Pag ka dismissal ay nag ayos na kami ni Kervin ng gamit
Kami nalang kasi ang natira dito sa room. Isama mo pa itong si Mr. Feeling Perfect na si Andrei
"Ah, 'E Lianne, gusto mo sabay tayo pauwi?"
Ilang segundo akong natulala sa mukha nya. Pasimple kong hinawi ang buhok ko papunta likod ng tainga ko. Nang saglit s'yang tumingin sa inaayos nya.
"Sige ba." Kunwaring wala lang na sagot ko.
Ngumiti bago isinabit ang bag nya sa balikat nya.
"Psssst... "
Napatingin kami din sa nag 'psst'
Si Mr. Mayabang Agh >_____<
"Oo may utak ako, hindi ko lang talaga alam sa'n mo pinag dadampot itatawag sa'kin" napa ismid ako dahil mukhang may bago na naman pala akong pangalan. Ang saya saya ko grabe
"You're pretty, I admitted it and I really like you"
"Tss kung mangliligaw ka. Wag mo nang ituloy, wala kang pag asa, hindi naman kita sasagutin "Hindi ko napigilang mag mataray dahil naman talaga nakakainis s'ya.
"Ang confedent mo naman. Nasabihan kalang ng maganda ka. Lumaki na agad yang ulo mo. Sorry pero wala akong balak ligawan ka. "
Naitikom ko sandali ang bibig ko dahil sa konting hiya na naramdaman ko ng tignan nya ako mula ulo hanggang tuhod.
"Baka ikaw pa nga manliligaw sa'kin, But don't worry it's okay... Sanay naman na'kong may mga girls na nangliligaw sa'kin. Sa dami ba naman nila di pa ako masasanay? "Nakangisi pa nitong saad
Bakit parang ang sarap nya sakalin? Tss
"Agh! YABANG!!!"
"ARAY!! ARE YOU CRAZY!! "
Napaupo s'ya sa sahig dahil sa malakas na sipa ko sa tuhod niya.
"Masakit? Deserve mo. Ang Yabang ko kasi." nilakihan ko s'ya ng mata tapos kinuha ko yung bag ko para umalis na sana kaso
BOOGHSS!!
Napapikit ako sa sakit dahil sa pagka plakda ko sa sahig. Bigla nalang kasing hinila ni Andrei ang binti ko ng paalis na ako.
Nagulat pa ako ng bigla sa isang pikit matang nasa ibabaw ko na s'ya. Ang pag kabila n'yang kamay ay naka tukod sa sahig. Napalunok ako ng mapagtanto ang posisyon namin.
"Babae kaba talaga? Para kang lalaki sumipa ah. " Presko ngunit malambing na tono niya.
Shet. Ang bango ng hininga niya sa malapitan--Ay hindi pala f*ck Patricia ano bang pinag sasabi mo jan.
"U-umalis k-ka jan. "
Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos.
"But why? I'm comfortable here. Eh ikaw? " Ngisi n'ya
"Please. "
Naiyukom ko ang mga kamao ko. Pakiramdam ko ay unti-unti akong na paparalyze sa tingin n'ya.
"Kaya mo naman pala maging mabait sakin eh. Ang cute. But you know. You're prettier when you're mad."
Nakangiting sabi n'ya
"U-umalis ka jan k-kung hindi-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang
YUCK! Bigla nalang tumulo sipon n'ya sakin...
Char! Joke
Bigla niya nalang n'ya akong hinalikan??!
Sa gulat ko ay hindi ko nagawang makakilos.
Ang lambot ng lips niya--Ay este hindi pala. Agh!
"Masarap ba? If you want to try it again. Just let me know." tinapek n'ya ilong ko gamit daliri niya na animo'y nag ooffer lang ng pag kain
Nagawa kong makahinga na ng maayos ng tumayo na s'ya
Ilang segundo akong napako lang bago nagawang tumayo na ng matauhan
Doon lang nag sink in sa utak ko na first kiss ko pala iyon, first kiss na para sana kay Kervin lang.
Mabilis na umakyat ang galit sa buo kong katawan.
Malalagot sa'kin ang lalaking 'yon!
Mabilis na nag lakad ako para lumbas para harapin ang gagong yon pero pag labas ko ay wala akong nakitang ni isang tao sa hallway. Miski anino ng mokong na iyon ay wala. s**t!
Makakapatay talaga ako! Wala akong paki kahit pa tatay nya ang director ng school na'to!
- ANDREI KIYEN -
Kakalabas ko lang galing sa building ng room ko nang tumawag sa'kin si Bernard at sinabihan akong puntahan ko s'ya.
Pag punta ko sa parking lot ay saglit akong nahinto ng makitang may mga babae na mukhang ako ang hinihintay.
Pasimple nalang akong naismid bago lumapit sa kotse ko
"Hi Andrei! " masayang bati nila.
I saw one girl wearing a white t-shirt and may nakaprint dun na 'MR PERFECT' Which is tawag nila sa'kin.
Tch. They all really deem that I'm Mr Perfect
They have no idea who I really am.
Stupid.
"Inaantay n'yo ko?" ngumiti ako sa kanila na alam kong magugustuhan nila kahit na labag pa ito sa'kin
Masayang tumango sila. Mababakas pa sa iba ang pag ka kilig. Psh.
Lumapit pa ako sa kotse ko para buksan ang pinto
"Ah. Thanks, but I really have to go."
Nag tanguan sila ulit saka ako pumasok at pinaandar na iyon.
Nagbigay naman sila ng way para makadaan ako habang kumakaway.
Pag karating ko sa kung saan ako pinapunta ni Bernard ay tumayo pa muna ako para basahin ang pangalan. Canillas Bar
Yeah. Sa'min ang bar na'to pag mamay-ari ni mom dahil mahilig rin ito sa iba't ibang klaseng liquor. Naisipan ni Mom na mag tayo ng bar kahit pa kapwa silang Entrepreneur ni Dad at Multibillion ang pinapatakbo.
Ipinag buksan at binati pa ako ng guard na tinanguan ko lang.
Pag punta ko sa bartender counter ay agad na nakita ko si Bernard na nag pupunas ng wine glass.
"Oh Bro! "Bungad nya ng makaupo na ako.
Umupo na'ko sa table sa harap nya. Ipinag salin n'ya ako ng alak sa basong puno ng yelo dahil iyon ang gusto ko.
Si Bernard Ian Mercader.
S'ya ang nag iisang anak at nag iisang taga pag mana nila Mrs Sophia at Mr Brayne Mercader.
Pero lumaki s'yang hindi gustong umaasa o nang hihingi ng pera sa magulang niya. Gusto n'ya lahat ng bagay ay pinag hihirapan n'ya. Wala s'yang paki at hindi ipinag mamalaki ang yaman at kasikatan ng pamilya niya. Ang kanyang ina ay isang actress samantalang ang ama niya ay isang businessman.
"So what's bring you here?"
Bungad nya na ikina laglag ng panga ko
"Ano what's bring you here 'E Ikaw nga nag papunta sa'kin dito."Ngiwi ko.
"Ay. Oo nga pala. Sorry naman hindi mo naba ko mapapatawad? Tagal mo kasi 'E, nakalimutan ko na tuloy."
Natatawang sagot n'ya.
"Inentertain ko pa kasi yung mga babaeng nag antay sa'kin dun sa parking lot... Ang hirap nga umarting mabait 'E."Nangisi ako sa kawalan.
"You're such a good actor, actually. kaya idol kita 'E. Try mo kaya mag artista."Natatawang sambit n'ya
"Tch. Pinapunta mo lang ba'ko dito para asarin?" Ngiwi ko.
"No. Of course, I'm just joking."
Natatawang sagot n'ya
"Tch.."
"So anong balita sa'yo bukod sa happy-go-lucky ka, huh?"
"No, hindi ngayon."
Nangunot ang noo niya
"What do you mean?"
"Remember that girl in our mall? "
"Yung nag pa-part time as a janitor, yung gusto mo pero hindi mo naman malapitan? "
Kaya ko lang naman s'ya hindi nilalapatan noon ay dahil ayokong uminit ang mga mata sa kanya ng mga taong makakakita at isa pa, ayokong malaman ni Mom.
Tumango ako.
"Nag kita kami sa school kanina, nakausap ko nga s'ya eh. "
"Talaga? Oh, anong nangyari, ba't parang hindi ka naman masaya jan."
"Hindi n'ya na ata ako gugustuhing makita pa. "
"Huh? Bakit Ano bang ginawa mo?"
Bakas sa kanya na talaga tutok s'ya sa pakikinig sa kwento ko at nadadala doon.
"I kissed her..."
Naawang ang bibig n'ya bago napa pito.
"Kaya naman pala. "Naiiling na sambit niya
"Bro, Gusto ko talaga s'ya. I want her to be mine."
Pag dederetsya ko dahil iyon talaga ang gusto ko una ko palang s'yang nakita noon sa mall nina mom
"But you're Andrei Kiyen Canillas and anything you want will be yours baka nga titigan mo lang 'yon, magiging sayo na s'ya 'E."
Hindi ko agad iyon nasagot dahil nireplyan ko muna ang text ni Revil Aungtrias, Pinsan ko. Nag aya kasi s'yang uminom bukas.
"But she's different from the other girls."
"Bakit hindi mo na ligawan?"
Saglit akong natikom.
"Hindi n'ya rin naman ako sasagutin 'E. She already said it."
"Edi pilitin mo'ng makuha."
"What that supposed to mean."
Hindi niya agad ako nasagot dahil pinunasan n'ya na muna iyong lamesa.
"What I mean is diba may mga kasabihan tayo na kapag hindi mo makuha sa puspusang dasalan. Edi 'wag mo nag dasalan kunin mo nalang. "
Nangunot ang noo ko.
"Gago ka talaga, meron ba nu'n? "
"Oo noh. Kakagawa lang actually. "Itinaas pa niya ang hintuturo na animo'y gurong nag le-lecture lang
"Baliw. Pa'no ko naman gagawin 'yon? "
"Abay ewan ko sa'yo. Pati ba naman gagawin mo ako pa mag iisip? Sana ako nalang naging utak mo diba?"
"Aish! Ikaw talaga." inambaan ko s'ya na babatuin ng bote kaya umilag sya. S'ya at natawa rin ng hindi ko iyon tinuloy. Kahit kelan talaga ang taong 'to.
"Oo na. "Tamad na sagot ko. Inubos ko na muna iyong laman ng basonv hawak ko bago tumayo
"Oh. San ka pupunta?"
"Mag iisip ng gagawin."Tamad na saad ko.
"Baliw. "Ngiwi namang sagot niya na ikinatawa ko.
"Uuwi na'ko bro, sige."
Kumaway na ako bago umalis.
Pag kauwi ko ng bahay ay deretso na ako sa kwarto ko at dumapa sa kama ko. Ang totoo'y tinawag ako ni manag kanina para mag hapunan pero tumanggi ako.
Kinapa ko ang phone ko mula sa bulsa ng tumunog ito.
Pabato kong ibinaba iyon matapos basahin mag text ni mom para sabihing next week pa s'ya makakauwi galing sa business trip n'ya sa Korea.
Bumangon ako paupo sa headboard ng kama ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuhan ng malaking kwarto ko.
Ang tahimik.
Nakatira man ako sa tila palasyo at nabubuhay bilang prinsipe ay ano ang halaga ng lahat ng bagay na kaya kong makuha kung hindi naman ako masaya dito.
I'm just a powerless prince, A Prince without a crown.. A Prince that acts like a slave... I can't do want I really wants, I always obeying what my dad want me to do. I can't ruin his rules even though I hate him so much...
Everyone envying me for being Andreii Kiyen Canillas, They all thought I'm living the kind of life that every person wants to live. But hell no, my life is cursed.