Kabanata 1:Arrogant

1218 Words
Kakarating ko lang sa parking lot ng mall na pag aari ni Mom. Pagkapark ko ay bumaba narin ako na sya namang tunog nang phone ko. Sinara ko ang pinto nang kotse ko saka sinagot ang tawag ni mom “Hello.. Oh mom, andito na po ako... Okay, I'll be there in a minute. ” Ibinaba ko na ang tawag at nag lakad papalapit. Saktong nasa byahe ako galing sa cemetery ng tumawag si mom dahil gusto nya akong makita. Bakit hindi nalang nya ako kinausap kanina sa bahay? Alam kong paraan lang ito ni mom para papuntahin ako dito sa Mall. Kahit kasi pag mamayari namin ito ay hindi ako madalas na pumunta dito. Malls seems so boring for me. It's not suits me. Isang tao lang naman ang dahilan kung bakit napapadalas ang pag punta ko sa mall na'to eh. Nakita ko ang papila ng ilang empleyado sa entrance habang papalapit ako. Nakapila sila sa dalawa. Pagpasok ko ay saka naman ang yuko nila. “Good morning, Sir Andreii. ” Bati nila, Naglakad ako papunta sa elevator na para lang sa mga personnels netong mall. Nag tingin tingin pa muna ako sa paligid bago pumasok sa elevator nag babakasakaling makita sya pero bigo ako kaya't pumasok na ako. Nasaan kaya ang isang 'yon? Pagpunta ko sa office na mom ay agad nya akong sinalubong. yumakap at humalik sya sa pisngi ko. “Honeeey. What took you so long. ” ngumuso si mom “May dinaanan lang kasi ako mom, bakit mo ako pinapunta dito?” Lumawak ang ngiti sa labi nya. “I just want to have a lunch date with my favorite son, let's celebrate! Tomorrow is your first day of being a graduating student and your mom was very proud of you.” Bakas sa mukha “There's no need mom, it's just a normal day. ” walang ganang sagot ko. “You don't want to be with me, aren't you? ” “Oh Mom, you know how much I wanted to be with you. I always want to be with you.” Kahit na medyo pabalang nang bitawan ko iyon ay nakita kong ngumiti si mom pati narin ang ilang empleyado dito. Lumapit sa'kin si mom at humawak sa balikat ko. “Your so sweet honeey.” ngiti nalang ang isinagot ko sa kanya. “Just wait for me here. I just need to talk to someone and we're going, okay?” Tumango ako saka lumabas si mom kasama ang secretary nya at ilang empleyado. Tanging si Nicole Cruz lang at ako ang naiwan dito. Umupo na ako sa couch at pinanood ang mga ilang taong nag lalakad mula sa labas. Gawa ang pader sa glass at nakikita ko ang mga nangyayari sa labas samantalang hindi naman nila nakikita ang andito sa loob. Bale kami lang ang may kakayahang makita ang nasa labas. Kung titingin ka kasi dito mula sa labas ay tanging malaking salamin lang ang makikita mo. Sa totoo lang ay ito ang pinaka paborito kong lugar dito sa mall. Dahil dito ay malaya ko syang napagmamasdan. “Do you want anything to eat sir? ” Nalingon ko si Nicole nang magsalita sya saka ako nag buntong hininga. “Don't call me Sir, Nicole wala na si mom. ” Sagot ko saka muling tumingin sa labas. Narinig ko ang pagtawa ni Nicole saka patalon na umupo sa tabi ko. “Sinong tinitignan mo, Sya na naman ba? ” tanong nya. Hindi ko magawang lingunin sya dahil alam kong malapit ang mukha nya sa'kin. Sa totoo'y kaibigan ko ito si Nicole kahit pa tatlong taon ang tanda nya sa'kin at isa sya sa empleyado ni mom ay nagawa kong makipagkaibigan sa kanya. Sya lang din ang kaisa isang tao dito sa mall ang may alam nang tungkol sa dahilan kung bakit nasisiyahan akong pumunta dito. “Sino pa ba? ” ngumiti ako. “Pumasok ba s'ya?” Umayos ito ng upo dahilan para magawa kong humarap na sa kanya. “Oo, nakita ko s'ya kanina. Mukha ngang good mood eh--ohh ayan na pala eh.” Mabilis na naiharap ko ang mukha ko sa labas at ganon nalang ang ngiti ko nang makita sya na may dalang mop at nag lilinis ng sahig. Masaya n'yang binati ang mga taong napapadaan saka muling babalik sa pag lilinis. Tumayo pa'ko para mas lalong makita ang maganda nyang mukha. Alam kong nahihirapan sya sa ginagawa nya pero mas pinipiling ilabas ang ngiti sa mga labi. Mag iisang taon narin matapos ko s'yang makita dito. Simula noon ay kahit walang dahilan ay nauudyok ang mga paa ko patungo dito para lang makita sya. Meron sa babaeng 'to ang nag papa excited sa'kin. Aaminin kong bahang tumatagal ay lumalalim narin ang pag hanga ko sa kanya. Pero kahit na ganon ay hindi ko nagawang ipakilala ang sarili ko sa kanya. Hindi nya alam ang tungkol sa'kin, ni hindi nya pa nga ata nakikita ang mukha ko. “Balita ko'y huling araw nya na ngayon dito. ” awtomatikong nabalin ang atensyon ko kay Nicole na ngayon ay may kung anong tinatype sa laptop nya. “Papasok narin sya bukas. Ang masaya pa dito ay sa University na pag aari nyo pa nya tatapusin ang college nya. ” Hindi ko naiwasan ang pag kabigla ko. “Paanong nangyari iyon, hindi ba't sa ibang University sya nag aaral? Scholar sya doon.” “Nag ka problema ang former University nya kaya sya napunta sa TOP University...” Tumigil na sya sa pag tatupe at tumingin sa'kin “Oh bakit ganyan ang mukha mo, Hindi ba't dapat ay masaya ka? Hindi mo na kailangang pumunta pa dito dahil halos araw-araw mo na syang makikita roon.” bahagya syang natawa. Humarap muli ako sa labas at nakitang halos mahahawakan ko na sya dahil dito sa tapat ko na sya nag lilinis. Nagulat ako nang tumigil sya at tumingin sakto sa mga mata ko. Alam kong repleksyon ng sarili nya lang ang nakikita nya sa kabila pero ganito nalang ang kaba ko. Napangiti ako nang kumunot ang noo nya at inayos ang bangs saka ngumiti sa sarili at nag umpisa na uling mag mop. “You're inlove... ” Rinig kong sabi ni Nicole ngunit hindi ko sya magawang lingunin dahil hindi ko maalis ang paningin ko sa babaeng nasa labas. “am I? ” wala sa wisyong naisagot ko. “If I was her, I'll be the luckiest girl in the world. ” Isinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ko. “But you aren't her, luckily you're not her.” Natawa ako nang batuin nya ako ng unan. “You're so mean.” ngumuso ito saka bumalik sa pag tutok sa laptop. “But I'm Andrei Kiyen Canillas and being arrogant and mean is where I am good at. ” Umupo ako sa tabi nya nang hindi ko na matanaw ang syang binabantayan ko kanina. “Pero pag nasa loob ka ng TOP University bigla nalang nag babago ang katauhan mo, bigla ka nalang nagiging--ugh! Mr. Perfect? Tss yuck! ” Natawa ako sa pag iling nya pero nawala din. “That's what my dad wants me to do, to be a perfect son that he always wanted. To act like we're the perfect image of a perfect family.” Such a damn family....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD