bc

The Arrogant Mafia Boss

book_age18+
266
FOLLOW
1K
READ
HE
mafia
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Can a nurse tame the arrogant mafia boss?

WARNING R18+ This story includes vulgar words, mature, and violent content.

Si Alvaro Yvan Samaniego ay hari sa mundo ng Mafia. He is ruthless and heartless as everyone describes his ways. Hanggang sa...

"Sinasabi mo bang mamamatay na ako!?" Sigaw ni Alvaro at mabilis na itinutok ang baril sa doctor.

"Kumalma lang po kayo, Mr. Samaniego—"

"Hindi ako pwedeng mamatay, gumawa ka ng paraan."

Hanggang sa ibinalitang mamamatay na si Alvaro.

Habang gumagawa ng paraan upang mapagaling siya, napag-desisyonan na ni Alvaro na ilipat sa nakakabata niyang kapatid ang posisyon bilang Mafia Boss– pero nawala ang kapatid niya...

Dahilan upang makilala si Delilah Selene Jimenez pa ng malalim; ang nurse na nakasaksi sa balitang matetegi na siya.

Isa ba itong romansa... or trahedya?

ABANGAN!

The Arrogant Mafia Boss

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Simple lang naman ang buhay ko bilang isang marangal na mamamayanan ng Pilipinas— ang maglingkod at tumulong sa bayan. "Nurse Lie," tawag sa'kin ng ka-trabaho. "Okay na ba iyong chart sa room 607?" Tumango ako. "Okay na 'yon... Naayos ko na kanina. Pumunta ka nga sa room 407 pala. May natanggalan ng swero doon kakasayaw." Utos ko. Natawa si Nurse Andy. "Mga tao talaga ngayon, ano? Feeling ko ako lalagnatin sakanila pag hindi sila mapakali." "Korek," Tumango ako bilang pag sang-ayon. True nga naman, maski ako, ganon ang nararamdaman sa tuwing may sumasayaw o kung ano man habang may sakit sila. I mean, I get that they are bored. Pero pwede ba? "Nurse Lie!" Tawag ulit sakin. "Pinapatawag ka ni Doc. Evan... Samahan mo daw siya mag-assist. Ang dami sa cardio department ngayon." Mabilis akong tumango at tinapos lang ang gagawin sa help desk bago tumayo. Maganda doon sa office ni Doc. Malakas ang aircon— at mabuti ako ang pinili niyang mag-assist! Noong makarating ako ay mabilis niya akong binati. "Nurse Delilah!" Tawag nito sa kumpletong pangalan ko. Ngumiti ako sa matanda. Sa lahat ng doctor dito, siya ang ka-vibes ko dito. Lolo vibes. Pero syempre, mayroon pa rin kaming boundaries as professional. Taray, boundaries?! "Doc! Kumusta po kayo? Nasaan ang residents niyo at ako ang pinatawag niyo dito para tumulong?" "Nako, Nurse Lie..." Iling nito. "Ayon, wala. Hindi daw sila pwede dahil hindi naman nila duty ngayon." Tila dismayado ito. "Doc, deserve din naman nila ng pahinga—" "Aba, tatlong araw ka na nga dito, Nurse Lie! Sila pa ang may deserve ng pahinga? Baka inaakala nila na madali lang ang propesyon na 'to... Hindi natatapos ang sakripisyo pagkatapos ng pag-aaral," mahabang lintanya nito na tinanguan ko na lang para matapos na. Totoo nga naman. Maraming sakripisyo ang propesyon na 'to. Minsan nga nagdadalawang isip na ako kasi feel ko, buhay na iyong kapalit. Ayos si doc kasama. Pero ang mahirap– iyong masaksihan ko ang reaksyon ng bawat tao sa tuwing sinasabi sakanila ang sakit nila... "P-Po? Sakit sa puso..?" Tanong nito, takot. "Opo. Congestive heart failure ang meron si mister... Misis. Hindi nagpu-pump ng maayos ang heart ni Mister kaya nahihirapan mag-supply ng dugo ang katawan niya sa kagaya ng sa atin..." "Ano po kayang pwede kong gawin doc? Magkano po kaya ang gamot?" Kung marami lang akong pera— marami ng nailigtas ang salitang magkano na 'yan. Dito sa ospital; marami kang makikitang iba't-ibang klase ng tao. Iyong iba ay gagawin ang lahat