Malayo pa ay nakangiti na si Dastan, nagtataka naman ang kaibigan kung bakit ito masaya. Ipinagtataka din nitong kahit oras ng pagtatrabaho ay hindi mawala ang ngiti. "Hoy, anung meron? Parang ganadong ganado ka magtrabaho ah. Kahapon lang hindi maipinta ang mukha mo tapos ngayon. Sabihin mo may nangyari ba?" Pag-uusisa ng kaibigan. "Wala naman. " Nangingiti nitong turan. "Pero alam mo, solid din pagpayag ko na magtrabaho dito. Napakaganda pala ng senyorita, Zefro!" Sumbong nito sa kaibigan. Lumapit ng hagya ang kaibigan nito. "Talaga? Paano mo nasabi? Sexy ba?" "Hindi lang sexy, subrang sexy...." "Malaki ba?" Tukoy nito sa hinaharap ng senyorita. "Ma-la-ki-...." Sabi pa nito na may pag-aksyon. "Kainis bakit hindi ko pa sya nakikita. Mabuti ka pa." Napailing lang ang binata ay m

