"Kung anung nangyayari sayo, dapat lang kasi isa kang uto-uto at masyadong maarte! At ngayon kaya ka lang naman nagkakaganyan dahil saken napupunta ang atensyon ni Cassiv at lahat sila rito, sabihin mong nagseselos ka lang! Hmmm. Pati ang nangyari sa anak mo, kasalanan mo!" Sabi pa nito.
Natigil si Cataleya sa ginagawa at nagpantig ang tenga sa sinabi ng pinsan.
"Sabihin mo na ang lahat, Tamilla pero wag na wag mong idadamay ang anak ko! Hindi ko alam kung anung magagawa nila mom and dad kapag nalaman nila ang ginagawa mo, at ito ang tandaan mo! Darating ang araw na luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa, ngunit katulad ng ginagawa mo saken ngayon magiging matigas ang puso ko para patawarin ka." Makahulugang sambit ni Cataleya at tumalikod.
Ngunit sa halip na matauhan at mas nagalit pa si Tamilla at mabilis na humakbang para habulin si Cat at ng maabutan ay agad na hinawakan ang buhok nito. At dahil dun ay biglang na out of balance si Cat at sabay silang sumigaw at nahulog sa tubig. Sakto at nagmamadaling tumakbo ang mag-ina at galit na galit na naman si Samira.
"What did you do?" Inabot ni Cataleya ang kamay sa asawa ngunit kamay ni Tamilla ang kinuha at iniahon sa tubig. Parang nanigas ang katawan ni Cat sa ginawa ni Cassiv, lalo ng makita na mas inaasikaso niya ang pinsan.
"Oh god! The h**l are you doing Cataleya??! Are you crazy?!"
"Are you okey?" Tanung pa ni Cassiv kay Milla.
Siya nalang ang tumulong sa sarili at umahon sa tubig. Agad naman na binigyan ng tig isang tuwalya ng katulong ang dalawa at kahit sa pagpasok sa mansyon ay alalay pa din ni Cassiv si Tamilla. Bagay na subrang nakakasakit para kay Cat.
"Cat, what happen to you? Hindi pa ba sapat yung nangyari last time and now may balak ka pang ilumos si Tamilla sa pool, knowing that she's pregnant!" Sermon nito sa asawa.
"But..." Magpapaliwanag sana si Cat ngunit agad din nagsalita si Cassiv.
"The next time that you're going to hurt her, I'm so sorry. Hindi ko alam ang masasabi ko." Dagdag pa ni Cassiv.
"Sandali, Cassiv. Hindi naman ako ang nauna at hindi ko sya tinula----"
"Stop it cat. I knew it!"
"Tama sya. Magsisinungaling ka pa, kitang kita naman. Naku Cataleya ha, sa oras na may mangyari kay Tamilla at sa apo ko hindi kita mapapatawad! Hindi mo kailangang manakit o saktan sya!!" Sulsol pa ni Samira.
Mabilis na bumagsak ang luha ni Cat. Hindi dahil sa mga sinabi nila kundi sa sakit na pinapakita at pinaparamdam sa kanya ni Cassiv. Dapat sya ang kinakampihan nito hindi ibang babae.
"Cassiv, ma, anu bang nagawa ko?" Tuloy tuloy na pag-iyak niya. Nagulat naman si Cassiv at maging sya ay parang natauhan sa ginawa nya. "Honey, ganun na ba ako para sayo? Hindi na ba ako importante para ako naman sana ang tulungan mo?...nahulog din naman ako sa pool, pero ibang kamay ang kinuha mo....marami akong sugat pero ni minsan ba ginamot mo? Ang dami kong problema simula ng mawala si Naheem, Minsan ba tinanung mo ako?...bakit? Anung nangyari sating dalawa?" Hagulhol ni Cataleya, kahit sina Darya at Esther at umiiyak na din sa gilid.
"Shut up Cataleya! You dont----"
"Ikaw din ma, ako ang daughter in law mo at hindi sya pero bakit sya lagi ang kinakampihan mo?? Ako ang asawa ni Cassiv, kayo dapat ang nasa tabi ko at isa sa nagpapalakas ng loob ko dahil sa nangyaring problema pero heto kayo ngayon, pinapalabas nyo na ako lagi ang mali...ako lagi ang may kasalanan kahit hindi!.." pagpapatuloy ni Cataleya at tahimik lang silang nakikinig. Lalapitan sana siya ni Cassiv ngunit pinigilan siya ni Tamilla.
Patakbong umakyat si Cataleya sa taas at isinara ang pinto at kinandado. Iniyak niya ang lahat ng sakit at nagsisigaw. Kahit anung katok ni Cassiv at tila bingi na sya para pakinggan ito.
At dahil hindi na nya nakayanan pa ang sakit na nararanasan niya sa piling ng asawa at maging in-law niya, ay doon pa lang syang naglakas loob na magsumbong sa mom at dad niya dahil hindi na niya kayang sarilinin pa ang problema.
Nang malaman ng magulang nya ay ng gabi ding iyon ay bumili agad ng plane tickets para umuwi sa pilipinas. Lalo na ng malaman nilang ang panglolokong ginagawa ni Tamilla, hindi nila lubos na akalain na si Tamilla ang magiging sanhi ng paghihirap niya kahit pa ibinigay na nya lahat ng aruga at pagmamahal rito.
Hindi lang kay Tamilla nagalit ang mga magulang nya kundi kay Cassiv at sa lahat ng Mondragon. Hindi nila inisip na raranasin ng anak nila ang pasakit na nararamdaman nito ngayon. Wala din magawa sina Farah at Javan kundi umiyak habang kinakausap ni Cataleya habang ka video call.
Hanggang sa ang dating puso ni Cat na maunawain ay naging matigas at parang namanhid. Nung una ay nagtataka sina Samira sa pinapakita niya, at si Tamilla kahit anung pangbubweset niya at tila naging bato na si Cataleya. Ang tanging gusto nalang nya ay magpakalayo layo sa mga ito.
Isang araw, nagmamadaling tumakbo si Darya para ipaalam na nasa labas ang ama at Ina ni Cataleya. Nagtataka naman ang mag-asawa lalo na sina Cassiv at Tamilla sa biglaang pagdalaw ng mga ito na walang pasabi.
Nag-madali silang nag-ayos at nagpahanda ng mga pagkain. Nagtatakbo din si Darya sa kwarto ni Cataleya para ipaalam na nasa baba ang magulang niya ngunit ganun nalang din ang gulat nya na makita ang mga naglalakihang maleta at nakaimpaking mga gamit nito.
"Senyorita?"
"Oo darya, kung anung iniisip mo tama ka. Hindi ko na kaya pa ang magtagal sa mansyon na ito kung sarili kong asawa at pinsan ay harapan akong niloloko." Sambit nito. At hinila pababa ang mga maleta.
Sa kabilang banda ay sinalubong naman nina Samira ata Darius ang mga balae, nasa likuran lang si Tamilla at hindi nagpapakita.
"Mga balae, kamusta? It's been a long time since you last visit here-----" bati ni Samira at balak pa sana magbeso kay Farah ngunit umiwas ito kaya napahiya si Samira.
"Where is Cataleya?" Tanung nito.
"Pa, ma, sana po nagsabi kayo para po----" magmamano sana ngunit isang sampal ang natanggap niya. Napatakip ng bibig si Samira at nagulat si Tamilla at Darius.
"Wala kang karapatan na tawagin akong mama! Ilabas mo si Cataleya! Nasaan ang anak ko?!" Sigaw ni Farah at sinunsun ang loob ng living area.
"Teka! Teka! Sandali, anu bang nangyayari? Hindi ko maintindihan?" Ani Samira.
Hinarap sya ni Farah at natatawang tinitignan.
"Totoo nga ang sabi ng anak ko, magaling kang magsinungaling at magkunwaring walang alam! Simula't sapol alam mo na ang totoong nangyayari, Samira! At nakakahiya ka!" Sumbat niya rito.
Maya-maya pa ay palapit na si Cataleya, bitbit ang ilang mahalagang gamit at isang maleta. Hila din ni Darya sa likuran nya nag dalawa pa.
Naglalakihang mata na sinalubong ito ng asawa at nagtataka.
"Honey? Honey? What are you doing? Ba-bakit ang....ang dami mong dalang gamit?" Ngunit nilampasan lang sya ni Cataleya sa halip at dumiritso sa sasakyan ng ama.
Hinarang sya ni Farah at Javan dahil pilit itong lumalapit kay Cataleya.
"Honey.... please don't do this.... Cataleya!" Ngunit bingi si Cat na pakinggan sya.
"Cassiv, enough. Sadyang nabulag na ang asawa mo sa kasalanang alam nyang ginawa natin sa kanya kahit wala naman." Hirit ni Samira.
"Javan, let's go! Hindi na pinag-aaksayahan ng oras ang mga taong gaya nila." Palaban naman na sagot ni Farah.
Ngunit pilit na humabol si Cassiv at Doon ay naiiyak ng hawak at pigil ni Tamilla ang lalaki.
"Please..dad...let me talk to her..." Pakiusap pa nito.
"Don't call me by that name! Because you betrayed and hurt my daughter! You are no longer my son in law!" Matigas nitong sabi kay Cassiv. "Ahhh nga pala, hindi ako makapaniwala sa ginawa mo Tamilla. Sana hindi ka pa nasisiraan ng ulo at pumatol ka sa kanya na hindi mo pa lubusang kilala." Dagdag pa ni Javan at sumakay sa sasakyan.
Tahimik at tulala na naiwan ang mga Mondragon. Nang malaman pa ito ng chairman ay mas lalong lumala ang kalagayan nito dahil pwedeng makaapekto sa kanilang negosyo at imahe ang nangyayari.
Habang palayo ng palayo ang sasakyan sa mansyon ay saka humagolhol si Cataleya. Niyakap naman sya ng ina at maging ito ay napaiyak din. Hindi naman napigilan ni Javan ang pagbagsak ng luha nya, panay ang sulyap nya sa side mirror ng sasakyan para tignan ang anak. Wala ng mas sasakit para sa gaya nilang magulang ang makitang nahihirapan ang anak lalo na at nag-iisa lang din ito.
"I'm sorry ma, pa. I'm sorry kung dinamay ko kayo sa problema ko." Sumbong ni Cat.
"Ssssh! You did great, anak. Tama lang na sinabi mo samen...it's a good decision. Kami ang dapat na humingi ng tawad para sa iyo dahil hindi namin alam ang nangyayari sayo, patawarin mo kami ng papa mo." Ani Farah at muli silang nag-iyakan mag-ina.
Nang makauwi ang mga ito ay sinalubong sila ng dalawang katulong. Hinakot ang mga gamit ni Cataleya at dinala sa kwarto nito.
Bakas kay Cataleya ang pagkakaroon ng paninibago, habang binabaybay niya ang kwarto niya ay hindi niya mapigilan na tignan ang bawat sulok ng bahay nila.
Makalipas ang ilang oras, binisita sya ng ama niya sa kwarto para mas mag-usap ng masinsinan.
"Anak? Pwede ba ako tumuloy?"
"Yes pa." Nakangiting binuksan ni Javan ang pinto saka lumapit sa anak.
"I'm sure you missed this room, Wala akong ginalaw rito kahit na anu simula nung kinasal ka." Malambing na sabi ng ama.
"Kaya nga dad. Si mom po?"
"Nagpapahinga na sya, bukas nalang kayo mag-usap. Ahm Cat?"
"Hmm?"
"I know you're an adult na, you're married and strong. But, you're still my daughter, my princess, and my baby girl. I'm so sorry dahil wala ako kami ng mom mo sa panahong hirap kana. Hindi namin alam. We're sorry. Malayo sa imahinasyon ko na gagawin sa iyo ang bagay na ayaw kong maranasan mo dahil isa kang mabuting anak at asawa. Mahal kita at hindi ko hahayaan na maulit pa ang bagay na ito, at pinapangako ko hinding hindi kana malalapitan pa ng damuhong 'yun." Wika nito at niyakap ang anak.
"Thanks pa. I love you too, kayo ni mama. Kayo ang totoong meron ako." Tugon ni Cat.