KABANATA 2

1296 Words
Napahinto ako sa paglabas noong makita ko ang kapatid sa living room. Nakatulala ito sa phone niya bago pansinin. Mukhang hinihintay talaga ako nito. “Ate—” “Not now… Tantanan mo ‘yang pagb-boyfriend!” I shouted at her while slipping on my white flats. Tinignan ko siya at inilingan. “Ako na ang nagsasabi sayo, sakit sa ulo ang mga lalaki. Sa una lang nakakakilig.” “Ate!” She stomp her feet. “Hindi ganon, okay? Let me explain first—” “May emergency sa hospital. Nag-iwan ako ng pera diyan sa lamesa ha? That’s your allowance for a month!” I know that I am being bitter or passive. But I made a mental promise that I will attend to my sister’s boyfriend. I really do feel bad about being a sister this way—I am so busy at my work that I rarely attend on her. Kung hindi kasi nasa duty ay tulog ako. And I am so happy that my sister understands that. “Ingat, Ate!” “Ikaw rin! I-lock mo ang pintuan, ha?” I told her before running away. “At matulog ka na!” I only have my sister with me. Both of my parents have their own different family now, and you can say that… we are the outcast. Noong una, I was staying with my wealthy father—and my sister was staying in mom. Hinintay ko muna na makapagtapos ako ng pag-aaral, at tiniis ang buhay sa puder ng ama ko before getting my own life. Hanggang ngayon naman ay pinapadalhan pa rin kami ng allowance ni Papa, but that is for my sister’s needs like tuition. Starting on my own is hard. But it felt more… comfortable. I am just thankful that even my mother and father had their own lives; sinuportahan pa rin kami gamit ng pera. At least that made them less shitty person. “Hoy, Delilah!” Tawag sakin ni Bakla habang nag-aabang ng trike. “Parang kakauwi mo lang kanina ah? Hindi pa nga tapos ang inuman namin aalis ka ulit?” Suminghap lang ako. “Alam mo naman…” Hindi ko naman talaga duty ngayon—pero everyone was asking for me because of that man! I mean… hindi pa ba siya tapos sa kabaliwan niya? At dadagdagan pa? “Nako, Lie! Ikaw ang matetegi kaka-hero mo diyan!” Komento nito. “Pahinga rin beh!” Tumawa ako sakanya. “Aalis na ako. Sige na! Bye! Ikaw matetegi kaka-inom mo diyan!” “At least namatay akong masaya bakla?!” May mga tumatawag pa sakin sa phone kahit sinabi kong on the way na ako. Nakakainis talaga! Gusto ko ng tulog! Sanay na akong wala—pero mate-tegi talaga ako pag sinagad ko pa! “Anong nangyayari?” Tanong ko agad pagkadating sa desk. Tumayo si Maricris at inilingan ako. “Puntahan mo na lang. Dali! Kanina ka pa hinahanap!” Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon—kaya bakit naman niya ako hahanapin? Like excuse muah? Theresa cling her arms on me. “Kilala mo ba si Sir Samaniego? Close kayo?” Napatingin ako sa dalawa, halatang nang-uusisa sila. Hindi ko rin tuloy alam ang isasagot sakanila. Sinakal lang naman ako ng pisti na ‘yon. Siguro he will threat around? Natatakot na nga ako! Kung pwede lang na hindi pumunta! But I am assured that he will not remove me from work. Galing iyon mismo kay sir Samaniego. Siguro ay wala naman akong dapat ikatakot? “Siguro sasakalin ka ulit!” Theresa squealed her ridiculous thought. The two of them chuckled as if it was a nice idea! "Mukha bang masaya masakal?" Tanong ko sakanilang dalawa. Nagkatinginan sila sabay tango. "Kung ganon ba naman ang mukha ng sasakal sakin bakit hindi?" Napaisip tuloy ako na kawawa naman ang mga pangit. Pag pangit gumawa, harassment. Pero pag pogi okay lang? But that doesn't mean that I will let Alvaro choke me again! Noong una, napaka-guwapo talaga! Pero turn off sa ugali! Parang hindi lalaki! Nagwawala sa ospital dahil... gusto ako pahirapan!? Ang immature! “Delilah!” Nanlaki ang mga mata ko noong makita ang head doctor kasama ang iba pa sa likod niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makatanggi! Ikaw ba naman hintayin at bulabugin ng mga head doctors at nurse sa every department! Sinong hindi mapapasunod? “Mabuti naman at dumating ka! Mr. Samaniego wanted you to be her personal nurse—” “Ha?!” Hindi ko maiwasang sumigaw. Tinakpan ko tuloy ang bibig. “I mean… Why po?” Personal nurse pa ang gusto niya!? Kung sakalin ko siya pabalik? O isaksak ang swero ng mali? Inilingan ko ang sarili. Nurse ka, Delilah. Dapat, marangal. Dapat hindi ka ganyan! Korek! “I don’t know too. But the chairman wanted to see you again before attending to Mr. Alvaro. For now, I will tell Mr. Alvaro that you are here para kumalma.” Para kumalma? Talagang nagwala si bakla! Mabilis ang kilos sa ospital at wala ng kahit anong tanong. Kaya naman noong sinabi sakin iyon ay wala akong tanong at pumunta na lang sa chairman’s office. Hindi ko akalain na nandito pa ang boss ng ganitong oras. I mean it’s already 5AM. I didn’t expect that a boss would be here that early. Ang mga nag o-overtime lang naman ay iyong alipin ng kapitalismo. Katulad ko. Mukhang pera kaya walang choice kung hindi mag-OT kahit buto’t balat na. “I am so sorry for the late call, Ms. Delilah. But that young man wanted you to nurse him. Is that okay?” Aniya. Sagot pa lang sana ako ng matigas na AYOKO; pero inunahan niya ako magsalita. “If you will nurse him, I promise that you will get extra benefits for taking care of my niece. Don’t worry.” Extra benefits? The Samaniego Medical Center pays just right for a nurse like me with a year experience. Hindi talaga ako interesado sa benefits na ‘yan kung sasakalin lang ako at titiisin ang ugali non! “I am so—” “I will give you a hundred thousand every month… And I will make sure no matter what you do on him, you will not get fired. You can attend on him the way you want to. Be strict or uptight. Kahit sagutin mo siya ay ayos lang. Alam kong may ugali si Alvaro…” Halos lumaki ang butas ng ilong ko sa narinig. Putcha, ano daw? One hundred thousand? Hindi one hundred pesos? “Do you want to do it, Delilah?” Dala ko ang tray sa harapan ng isang VIP room. Nagkasugat kasi ito kanina kakapalag sa mga ibang nurse sa swero niya. Bata ba ‘tong aalagaan ko o ano? Syempre, gaya ng sabi ko kanina, alipin ako ng pera. Kaya titiisin ko ang ugali niya para sa one hundred thousand! Aba, ang laking pera noon! At… mas makakaipon ako ng maigi kung… ganon ang kikitain ko! Baka nga makalipat kami ng bahay! Hindi ko alam kung bakit ako in-offeran ng one hundred thousand. Personal nurse, tapos ganon ang sahod? Pero naisip ko na lang… baka dahil sa ugali? Kaya ako bibigyan ng ganon kalaking halaga every month? Or ikakamatay ko ang pagiging personal nurse? I really don’t care about anything. Basta may pera, gora! Kumatok ako ng tatlong beses—at doon, nakita ko si Mr. Samaniego na nagpipindot ng remote—obviously bored with what he is watching. Noong nakita niya ako ay napangisi ito. “Finally, you’re here! How dare you make me wait?” Napaamang ang labi ko. Ah, ang kapal talaga ng mukha niya. At halatang hindi magiging madali ang isang ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD