Pakiramdam ng binata ay mababali na ang likod at bibigay na ang katawan nya. Maliban sa pasakit na natamo nya kagabi, halos pitong beses syang nagpabalik balik na magbuhat ng mga kahon. "Thanks. Nagpahanda na ako ng meryenda mo sa baba. Okey na ako dito, kaya ko na mga 'to." Sambit ni Cataleya ng matapos nyang buhatin lahat. Pawisan ito at mabuti nalang ay lagi syang may dalang towel. pati ang mahaba nyang buhok ay gulong gulo na din. "Ah mamaya nalang siguro. Hindi naman ako nagugutom. Tsaka sigurado ka ba na hindi mo na kailangan ng tulong, parang ang dami nito kung ikaw lang ang gagawa. Pero mawalang galang na, pwede ko ba malaman kung anu ang laman ng mga boxes na 'yan?" "Ah, mga antique na gamit, mahilig kasi ako mag kolek ng mga ganun. Maganda kasi sya sa bahay, mahilig kasi ako