para sa sarili upang maligtas o malabanan ang sakit... Pero merong iba na ayaw na talaga at pamilya na lang ang pumipilit. Iyong iba, pagkatapos sabihan ng bawal ay babalik ulit dito sa ospital kasi... gumawa ng bawal. Ganon kagulo ang mga tao. Pero meron ding... kakaiba. I thank God dahil nakasilay ako ng guwapong pasyente ngayon! Actually, apat sila. Pero pinaka-gwapo iyong paseyente ni doc ngayon. Napanguso ako. Bakit nandito 'to? Lord ha, huwag mo naman bawasan ang mga guwapo sa gantong paraan. Naka-white polo ang lalaki. Matalas ang mata, chiseled jawline— matangos at sakto ang ilong... Maputi at malaki ang katawan... Ang perfect! Pero bakit kaya siya nandito? "Merong tumor sa puso mo, Mr. Samaniego. You can last about six months without treatment– and one year if meron—" "Sinasabi mo bang mamamatay na ako!?" Sigaw ni Mr. Samaniego at laking gulat ko noong may itinutok na baril kay doc! Baril? Teka, bakit may baril!? Napasinghap ako at akmang tatakbo na pero umiling na lang ang doctor sakin— parang sanay na sanay na. "Doc..." Tawag ko dito dahil kinakabahan na ako sa baril. Jusko– saan din ba nakuha ng lalaking 'to ang baril niya!? Is this even legal? Pwede bang magbitbit ng baril ang kahit sino at itutok na lang basta? Bigla akong nairita. Ang kapal ng mukha niyang... humawak ng isang bagay na pwedeng kumitil ng buhay! Gaya ng kung gaano kakaiba ang mukha niya, ganon din ata ang ugali. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pasyente! "Boss," tawag ng lalaking kasama nito. "Ibaba mo iyong baril. Hindi yan para dito." Ang yabang! Pulis ba ang isang 'to? Sayang at guwapo pa naman sana! "I don't care if you're a very special patient here, Mr. Samaniego. Ang pagtutok sakin ng baril—" Itinapon nito ang baril sa likuran niya— na nasalo ng isang kasama nito. I was shocked when the alluring man pulled the doctors' collar. Nakatiim ang bagang nito at masama ang tingin sa matandang doctor! "Kumalma lang po kayo, Mr. Samaniego—" Awat ko na. "Hindi ako pwedeng mamatay, gumawa ka ng paraan!" Sigaw niya. Hinawakan ko ang maugat nitong kamay— asa trabaho ka, Delilah. Umayos ka! "Sir, pwede naman natin daanin 'to sa maayos na usapan," pagpapakalma ko dito. Sanay na kami sa ganitong scenario. May mga ganito talagang pasyente na... ganito ang acceptance stage. Tinignan ako nito ng masama. Tama ba ang nakikita ko sa mata niya? Gray eyes siya? Ang guwapo naman ng isang 'to! Halatang may lahi! Pero mukhang iba rin ang tama! "Daanin sa maayos na usapan? Paano naman kita idadaan sa maayos na usapan kung narinig ko na mamamatay na ako?" Halos hingalin ito sa galit sa pagtatanong. "Sir—" "If I tell you that you will be dead now, kakalma ka?" He asked me– wait, is he threatening me?! "True," sabi noong lalaki sa likod nito. "Hindi ako papayag niyan, Mr. Samaniego. Payag ka kalmado ka eh mamamatay ka na nga?" Napanganga ako sa panunulsol ng isa. Actually, mukhang nag-eenjoy nga sila sa panonood! "Hindi maganda sa puso ang ginagawa mo, Mr. Samaniego. Umupo ka at kumalma!" "Kumalma?! Pagkatapos mo sabihing mamamatay na ako with or without treatment— kumalma?" "Ang puso mo, boss!" Tawag ng isa. "Wag ka magalit! Wala na, one month na lang–" "I will blow your mouth if you won't shut up!" Mr. Samaniego hissed— tapos ay muling bumalik ang tingin sakin ng lalaki. "I will not calm down. Wala nga akong nararamdaman ngayon! I came here for my annual check up tapos biglang may tumor na ako sa puso ko?!" "Sir, tumors can be like that po. At baka nagsisimula pa lang sainyo. Iyong chest pains at mga sakit sa ulo– it maybe a symptom..." si doc. "Umupo na kayo at kakausapin—" "Ayokong makipag-usap. I don't want to hear these ridiculous ideas anymore! Wala akong sakit—" "Sir— kumalma po kayo at huwag magtaas ng boses." Suway ko. Nagulat ako noong bigla niya akong tinignan; tapos basta na lang... Sinakal! "Kanina ka pa sabat ng sabat! Tinatanong ka ba!?" "Oh my god, Mr. Samaniego!" Dapat talaga ay hindi ako nagpapaloko sa itsura. Baka matuklaw na ako, uto-uto pa rin! "Mr. Samaniego—" I tap his hands. "Baka naman? Hindi ako maka... hinga?" "Alvaro!" The boys shouted in chorus. "Babae 'yan, huwag mo pagbuntungan ng galit!" Apat ang pumipigil kay Mr. Samaniego na sakal-sakalin ako. After a good minute, pinakawalan na niya ang leeg ko! I look at him in disbelief but Mr. Samaniego showed no remorse. Ni hindi na-konsensya sa ginawa! "Sa susunod, huwag kang sumabat." Aniya sakin. Ang... ang kapal ng apog ng lalaking ito! Ang lakas ng tama!? "Umalis na kayo dito," si doc at masama ang tingin sa apat. "I don't care if you're a VIP patient, Mr. Samaniego! You already hurt our nurse!" "Don't worry. We are really going!" Mr. Samaniego even had the guts to shout. Grabe... Ang... ang kapal ng mukha!? Siya pa ang galit!? "Doc!" I sighed in disbelief. "Wala ba tayong gagawin?" "This is their hospital, Nurse Lie. Wala tayong magagawa..." Iling niya pa at napahawak sa leeg. "Okay ka lang ba, Nurse Lie?" Tumango ako kahit medyo masakit talaga iyong pagkakasakal sakin kanina noong lalaking iyon. Mabilis kong inasikaso si doc. Evan at inalalayan. Baka nabigla ang matanda eh. Sakanila hospital? Kaya pala ang yabang! "Tito niya ang chairman. Hayaan mo na at may problema talaga sa pagtitimpi ang batang yon. Pero nakakalungkot lang... na ito ang sakit niya." Napakibit na lang ako ng balikat. "Baka nabigla si Mr. Samaniego..." I commented kahit iba talaga ang gusto ko sabihin. Gusto ko magsalita talaga ng masasamang words, pero act professional lang. Tsaka sanay na ako. Iyong iba nga dinuduruan pa ako. First time lang ang sakal. Ibang sakal sana ang gusto ko... pero sa hospital ko na naman naranasan. Mabuti at huli na si Mr. Samaniego kaya naman ay mabilis din akong nakaalis. I sighed. I need a break! Napaatras ako noong pagkalabas ko sa pintuan ni doc Evan ay nandoon pa rin ang mayabang na lalaki. "Boss, ayos lang yan..." "Kakabaril mo yan..." "Kung ako sayo, iniiyak ko na talaga yan, Boss." Nakakainis ang mga gatong ng gatong na lalaki. Sino ba 'tong mga 'to? Isa pa... Mukhang related talaga siya sa police industry. Mukhang puro pamamaril ang inaatupag ng lalaking 'to 'eh. Gaya ng ibang reaksyon, mukhang apektado din pala talaga ang lalaking ito. Aalis na sana ako kaya lang– napahinto ako sa sigaw ni Mr. Samaniego. "Ikaw!" Napahinto ako at nilingon siya. Nakita kong dinuduro niya ako. Wala talagang galang ang isang 'to. "Ako po, sir?" Tinuro ko pa ang sarili. "Oo, ikaw!" Tumayo ito, galit. "Are you plotting something?! Paanong nagkaroon ako ng sakit?!" Alam kong nasa in denial stage ka pa, sir. Pero bakit ako ang trip nito awayin? "Sir, doc. Evan explained to you—" "No! I cannot accept this!" He then glared at me. "You will pay for this!" Muli kong tinuro ang sarili. Hala, bakit ako? Nagulat ako noong hinila ako ni Mr. Samaniego! Pinipigilan siya noong mga kasama niya— pero mukhang hindi rin nila mahawakan lang lalaki. "Hala?! Sir, saan niyo po ako dadalhin!?" Nilingon lang ako nito, masama ang tingin. "Sa impyerno."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook