Kabanata 11:Starved to death.

2335 Words
- THIRD PERSON'S POV - Isang malakas na sampal ang lumatay sa kaliwang pisngi ng binatang si Hyde mula sa kanyang amang si Mr Anvier "Sir!" Gulat na tawag ng matandang kasambahay nila na si Manang Lita na naging katulong narin nila sa matagal na panahon. Kakapasok lang nito sa office room nito at nasaksihan ang nangyari. Masamang tinignan lang nito ang matanda na agad na natikom naman at walang nagawa kundi umalis pagka lapag ng kape. Muli itong nabalin sa binata at sa inis ay muli na naman n'ya itong nasampal na ikinangisi lang ng binata. "How do you manage to look so well while ignoring all my orders!!" Galit na sigaw nito sa binata. "...I told you to stay in Korea for good but you never listen--Why haven't you starved to death yet?" Nakaramdam man ng kirot ay nagawa parin netong ngumiti sa ama. "Masaya rin akong makita ka, Dad." tipid na ngiti nito "Stop calling me your dad, I never wanted you to be my son." Sagot nito na mas lalong nagpakirot sa damdamin ng binata. "Well, I'm sorry to say this but... I'm already here and you can't do anything, Dad." Nangisi ito saka nilagpasan ang ama at lumabas ng kwarto nito. Nang makalabas na si Hyde sa kwarto ng kanyang ama ay doon lumabas ang tila nanlilisik nitong tingin na gustong natawa sa inasal ng ama bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sarili nitong kwarto. Nangiti ito ng makita ng kabuuhan ng kanyang kwarto. Tulad ng dati ay gano'n parin ang ayos nito. Napalingon s'ya sa likod n'ya ng bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kapatid n'ya. "Brother!" Malawak na ngumiti ito at inilahad ang dalawang braso na tila nag aantay ng yakap. "You moron!" Isang suntok sa braso ang ibinigay ni Andrei sa kapatid. "...Alam mo bang halos mapudpod na ang mga daliri ko kakatawag sa'yo, bwisit ka!" Singhal pa nito na ikinatawa lang ni Hyde. "Do you really miss me that much?" Natatawang sambit n'ya. Naawang ang bibig ni Hyde ng hatakin s'ya nito at ipitin sa pagitang ng braso atsaka guluhin ang buhok ko. "Ikaw talaga.." "Not my hair please! Mahirap mag ayos." Kapwa sila nag tatawanan at ng kukulitan bago sabay na bumagsak sa kama. Umayos ng upo si Andrei habang nakadama si Hyde. "Nag usap na kayo ni Dad?" Doon ay naging seryoso na sila. Nangisi lang si Hyde bago bumalin sa ibang dereksyon. "Wag na nating pag-usapan si Dad..." Tumihaya ito ng higa. "Let's just talk about your girlfriend...what's her name again--oh! Lianne Patricia Fontenilla." Ngisi nito. "You know her already?" Nangunot ang noo nito. "Yes! I met her na kanina... And badly, s'ya pala iyong girl na kamuntikan ko ng mabundol." Ngumuso ito. Nanlaki ang mata ni Andrei at naalala iyong mga nasabi sa kanya ni Patricia. "Ikaw!" Mabilis na sinipa nito ang kapatid dahilan para malaglag ito mula sa kama. "...Ikaw pala ang dahilan kaya s'ya biglang nagalit sa'kin." Singhal nito. Nakangusong sumilip si Hyde para makita ang kapatid. "I didn't meant to kill her. It was her fault...Bigla-bigla s'yang tumatawid sa kalsada." Paliwanag n'ya. Saglit na natahimik si Andrei at matawa sa posisyon ng kapatid n'yang umupo nalang sa sahig. "Talk to her and say sorry." "Yea-yeah! Iyon naman talaga ang gagawin ko." Tumayo ito atsaka umupo sa couch sa kwarto n'ya. "Pero nung una, akala ko binibiro lang nila ako na girlfriend mo 'yon. Akala ko hindi kana makikipag relasyon after what happened to her." Sumeryoso ito nang maalala ang nangyari isang taon na ang nakakalipas. - LIANNE PATRICIA - Wednesday ngayon at wala akong pasok. Maaga akong nag ayos para makapunta sa part-time ko. May sideline kasi ako dito sa isang cafe kalapit lang sa University. Pa minsan ay dito nako dumederetso after ng dismissal. Sumabay na ako kay papa na kumain pero nag hiwalay rin kami ng daan. Tumigil na ako sa bus stop para mag antay ng masasakyan doon. Nasa kalagitnaan ako ng pag aantay ko ng ilibot ko ang paningin ko. Doon ay may nakita akong lalaking naka upo sa bakal na upuan. Nakayuko ito at may suot na shade. Papabayaan ko nalang sana ito at ibabalin na sa iba ang paningin ko ng manlaki ang mata ko at muling mag balik tingin sa kanya ng mapagtanto kung sino s'ya. Si Hyde? Anong ginagawa n'ya rito. Mabilis na iniwas ko ang paningin ko ng makitang magtaas ito ng tingin sakto sa mga mata ko. Nakita ko pa ang pag ngisi n'ya. Nag kunwari akong walang nakita ng maramdaman na tumayo na s'ya. Kinuha ko pa ang earphone ko at isinuot iyon. Nang huminto na ang bus ay mabilis na pumasok na'ko. Puno ang tao kaya kinailangan kong tumayo. Humawak nalang ako sa hawakan sa bus. Naawang ang bibig ko ng makitang pumasok rin sa pinto si Hyde at tumayo rin sa tabi ko. Ngumiti pa ito sa harap ko. Nairap nalang ako at tumingin sa ibang dereksyon. Sinikap kong hindi tumingin sa gawi n'ya kahit pa alam kong buong byahe na s'yang nakatingin sakin. Nakahinga ako ng sa wakas ay huminto na ang bus sa bababaan ko. Agad na bumaba ako. Akala ko hindi ko na makikita ang mukha n'ya. Noong bumaba pala ako ay bumaba narin s'ya. Nainis ako ng maisip na sinusundan n'ya ako. Binilisan ko ang pag lalakad ko pero alam ko namang walang patutunguhan iyon dahil patuloy lang s'ya sa pag hahabol sa'kin kaya tumigil na ako at muling humarap sa kanya. Nagulat pa s'ya na sigurong inakala na susugurin ko s'ya. "Hanggang kelan mo ako balak sundan?" Seryosing sagot ko. "Sinusundan ba kita?" Maang-maangan na sagot n'ya pa na ikinairap ko. "Wala kang magogoyo dito, Hyde." Walang ganang sambit ko. Mahinang natawa ito nang mahawak sa batok n'ya. "Okay, You got me." Natatawa pang sagot n'ya. "Actually, I came to the bus stop a few more times before, I thought I could see you and...yeah! You're here." Paliwanag n'ya pa. Matamlay na nag buntong hininga pa ako saka isinuksok ang kamay ko sa bulsa ko. "Ba't mo ba ako sinusundan?" Iretableng kong tanong. "I'm following you because I want to see you--I-I mean I want to say sorry for what happened." Nataranta pang sagot n'ya. Hindi ko s'ya sinagot at tinignan lang s'ya na nag bigay sa kanya ng pagkailang. "Hey. I'm sorry, okay? I didn't meant to kill you, you know that it's just an accident." Defensive na sagot n'ya. "Oo, pero iniwan mo nalang ako basta doon kahit na alam mong nag dudugo na ang tuhod ko." Inis na sagot ko. Napabuga ito ng hangin. "I told you, something important came up...Kailangan kong puntahan si lolo, hindi mo gugustuhing pag antayin 'yon." "Tsk. Oo na." Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Ang totoo'y hindi naman na ganon ako galit sa kanya. Kasalanan ko rin naman. "So, Have we made up now then? Or are we still fighting?" Tanong n'ya na akala mo'y mag jowa kaming nag karoon ng tampuhan. "Baliw." Bulong ko bago tinalikuran s'ya. "H-Hey! Ano?" "Wag mo'kong susundan sabe! Jan ka lang--makakatikim ka sa'kin makita mo!" Duro ko sa kanya ng akmang susundan na naman n'ya ako. Mabilis na nag lakad na ako ng maisip na hindi n'ya na ako sinusundan. Nakahinga ako ng malamim ng sa wakas ay nakapunta na ako sa trabaho ko ng walang sumusunod sa'kin. Binati ko iyong kasama ko pati natin iyong ka shift ko na saktong pauwi na bago nag tungo sa locker room para mag bihis. Pagkabihis ko ay nagtungo na ako agad sa counter. Ang totoo'y dalawa lang kami dito ni Ashley cafe lang naman ito at kaya na namin itong bantayan. "Good day sir--" nahinto ako sa pag bati sa isang lalaking kakapasok lang ng makita kungi sino ito. Si Andrei? Ba't s'ya andito? Lumapit ito sa counter at ngumiti sa'kin. "Ba't ka andito?" Bungad na tanong ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang biglang pag balin sa'kin ni Ashley sa nasabi ko. Alam ko rin naman hindi yon ang tamang pag bati sa customer kahit pa kakilala namin 'yon. "Kakagaling ko lang sa bahay n'yo kanina and wala ka, So I ask tita." Sagot nito "...I missed my girlfriend already, what time do you get off here?" Dugtong n'ya. "Kakarating ko lang. Mamaya pa ang off ko rito." Matamlay na sagot ko. Nag punas ako sa harapan ko. "Edi aantayin nalang kita." Masayang sagot n'ya na ikinatigil ko. Pinanood ko s'yang sabihin ang order n'ya kay ashley at naglakad papunta sa isang table at umupo dun. Tsk nakakaasar. Kanina ang kapatid n'ya ngayon s'ya naman. "Totoo ba yung narinig ko? Boyfriend mo s'ya... Ikaw ah! hindi ka manlang nag sasabi jan na may gwapo ka palang boyfriend." Kita ko ang pag kainggit sa kanya. Hindi nalang ako nag salita. Ipinatong ko na sa tray iyong order ni Andrei para iserve na sa kanya. Walang ganag inilapag ko iyon sa lamesa n'ya. Aalis nalang sana ako para bumalik na sa counter ng hawakan n'ya ang kamay ko. "Umupo ka muna dito sa tabi ko wala pa namang customer oh." Inikot n'ya ang paningin sa paligid at s'ya pa nga lang ang customer namin. Nakangiting inalis ko ang pagkakahawak n'ya. "May gagawin pako." Tatalikod nalang sana ako nang muling bumukas ang pinto. "Lianne Patricia?" Huli na para batiin ko s'ya ng una n'ya akong tawagin. Nangunot ang noo ko pero nangiti rin ng maalala s'ya. "Erichjohn?" Natutuwang bati ko. Kaklase ko s'ya doon sa dating University na pinapasukan ko. Naalala ko noong umamin s'ya na gusto n'ya ako bago ako tuluyang lumipat ng University. Umupo na s'ya at ipinag serve ko na s'ya ng inorder n'yang coffee Pagka serve ko ay inaya n'ya ako na maupo muna para mag kamustahan kami na hindi ko naman tinanggihan. "Kamusta kana, Dito ka pala nag pa-part time." Bungad n'ya ng makaupo na'ko. "Oo eh." Tipid na sagot ko. Inilibot n'ya ang paningin sa paligid. "Buti nakakayanan mong mag trabaho habang nag aaral... I.T students have a lot of homework." Ngumiti ako sa kanya. "Kakayanin ko'to... Masaya rin naman 'to." Pagpapalakas ko sa sarili ko. Nangalumbaba ito sa harap ko. "I'm just sad...to see you doing such menial works." Duro n'ya sa hawak kong tray. Tipid na nangiti lang ako. "Hindi naman sa gano'n--" "Tsk. Who is he to say that this is 'menial'?" Rinig kong pagpapatunog sa bibig ni Andrei na nasa katabing table lang namin. Tinignan ko s'ya para makitang matawa ito. Naka krus ang braso nito habang nasa baba ang tingin pero alam kong kami ang tinatawan n'ya. Nahihiyang binalikan ko nalang ng tingin si Erichjohn na bumalin rin pala kay Andrei. Muli nalang itong bumalin sa'kin. "Gusto mo bang mag trabaho sa company ng dad ko? Wala kang ibang gagawin doon kundi umupo lang at mag type tutal naman ay I.T student ka." Alok nito sa'kin. "...Saka hawak mo rin ang oras mo doon." Dagdag n'ya. "T-Talaga?" Aaminin kong natuwa ako ng marinig iyon. "Oo naman. Kahit nga ata t'wing sabado at linggo kana pumunta doon." Sagot n'ya. "Kalokohan. Trabahong kahit t'wing sabado at linggo? So stupid." Muli na namang pakikisabat ni Andrei. Binalingan ko ulit s'ya at nag sama ako ng tingin sa kanya na nag painosente lang. Tinignan ko ulit si Erichjohn na nakatingin parin kay Andrei at nag tataka kung bakit ito nakikisabat. "A-Ahm, minimum wage naman ata doon ano? Saka libre iyong meals ko." Pag kukuha ko sa atensyon nito na ngumiti naman. "M-Minimum wage? Ofcourse! Hindi naman kita ipapasok doon ng hindi noh." Confident na sagot n'ya at ngumiti naman ako. "Does he even know what the minimum wage is?" Muli na naman sabat ni Andrei na ikinahinto na talaga namin. "Do you even know this guy?" Turo n'ya kay Andrei. "Saglit lang ah." Napapahiyang tumayo ako saka napairap na ng bumalin at lumapit kay Andrei. "Ano bang ginagawa mo, Dati ka bang baliw?" Inis na bulong ko sa kanya. "Ikaw, how dare you flirt with other guy infront of me, you really didn't feel ashamed at all?" Naawang ang bibig ko sa isinagot n'ya. "A-Ano? Anong pinag sasabi mo jan?" Hindi ko napigilan ang pag tataas ng boses. Tumayo narin ito. "What's happening here, Lianne Patricia?" Hindi ko napansing nakatayo narin pala si Erichjohn na lumapit na sa'min. "A-Ah wala naman--" natigil ako sa pag sasalita ng bigla ay hatakin ako ni Andrei palapit sa kanya. "Hindi ka parin ba matatapos? Mag bihis kana. Uuwi na tayo." Kita ko ang pagka irita sa mukha nya "Ba't naman ako sasama sa'yo?" Inis na singhal ko sa kanya. "Because I am your boyfriend." Madiin na sagot n'ya. "M-May relasyon kayo?" Gulat na turo n'ya sa'min. "Wala!" "Meron!" Nag katinginan kami sa sabay na pag sagot namin. Muling naawang ang bibig ko nang hilain n'ya ulit ako palapit sa kanya saka ako akbayan. "I'm her boyfriend. So you better go and stop making moves on my girl." Duro n'ya dito. Sa kahihiyan ay hinila ko nalang si Andrei palabas ng Cafe. "Ano bang ginagawa mo, ba't ka ba nag iiskandalo?!" Inis na binitiwan ko s'ya. "Tell me what's more scandalous, yung pakikisabat ko sa usapan n'yo o yung pakikipag landian mo sa lalaking 'yon sa harap ko?" Bakas narin ang inis sa pananalita n'ya. "A-Ano?!" "Stop acting like a damn coquette here, Patreng!" Lalo pang naawang ang bibig ko. Grabe talaga s'ya mag salita. Hindi talaga ako mananano sa taong 'to. "Alam mo, ewan ko sa'yo! Umuwi kana!" Inis na sigaw ko. Tatalikuran ko nalang sana s'ya at babalik na sa loob ng hilain n'ya ang braso ko dahilan para mapaharap ako muli sa kanya. "Don't you dare smile with other guy again." Seryosong turo nito sa'kin. "I'm telling you. Hindi mo magugustuhan kapag nag selos pa'ko." Mariin dugtong n'ya. "...I am Andrei Kiyen Canillas and you're all mine." May pag aangkin sa huling salita n'ya bago ako binitawan. Wala akong nagawa kundi ang panoorin s'yang talikuran ako at mag lakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD