Pagkagising ni Dastan at nakatali ang dalawa nyang kamay at nakataas ito habang nakatayo sya. Ramdam nya ang panghihina at masakit ang katawan dahil napuruhan sya ng mga ito. "Gising kana pala." Sabi ng boss na medyo may katabaan at pinausukan sya ng sigarilyo. Napaubo si Dastan at matapang pang sumagot. "Ang baho kasi ng usok ng sigarilyo mo, manong." Pang-aasar na sagot pa nito. At naramdaman muli nya sakit sa bandang tiyan ng umbagan sya ng suntok nito. Napabuga sya ng hininga at tiniis ang sakit. "Bilib din ako sayo bata. Lupaypay kana nga ang lakas pa ng loob mong sumagot. Tignan natin ang yabang mo sa gagawin ko kung may ibubuga ka pa." Ngiti nito sa kanya. Lumapit sa kanila ang apat na lalaki at napansin nyang may inihandang mga wire ng kuryente at timba ang mga tauhan nito.

