KINABUKASAN....... Kaarawan na ni Ezra at abalang-abala ang lahat. Hindi magkandaugaga si Tamilla at ibang mga katulong sa pag-aasikaso. Habang si Ezra ay nakatingin lang mula sa kwarto nito at nakasilip sa bintana. Pakiramdam nya ay may napakalaking kulang na kahit kaarawan nya ay parang hindi nya kayang ngumiti at sumaya. Isa lang kasi ang gusto nya, ang makasama ang ama. "Young master, halina po kayo para mabihisan na." Wika ng isang babae. Walang imik na sumunod ang bata rito. Pagkalipas ng dalawang oras, parami na ng parami ang dumadating na bisita. Nakaupo si Ezra sa harapan at nakatingin lang sa mga abalang tao. Habang si Tamilla hindi alam ang sasabihin kung paano icomfort at pasayahin ang anak sa harap ng mga ito. "Don't worry, baby. Daddy will be here...maghintay lang tayo

