Nang muling sumilip si Javan ay wala na si Cassiv. Parang nabunutan sya ng tinik dahil sa kabila ng nangyayari ay nag-aalala din sya para rito. Matagal din ang pinagsamahan nila ng anak niya kaya hindi ganun kadali baliwalain ang lahat. Kailangan lang nyang ipakitang matigas sya para matauhan sa pagkakamali si Cassiv.
-------------------------]]]]
Samantala....nagmamadaling pumasok si Tamilla sa kwarto ng malamang dumating na si Cassiv. Galit na galit ito dahil alam nyang hindi ito nanggaling sa kaibigan kundi kay Cataleya. Nang buksan nya ang ilaw nakita nya ang boteng nagkalat sa sahig habang nakaupo si Cassiv. Nilapitan niya ito at susumbatan sana ngunit natigil sya ng Makitang umiiyak si Cassiv.
"Ca-cassiv? Umiiyak ka?"
"No!" Pag-iwas ng lalaki. "I'm fine."
"Yung totoo? Pwede ba na wag ka na maglihim saken, kasi ang totoo alam kong hindi ka naman talaga galing kina Thaddeus kundi kina Cataleya."
Tahimik lang si Cassiv at itinigil ang pag-inom.
"Bakit ba ayaw mong makinig na hindi ka pwede pumunta dun, tignan mo ang nangyari ? Wala diba?"
"Tamilla, please. Kung anu man ang problema ko at ni Cat labas kana dun. Just please...."
"Napakatigas kasi ng ulo mo! Iniwan ka na nga nya diba! Umalis na sya dito. Mamili ka, ako at anak mo o si Cataleya? Dahil kung hindi mo talaga kayang lumayo sa babaeng yun, ako ang gagawa ng paraan, magpapaprescon ako!!
"Because she's my wife!" Sigaw ni Cassiv. "And please, huwag kang umasta na parang alam mo lahat ng pinagdadaanan ko. At wag na wag mo din akong pangungunahan!" Dagdag pa niya. "And besides, I Love her.!"
"Sabi mo hindi muna sya mahal, Cassiv? Paano ako? Paano si baby?!!"
"Wala akong sinabi Tamilla, at yung nangyari satin, that was a very big mistake and you know that! And because of that, nawala saken lahat! How st*pid I am!" Hampas pa nito sa pader.
Pakiramdam ni Tamilla ay may nakadagok na malaki sa likuran nya matapos sabihin ni Cassiv ang mga binitwan nitong salita. Alam nyang wala syang karapatan sa lalaki dahil hindi pa sila tuluyang hiwalay nito. At wala syang magawa dahil kung magkataon sya ang manghihinhi ng awa at atensyon kay Cassiv.
Ilang minutong tahimik ang dalawa at walang kibuan. Kapwa sila nakaupo sa kama. Hanggang sa tumayo si Tamilla at nagpaalam kay Cassiv na babalik na sa kwarto nito. Wala din syang narinig na kahit anung sagot mula rito kaya marahan syang umalis.
KINABUKASAN...........]].
Isinantabi ng chairman ang galit nito matapos itong makipagmeeting sa mga boards. Pagkatapos na pagkatapos ay nagpahatid na ito sa mansyon kay Hassan. Parang aatakihin ito sa puso dahil sa malaking problema ang kinakaharap nila. Biglang bagsak at marami ang umatras sa mga investors nila. Dahil 'yun sa biglang pag-alis din ng mga Diaz sa pagiging partnership nila. Nagkalat sa ibat ibang social media platforms at maging magazines ang ilang mga balitang hiwalay na ang dalawa. Nagdulot ito ng malaking epekto at walang ibang sinisisi ang chairman kundi ang apo niya.
Pagdating sa mansyon, agad na pinatawag si Cassiv sa maid nito. Nakatayo lang ang matanda habang hawak ang tungkod niya. Alam na ni Samira ang nangyayari dahil si Darius ang nagbalita sa kanya. Halos sabay silang mag-ina bumaba ng hagdan.
"Grandpa...."
"Mr. Chairman, ang aga nyo umalis kanina. Sana sinamahan nyo ako sa meeting para kahit papano ay alam ko ang nangyayari sa -----" napatakip ng bibig si Samira dahil malakas pa sa malakas ang pagkakasampal ng matanda sa anak niya.
"Mr. Chairman!" Ata nitong nilapitan si Cassiv na walang kaalam alam.
Hinagisan pa ito ng matanda ng magazines at headline sila ni Cat, pagkatapos ay hingal na umupo.
"Tignan mo! Tignan mo ang kalokohang ginawa mo!!!! Wala ka talagang kahihiyan!! Hindi mo inisip ang reputasyon ng pinaghirapan kong mabuo ng halos tatlong dekada nang dahil sa pagiging mapusok mo!!" Sermon pa nito.
"I'm sorry..." Mahinang tugon ni Cassiv.
"Magpatawag ka ng press, Samira at bukas na bukas sasabihin mo sa lahat na nagkamali ka! Hindi mo sasabihin ang tungkol sa inyo ni Tamilla. At humingi ka ng tawad sa mga Diaz, at pabalikin mo dito sa mansyon si Cataleya. Baka dun, mapatawad kita!!!"
"Pero pa, hindi ba parang unfair naman kay Cassiv na magpapress pa tayo? Pwede naman siguro ang ibang paraan. At saka, hindi naman natin pinaalis dito ang babaeng yun! Sya ang kusang umalis! Bakit image ni Cassiv ang nasisira ngayon?!" Hirit naman ni Samira.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Samira! Sa una palang, alam kong hindi mo tinuring na manugang si Cat, at yan ang results na pagiging martir at konsitidor mo!"
"I will do whatever you want grandpa, kung yun ang tanging paraan. Alam kong nakagawa ako isang malaking pagkakamali at alam ko para kay Cat ay walang kapatawaran. I don't even know myself kung bakit ko nagawa 'yun sa kanya."
"Sssssh. Son, don't say that! You don't deserve to this okey. Gagawin ko din ang lahat para maayos ito." Dagdag naman ni Samira.
Nang paalisin ng matanda ang mag-ina sa harap nito ay dumiritso ito sa living area. Nakaupo si Cassiv at nasa tabi ang iba. Pinapalakas ang loob at kung anu anu ang sinasabi. Lumapit din si Tamilla na kanina pang nakikinig sa usapan nila.
"Oh god! Salamat at nandito ka, please samahan mo muna si Cassiv. He needs you." Pakiusap ng ina ng lalaki.
"Sige po."
Umupo si Tamilla sa tabi nito. Nung una ay nakikiramdam sya ngunit dahil hindi niya matiis na hindi kausapin si Cassiv ay nagsimula ito.
"Ahm. Cassiv, tungkol pala kagabi...pasensya kana sa mga nasabi ko. Galit lang ako at siguro stress..Alam ko na marami akong nasabi at lumagpas ako sa limitasyon ko, I'm sorry."
Tinignan siya ni Cassiv. Mata sa mata. At ngumiti.
"Me too. I'm sorry." Maiksing tugon nito.
Marahang napangiti si Tamilla. At agad na niyakap si Cassiv sa tuwa. Hinagod pa ng lalaki ang likuran niya na parang usual na ginagawa ng totoong mag-asawa.
---------------[DIAZ]----------------
"Anak, why don't you stay at Palawan muna. Try to relax and get some fresh air, ikaw na din ang magmanage ng ilang resorts doon lalo na ngayon tourist spots sya. For sure, matutuwa din ang lola mo." Suhestyon ng ina niya habang nagdidilig ng halaman.
"Hmmm. I wanted to but paano naman kayo ni dad? Ngayon na lang ulit kayo umuwi dito tapos iiwan ko kayong dalawa?"
"Iha, wag mo na kaming alalahanin pa ng daddy mo. Ang mahalaga samen ang kalagayan mo, 'yun ay kung gusto mo lang naman kung ayaw mo ay hindi naman namin pipilitin. Alam kasi namin na nahihirapan ka pa din sa sitwasyon nyo ngayon ni Cassiv. Pero kung gusto nyong magkaayos kayo, try to talk him in private."
Sandaling natahimik si Cataleya.
"No ma. Sinabi ko na ang lahat sa kanya. At kung sakaling magkaayos man ulit kami, hindi na magbabago na may anak sila ni Tamilla. Hindi ko na din kayang makita at makisama sa kanya. I know I'm being selfish but this is the right way para ipaalam na subra akong nasaktan sa ginawa nya at hindi ko kayang magpatawad agad."
Naramdaman naman ni Cataleya na may humahagod sa likuran nya. Ayaw nya sana magsinungaling ngunit pati sarili niya ay niloloko nya. Gusto nyang makausap si Cassiv para mas magkaroon sya ng kaliwanagan, pero pinipilit nyang maging matigas kahit ang puso na mismo nya ang nagsasabing mahal pa ang asawa.
MAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW---------]]
"Bitiwan mo nga ako Hassan, baka mamaya makita ka pa ng chairman o kahit ni Cassiv. Lumayo ka nga ng konti, pwede?" Naiiritang sabi ni Tamilla.
"Pagbigyan mo na ako, Tamilla. Ngayon lang ulit tayo nakapag usap ng ganito kalapit. At saka miss na miss na kita." Wika nito at ngiting hinimas ang namimilog na tyan nito. "Hi baby, ayos ka lang ba dyan sa loob? Wag kang mag-alala ilang araw nalang lalabas kana dyan. Siguro nahihirapan kana." Dagdag pa nito.
Hinampas naman ng dalaga ang kamay nito.
"Bitaw!"
"Anu bang masama sa ginagawa ko e anak ko naman din sya. Nga pala, oh heto. Limited lang ang bag na yan, galing pa yan sa Europe nung pumunta kami ng chairman. Akala mo naman nakalimutan na kita. Hindi mangyayari yun."
Ang nakasimangot na mukha ni tamilla ay napalitan ng matamis na mga ngiti. Mabilis niyang hinaglit ang bag kay Hassan at saka sinipat. Manghang mangha ito at sa labis na tuwa ay hinalikan sa pisngi ang binata.
"Alam mo talaga kung anung makakapagpasaya saken, Hassan. Salamat rito ah."
"Ikaw pa ba?" Ngiti nito at hinalikan sa labi si Tamilla.
Habang inaangkin ni Hassan ang labi ni Tamilla ay biglang gumalaw ang doorknob, madali silang lumayo sa isa't isa at nagpasimpleng may ginagawa. At pumasok si Esther na may dalang dalawang makakapal na tuwalya. Nagulat at hindi agad sya nakapagsalita ng makita ang dalawa dahil kapwa din itong nakatingin sa kanya.
"Ma'am Tamilla, kanina pa po kayo hinahanap ng senyora." Naunang kumilos si Tamilla at nagkunwaring walang alam.
Hindi mawala ang tingin ng dalaga sa dalawa. "Oh bakit ganyan ka makatingin? Hindi porket naabutan mo kaming dalawa dito sa loob ng lalaking ito ay may ginagawa na kami. Umayos ka Esther kung ayaw mong matanggal sa trabaho!" Sumbat nito.
"Ah eh wa-wala naman po akong iniisip na kung anu. At kayo naman po ang nakakaalam kung anung pwedeng mangyari.."
"Aba talaga!" Sasabunutan sana ni Tamilla ang dalaga ngunit pinigilan sya ni Hassan. Inalalayan na lang niya ito na lumabas sa kwarto kahit na nagpupumilit na malapitan si Esther.