CHAPTER 25

1561 Words
Isang araw nagkaroon ng biglaang pag-alis si Cassiv at ilang personal matter ay palihim at sinulit ang pagkakataon na pinuntahan ni Cataleya ang pinsan niya sa kwarto nito na noon ay nagbubuhay reyna na. Kahit ilang buwan na ang lumipas ay Hindi pa din nya ito kinakausap dahil sagad sa boto ang galit nito dito. Hindi na sya nagpasubaling kumatok pa sa pinto at nadatnan niyang nag-aayos ng baby dresses ang pinsan. "Oh! Hindi ka ba marunong kumatok sa kwarto ng may kwarto?" Pagmamaldita nito. "Kailangan pa ba? Sana naisip mo din yan nung bigla kang pumasok at nakisawsaw sa asawa ko." Palaban na sagot ni Cataleya. Alam niyang tinamaan ito sa prangkang sinabi dahil napatahimik ito. "Ah nga pala, hindi ka ba nag-aalala na ilang araw na syang wala?" "Nasa bakasyon sya." "Yun ba ang paalam sayo?" Natatawang sabi nito. "Naku, akala ko pa naman nagsasabi ng totoo ang lalaki sa mga mistress nila, nagsisinungaling din pala." Dagdag pa niya. "Anu bang kailangan mo? Para sabihin ko sayo, anak nya ang dinadala ko. At baka nakakalimutan mo, ako ang kinakampihan ng lahat at hindi ikaw. At si Cassiv, kelan ka ba nya huling kinausap at nakasiping?" Pang-iinsulto ni Tamilla na syang napatigil kay Cataleya. "At...naku, 3 months nalang manganganak na ako, ngayon palang nga hindi na kayo nag-uusap paano pa kaya kapag lumabas na itong baby namin." Dagdag din ni Tamilla at hinhimas ang sariling tyan. Pilit na tinatago ni Cataleya ang sakit na naramdaman niya. Alam kasi niyang talo sya kapag nakapanganak nga si Tamilla. Ngunit mas nangibabaw pa din ang galit nya at lalo lang syang nainis sa pinsan. Nilapitan niya ito at agad na hinawakan sa buhok. "Ganun ba? Akala mo naman madadala mo ako sa ganyang pananakot mo! At akala mo hindi kita papatulan kahit buntis ka?!" At sinabunutan ito. "Ahhh arayyyyy!" Hawak niya sa sariling buhok para pigilan ang pinsan. Bigla din naman hinablot ni Tamilla ang mahabang buhok ni Cataleya at kapwa nila pinipigilan ang bawat isa. Rinig na rinig sa buong kwarto at labas ang malalakas na sigawan at sagutan nila. Hindi pa agad nabuksan ang pinto dahil inilock ulit 'yun ni Cataleya. Panay katok na sina Samira at Darius, maging ang ilang katulong dahil naririnig na din nila ang mga naglalaglagan na mga gamit sa loob ng kwarto. "Ma? Pa? What's wrong?" Ani Cassiv na Bigla nalang sumulpot. "Oh my goodness,iho! Sina Tamilla at Cataleya kanina pa ang-aaway sa loob! Baka kung anu nang nangyayari sa kanila." Ani Samira. "What?? And then, what are doing here? Nakikinig?!" "Yang magaling mong asawa, nilock sa loob! Kinuha na sa baba ni Darya ang main keys." "Cataleya, Tamilla, open this door!!" Sigaw ni Cassiv at kinakalabog ang pinto. Nang mabuksan ito at bumungad sa kanila ang nakaupong si Tamilla, at tulalang nakatayo si Cataleya habang nakatingin ng masama sa pinsan. Magugulo ang mga buhok at hinihingal at napasigaw si samira ng makitang may dumaloy na dugo sa hita ni Tamilla. Nagkagulo sila at sa halip na kay Cataleya lumapit si Cassiv ay mabilis itong tumakbo kay Tamilla. "Tamilla, are you okey?? Tamilla!" Yugyog nito sa dalaga dahil napapapikit na ang mata. Kahit isa ay walang pumansin kay Cat, at mas masakit pa sa sabunot ni Tamilla ang harap-harapang nakikita niya. Ni kahit magkamaling tignan sya ng asawa ay hindi nito nagawa. Hindi niya pinahalata ang nangingilid na luha sa halip ay nanatili lang syang nakatayo. Binuhat naman ni Cassiv si Tamilla para dalhin agad sa pinakamalapit na hospital. Hanggang sa naiwan si Cat na mag-isa sa kwarto ng pinsan at doon ibinuhos ang mga luhang kanina pang gustong pumatak. Marami syang katanungang hindi masagot, hirap na hirap na syang harapin ang bawat bukas ngunit umaasa pa kasi syang kapag manganak si Tamilla ay magbabago na ang lahat at babalik sa dati. Agad niyang tinungo ang kwarto at doon humagulhol. Hanggang sa nakita niya ang larawan nila ni manang Azita. Kinuha niya ito at niyakap, kung nasa tabi niya ito ngayon ay siguradong hindi sya nito pababayaan at hindi niya ito hahayaan na mangyari ang mga bagay na nangyayari sa kanya. --------------------------]]]] "Don't worry, they're both fine. Wala naman nangyari sa baby, sa sunod mag-iingat nalang sana. Kayo ba ang husband ng patient?" Tanung ng doctor. Hindi alam ni Cassiv ang isasagot. "Kung kayo sumunod kayo saken." Tumango si Samira sa anak at alam na nito ang ibig sabihin. Nang makabalik si Cassiv at ipinaliwanag sa kanya ang mga hindi dapat gawin ni Tamilla ay sinalubong sya ng ina nito. "Kamusta? Pwede ba na sa bahay nalang daw sya magpahinga?" "Yes ma." Ngunit wala sa wisto si Cassiv. "That's good to hear. Hay naku, kasalanan 'to nung Cataleya na 'yan! Anu bang pumasok sa kukuti niya para gawin yun kay Tamilla. Alam naman niyang buntis ang pinsan nya!" Gigil na sabi nito. "Ma, hindi naman natin alam ang totoong nangyari. Nagkataon lang na naabutan nating may ginagawa na sila. Kaya please, don't talk to her like that." "Naku sya pa ang kinampihan mo! Mabuti nalang at walang nangyari sa anak mo. Ah nga pala, biglaan ata ang pag-uwi mo at sakto pa talaga." "I just finished my work there. And then they allow me naman. Ibinilin ko nalang sa secretary ang ilang paper works." "Ganun ba? Kung anung syang bilis mo ganun naman ang dad mo, mukhang matatagalan pa syang umuwi." "Don't worry about him ma, nagkapag-usap kami yesterday and he said he was fine." At pagkatapos ay sabay silang pumasok sa kwarto kung saan naka admit si Tamilla. Gising na ito at parang totoong asawa at manugang na nagpapabebe sa dalawa. Todo asikaso naman si Samira rito ganun din si Cassiv. Samantala, naabutan ni Esther na naglilinis ng sariling sugar si Cataleya sa kwarto nito ng maghatid ng paborito nitong evening juice. Nagulat pa ang dalaga dahil madami pala itong natamong galos sa hita at tuhod. Nagpresenta pa itong agawin sa senyorita ang ginagawa ngunit ngumiti lang ito at tumanngi sa halip ay pinababa at pinagpahinga. -----------]] Makalipas ang isang oras ay umuwi si Cassiv sa mansyon, at naabutan pa nyang kumakain sina Esther at Darya sa kusina. "Senyorito, pasensya na po hindi namin kayo napansin." "No! Don't mind me, just eat. Aalis din naman ako, at nga pala paki ayos ng kwarto ni tamilla dahil uuwi din agad sya bukas ng umaga." "Maayos na po senyorito." Sagot ni Darya. "By the way, kumain na ba ang senyorita nyo?" "Kanina po pero tinapay lang. Nga po pala senyorito, hindi naman po sa nangingialam ako pero naabutan ko po sya naglilinis ng sugat sa kwarto kanina." Sumbong ni Esther. Nagulat naman si Cassiv, hindi niya napansin kanina. Dalidali syang umakyat sa taas matapos marinig si Esther, bigla syang nag-aalala sa asawa. Dahan-dahan pa niyang binuksan ang pinto ngunit naabutan nyang nakahiga at nakapikit. Marahan niyang nilapitan ang asawa at naluluhang hinawakan ang benda ng hita nito. "I'm so sorry." Bulong niya at hinalikan sa noo at saka inayos ang kumot. Hinaplos pa nya ang buhok ni Cat at saka muling umalis para bumalik sa hospital. Pagkalabas ni Cassiv sa kwarto ay Saka imunalat ni Cataleya ang mata at pinahid ang luha. ----------------------]] - - Nakangiting pumasok sa kwarto si Samira bitbit ang ilang prutas. "How are you feeling iha?" "Maayos naman na senyora, maayos na din naman po ako. Baka pwede na lumabas na din tayo bukas. Hindi ako sanay sa hospital." Hiling nito. "Sure. Pero kailangan mo ng dobleng ingat kapag umuwi na tayo. And about what happened earlier, kakausapin ko si Cataleya. Nasisiraan na talaga ang babaeng 'yun. Pati buntis papatulan." "Salamat po at naiintindihan nyo ang kalagayan ko." "Of course iha, paano nalang kung anu ng nangyari sayo kanina, baka mawalan na naman ako ng apo." Nagkangitian pa ito sa isa't isa at ganun na kapanatag ang loob ni Tamilla sa Ina ni Cassiv. Minsan madalas pa silang napagkakamalang mag-in laws. - - Dalawang araw ang lumipas, habang nililinis ni Cataleya ang gilid ng swimming pool at pinupulot Ang mga dahon ay nilapitan siya ni Darya at nahiya sa sarili. "Naku senyorita, Hindi nyo kailangan gawin yan . Kami po ang gagawa nyan pumasok nalang po kayo sa loob." "It's okey. Pakiramdam ko nanghihina nag katawan ko dahil hindi na ako napagpapawisan. Let me do this. Kaya ko naman." Sabay ngiti nito. "Naku senyorita,magagalit po si sir Cassiv kapag nalaman nya. Ako na po." hindi maipintang tutol ni Darya. "Hayaan mo sya, gusto nya magpasikat kaya ganyan." Singit naman ni Tamilla sa likuran. Tinignan naman ng masama ni Cataleya ang pinsan at inutusan na pumasok na si Darya. Walang nagawa ito kundi sumunod at sa halip ay tinawag si Samira at Cassiv dahil alam nyang may mangyayari na naman sa dalawa. Hindi pinapansin ni Cataleya si Tamilla, patuloy lang ito sa pagpulot ng mga dahon ngunit si Tamilla ang pilit syang iniinsulto kakasunod. "Hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo saken last day?" Ngunit hindi pa din sya pinapansin nito. "Bingi ka ba??!"" Tumingin sa kanya ang pinsan at hagyang lumapit. "Rinig kita, at bakit ako magsosorry sayo? Ikaw ba naisip mo magsorry sa lahat ng pang-aagaw na ginawa mo? At para sabihin ko sayo, kahit magsorry ka at lumuhod sa harapan ko hinding hindi ko ibibigay ang kapatawaran sayo! Dahil hindi mo alam ang sakit na idinulot mo saken, Tamilla!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD