[WALONG TAON ANG LUMIPAS]
[EL NIDO, PALAWAN]--------------
"Bili na po kayo! Maganda po ito, murang mura gawa ng nanay. Bili na kayo!!!" Sigaw ng isang batang lalaki naglalakad malapit sa dagat.
Ilang saglit ay may lumapit sa kanyang Isang dalaga na namamasyal doon.
"Hi! anu yang tinitinda mo? Magkano isa?"
"Maganda po talaga ito ate. Ahm 85pesos po itong kwentas na gawa sa kabibe at itong sa korale naman ay 60."
"ah isa nito." Tinuro ang kwentas na gawa sa kabibe. Pagkabigay ng bata ay inabutan ito ng 100. Kumukuha sya ng panukli ng pigilan sya ng dalaga.
"Wag na. Sa'yo nalang ang sukli."
"Talaga po?, salamat po ate. Maraming salamat po." Natutuwang turan nito.
"Anu nga palang pangalan mo? Bukas babalik ulit kami kasama ang ilang mga kasama ko. Magbakasyon kasi kami dito tamang-tama at naghahanap ng soveiner ang mga kasama ko."
"Ah Arihman Kharim po. Kharim nalang po para maikli." Magiliw na pagpapakilala ng bata.
"Sige. Bukas nalang ulit Kharim." Paalam nito sa bata at ngumiti pa. Kumaway Naman si Kharim sa babae at muling naglako na may ngiti sa labi. Palundaglundag pa ito at pakanta-kanta.
SAMANTALA.........
[BAGUIO]
Isang Audi R8 ang pumarada sa harapan ng mansyon at mabilis na lumabas ang driver at pinagbuksan ang sakay nito. Mula sa loob ay bumaba ang isang batang lalaki at yumukod ang lahat. Habang papasok sa pasilyo ang bata ay mabilis itong sinalubong ng ina.
"Anak ko! Yaya, bilis pahingi ako ng towel!" Tarantang sumunod naman ang babae at agad na inabot ang towel sa madam.
"Kamusta sa school anak? Marami ka na bang mga friends?" Nakangiting bati pa ng ina.
Tahimik lang ang bata habang inaasikaso ng ina.
"Hinahanap ka pala mg lolo mo, ang sabi nya puntahan mo daw sya sa kwarto nya kapag dumating ka." Ngunit wala pa din tugon mula sa bata.
"Oh, ang gwapong apo ko ay nakauwi na pala." Bati ng isa pang babae na medyo maedad na.
"Hindi pa din ba umuuwi si daddy?" Sambit ng bata. Nagkatinginan maman ang dalawa.
"Ahm...anak kasi----"
"Malapit na ako ulit akong magbirthday... Hindi pa din sya umuuwi? Don't tell me he's not coming home again for the second time?" Supladong giit nito.
"Ahmmmm apo, listen to your mama say...ang daddy mo kasi ay busy sa trabaho at sa company...hindi naman sinasadya ng dad na hindi makauwi...hihi..." Mahinahong paliwanag Ng matanda.
"Whatever! Lagi nyo nalang sinasabi yan!" Dabog nito at dumiritso sa kwarto.
Napakibit balikat ang dalawa at nagkatinginan. Simula ng magkaisip ang batang si Ezra at madalas na nitong makasama ng ama. Naging abala din kasi si Cassiv sa international business. Sa katunayan, mabibilang lang sa kamay kung ilang birthdays nakauwi si Cassiv at nakasama ang anak.
Tahimik at madalas na hindi makausap si Ezra. Madalas ay lagi din itong nagsususplado lalo na sa mga katulong. Inisip ni Tamilla na ang dahilan kung bakit nagagawa iyon ng anak dahil gusto nya ng kalinga ng isang ama na hindi madalas magampanan ni Cassiv.
Maka daddy at lolo si Ezra, ngunit para sa kanya kabaliktaran para sa mga ito ang pagiging malapit niya sa dalawa.
"Young master...young master...handa na po ang hapunan... Pinapatawag na kayo ng mommy nyo." Binuksan ng katulong ang pinto at nakita nyang nagsususlat sa mini table nito si Ezra Zaim at may suot na headphones.
"Young master. Kakain na---"
"Narinig ko po kayo ate. You don't need to repeat it twice." Sagot nito at inilapag ang headphones sa table.
Pagbaba ng mga ito nakaupo na sa dining table ang chairman, si Tamilla at ang mag-asawang Samira at Darius. Nakangiti ang mga ito maliban sa chairman.
"Maupo kana at kakain na tayo." Anito ng makalapit si Ezra Zaim.
Walang imik na kumakain ng sabay-sabay ang mga ito na parang ingat na ingat sa paggalaw ng mga gamit.
[EL NIDO, PALAWAN]------------
Hating gabi na at nagising si Kharim dahil sa lagabog sa pinto. Maingat itong bumangon para hindi magising ang ina sa pagkakatulog. Paglabas sa pinto at nagtatakbo syang buksan ang halos masira ng pinto sa sunod sunod na pagkatatok.
"Mga bingi ba kayo??!! Kanina pa ako katok ng katok! Ang tagal mong buksyan!!!" Bulyaw ni Kheya kay Kharim at umalingasaw ang amoy ng alak.
Umupo ang dalaga at lupaypay na sa paghiga. Lango na naman ito sa alak.
"Ate Kheya, lasing na naman po kayo. Kumain na ba kayo?"
"Aba! Anu pake mo kung lashing na naman ako! Ikaw ba bumibili ng alak ko?! Huh?!" Turo pa nito sa bata. "Ipaghanda mo nga ako ng pagkain bago ako may gawin sayo!" Utos pa nito.
Nag-madali sa paghanda si Kharim habang Nakasubsub si Kheya sa lamesa. Nang makita nyang nakahayin na lahat sa halip na magpasalamat at nagalit pa ito.
"Isda na naman?! Wala mg ibang ulam? Puro nalang ganito!!" Sabay tapon nito.
"Mahina kasi ang kita kanina ate....buti nga po at nakabili pa kami ni nanay ng isda dahil kung hindi wala tayong uulamin." Katwiran ni Kharim habang isa-isang pinupulot ang mga nagkalat na pagkain at mga plato.
"Sumasagot ka pa!" Nilapitan ito ng kapatid at hinawakan sa damit. "Ang sabihin mo wala kang diskarte! Kung yang pagpasok mo sa eskwelahan ay naglalako ka ng mga gawa ni inay edi sana malaki ang kita mo!!! Nasan na ang benta? Asan na??!"
"Naiibigay ko na po sa inay at saka ibinilin na ng isda. Sana din po, yung nilalagi nyo sa bar at pag-inom mg alak naghahanap kayo ng maayos na trabaho. Hindi yung galing sa pinaghirapan ni nanay ang kukunin mo ate.." palaban ni sagot ni Kharim kaya mas lalong nagalit ang kapatid.
"Bastos ka talaga!!! Kasalanan mo to!! Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin, hindi sana ganito ang buhay ko ngayon!!! Nang dahil sayo, naudlot lahat ng pangarap ko!!!!"
"Tama na 'yan, Kheya!!!! Gabing-gabi na nagsisisgaw ka pa din! Lasing ka na naman kung umuwi!" Awat ni Azita at inagaw si Kharim sa mga kamay nito.
"Ayos ka lang ba anak?"
"Ayos lang po ako nanay."
"Pumasok kana muna sa kwarto, mag-uusap lang kami ng ate mo." Sabi pa ni Azita rito. Sumunod naman si Kharim ngunit bago sya pumasok ay nilingon nya ang kapatid at ina nya at saka isinara ang pinto.
"Anak, hanggang kelan mo ba pagmamalupitan ang kapatid mo? Ginagawa nya ang lahat para makabenta. Ganyan na ba katigas ang puso mo para sa kanya? Wala ka bang pagmamahal sa kapatid mo kahit na katiting?!" Mangiyak na sabi ni Azita.
"Nay! Una sa lahat hindi ko sya kapatid! Alam mo 'yun! At alam din nya ang tungkol dun! Bad trip na nga ako sa client ko kanina tapos ganito pa dito sa bahay! Wala ng makain, wala pang kw*nt* Ang mga tao!" Kinuha nito ang maliit na bag at malakas na isinara ang pinto.
Napahawak nalang sa dibdib si Azita. Magmula kasi nung pinalaki at tinuring na anak si Kharim ay hindi na sila halos nagkasundo nito. Ang masakit pa para kay Azita lagi nitong pinagmamalupitan si Kharim na kahit sya ay hindi nya magawang awatin. Tuluyan ng pinabayaan ng anak ang pangarap nya at nalulong sa alak at bisyo. Kahit ang konting kita na sapat lang sa pang -aras araw na gastusin ay pilit pa nitong kinukuha kay Kharim sa tuwing nakakabenta.
Sa kabilang banda, itinakip ni Kharim ang malaking kumot sa tenga nya at palihim na umiiyak. Rinig na rinig nya kasi ang boses at sigawan sa tuwing nagtatalo ang kapatid at ina nila. Wala syang magawa dahil sa oras na mangialam sya ay mas lalo lang lalaki ang problema.
[KINABUKASAN]------------
Maagang nagising si Cataleya dahil gusto nya maglibot-libot sa magagandang tanawin sa lugar nila. Balak din niyang pumunta sa bayan para tumingin ng ilang gagamitin at kulang sa pinapaayos niyang terrace.
"Manong Kimball, daan po ulit tayo sa paborito kung binibiling bibingka." Pakiusap nito sa personal driver.
"Sige po, senyorita."
Pagkarating sa bayan ay namili lang sya ng ilang mga buhay na bulaklak para pang display at saka nagtanung-tanung pagkatapos ay umuwi din sila. abala kasi siya sa pinapagawang swimming pool sa baba ng kintatayuan ng bahay ng lola niya.
Nang makauwi ito ay hinatid pa sya kg matanda at inalalayan sa mga pimili. Narinig pa ni Cataleya na nauubo ito. Medyo may katabdaan na din Kasi si Kimball at halos limang taon nya itong naging driver simula ng lumipat siya sa Palawan.
"Manong, ayos lang ba kayo?" Pag-aalala ni Cat.
"Ayos lang po senyorita. Wag nyo po ako intinidihin."
"Sigurado po kayo. Sandali po may kukunin lang ako sa kwarto."
Pagbalik ni Cataleya ay may dala itong kulay puting sobre.
"Heto po, sahod nyo ngayong buwan. Inagahn ko na po ng bigay dahil alam ko na kailangan nyo. At saka magpahinga po kayo ng kahit dalawang araw, pinasubrahan ko na po 'yan , magpacheck up po kayo. Mahalaga po ang kalusugan. At saka po, wag na kayo magtrabaho bilang mason doon, baka may Kilala kayo na pwedeng pumalit sa Inyo. Mas nakakasama po sa baga nyo ang alikabok na nalalanghanap nyo." Pahayag ni Cataleya. Kitang- kita !aman nito na halos maiyak si Kimball.
"Napakabait nyo po talaga, senyorita. Isa nga kayong Diaz. Maraming salamat po dito. Subra subra na po ang tulong na binibigay nyo saken. Wag po kayo mag-alala, may kilala po akong mason na papalit saken bukas."
Napangiti si Cataleya sa matanda. Naabutan naman sila ng lola Afsaneh at pinaghanda pa sila ng meryenda.
[KINAGABIHAN --------------]
"Hi mommy Ava! Mukhang napakafresh mo ngayon!" Bati ng binata sa may-ari ng mini bar na lagi nyang oinupuntahan.
"Tseee! Tigilan mo ako! Hindi ka nagbayad saken nung nakarang linggo tapos nagpapakita ka saken ngayon!" Pagmamaldita nito.
Lumapit ng hagya ang lalaki sa matabang babae na para bang inaakit ito sa malamig na boses.
"Alam nyo, mommy Ava! Kayo palang ang nakikilala kong may asim pa! Ang kutis nyong pulang pula at mga labi mong mapang-akit, at ang mata mong mapupungay. Siguro kung magkaseng edad tayoy Hindi malabong hindi kita magustuhan!" Pambobola nito.
Napapapikit naman ang babae at paniwalang paniwala sa sinasabi nito.
"Talaga ba?"
"Oo! Maniwala ka!" Pasimple pa nitong pinisil ang pwet at saka kumindat.
"Ayyyy! Hehe ikaw talaga Dastan! Kuhang kuha mo ang kahinaan ko." Parang sinilihang manok ang babae sa kakangiti. Sya namang kapabliktaran sa reaksyon ng binata dahil kahit sya hindi makapaniwala sa ginagawa nya makapasok lang sa bar nito.
"Oo na! Oo na!! Palalagpasin ko na uung utang mo! Kung hindi ka lang mahalaga saken at kung hindi lang tayo magkaibigan! Sige na." Tuluyang sabi ng matabang babae at saka pumasok ang natutuwang si Dastan at pumalakpak pa.
"Wow! Mommy, mukhang tiba-tiba na naman ang nito ngayong gabi!" Sigaw ng isang binata sa loob ng isang kwarto sa bar habang nakikipagsaya sa apat na babae.
"Hi..." Bati ng dalagang halos wala mg saplot.
"Hi." Kaway pa ng isa na parang nang-aakit.