KABANATA 1

2170 Words
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Kanina, tinutukan niya ako ng baril sa noo tapos ngayon ay dadalhin ako sa impyerno? "Wait lang sir," awat ko sakanya at hinila ang braso ko. "Pwede ba 'tong ginagawa niyo sakin? Hindi ko po kayo inaano pero ganyan kayo?" Lalong nalukot ang guwapo nitong mukha. Sayang talaga at may itsura ang isang 'to kaya lang... Sinundo na ata ng maaga ni Lord kasi ganito ang ugali. Pinanlakihan ako ng mata ni Mr. Samaniego at sumagot. "Hindi inaano? You just announced earlier that I am going to be dead! Anong hindi inaano!?" Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko ba na ganon ang mangyayari sakanya!? At ako ang nag-announce? Bano ang lalaking ito! "Excuse me, hindi ako ang nag-announce noon!" "Excuse what!?" He asked like he couldn't believe what I just said. It's more like he was offended because I am answering him back. His eyes flickered– like that was the indication that I pull his last strings. Napatakip ako ng bibig. Kasi naman, iniinis ako ng lalaking 'to! Muli kong hinila ang braso ko. "Sir, itigil na po natin 'to-" "Mukha bang gusto ko tumigil?" Inilapit niya ang mukha sakin. Nakatiim ang bagang nito at tinitigan ako ng masama. Napalunok tuloy ako ng laway sa ginawa niya at napatitig sa labi nito saglit- sh8 naman. Lumiliko ang tingin ko! He looked at me- annoyance and anger are all over his face, but I couldn't help but feel something towards him. Naramdaman ko ang hininga nito sa bibig ko. Ang bango beh. I shouldn't really thinking of that kaya bahagya akong napailing. "Kung may pina-plano ka, you should stop right here..." "Anong pina-plano?" Tanong ko at tinitigan siya sa mata. "Mukha ba akong may pina-plano sayo? Ikaw nga 'tong dadalhin ako sa impyerno..." Hindi sumagot si Mr. Samaniego at tumagilid ang ulo kakatitig sakin. Ang hilig tumitig ng malalim ang lalaking ito at hindi ko kaya pantayan iyon kaya umiwas ako. He pulled my arms- making our lips slightly brushed at each other. Nanlaki ang mata ko sa nangyari at nakaramdam ng kaunting kiliti doon! T*anginang lalaki 'to!? Seryoso ba siya!? "You have nice lips. How about telling me the truth and stopping all the act? I'll give you a very good fvck." Pinagdikit ko ang hita sa narinig at umiwas ng titig. Ano ba kasing sinisisi sakin nito at ganito siya kagalit sakin?! Paano ko gagawin kung hindi ko alam ang truth na sinasabi niya? "Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo..." Ulit ko pa. "Pwede ba, sir? Bitawan niyo ako-" "Alvaro!" Sigaw ng isang boses. Napalayo ang lalaki sakin at tinignan ang tumawag sakanya. "Why are you harassing nurses again?!" Napaatras ako noong nakita si Mr. Samaniego! Ang may ari ng hospital na ito! Hinarap niya ang mayabang na batang Samaniego at pareho kaming tinignan. Napayuko ako. Jusko! Bakit nasa harapan ko si Mr. Samaniego? "I am not harassing her. Though I think she would like it if I tried" Napanganga ako sa sinabi nito at nawala ang kiliting nararamdaman ko dahil sa ubod ng yabang niya. Excuse me? Anong ibig sabihin niya doon? Na easy to get ako?! Mukha ba akong easy to get!? Naalala ko iyong nangyari kanina. Ah, patay ka Delilah. Nagmukha ka talagang easy to get! Tinignan ako ni Mr. Samaniego at kinindatan. "Alvaro!" Malakas na suway ng chairman sakanya. Pagkatapos ng ginawa niya sakin ay may lakas ng loob pa siyang kindatan ako?! Parang nothing like happened lang? "Nurse Delilah," tawag sakin ni doc. Evan. "Okay ka lang ba?" Mabilis akong umiling. "Hindi po ako okay! Sinakal-sakal ba naman ako ng lalaking 'to!" Duro ko pa kay Mr. Samaniego. Nanlaki ang mata nito at tinignan ako ng masama. "Lalaking 'to!? How can you call me in that tone?!" "Lalaking 'to!" I almost squealed that made his eyes pop out. He looks so annoyed by just shouting on his face. Mukhang hindi pa binabangga ang lalaking ito kahit kupal ang ugali. The lunatic laugh in my face and pointed his fingers on me. "Uncle, looks like you are hiring some wrong person in your hospital!" "You should fire her," dagdag pa ng baliw sakin sabay lingon kay boss. Napailing lang ito at tinignan ako. "Nurse... Delilah. Are you okay? I'm sorry about what happened... I'll talk to you about this later." Natawa si Alvaro, hindi makapaniwala sa narinig. "Are you seriously... taking her side?" "Stop being childish, Alvaro! No one is taking sides! You are definitely wrong here!" Alvaro Samaniego looked at me in disbelief. "Ah, I couldn't believe this..." Nilabas ko ang dila at inasar siya. Akala niya ha? Walang power tripping sa ospital na 'to! "I'll make sure to fire you," banta ni Alvaro sakin. Maawa na sana dapat ako kanina! Pero anong ginagawa niya sakin ngayon? Kaya siguro kukunin na ni Lord 'to- hindi ko nga alam kung si Lord ang kukuha sakanya! Suminghap ang boss at nanghihinang nagpapalit-palit ang tingin sa'min. "I wouldn't do that, Alvaro. Stop harassing people around here," madiin na sinabi nito at hinila ang braso ni Alvaro. "Come to my office, now!" Hindi pa talaga nakuntento si yabang at nilingon ako para tignan ng masama! "I'll be right back just for you..." Hindi pa talaga siya tapos sa pagbabanta! Ngayon ko lang napansin ang ibang pasyente, nurses at staffs na nakikiusisa sa'min. Napahawak ako sa leeg ko. Bwisit na lalaki yon. "Delilah..." Tawag ni doc. Evan sakin. "Halika dito... Lagyan natin ng cold compress ang leeg mo." Sumunod na lang ako sa office ni doc. matapos niyang sabihin iyon. Nakaupo ako sa single sofa ni doc Evan noong tinanong niya ako. "Kumusta ka naman?" Gusto ko talaga magwala at magsabi ng masasamang salita! Pero syempre, ayokong magmukhang unethical! "Okay lang po. Medyo nagulat sa nangyari." Tumango ito. "Pasensya ka na. Pero ganon talaga ang pasensya ni Alvaro..." Bigla akong na-curious. Mukhang kilala niya pala si Alvaro kung ganon. "Kilala niyo po ang bali- si Mr. Samaniego?" "Yes... Sa nakita mo kanina, ang uncle niya ay si Mr. Samaniego- ang chairman ng ospital." Bigla akong napaisip sa banta ni Mr. Alvaro Samaniego. Hala, hindi kaya matanggalan ako ng trabaho sa paninigaw sa gag0ng 'yon!? O gumawa siya ng paraan para lang matanggal ako? Napanguso ako sa naisip. Kaya pala ang yabang! Kasi may ipagyayabang! Pero... I think he wouldn't really bother to make a move just to do his threat, right? He sighed. "Noong bata naman iyon ay ayos lang siya. Ewan ko kung ano ang nangyari." Siguro sinapian ng kasamaan!? Ah- hindi mahalaga iyon! Bigla akong kinabahan- ang trabaho ko! "Delilah, ayos ka lang?" Tanong ng ilan kong kasamahan noong lunch time na. Hindi ako sumagot at tinitigan ang gold fish na nasa harap ko. Lunch time na ngayon– it is supposed to be a golden hour. Dapat ay kumakain ako ng marami because I don't know when is the next chance I'll get to eat while on duty! "Kumain ka huy," si Wency. Inilingan ko sila. "Bakit kasi baliw ang lalaking iyon? Nasagot-sagot ko tuloy!" And I feel so pathetic that I am now threatened! She sighed. "Bigla kang nagwala kanina ah..." Tapos tingin pa ng mga ka-trabaho ko, ako pa ang out of control dahil sinigawan ko si Mr. Alvaro Samaniego pabalik! Nakakatawa talaga isipin. Gusto kong magwala kasi, hello?! Ikaw kaya ang sakal-sakalin kanina! Nakakairita talaga isipin ang nangyari! It was humiliating– but sad because I am also anxious that I will lose this job. Nasa tama naman talaga ako– pero may tama din ang lalaking iyon... Now I felt like my job was in danger! Hindi pa umiinit ang paa ko kakalaklad when someone paged me on the hall. It was an announcement! Talagang binanggit ang buong pangalan ko para pumunta sa Chairman's office! Lalo akong kinabahan at naisip– if ever they remove me here, I will file a complaint for illegal termination! Habang naglalakad papunta doon ay maraming nakatingin saking kapwa nurse; nakiki-simpatya. Some are saying good luck to me. Napabuga ako ng hangin habang nasa pintuan ng chairman's office. "Ms. Delilah Jimenez," bati agad sakin ni Mr. Samaniego at ngumiti. Nakatayo ito at mukhang hinihintay ang pagdating ko. "Please, have a seat." Naku. Kumpleto ang pangalan ko. Hindi kaya tanggalin talaga ako? Mabilis ko siyang sinunod. Now, I don't like calling him Mr. Samaniego anymore. Naalala ko ang pangit na 'yon. I wanted to cry in frustration. Bakit kasi sila mag kamag-anak? At bakit kasi ang yabang ng bibig ko? Wala na ba talagang patawad 'to? "I'm so sorry about what happened, Ms. Jimenez. I am so sorry about Alvaro's behavior." Ngumiti ako at napahawak sa leeg. "Okay lang po iyon..." "I do not tolerate that kind of behavior, and don't worry about his threats. That will never happen. This is not his hospital so you can calm down if you're thinking he had the power to remove someone here." I sighed in relief. "Akala ko po talaga ay matatanggal ako!" He laughed on me. "No. Why would I do that?" "Kung ano rin po ang nasabi ko... kay Mr. Alvaro. Pasensya na po," I apologize. He shook his head and smiled on me. "That's okay. I like that you know how to step in. Mabuti at hindi ka nasindak? Alvaro knows how to intimidate people. How did you do it?" Bigla akong nalito. "Do what po?" "I mean... where did you find the strength to talk back?" Well. What a surprising question! Lakas maka-bongga! Akala mo ay parang interview question lang! Actually, init ng ulo lang talaga ang dahilan! Ikaw ba naman sakalin?! Tapos after, mayabang pa rin? Mukhang naghihintay ata talaga siya ng sagot kaya ngumiti ako at nakaisip ng pang-million dollar answer. "Dahil tao po ako." I answered shortly. Pero mukhang naghihintay pa siya ng sagot kaya naman ay nagpatuloy pa ako. "Alam ko po kung sino siya. My job is in stake once I talk with my mouth. But what he did on me was unfair po. Kaya nasagot ko siya. Naiintindihan ko po na... ganon. But it was too much... so I reacted there po... I'm sorry." Tumango ito na tila hanga sa sagot ko. "It's alright. You don't need to worry about anything. Thanks for telling me that." Hindi nagtagal ang usapan namin ni Mr. Samaniego— and honestly? Ang bait ng chairman ng ospital! He even apologized for what Alavaro Samaniego did to me! I feel so reassured after that. Natapos ang duty ko ng payapa at may ngiti sa labi. "Ate Delilah!" Sigaw ng kapatid kong si Celine mula sa kabilang kwarto niya. "Mabuti naman at nakauwi ka na, ate? Akala ko stay-in ka na naman sa ospital!" Halos hindi ko na maramdaman ang sarili dahil sa pamamanhid galing sa trabaho. Akala ko nga rin ay hindi na ako makakabalik sa sariling bahay. Grabe ako kung maka-kayod. Pero yung sahod, kakarampot lang! Iyong dignidad ko pa sa ospital? Bawas na bawas! Madalas, ang sarap sa pakiramdam na makatulong! Pero iyong bigla ka na lang sasasakalin? Ibang sakal sana ang gusto ko! Bigla kong naalala iyong nangyari sa ospital. Napapikit ako. Grabe... Nasakal ako ng guwapong nilalang na 'yon. "Tumawag pala yung mga kaibigan mo..." "Kaibigan? Wala akong kaibigan, Celine! Baka mga doctor 'yon na pinapa-duty ako! Nako, kakauwi ko lang-" Umiling ito. "Ate, hindi po. Sila badeng po," aniya. Pinapakalma ako. "Nasaan na sila? Sabi ko naman at uuwi kami para mag-inuman na!" Nako! Na-miss ko makipag-kanal sa mga kaibigan kong badeng! Sila na lang ang rason kung bakit sumasaya ang buhay ko bilang nurse! "Inuman? Ate... may ipapakilala sana ako sayo," sabi niya, mukhang nagdadalawang isip pa. Tumaas ang kilay ko. "Who is that?" Kumuha ako ng baso upang salinan ng tubig. Grabe, unti-unti ko na talaga nararamdaman ang pagod sa katawan at kaunti na lang- bibigay na ako sa pagod. "Eh, ate! Huwag mo naman kasi badingin! Mabait 'to tsaka mahiyain!" "Boyfriend mo?" Pabiro kong sabi. "Opo," mabilis na sagot niya kaya napabuga ako ng iniinom na tubig. "Celine," banta ko sakanya. "Huwag mo ng subukan!" Ngumuso lang siya sakin. "Kaya ko 'to, Ate!" Pinandilatan ko siya ng mata. "At anong kakayanin mo!? Tantanan mo ako, Celine! You are just nineteen!" Sigaw ko sakanya. "And I am turning twenty this August!? Ate, hindi na ako bata!" "Hindi ka na bata pag nakapagtapos ka ng pag-aaral." "Ate!" I didn't take her seriously. Tinatawag pa ako nito pero hindi ko siya binigyang pansin. I am tired, and I don't want to deal things with her right now. Hindi pa ata malalim ang tulog ko noong may tumawag sakin sa phone. Ano na naman!? Kaka-off ko lang! "Hello?" Nakapikit kong sinagot ang tawag. "Nurse Lie, kailangan ka dito sa ospital..." "Ha? May emergency?" "Medyo... oo?" Kumunot ang noo ko sa narinig. Anong medyo oo? "Huh?" "Hinahanap ka po ni Sir Alvaro Samaniego. Nagpa-admit siya ngayon at nagwawala dito. Ayaw niya ng ibang nurse. Ikaw ang gusto niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD