Kabanata 2: Mr Perfect?

2216 Words
"Anak bilisan mo! Malalate kana sa first day mo sa bago mong University." sigaw ni mama mula sa first floor ng bahay "Opo ma!! " inayos ko na uniform ko at humarap sa wall mirror, Hindi ako komportable sa bago kong uniform ( short pink stripe skirt, white long sleeve, pink necktie) Maganda nga yung style kaso ang ikti ng skirt. Bumaba na'ko para mag almusal. Oh wait? Ako pala si Patricia 'Patty' Lianne Fontenilla but they used to call me in my second name, Isang I.T student. Unang ko sa college ngayon sa TOP UNIVERSITY Maswerte akong nakapasa sa exam at nakuha bilang iskolar doon. Iskolar na ako sa dati kong University pero nag karoon ng problema ang school kaya inirekomende nila ako sa TOP University at sya ngang nakapasa ako. Sobrang saya ko lalo na't doon din ngayon nag aaral si Kervin Craine Venietez Sino s'ya? Crush ayy! Love ko na s'ya since first year highschool, ilang beses na kami nagiging magclassmate at dahil du'n naging close kami. Kaya nung magiwalay na kami ng University na pinasukan ay gayon nalang ang pang hihinayang ko. Gustuhin ko mang sundan sya doon ay hindi ko magawa dahil sobrang taas ng standard ng University nayon. Kaya sobrang tuwa ko nang makapasa ako sa exam nila Sa wakas. Makikita kona muli sya. Pagkatapos ko mag almusal ay hindi na ako nag sayang ng oras at pumasok na. Ayokong Malate sa unang araw ko dito. Nasa harap na'ko ng malaking gate ng Campus. Wow! Ang gandaaaaaa O_O Pagka pasok ko ay mas maganda sa loob. Ang linis at nakaka relax yung color ng paligid Masaya akong naglakad nang pumasok sa isip ko na ngayon ay iisang University nalang ang papasukan at nilalakaran namin. Naglakad na ako papuntang bulletin board para malaman ko kung saang room ako. 'Look at her. She's like a poor girl?' 'Yeah. And Yuck ' 'Grabe ka . Omg stop insulting her' 'No. I'm not. I'm just saying the fact' 'Yeah. Hahaha' Narinig kong usapan nung dalawang girls habang naglalakad ako sa hallway, Tss grabe naman sila porket rich kid aish. Nung nakita kona yung bulletin board hinanap kona agad yung name ko. " Ayun! Section A ako Yes! " Hindi napigilang sumigaw dahilan para mapukaw ko ang atensyon ng estudyanteng nandito. Tinignan nila ako ng masama. Tss bawal maging masaya? Section A ako oh. Maging proud nalang kayo for me. "Sorry" yumuko nalang ako at aalis nasa kaso nung pag turn back ko BOOGHS!! "OUCH! ARE YOU BLIND?! DON'T YOU SEE ME! " Sabi nung lalaking nabunggo ko Infairness dama ko yung abs nya ah. Ayy! Hindi pala tss Pagtingala ko. SHEEEET!! Ang gwapo nya, Tall, brown Eye,white skin and ~ and gosh ang pula ng lips nya talo pa'ko mukhang rick kid din to. At... PARANG MASAMA ANG UGALI >_____/////< "GAGO!" Hindi ko napigilan ang sarili kong mag mura at kita ko ang mabilis na pag bago ng expression n'ya. Hindi ko na iyon binigyan ng pansin at umalis nalang. Agh. Kakainis! Tamad na nag lakad ako ng hallway, dahil sa mayabang na 'yon ay nasisira ang araw ko. "Lianne?! Lianne!! " Awtomatikong nahinto ako dahil sa pamilyar na boses nayon. Hindi ako pwedeng mag kamali. S'ya lang din naman ang ka isa-isang tumatawag sa'kin sa pangalan kong 'yon eh. Ipinihit ko ang katawan ko paharap sa kanya. Natanaw ko s'ya ilang hakbang ang layo sakin. Si Kervin Kumaway ito at masayang tumakbo papalapit sa'kin. Hindi ko napigilan ang pag ngiti dahil sa tuwa Nakaraang taon pa nang huli ko s'yang nakita nang mangyari ang aksidenteng iyon. Hindi ko maitatangging mas gumwapo s'ya ngayon. "Lianne ikaw nga." Nagulat ako nang niyakap nya ako ngunit saglit lang iyon "Grabe, namiss kita. Lalo kang gumanda. " Hindi makapaniwalang sinuri n'ya ang kabuuhan ko. "K-Kervin... Namiss din kita. Ikaw din ah! Laki nang pinag bago mo. " Tumawa ito nang guluhin ko ang buhok nya "Dito ka na mag aaral? Pa'no yung scholarship mo sa dati mong University? " "Ah Oo, nagka problema kasi doon kaya ako nalipat dito hehe. "Napapakamot balok na paliwanag ko. Tumango-tango naman s'ya "Ah tara." Aya niya bigla na ipinagtaka ko. "Asan?" "Sa room natin." "Huh? " "Ano kaba, halatang name mo lang talaga binasa mo dun sa bulletin board ah. I saw your name so mag classmate tayo sa first sub." Natatawang sambit niya Nakaawang parin ang bibig ko. Kung panaginip ito ay 'wag n'yo na po akong gigisingin--charot. Hindi ako makapaniwalang hindi ko nabasa pangalan n'ya doon. "Let's go " Palihim akong nangiti ng akbayan nya ako. Pakiramdam ko kasi ay girlfriend niya ko sa ganitong sitwasyon namin. Alam n'yo minsan naiisipan kong umamin na sa kanya. Pero naiisip ko din na baka ma reject n'ya ko at layuan kaya siguro okay nadin 'tong closeness namin Pag pasok namin sa room konti palang ang estudyante dito. "Lianne, tabi tayo ah." bulong ni Kervin tas hinila nya ko habang naka akbay parin. Tapos yun umupo na kami sa chair Yung chair kasi dito pang dalawahan. Ginawa talaga to para samin ni Kervin lol. Nag kwentuhan muna kami ni Kervin habang wala pang teacher Ang gwapo ni Kervin habang nag kukwento ^_^ 'Grabe kinikilig ako. ' 'Oo nga eh. I can't believe na dito din section nya' 'Yiiieeee sana magkatabi kami' 'Asa kapa I know may naka save na syang chair eh. Pero ayaw nyang may katabi' 'Ow. Ka sad naman ' Narinig kong usapan ng ibang girls dito sa room. Hinanap ko naman yung chair na sinasabi nila na nak save. Nasa likoran yun. Huh? Sinong tao ang gustong ma upo sa likuran? Siguro may sayad yung pinag uusapan nila Pero basta ako, Katabi ko si kervin ^_^ Maya maya ay dumating na yung prof namin "Good morning sir. " bati naming lahat kay sir. "There's no good in my morning! Okay you may take your seat"- Ano bayun. Firstday palang ang sungit na. LOL Nag sulat si sir sa white board ng name nya "So, class I'm Mark Perello, your prof In physics but just call me Sir Mark. clear? " "Yes sir. "-whole class Nagturo na si sir. Yung totoo wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi ni sir pero kunwari nalang gets ko Nasa ganoong sitwasyon lang kami ng bigla ay bumukas ang pinto at iniluwal ang isang lalaki. 'Yiiiiieeeee!!!! Andito na sya. ' 'Omg. Ang gwapo nya talaga. ' 'Akin ka nalang' 'Buo na araw koo' Hiyawan ng mga babae naming classmate. Napatakip pa ako ng tainga dahil sa tining ng boses nila. "Tch, The saint is finally here." rinig kong bulong ni Kervin at nakita ko kung paano nawala ang masaya at maaliwalas nyang mukha kanina. Gustuhin ko mang mag tanong ay naagaw ng atensyon ko ang pag pasok noong lalaki sa pinto. Nangunot ako dahil pamilyar s'ya. "S'ya!! " medyo napalakas ang pagkakasabi ko nu'n kaya nabalin sakin si Kervin "Sino, Lianne?" "Ah wala." Ayoko na i-open kay Kervin yung about dun sa scene kanina. "Hi! I'm sorry because I'm late. " medyo wala sa ayos ang kakasabi nya nu'n ngunit parang wala lang ito sa prof namin Tss. Sino nga ulit sya.? Andrei Kiyen Canillas ba? Who ever he is. I don't care Bakit classmate ko s'ya ng first sub? Edi araw-araw masisira umaga ko ang tch! "It's okay Mr Canillas you're just 30 minutes late. You may come in." Just 30 minutes late? WTF! Anong kalokohan 'yon Sir? Nag kakalokohan ba tayo dito? Pumasok na s'ya at umupo du'n sa naka save na upuan sa likod So para sa kanya pala 'yon. May sayad nga toh. Tinuloy na ni Sir ang pag tuturo n'ya pero walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko kasi mapigilang mapatingin sa likod kung saan naka upo si Mr Mayabang which is si Andrei Nakita ko s'yang seryosong nakikinig, pero shet ! Bigla s'yang tumingin sa'kin at ngumiti Ang cute niya nga dun eh. Kasi yung tipong seryoso yung mukha nya pero biglang ngingigiti-- Pero na alala ko. GALIT PALA AKO SA KANYA -_- "Uyy? " Nabalin kay Kervin ang atensyon ko nang kalabitin nya ako. "Oh. Bakit? " Tumigin nako sa kanya "Wag mong titignan nakakamatay. " Nakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang gusto nyang ipararing "Huh? Hindi ko maintindihan." Ngumiti lang ito saka hinagod ang buhok ko. "Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, yung iba ginawa sa kasinungalingan. " Sagot nya saka bumalin muli kay sir Mark Hindi ko man sya naintindihan ay nag kibit balikat nalang ako saka tumingin muli dun sa kumag na si Andrei daw pero laking gulat ko nang makita syang nakatingin narin pala sa'kin kaya mabilis na naiharap ko abg paningin ko kay Kervin "Why? " takang tanong nito. Umiling nalang ako at pilit na ngumiti "Ah. W-wala" Alam ko nun. Na werduhan sakin si Kervin Pag ka lunchbreak ay bagay kaming bumaba ni Kervin para kumain. S'ya din ang umorder na treat niya. Paano akong hindi lubusang mahuhulog sa gaya nya. Pagkalagay ni Kervin ng pagkain namin ay umupo narin s'ya saka kami nag umpisang kumain. Maya-maya ay may lumapit samin hawak ang tray nya. "Do you guys mind if I sit here? " Tanong ni Cathy na inilipat-lipat ang paningin sa'min ni Kervin. Si Cathy ay isa sa kaklase namin. Hindi na nag salita si Kervin bagkus ngumiti at umurong para makaupo sa Cathy. Ngumiti rin ako nang magtama ang paningin namin. Nag kwentuhan lang kami habang kumakain. Ilang tanong din ang sinagot ko kay Cathy na tila kinikilala na ako. Natuon ang atensyon namin nang umingay ang buong crowd. Mabilis akong nangiwi ng makita na si Kiyen pala ang dahilan ng hiyawan na kakapasok lang. Nahihiya s'yang ngumingiti sa mga babaeng kilig na kilig na makita sya. "Andrei Kiyen Canillas also know as The Mr. Perfect... " Nabalin ako kay Sharmane nang magsalita s'ya. Nakangiti s'yang nakatuon kay Kiyen. "He's the eldest son of AC Group's family. multibillion ang pinapatakbo ng magulang n'ya, The most influential partners in our country...Ang mommy n'ya na si Mrs Kiesnha Canillas ay ang dating super silat na actress, Ang Daddy naman n'ya ang director ng University na'to at sigurado akong mamanahin n'ya na ang pag papatakbo nito pag graduate n'ya.." Pangiti pa s'ya natawa. "....No one won't fall for him. He's handsome, rich, talented I mean he has the all good things that every girl's wants." Tumingin muli ako kay Kiyen na ngayon ay nasa counter na at nakikipag usap sa todo ngiti sa kanyang nag babantay ng counter. "Wag mo s'ya masyadong makatitigan, baka magulat ka nahulog kana pala. " Awtomatikong bumalik ang paningin ko kay Cathy dahil alam kong ako ang sinabihan nya. "Mayroon bagay kay Andrei ang nakakapag pahulog sa mga babae kahit pa wala s'yang ginagawa." dugtong pa nito na may nanunuksong tingin. "Stop it Cathy, will you?" Malamig na sabi ni Kervin. Seryoso ang mukha nya na tila nababadtrip na hindi ko alam ang dahilan, kanina lang ay okay pa naman s'ya. "Why? I'm just acknowledging her. Tama naman ako hindi ba? Andrei is perfect--" "Yes! He's a damned perfect." Nakita ko ang yukom ng kamao niya na tila hindi rin sang-ayon sa sariling pag sang-ayon. Kung ano din naman ang tatanungin ay hindi rin ako payag na Mr. Perfect ang gaya nya. Ang sama kaya ng ugali psh! Sa sobrang pag hanga ng mga tao sa kanya ay nabulag na ang mga mata nila at hindi makita ang totoong katauhan nya. Kung tutuusin ay mas perfect pa ngang maituturing si Kervin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD