CHAPTER 27

1656 Words
Samantala, hindi mapakali si Cassiv, hindi niya inaasahan na aalis ng ganun si Cataleya na hindi nagpaalam sa kanya. Napasuntok sya sa pader at nagsisigaw. Pilit syang pinapakalma ni Tamilla ngunit hindi ito nakikinig sa halip mailang beses niyang sinusubukan na tawagan si Cataleya at dahil hindi ito sumasagot at tinapon ang telepono. KINABUKASAN...... "Gisingin mo na ang senyorito, kakain na." Utos ni Samira kay Darya. "Sige po." Pag-akyat ni Darya sa taas ay nadatnan niyang nakaupo si Cassiv malapit sa bintana. Tulala at mukhang malalim ang iniisip. Ayaw sana niya istorbohin ito ngunit baka pagalitan naman sya ni Samira. "Ahm magandang umaga senyorito." Lumingon ito sa kanya. "Kakain na daw po kayo, sabi ni senyora." "Sige. Susunod ako." Sambit nito. Yumuko si Darya at saka isinara ang pinto. "Oh, where is he?" "Susunod na daw po sya." "Hay naku, bakit ba nangyayari ito?" Sambit ni Samira. "Kagabi pa syang ganyan, simula nung umalis si Cataleya! Anu bang pinoproblema niya sa halip na natuwa sya dahil wala ng pwedeng komontra." "Wag po kayong mag-alala senyora, kakausapin ko po sya. Hayaan nalang po muna natin sya mag-isip." "Hmm. Sige. Mas nakikinig sya sayo kesa saken na ina nya. At saka, don't call me senyora ,Tamilla. Simula ngayon, mama na din ang itawag mo saken." Sabay ngiti nito. Nagulat naman si Tamilla sa sinabi ng matanda, hindi nya inaasahan na mangyayari iyon dahil wala naman sa plano nya. "Talaga po? Ma-mama?" "Nakakatuwa. Mas bagay pakinggan kapag galing sayo." Halakhak ni Samira na sinabayan ni Tamilla. ----------------[DIAZ]---------- "Hi. Kamusta ka anak? Nabanggit saken ng dad mo na nag-usap kayo kagabi. Pasensya kana nakatulog ako ng maaga." Paglalambing ni Farah habang nakaupo si Cataleya sa sofa. "No it's okey ma. Inaayos ko pa din ang sarili ko, at salamat dahil nandyan kayo ni papa. Nakakalungkot lang kasi dapat sa mga oras na ito masaya tayo, karga sana si Naheem ng dalawang kamay ko...but it's fine....hindi ko lang po talaga maiwasan na maisip sya minsan.." "I understand. Dahil isa kang ina, anak. Walang ina sa mundo ang hindi kayang maalala ang anak kahit na yumao na. At ito ang lagi mong pakatatandaan, nandito kami ni papa mo kahit anung mangyari. Tayong tatlo ang magtutulungan. Okey?" Napangiting pinunasan ni Cat ang luha at saka yumakap sa ina. Mahigpit at may kasamang pagmamahal. Napansin iyon ni Javan na may dalang mainit na coffee palapit sa kanyang mag-ina. "Wow, nakkaingit naman." Basag nito ay kumawala sa isa't isa ang dalawa. "Namiss ko lang itong anak natin. Matagal tagal din kasi bago ko sya huling nayakap." Ani Farah. "Nga pala, nak. Hindi ko na nakita si manang Azita, anu kayang balita sa kanya at bigla na lang syang naglaho na parang bula at walang nakakaalam kung nasaan sya." Tanung ni Javan. "You're right. At saka malabo at parang hindi magagawa ni manang ang mga ibinibintang ng mga Mondragon sa kanya. Kilala ko sya, but still palaisipan pa din ang lahat ng nangyari." "Ipinahanap ko na din po sya, ngunit walang kahit isang nakapagsabi kung nasaan sya. Pero kahit anu naman ang ibintang nila mahirap paniwalaan pero may katanungan ako para sa kanya." "Okey Sige. Tama ang mga usaping hindi konektado dito sa bahay, simula ngayong araw na ito wala ng babanggitin na kahit anu tungkol sa mga Mondragon. Maging masaya tayo sa araw-araw at wag na nating isipin pa ang problema. Sang-ayon ba ang mag-ina ko?" Nakangiting sabay na tumango ang dalawa. -------------[MONDRAGON]----------- "San ka pupunta?" Tarantang tanung ni Tamilla kay Cassiv. "Pupuntahan ko si Cataleya. Kailangan naming mag-usap, hindi pwedeng ganito nalang ang mangyayari sameng dalawa." "Para san pa? Hindi! Hindi ka aalis ng bahay na ito! "Kailangan naming mag-usap, Milla. She needs my explanation-----" "Dito ka lang, walang aalis!" Singit ni Samira at nagulat pa ang dalawa. "Kung talagang kailangan nya ng paliwanag mo, dapat inisip nya iyon bago sya umalis sa mansyon." "Pero ma!!!" "Wag mo akong suwayin Cassiv, walang mangyayari kahit pa pumunta ka dun at magpaliwanag. Nakita mo kung gaanu sila magalit nung kinuha nila si Cataleya. And ayoko may mangyari sayo..." Matigas na sabi ng ina. Napasuntok sa pader di Cassiv at umupo sa kama. Hinayaan naman ito ni Samira at Tamilla kahit na may tumutulong dugo sa kamao nito. ---------- Lumipas ang araw, linggo at buwan. Wala ng aras na pinapalampas Sina Tamilla at Samira, halos lagi ito namimili ng mga gamit at bukod pa ang bigay ng ilang mga kaibigan. Ngunit parang wala lang kay Cassiv, hindi sya nakakaramdam ng saya sa halip pakiramdam niya ay subrang lungkot niya. Ang tanging nasa isip niya ay si Cataleya, ang asawa nya. Hanggang sa isang gabi, gumawa sya ng paraan para makaalis. Nagsinungaling syang may party sina Thaddeus at kailangan ng presence nya. Pumayag naman si Tamilla at hindi tumutol dahil kaibigan niya ito. Hindi nag-aksaya ng panahon si Cassiv. Maaga sya umalis para Hindi sya abutin ng gabi. Natatakot man sa pwedeng mangyari kailangan nyang subukan. Higit pa dun, gusto nya makita ang asawa niya. -------------- "Naku sir, paumanhin po. Mahigpit pong bilin samin ni sir Javan na huwag kayong papasukin." "Please, I need to talk to your senyorita. Please..." Pakiusap ni Cassiv. Dahil sa ingay ng tahol ng aso ay bumaba sina Javan at Farah. Ngunit ng Makita nilang nakapasok na si Cassiv sa living area at pinipigilan ng isang katulong ay nagalit si Javan at muling bumalik sa kwarto. Lalabas na din sana si Cataleya ngunit pinigilan sya ng ama. "Pa, anung meron?" Tanung ni Cat. "Wag na wag kang aalis dito. Nasa baba Ang magaling mong asawa!" "Po???" Pagbaba ni Javan ay may dala na itong shot gun. Nagulat naman si Farah dahil sa ginagawa ng asawa nya. "Javan, what--" "Farah, samahan mo ang anak natin sa kwarto nyan. Wag na wag mo syang palalabasin. Paalisin ko lang itong asungot na ito!" Palinga-linga pa si Farah na nililingon ang asawa. Natatakot sya sa pwedeng magawa nito kay Cassiv. "Kapag sinabing hindi pwede, Hindi pwede. Narinig mo naman siguro ang sinabi ng kasambahay namin na hindi ka pwedeng tumuloy!" Malakas na boses ni Javan. Nagulat at natakot din si Cassiv dahil nakatutok sa kanya ang baril. "Ohh! Pa, please... don't do that. Pumunta po ako para makausap si Cataleya... please, nakikiusap ako, palabasin nyo sya...gusto ko syang makita.." naiiyak na pakiusap ni Cassiv. "Wala na kayong pag-uusapan pa ng anak, iho! Umalis kana sa bahay ko Hanggat mabait pa ako." "Please....." "Aalis ka sa bahay ko? O gusto mong lagyan ko ng bala ang katawan mo?!!" Ilang saglit pa ay biglang sumulpot si Cataleya. "Anak?" "Catttt!" Sigaw ni Cassiv. "Pa, let me talk to him.. just five minutes...five minutes pa.." pipigilan pa sana ito ni Javan ngunit nakita nyang sunod-sunod din ang pagluha ng anak. Nakita din niyang sumenyas si Farah sa kanya na hayaan muna ang dalawa na mag-usap. Saglit na lumayo si Javan at nginitian sya ni Cat, lumapit sya kay Cassiv at magsasalita pa sana sya ngunit mabilis syang niyakap ng asawa. "Cat!!!! Thank you!!! I'm sorry...I'm really really sorry..." Hagulhol nito. "Patawarin mo ako...I know that I'm stupid but please....bumalik kana....hindi ako sabay na wala ka, para akong mababaliw. Miss na miss na kita, honey..." Hinahayaan lang ni Cat si Cassiv na sabihin ang lahat. Pinipilit nyang maging matigas ang puso para sa lalaking minsan niyang subrang minahal. Ngunit kahit anung pigil nya, ang mga luha nya ang sunod-sunod na pumapatak. Halos dalawang minuto ang tinagal ng pagkakayakap na iyon ni Cassiv. Lumuhod pa ito sa asawa at yakap-yakap ang bewang nya. Hindi sya nagsasalita dahil sa tuwing binabnngit nito ang sorry para kay Cat ginusto nya ang nangyari. "Tumayo kana dyan." Tumayo nga si Cassiv. Mugto na ang mata nito. Gustong gusto ng bumigay ni Cat dahil sa sitwasyon ni Cassiv. Ngunit nagmatigas pa din sya. Ang gusto ng puso nya ay yakapin na ang asawa ngunit sabi ng isip niya ay tama nya. Pinipigilan nyang umiyak sa harap ni Cassiv. "How are you?" Napangiti pa si Cassiv. "Medyo pumayat ka honey, kumakain ka ba ng tama sa oras?" Panunuyo pa nito. "Pasensya kana kung ngayon lang ako pumunta, gusto ko sana na sumama kana saken pauwi...subrang miss na miss na kita Cat...inayos ko nga pala ang kwarto natin, lagi din akong pumupunta at dinadalaw si Naheem....medyo malungkot lang sa part na hindi kita kasama..." Muling bumagsak ang luha ni Cassiv. "Cat, I'm really sorry....gusto kong bumalik na tayo sa dati. Ayoko ng ganito, honey... hindi ako mabubuhay ng wala ka....nakikiusap ako. Hindi mo ako kailangan patawarin agad, pero sana bumalik kana saken...kaya kong tiisin ang lahat basta kasama ka..." Muling paghagulhol ni Cassiv. Matigas na pinunasan ni Cat ang luha. "Tapos kana ba? Nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabihin? Kung oo, ako naman. Para malaman mo Cassiv, tapos na tayo. Wag ka ng umasa na babalikan pa kita, mag-kakanak ka ulit ngunit hindi saken kundi sa ibang babae! Sinayang mo ang pagmamahal na ibinigay ko sayo. Umalis kana, at wag ka ng babalik!!" Tumalikod si Cat at hindi na nya pinigilan pa na bumagsak ang luha niya...naiwan si Cassiv na tulala at biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabilis din na isinara ng guard at ni Javan ang gate. Naaawa man ay hinayaan na ni Javan si Cassiv na sa oras na 'yun ay basang basa na at tulala. Habang si Cataleya at yakap-yakap ng Ina na kapwa nakaupo na sa sahig. Labis ang pag-iyak ni cat sa bisig ng ina. Maging si Farah ay naawa sa kalagayan ng anak niya at maging kay Cassiv. Pero bilang ina at magulang, hindi nila pinapangunahan at dinediktahan si Cat. Dalawang oras ang lumipas. Kumalma na si Cataleya. Nagpapahinga na din ito sa kwarto niya. Hindi na tumila ang ulan sa halip mas lumakas pa ito. Nang muling sumilip sina Javan at Farah sa bintana ay nandun pa din si Cassiv at nakaluhod na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD