Hindi magkaintindihan sa kakatingin ang lalaki sa hinaharap ng mga kasama nyang babae. Halos maluwa ang mata nito at pinagbubunggo pa sa kanyang balikat ang naglalakihang mga hinaharap nito.
"Oh girls bahala na kayo sa kanya. Hoy, Dastan! Umayos ka ah, kapag ikaw nagdala ka na naman ng gulo dito hindi kana makakapasok sa bar ko!" Sambit ng isang matabang babaeng may kagat pang upos ng sigarilyo at may nakasabit pang suklay sa buhok.
"Masusunod madam! Walang manggugulo! Ako ang gulo!" Natatawang saad ni Dastan at nakipagsaya sa mga kasama.
Rinig ang hiyawan at kantahan mula sa loob hanggang labas. At ilang saglit pa ay biglang may sumipa ng pinto ay natumba iyon sa harapan mismo ng nakaupong si Dastan.
"Dastan!!!! Akalain mo dito lang pala tayo magkikita! Ang tagal ka naming hinanap!" Sigaw ni Farid, ang kanang kamay ng BALDO GANG na pinagkakautangan at pinagtataguan ng binata.
"Hay nagpakita na naman tong bweset na 'to!" Sa isip ng binata. Tumayo sya at tinulak ang mga babaeng nakayapos sa kanya at lumapit sa malaking lalaki.
"Farid, my friend! Kamusta? Hindi ko naalala, naglalaro nga pala tayo ng hide and seek."
"Oo at ngayong huli kana, kailangan mo ng parusahan! At saka pinapakamusta ka ng boss namin. Mga bata! Sigaw nito at nagsilapitan ang mga tauhan.
"Hep hep hep! Sandali lang naman, Farid! Baka pwede naman nating pag-usapan ulit...alam mo na.. Saka isa lang ako, marami kayo. Lugi naman ata ako." Lumapit muli ito at hinimas pa ang bigote ng kausap. "Baka naman pwedeng isang linggo pa...pangako, doble na ang ibabayad ko."
Tinawanan lang siya nito at mga kasamahan. "Hindi mo na ako mauuto, bata. Magbayad ka nalang kung ayaw mong masaktan ulit." Nangingiting saad nito. Nginitian lang din siya pabalik ni Dastan at saka humakbang patalikod. Kaagad nyang hinawakan ang isang babae at itinapon kay Farid at saka pinaghahagis ang mga bangko sa mga kasamahan nito para hindi makalapit.
Hindi magkaintindihan sa paghuli kay Dastan ang mga tauhan ni Farid dahil sa liksi nito kumilos at tumakbo. Muli na naman nagkagulo sa bar ni Ava.
"Bakit ba pinapapasok mo pa ang lalaking 'yun dito! Alam mong gulo ang dala nun!" Reklamo ni Farid kay Ava.
"Kayo ang gulo! Be*set kayo! Magsilayas kayo sa bar ko!!!" Pagtataboy nito sa lalaki at mga tauhan palabas ng bar. "Wag na kayong babalik!!!!" Habol pa nito.
Samantala, hinihingal na sa pagtakbo sa maliliit na eskinita ang binatang si dastan, hindi niya maiwasan na hindi lumingon dahil baka nakasunod pa din sa kanya ang mga tauhan ni Gustavo.
Sa kabilang banda, tumigil na din sa paghahabol sina Farid at ilang kasama nito. Pagod na din at hinihingal. Napahawak nalang ang lalaki sa bewang sa pagkadismaya dahil hindi na naman nila nahuli si Dastan.
"Tayo na! Bukas nalang ulit natin sya hanapin. Hindi naman makakalayo ang taong 'yun." Senyas nito at isa-isang bumalik sa mga sasakyan. "may araw ka rin saken Dastan!" Sa isip pa ni Farid.
Pagbalik ng mga ito sa bahay ng boss ay nakatikim na naman sila ng sermon mula rito.
Habang si Cassiv ay dahan-dahan na umaakyat sa bakod ng bahay dahil naka kandado na ito mula sa loob. Hindi na bago sa kanya ang pagsarhan ng bahay ng ama. Pag bukas ng Dastan mg ilaw mula sa kusina ay laking gulat nya dahil nakaupo ang ama niya sa tungga nitong upuan.
"Mabuti ay buo ka pang nakauwi." Sabi pa nito ng pikit ang mata.
"Tay! Bakit hindi kayo sa kwarto matulog, malamig dito sa sala."
"Kelan ka pa nagkaroon ng pag-aalala saken. Nga pala, may ulam dyan sa lamesa, binigay na saken ng amo ko yung sahod at binigyan pa ako mg dalawang araw na pahinga. Kumain kana dyan."
"Napakabait naman talaga ng amo nyong 'yan. Kapag nakita ko sya, luluhod at magpapatirapa ako sa kanya sa kabaitan nya sa Inyo." Ani nito habang punong puno ng pagkain ang bibig. "Si Ali, kumain na po ba?"
"Kanina pa. Kanina ka pa din nya hinihintay...Dastan, anak alam mo naman na ganun ang kalagayan ng kapatid mo. Sana maman wag mo syang pinapaasa, at saka tigil tigilan mo na yang pagbabarkada mo at lagi ka nalang napapahamak."
"Ayos lang naman ako 'tay. Hayaan nyo, babawi ako sa Inyo nalang araw. Kumukuha lang ho ako ng magandang tyempo. Sya nga po pala, may konting ipon ako dun sa damitan ko. Kunin nyo at bumalik kayo sa clinic bukas."
"Naku hindi na. May pera na din naman ako. Hindi ko naman hinihingi ang pera mo, idagdag mo nalang iyon sa iniipon mong pampagamot mg kapatid mo. Alam ko may awa ang diyos at gagaling din sya. Nga pala, naghahanap yung amo ko ng mason. Inirekomenda kita. Sayang din yun kesa maging bouncer ka dun sa bar. Isama mo na lang si Zefro."
"Tay naman, anu namang kinamalayan namin sa pagiging mason?!"
"Nakapag-oo na ako. Ayaw ko naman biguin yung amo ko, bukas na bukas sasamahan ko kayo. Wala ka ng magagawa."
Napakamot nalang sa batok ang binata at hinugasan ang sariling pinagkainan. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ito sa anak para magpahinga.
KINAUMAGAHAN............
[MONDRAGON]-----------
"Bye....you take care of yourself anak ah..." Sigaw ni Tamilla kay Ezra na paalis na.
"Tumawag pala saken si Cassiv kagabi, mag-i-extend pa daw po sya ng one month sa Amerika." Ani Tamilla kay Samira.
"Kawawa naman si Ezra, miss na miss na nya ang ama nya. Magbirthday na sya next week. Napapagod na ako magsinungaling sa apo ko."
"Ewan ko ba dyan kay Cassiv, mas importante pa ata sa kanya ang kompanya kesa sa kaligayahan ng anak nya." Naiinis na turan ni Tamilla sabay upo sa sofa.
Sa kabilang banda, habang nasa byahe sina Ezra Zaim at Hassan ay hindi maiwasan nito na tingnan ang bata sa rearview mirror ng sasakyan. Tahimik lang ito at nakatingin sa labas. Gusto nya sana kausapin pero alam nyang hindi naman ito sasagot. Nang biglang tumunog ang ipod nito dahil tumatawag sincassiv. Napalitan ng masiglang ngiti
ang kaninang nakasimangot na mukha
ng bata at saka iniharap ang camera sa kanya.
"Daddddd!!!" Bati nito. "When are coming back, I missed you."
"I'm sorry, son. But i can't, marami pa akong kailangang tapusin dito. Oh, I already bought you my birthday present. Makukuha mo yun before your birthday." Paglalambing ni Cassiv.
"But you're the present that I want to receive." Simangot nito. Habang kinukumbinsi ito ni Cassiv ay nakikinig lang si Hassan. Pansin nitong hindi na nakatingin si Ezra sa camera dahil tuluyan na itong nagtampo sa daddy niya. Sya nalang ang kumausap dito at ipinaliwanag naman nya ng ayos. Nagpasalamat sa kanya si Cassiv at nagpaalam din agad.
Muli nitong tinignan ang bata sa salamin.
"Ahm. Young master, gusto nyo ba na bumaba muna tayo para mamasyal. Maaga pa naman e."
"Ayoko!"
"Initindhin mo nalang ang daddy mo kasi nagtatrabaho sya para sayo. Maiintindihan mo din balang araw kapag lumaki kana."
"Why do you care! You always act like him, you're just my driver! Stop acting like your my father!" Sigaw nito at mas lalong nainis.
Humingi naman agad ng pasensya si Hassan sa bata at hindi na nga nagsalita. Pagdating sa paaralan ay mabilis nya itong pinagbuksan, nakangiti pa syang kumaway rito ngunit hindi sya tinapunan ng kahit isng tingin ni Ezra.
[EL NIDO, PALAWAN]---------------
"Hanggang dito ko nalang kayo maihahatid, pumasok nalang kayo sa loob at alam naman nilang parating kayo." Bilin ni Kimball sa anak at kaibigan nito.
"Grabi naman pala ito! Nakakalula sa laki. Tay, hindi na ba pwedeng umatras?"
"Hindi! Hala lakad! Pasok!"
Nagpakilala naman si Kimball sa dalawang guard at pinatuloy na nga nito Sina Dastan at Zefro. Hindi magkaintindihan ang dalawa kung saan ibabaling ang tingin dahil sa mga naglalakihang halaman at mga bulaklak ganun din ang mga ibat ibang mga mamahaling gamit na nakalagay sa labas. Sa taas nito ay makikita ang parang palasyo na napapalibutan ng harden.
"Tama ba 'tong pinapasok natin, Dastan? Sigurado kang malaki ang kitaan dito?"
"Hindi ko din alam, ewan ko ba sa tatay! Wala naman akong kaalam alam sa pagiging mason, anung gagawin ko Sa semento, hih*m*sin e hindi naman semento ang h*nihim*s ko!" Reklamo pa ni Dastan.
"Ga** ka talaga! Tumigil kana sa mga kalokohan mong 'yan! Wala ka sa bar! Mabuti narin siguro 'to, at least makakaiwas tayo sa pagtatago mula sa tauhan ni Gustavo."
Maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang Isang malaking lalaki. Tinanung sila nito kung sila ba yung piandala ni Kimball na agad naman tumango si Dastan. Itinuro sa kanila ang dapat nalang gawin at madali naman iyon naintindihan ng dalawa.
Hirap na hirap ang dalawa sa trabahong iyon dahil hindi naman sila sanay. Biniro pa ni Dastan ang kaibigan na mas gugustuhin nyang magpahabol nalang sa tauhan nila Farid at Gustavo kesa maghalo at magbubuhat ng semento. Ngunit ayaw naman nyang mapahiya ang ama sa mga ito kaya kahit ayaw nya ay pinilit nyang magtrabaho at inisip nalang ang may sakit na kapatid.
"Manang, pagmeryendahin mo na po sa baba Yung mga trabahador. At saka Yung mga bagong recruit ni manong Kimball."
"Sige po senyorita."
Habang hangos sa pagpapala mg buhangin ang dalawa ay tinawag sila ng foreman para magmeryenda. Habang palapit ang dalawa ay hindi maiwasan ni Dastan na hindi magsalita.
"Akala ko ba naman sexy at magaganda ang mga nakatira dun sa malaking bahay, wala din palang pinag-kaiba kay madam Ava. Nasubrahan sa lusog!"
Sabay naman na nagtawanan ang dalawa. At ngumiti pa sa katulong at nagpasalamat matapos magsalita ng hindi kaaya-aya rito.
"Ahm, foreman sino pala ang nakatira sa malaking bahay na 'yun? Maliban sa amo natin." Tanung ni Dastan habang nakamasid sa malaking bahay.
"Ah, kasama ng senyora ang apo nya. Nagbabakasyon mula syudad.
"Babae ba yung apo ni senyora?" Ani Zefro.
"Ah oo, dalaga."
"Pre dalaga!" Kantyawan pa ng magkaibigan. "Ah baka tipikal na dalaga lang." Bawi din ng mga ito.
Lumipas ang maghapon na halos umupo lang si Dastan. Ayaw nya kasi talaga ang trabahong iyon, tapos ang nakakapagpahina pa sa kanya ay wala man lang syang makitang maganda at sexy na babaeng magpapalakas sana sa kanya.
Ramdam ng magkaibigan ang pagod habang naglalakad pauwi sa gitna ng kalsda. Wala pa silang makitang sasakyan dahil napagabi sila ng uwi. Saglit silang dumaan sa convenient store para magpalamig at bumili ng maiinom at magmeryenda na din. Habang kumakain ang dalawa ay napansin ni Zefro sa tapat nito na parang may babaeng binabastos ng dalawang lalaki.