Nagpalipas lamang sya ng ilang minuto at saka bumalik. Tulog na ang ama nya sa isang maliit na papag. Pinilit nyang huwag na itong lapitan dahil mas nanghihina sya na makita ang ganung kalagayan nila. Samantala..... Halos masira na ni Kheya ang pinto ng kanilang bahay sa lakas ng paghahampas nito. Gabing-gabi na naman ito umuwi at lango sa alak. Dalidali bumangon ang matanda at maging si Kharim ay naaalimpungatan ng gising. Wala naman magawa si Azita dahil kahit anung higpit at pakiusap niya rito ay sarado na ang tenga ng anak. Sinisisi din sya nito dahil hindi sya nakapagtapos ng pag-aaral kaya sya nagkaganun. "Napakatagal buksan!!!!" Sigaw nito at pagiwang-giwang maglakad ng pagbuksan ng ina. Dumiritso ito sa bangko na gawa sa kawayan at humiga. "Anak, kumuha ka ng tubig sa palangga

