanong niya. "Ah..." Nanigas ang dila niya nang bumangon ito at isandal ang sarili sa headboard ng kama. Bumaba ang kumot hanggang baywang ito. Noon niya napagtantong wala itong saplot sa ilalim. Bigla siyang napatayo at tumalikod dito. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit nandito ka sa kuwarto ko?" "M-malapit nang magtanghali at nakahilata ka pa rin. Ipinagising ka na ng Mama mo, kasi... kasi..." she started to stammer. "Darn! Hindi dapat ikaw ang pinapasok niya dito! Ikaw, hindi mo ba naisip na hindi magandang basta ka na lang pumasok sa kuwarto ko kahit bestfriend kita? Don't you know how dangerous it is to be trapped in a man's room early in the morning?" Napangiwi siya. "Dati naman akong pumapasok dito, hindi ba?" "Na natigil mula nang magdalaga at magbinata na tayo. Dapat mong maintindihan na..." "H-hindi ko naman alam, ah..." "Ngayon alam mo na!" pasigaw na sabi nito. "G-galit ka ba?" Hindi ito kumibo. "Dean, hindi ko naman alam na ugali mong manghalik kahit tulog ka. Natural ba iyon?" "Oh brother!" Halatang nagtitimpi ito sa galit sa mga inosenteng tanong niya. "You maybe a romance authority, Steffi. Pero hindi mo pa alam kung ano ang implikasyon ng mga itinatanong mo. I suggest you leave my room." Napaawang ang labi niya sa pagtataka. "May ginawa ba akong masama?" "Stop asking questions!" bulyaw nito. Napapitlag siya sa inasal nito. Kakaiba ang inaasal nito at hindi siya sanay. Pinili na lang niyang sundin ang utos nito. Yuko ang ulo niyang tinungo ang pinto. Hindi niya maintindihan ang problema nito. "Steffi!" Mas mahinahon na ang tinig nito. Nang lumingon siya ay wala na rin ang bakas ng pagkairita sa mukha nito. "Sorry if I am testy today." Malungkot siyang tumango. Kahit nga ba wala pa rin siyang clue kung bakit ito galit na galit kanina. "Steffi, about the kiss we shared a while ago..." She gasped then look straight to his eyes. There was uncertainty in his expression. "D-did you feel the surge of l**t when we kissed?" lakas-loob niyang tanong. "No." Wika agad nito. "Did you?" balik-tanong nito sa kanya. Did she feel the earth quake, fireworks explode like what she had written in her novels? She was so consumed by their kiss. His warm mouth invading hers. His tongue probing inside her. She even shivered at the thought. What can she expect? It was her first kiss! But l**t is a strong word. At tungkol sa naramdaman niya, aaminin ba niya dito? "No, I didn't!" sagot niya agad. "The feeling is mutual." "I therefore conclude that what we shared is as simple as a harmless kiss. Since no sparks flew, no surge of l**t. Wala kang dapat ikatakot. You are safe with me. It's purely platonic." "Whoa! Where did you get your Degree in Art of l**t, Love and Sparks? You'd been too used up by your writing skills. This is absurd!" "Nasubukan na natin, wala tayong naramdaman. So why create a big fuzz out of it?" It's confirmed then. No sparks flying, no surge of l**t. No stars popping out, bells ringing, fireworks exploding and earth trembling. It was a pure, innocent, safe, harmless kiss. Nothing to fear about. Well, I lied! Wika niya sa sarili pagsara ng pinto. Nagulat pa siya nang bumukas ang pinto at dumungaw si Dean na nakaroba na ngayon. "By the way, Steffi," pahabol nito. "What?!" irita niyang tanong. "Next time, don't blow on my ear if you are not looking for danger," wika nito bago isara ang pinto. Muntikan nang humalakhak si Steffi nang tahulan ang bruhang si Margot ng tuta. Natakpan niya ang bibig para lalong pigilan ang pagtawa nang umakyat ito sa upuang naroon upang iwasan ang aso. "Shoo! Shoo!" pagtataboy nito. "Who owns that cheap dog?" Kinarga ni Dean si Angel. "Pwede ka nang bumaba, Margot. Regalo sa akin ni Steffi. Don't you like it?" "Saang kalye niya iyan nakuha?" tanong nito na parang wala siya doon. "This is a St. Bernard kaya mahal ito. Hindi mo ito napupulot sa kung saan. And don't be scared, honey. Cute naman siya, hindi ba?" "I don't care! Just throw it away. I want it out of my sight." Muntikan na siyang tumayo ng upuan para harapin ito subalit binigyan siya ng nagbababalang tingin ni Dean. Pinili niyang muling manahimik. "Margot, regalo ito ni Steffi sa akin!" depensa nito. "I hate dogs. I don't care kung sino ang nagbigay niyan. If you love me, get that dog out of my sight." My! She never thought na ganitong klaseng babae ang papatulan ni Dean. Pati aso, inaaway? Nakita niya ang hesitation sa mukha nito kaya ipinasya niyang tumulong. "Excuse me, akin na muna si Angel. Kanina pa ako naawa sa kanya, eh. Iuuwi ko muna sa bahay. Mauna na muna ako, Margot. Kasi kailangan ko nang ilayo ang gift ko kay Dean dito. Alam mo na mamahalin ito. St. Bernard dogs are allergic to cheap-looking women who wears heavy perfumes. See you at lunch!" Matagumpay siyang ngumiti nang tamaan ito sa huling sinabi niya. Feeling tuloy niya ay magkakampi sila ni Angel. She can't imagine Dean spending a lifetime with Margot. His life will be miserable. Sana nga lang ay matauhan na si Dean habang maaga pa. "HANGGANG tingin ka na lang ba?" tanong ni Anne kay Steffi. Kasagsagan noon ng party. Kaklase nila ito ni Dean noong high school at bisita ng gabing iyon. Taka siyang bumaling dito. "May sinasabi ka ba, Anne?" "You're like in a trance while throwing dagger looks to both of them." Itinuro nito sina Dean at Margot na masayang nagso-socialize sa mga bisita. "Your imagination is working overtime, my dear." Mahina itong tumawa bago sinimsim ang alak. "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin aaminin sa akin na inlove ka sa bestfriend mo?" "Shhh..." pagpapatahimik niya dito. "Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na may gusto ako kay Dean." "Yeah, me and the rest of our classmates." Kinawayan nito ang ibang dating kaklase na nasa kabilang table. "See? Everybody agrees with me!" "Anne, I don't like it. Patayin na natin ang issue. Kahit noong sila na ni Reena, hindi ninyo ako tinantanan." Hiyang-hiya siya sa kaibigan kapag tinutukso silang dalawa ni Dean. Mas boto ang mga ito sa kanya kaysa kay Reena. "Kaibigan din namin si Reena pero ikaw ang gusto namin para kay Dean. Wala siyang magagawa. Pero napakabagal mo. Naunahan ka na naman. Look at her, acting like a perfect host! Last year ikaw ang nandiyan, hindi ba?" "That was last year. Walang nobya si Dean." "Don't tell me you are just a substitute kapag wala siyang girlfriend?" Hindi siya kumibo at ininom ang champagne. Oras na magsalita siya ay lalo lang darami ang masasabi nito. At baka makumbinsi pa siya nitong inlove siya kay Dean. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari sa silid nito. "Uh, oh, that will never happen again," sabi niya sa sarili subalit hindi sinasadyang nailakas niya. "May sinasabi ka ba, Steff i? Are you okay?" pag-aalala nito. "Wala. Kumakanta lang ako. Tingnan mo nga kung lasing na ako," palusot niya. "O baka ikaw ang lasing." "Paano akong malalasing samantalang hindi naman ako umiinom. Nasaan na nga pala ang lalaking iyon?" ikiniling niya ang ulo at itinuloy ang pagsimsim sa alak. Muntikan na niyang mabitawan ang hawak nang magsalita si Dean. "Are you enjoying the night, Steffi?" tanong nito nang umupo sa tabi niya. "Hello, Anne! Huwag mong intindihin ang asawa mo. Nandiyan lang iyan sa kabilang table." "Nasaan na ang girlfriend mo?" maasidong tanong ni Anne. "Mabango ang perfume niya. Naamoy ko yata hanggang dito." Madiin na pinagdikit ni Steffi ang dalawang labi upang senyasan si Anne na tumahimik. Subalit talagang wala sa plano nito na ipreno ang bibig. "Naroon sa Mama. Kanina lang kasi sila nagkakilala." "Ahhh... Saka, itanong mo naman kung saan niya iyon nabili." Lalong nagliwanag ang mukha ni Dean. "Bakit hindi na lang kayo ang magkwentuhan, Anne. Sa tingin ko magkakasundo kayong dalawa ni Margot. Gusto mo bang tawagin ko siya para sa makapag-usap kayo?" Biglang naalarma si Anne. "Huwag na. a-ako na lang ang kakausap sa kanya mamaya. Siyanga pala, ninong at ninang kayo sa binyag ng anak namin." "Sure! Basta ninang ka rin sa binyag ng baby namin ni Steffi." "What?" naguguluhan niyang sabi. "A-anong baby?" "Madali ka palang makalimot. Si Angel, sino pa?" "Kayo ha, may inililihim kayong dalawa," tudyo ni Anne. "Cute ang baby namin, Anne." "Napaka-cute na baby. Mabalahibo nga, eh," sabi niya. "Balbon?" sabi ni Anne. "Hindi. May buntot pa nga saka tumatahol." "Aso?!" Natawa si Anne. "Akala ko may bundles of joy na kayo. Magni-ninang lang ako kapag may totoong baby na ninyo." "Basta magni-ninang kami sa anak mo. Tapos!" pag-iwas niya sa usapan. Nakahinga siya ng maluwag nang baguhin ni Anne ang usapan. Imposibleng maging sila ni Dean. Bakit ba hindi maintindihan ng mga ito na magkaibigan lang sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD