Nagpasalamat ako sa nag bigay ng pagkain sa counter dito sa cafeteria.
Mag isa akong nag lunch ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng makuha ng isang babaeng tumakbo ang atensyon ko.
Lumapit ito at ipinalupot ang mga kamay sa braso ng isang lalaking may suot na shade at may hawak na tray ng pagkain.
Napairap ako ng matukoy na si Hyde ang lalaking iyon.
May dalawa pang babae ang kasama nung babaeng nakayakap sa braso n'ya.
Halos pumutok na ang mga make-up nila sa mukha sa kapal nun.
"Hyde. Diba you love me naman. Right? Mahal mo ako." Maarting sabit nito na lalo pang hinigpitan ang pag kakayakap kay Hyde.
"Ofcourse...." Pagpapabiting sagot n'ya na may malaki ang ngiti sa labi nito na nakapag pasaya sa dalagang tumawag sa kanya.
"I'm right. Diba, I told you guys! Hyde's really into me--"
"...Not." dugtong ni Hyde na may nakaka asar na ngiti. Bago animoy nandidiring inalis ang pagkakayakap nito sa kanya.
Gusto kong manlumo nang makita ang panlulumo rin sa mukha ng babaeng 'yon.
Tarantado talaga siguro itong si Hyde. Nakapa babaero.
Parang walang nangyaring nag lakad lang si Hyde at iniwan ang naka ngangang babae.
Mabilis na bumalin ako sa harap para hindi ako makita ni Hyde pero siguro talagang mabilis ang mata n'ya.
Umupo ito sa upuan sa harap ko at ilapag ang hawak.
"Hi baby."
Baby? Kingina!
"Tigilan mo'ko ah. Andaming bakante 'wag ka dito umupo!" Inis na sambit ko.
"Marami ngang bakante, sa'yo ko naman gustong makisalo." Nakangiting sagot n'ya.
Hindi nalang ako nag salita at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Iinit lang lalo ang ulo ko pag sinagot ko pa s'ya.
Nakaramdam ako ng pagkailang ng maramdamang pinapanood n'ya akong kumain.
Ano bang trip neto?
"Ang ganda mo pala talaga ano? Si Andreii talaga kahit kelan. Ang galing pumili." Naiiling na sambit n'ya.
Naikot ko ang mata ko.
"...Well, kung ako siguro ang unang nakakita sayo, Hays. Ang swerte ni Andrei talaga." Dugtong n'ya pa. Nangalumbaba pa ito sa harap ko.
Nilalandi n'ya ba ako?
Naalala ko iyong naikwento sa'kin nila Desiree.
"Alam nating lahat na mas gwapo ako sa kapatid--"
"Marami na akong narinig tungkol sa'yo...Naikwento ka na sa'kin ni Desiree pati narin ni Bernard... Alam kong gaya ng kapatid mo ay sikat ka rin." Pag puputol ko sa sinasabi n'ya.
Saglit na natahimik ito bago umayos ng upo.
"I can't believe Bernard and Desiree will told you that." Natatawa pa s'ya
"Sinabi rin nilang mag ingat ako sa'yo....You're a troublemaker and womanizer... you'll do everything just to seduce the girl."
Natawa nalang ito saka kinuha iyong hindi n'ya pa naiinom na mogu-mogu at buksan 'yon atsaka ilapag sa harap ko.
"That's my favorite flavor, try this one." Sambit n'ya hindi ko akalaing pareho pa kami ng paborito. Tsk!
Nakangisi kong ibinalik sa harap n'ya 'yong mogu-mogu.
"Sa ganitong paraan mo ba sinu-seduce lahat ng babaeng na nakikilala mo?"
Saglit na tumahimik sa pagitan namin bago ko narinig ang pag buntong hininga n'ya.
Ngumiti pa muna s'ya
"Actually, I didn't have to use these childish tactics to them... You didn't know the whole details." Sagot n'ya.
Ngumisi ito at bahagya pang inilapit ang mukha sa'kin
"...Should I tell you the details?"
Nangunot ang noo ko.
"...Details about how I had fun?" Iyon na naman iyong nang aakit na tingin n'ya.
Hindi ko alam kung paanong natagalan ang titig na'yon.
Ako na ang nag iwas ng tingin nang makaramdam ng pag iinit ng pisngi.
"H-Hindi mo na kailangan pang sabihin sa'kin." Hindi ako nakapag salita ng maayos miski ang titigan s'ya ng deretso.
Tsk. Ba't ba s'ya ganyan?
Mag kapatid nga sila ni Andrei.
Agad na tumayo ako.
"Tingin ko hindi ko na kailangan pang mag aksaya ng ilan pang minuto para makasama ang lalaking pinag lalaruan lang ang mga babae." Saad ko.
Doon ko lang nagawang titig s'ya mismo sa mata.
"...Sana lang hindi na kita makita."
Sabi ko kahit pa alam kong lagi ko pa s'yang makikita dahil may koneksyon sila ni Andrei.
Nag lakad na ako paalis.
Nag lakad na ako at sanang babalik na ng room ng mahinto ng makita si Kervin sa hindi kalayuan.
Nakatayo ito sa harap ng bintana ang mukhang malalim ang iniisip.
Ipinihit ko ang mga paa ko papalapit sa kanya pero bago pa man ako makalapit ay bumalin na ito sakin.
Nag bago ang expression ng mukha n'ya. Ang kaninang seryoso ay biglang umaliwalas at ngumiti s'ya sa'kin na ginantihan ko naman.
"Anong iniisip mo?" Saglit na natikom ako ng maisip na bakit nga ba iyon ang binungad ko sa kanya.
Tipid na ngumiti s'ya.
"You."
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko.
"A-Ako? Bakit mo naman ako iniisip?" Tila nakaramdam ako ng kaunting kaba sa dibdib ko lalo pa ng saglit na paligiran kami ng katahimikan at tanging nakatingin lang sa mata ng bawat isa.
Natagalan ko iyon hanggang sa s'ya na ng mag iwas ng tingin ng matawa s'ya.
"I just miss you... Yung panahong ako pala ang lalaki sa buhay mo exept sa Papa at kapatid mo." Hinimas nito ang buhok ko. Ito yung bagay na namiss kong ginagawa n'ya.
"...Yung panahong hindi mo pa nakikilala si Andrei. Ngayon, pakiramdam ko nakalimutan mo nako...na kaibigan mo." Dugtong n'ya
Kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.
Kung alam mo lang Kervin,
Kung sana alam mo lang.
"W-Wag ka namang mag salita ng ganyan oh. Kaibigan parin naman kita at kahit na anong mangyare, Hindi mag babago yon."
Aaminin kong ako lang din ang nasaktan sa sarili kong sinabi.
Hanggang magkaibigan lang kami at hindi na'yon mag babago.
"Ang sama ko ba, Lianne... kung sasabihin kong sana hindi ka nalang nag transfer dito para hindi mo na nakilala pa si Andrei? Ang sama ko ba kung sasabihin ko sa'yo na pakiramdam ko pati ikaw kukunin n'ya mula sa'kin?" Doon ay tumingin na s'ya sa mga mata ko.
Alam ko lahat may dahilan at may pinang huhugutan s'ya sa mga nasasabi nya.
"K-Kervin."
Walang naibuka ang bibig ko kundi ang tawagin ang pangalan n'ya.
Pinanood ko s'yang matawa.
"Basta Lianne, sa oras na malaman mo ang lahat at mas makilala ang taong pinili mo." Ipinatong nito ang kamay sa balikat ko.
"...Andito lang ako. I'll protect you against him." Ngumiti ito saka tumalikod paalis.
Naiyukom ko ang mga kamay ko.
Anong ibig n'yang ibigsabihin?
Pagkatapos ng ilang subject ay biglang nag patawag ng meeting sa gymnasium. Pinauna ko na iyong mga kasama ko dahil kailangan ko pang ayusin iyong gamit ko.
Nang matapos ako ay nag lakad narin ako.
Pagka pasok ko sa gymnasium ay nahinto rin ako ng maaninag ko ang isang lalaking naka sandal sa pader at mukhang may inaatay.
Napairap ako ng mapagtantong si Andrei iyon. Bumalin ako para makita sina Desiree at Nalliah kasama sina Bernard at Hyde na nakatayo rin doon.
Nakita kong ngumiti si Andrei ng makita ako atsaka umayos ng tayo.
Hindi ko alam kung bakit bigla ay nawala nalang ang inis ko sa kanya.
"Ba't kayo andito sa may pinto? Marami pang upuan doon ah." Dumungaw ako para makita ang ilang upuan na bakante.
"Dito nalang tayo. Maboboring lang kami pag nandon kami." Sagot ni Desiree
"At isa pa ayaw ring umupo n'yang si Andrei... Inaantay ka." Dugtong din ni Bernard.
"I missed you already." Malambing na bulong nito sa mismong tainga ko. Tila ba nakuryente ako ng salitang 'yon.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng maramdaman ang pag hawak ni Andrei sa kamay ko at marahang hinila ako palapit sa kanya.
Naramdaman ko ang mainit n'yang palad na gumapang payakap sa likod ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng tuluyan ng nagdikit ng mga katawan namin lalo pa ng maramdaman ko ang mainit n'yang labi na marahang humalik sa noo ko.
Halos tumigil na ang paghinga ko ng lalo n'ya pa akong hinila palapit atsaka niyakap. Hindi lang basta yakap iyon ng ibaon n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang labi n'ya sa leeg ko.
Ganito ba ang pakiramdam ng may isang boyfriend? Aaminin kong si Andrei palang ang unang naging boyfriend ko kaya wala pa akong alam sa pakikipag relasyon pero kung ganito nga ang pakiramdan nu'n ay ang sarap pala sa feeling.
Bigla ay natauhan ako ng maisip na bakit ko ba naiisip ang mga ito. Hindi 'to tama. Para kay Kervin lang ang pagmamahal ko.
Mahina ko s'yang natulak palayo sa'kin. Binigyan naman n'ya ako ng nag tatakang tingin.
Nakaramdam ako ng hiya ng mapansing andami palang ngayon ay nakatingin samin. Bakas sa kanila ang pagka tuwa at ang iba ang inggit ng makita kami sa ganoong sitwasyon.
"A-Ang daming tao oh. Nakakahiya." Palusot ko nalang sa kanya. Ni hindi ko nga magawang tignan s'ya sa mismong mata.
Nakita ko s'yang matawa bago kunin iyong kamay ko. Isiniksik n'ya ang mga daliri n'ya sa pagitan ng mga daliri ko bago tumingin na sa harap.
Pagkatapos ng school meeting ay nag dismissal narin.
Hinatid ako ni Andrei sa bahay. Tahimik lang ako buong byahe. Tipid na sagot lang din ang naisasagot ko sa kanya kapag nag tatanong s'ya. Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko parin iyong ginagawa n'ya at kung bakit ganon nalang ang naramdaman ko.
"Patreng...Patreng andito na tayo."
Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang pag tawag n'ya. Tumingin ako sa labas at doon napagtanto na nakahinto na pala ang sasakyan sa harap ng bahay.
"A-Ah-Eh andito na pala, Sige--"
"Wait."
Akmang lalabas na sana ako ng hawakan n'ya ang kamay ko dahilan para mapaharap ulit ako sa kanya.
Iyon na naman yung pakiramdam na naramdaman ko kanina.
Nakita kong nangunot ang noo n'ya.
"Why are your cheeks so red?" Idinampi n'ya ang likod ng kamay n'ya sa pisngi ko.
"...Do you have a fever?" Itinaas n'ya sa noo ko ang kamay n'ya saka n'ya idinampi rin ang kamay sa sarili n'yang noo.
Tulirong inalis ko ang kamay n'ya sa noo ko.
"O-Okay lang. W-Wala akong sakit ano kaba... S-Sige papasok na'ko." Mabilis na bumaba ako sa sasakyan n'ya. Hindi na ako lumingon ng maglakad at dederetso na sana sa loob.
"Wait lang Patreng." Napapikit ako sa tawag n'ya saka muling humarap.
"O-Oh, bakit?"
"This coming saturday, may family dinner kami and I want you to be there."
Agad na nawala ang pag katuliro ko ng marinig iyon.
"A-Ano? Edi mame-meet ko parents mo." Gulat na sabi ko.
"Hindi yung maid namin, family dinner nga diba?"
Tss. Pilosopo talaga 'to kahit kelan.
"Bakit?"
Binigyan n'ya ako ng dismayadong tingin.
"You are my Girlfriend so I should introduce you to them, dapat makilala kana nila."
Hala Anong gagawin ko?
"...Dapat magustuhan ka nila. Ayaw nila ng maingay, swater attitude."
Pagkatapos nun ay bumaba na ako at pinanood na mawala ang sinasakyang kotse n'ya.
Jusko naman! Bakit kailang makilala ko pa ang mga magulang n'ya?