CHAPTER 24

1290 Words
"Hindi ko maintindihan, anu bang nangyayari?" naguguluhang tanung ng chairman na inaalalayan ni Hassan. At biglang pumunta sa unahan si Tamilla , nakangiti pa ito at panatag na ilantad ang katotohanan. "Total nandito naman kayong lahat, Cassiv anu? Ako ba ang magsasabi o ikaw?" Lumapit si Cassiv para pigilan sana siya. Ngunit si Tamilla ay kaagad na napakapit sa bisig nito. Maging ang chairman ay hindi na nagugustuhan ang pinapakitang subrang malapit ng dalaga sa apo niya. Hagyang lumayo si Cassiv rito at sya namang lumapit kay Cataleya na nagmamakaawa. "Cassiv!! Kung ayaw mo sabihin sa kanila pwes ako ang magsasabi!!" "Don't listen to anything that she said, she was joking." pagkukumbinsi nito. "Let her talk! unless kung may kasalanan Kang ginawa." sambit ng matanda. "Dinadala ko ngayon ang totoong Mondragon. Oo tama kayo ng narinig, buntis ako at si Cassiv ang ama!" Lakas loob nitong sigaw at nangingiti pa. Nanghina at binalot ng pagkagulat ang lahat sa sinabi ni Tamilla. Lalong lalo na si Cataleya, doon nya napagtanto ang totoong nangyayari at saka bumgsak ang malalaking butil ng luha. Pilit syang Nilalapitan ng asawa ngunit taas ang kamay niyang pinipigilan ito. Nakaluhod at nagmamakaawa na sincassiv hindi lamang sa kanya kundi pati sa kanyang lolo. "Anung kalokohan ang sinasabi mo, iha?" Si Darius na nagulat din ngunit inaawat sya ni Samira. Nilapitan ni Cassiv si Tamilla para pigilan pa sana ngunit naunahan sya ng kanyang lolo at isang malakas na sampal ang natanggap nya mula rito. "Pakkkkkkk" Na mas ikinagulat pa ng lahat. Mabilis naman na tumutol rito si Samira at agad na dinepensahan si Cassiv. "Anung karapatan mo para gawin ang pangloloko mo sa bahay ko!! Anung pumasok sa kukuti mo at nagawa mong pagtaksilan ang asawa mo?!!" Sigaw nito. "Lolo, I'm sorry, I admit that I made a mistake! At kung kailangan na bugbugin ako para matauhan, tatanggapin ko...but please, forgive me and let me fix this." Pagmamakaawa nito sa matanda. "Mr. Chairman, hindi naman tama na ipahiya mo ang apo nyo sa gaya nito? He's still your grandson!" "Manahinik ka Samira! At hindi ako kunsintidor na ama gaya nyong mag-asawa! At kahit na gawin ko ang sinasabi mo Cassiv, huli na. Nasaktan mo na ang asawa mo maging ako. At nakabuntis ka pa ng ibang babae! Isa Kang kahihiyan sa pamilyang ito!!!" Napahawak ang matanda sa dibdib at tuluyan ng natumba. Mas lalong nagkagulo ang lahat ng mawalan ito ng malay. Nawaglit panandaliang ang problema nila at mabilis na itinakbo sa hospital ang chairman. Samantala, nagwawala at pinagtatapon ni Cataleya ang mga bagay na makita nya sa kanilang kwarto. Walang humpay syang nagsisisgaw at hindi mawala sa isip niya ang katanungang "BAKIT?" Hindi naman makapasok si Cassiv kahit anung pakiusap at pagsisigaw niya sa labas ng pinto dahil inilock iyon sa loob. Nag-aalala sya na baka kung anung posibleng magawa ni Cataleya sa loob ng kwarto nila lalo na ng bigla itong tumahimik. "Cataleya,...let me in okey? Please, talk to me honey..." Pag-iyak pa din ni Cassiv. "Senyorito ito na po ang susi." Singit ni Darya na hinihingal at inabot ang susi. Nanginginig ang kamay nitong binubuksan ang padlock at ng mabuksan ay nadatnan nilang nakasandal si Cataleya sa kama, tulala at duguan ang kamay at hita. Si Darya ay mangiyak na din dahil sa kalagayan ni Cataleya. Nagkalat ang mga basag na salamin at ilang gamit. "Darya, kunin mo ang first aid kit sa baba, bilis!" Tarantang sumunod naman ang dalaga. "Honey....." Niyakap nito ang asawa na noon ay tulala parin at patuloy na tumutulo ang dugo. "I'm sorry...hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita kitang ganito, patawarin mo ako Cat...patawad." Maya-maya pa ay kasama na ni Darya si Esther na umakyat bitbit ang gamit at mga panglinis. Maingat nilang nilinis ang mga galos na natamo ni Cataleya sa kamay at braso. Pagkatapos na malinisan ang sugat pati na ang buong paligid ng kwarto ay inutusan ni cassiv na bumaba na ang dalawa dahil mag-uusap silang mag-asawa na agad naman sinunod ng mga ito. Nung una ay tahimik pa rin si Cat, walang imik o kibo. Kahit anung pagmamakaawa ni Cassiv ay para na syang namanhid. Hanggang sa muli na naman tumulo ang luha nya at makahulugang tumingin sa asawa. "Bakit mo nagawa ang bagay na 'to saken? Gusto ko malaman, Cassiv....bakit? San ako nagkulang?" Tanung nito habang titig na titig sa asawa. Hindi alam ni Cassiv ang sasabihin sa halip ay umiyak din sya. Inisip nyang kahit lumuhod sya at magmakaawa ay Hindi na maibabalik pa ang nangyari. At Hindi pa niya natanggap at lalong nagpapahirap sa kanya ay buntis si Tamilla at sya ang ama ng dinadala nito. "Patawarin mo ako, alam kong hindi sapat lahat ng paliwanag na sasabihin ko pero maniwala ka, nagkamali ako at nagkasala. Mas humihingi ako ng tawad dahil ang pagkakamaling iyon ay may na nabuo at hindi ko kayang tangihan. Patawad." "Walang alam ang bata, Cassiv. At alam Kong mas pipiliin mo sya dahil alam ko at ramdam ko kung sabik kang maging ama. Pero ako ang asawa mo, ako dapat ang magiging ina ng mga anak mo hindi ang pinsan ko. Kung may hindi ako naiibigay sana ako ang kausapin mo hindi maghahanap ka ng ibang babae na magkakalinga sayo...siguro tama sya, nagkulang ako kaya mo 'yun nagawa....pero gusto ko pag-isipan mong lahat ang magiging desisyon mo simula ngayon..." Pagkasabi nun ay humiga sya at ipinikit ang mga mata. Naiwang nakaupo si Cassiv na patuloy na umiiyak. Sa kabilang banda, hindi naman naging malala ang nangyari sa chairman. Iniuwi din ito agad dahil sya mismo ang nag request na sa bahay na magpapahinga. Pagkabalik sa mansyon ay kaagad niyang pinatawag sina Samira at Darius para alamin ang totoong detalye, ngunit pareho itong walang maisagot. Hanggang sa pinatawag sina Cassiv at Tamilla para pag-usapan ang gulo na nangyari kaninang umaga. "Pumapayag akong ituloy ang pagdadala sa bata, pero sa Isang kondisyon....aalis ka sa bahay ko kapag dumating sya sa edad na Sampung taon. Nauunawaan mo ba, Tamilla?" Halos maluwa ang mata nito sa sinabi ng matanda. Hindi nya kayang gawin, dahil alam nyang sa panahon na yun ay Masaya na silang tatlo ni Cassiv na magkasama. "Kung ayaw mo sa kondisyon ko, makakaalis kana. Nasa sa iyo kung ipagpapatuloy mong dalhin ang bata at sa ayaw at gusto mo ibibigay mo sya samen sa oras na manganak ka. " "Grandpa, this is unfair----" "Manahimik ka!!! Hindi Ikaw ang kinakausap ko!* "Ang labo nyo naman, Mr. Chairman. Ginusto naman namin ni Cassiv ang nangyari at alam ko na gusto nyo ng apo na magmamana ng properties nyo. Hindi ako lalayo, dito ako sa mansyon at dito ko sya aalagaan at iingatan." Palaban ni Tamilla. "Wala kang karapatan na banggitin ang mga bagay na iyan!" "But, grandpa anak ko sya, hindi nyo sya pwedeng ilayo saken." "Talagang tuluyan Ng nalason Ang isip mo Cassiv. Tandaan mong may asawa ka! Sige na lumabas na kayong dalawa sa opisina ko!" Pagkataboy nito. Nagdadabog si Tamilla habang naglalakad. Ngunit natutuwa sya dahil narinig niyang pinaglaban sya ni Cassiv sa kanyang Lolo. Kaya agd itong lumingkis na Naman sa braso nito. "Please, Tamilla stop doing this! You ruined everything. And now I don't have anyone I can speak with..at saka gusto ko muna mapag-isa." Umirap ang mata nito sa sinabi ni Cassiv. "Fine!" Malditang sabi nito at naglakad palayo. Mag-isang nagmukmok si Cassiv sa kanyang blue house, mag-isang nag-inom para kahit panandaliang makalimutan ang problema. MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN Bumaliktad ang lahat. Dahil sumang-ayon ang lahat na ipagpatuloy ang pagbubuntis ni Tamilla ay sya na ang laging masusunod sa mansyon. lahat ng luho nito ay ibinibigay, mapa pagkain , materyal o kahit financial. Na Hindi matanngap ng karamihan sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD