Umiiyak na nag lakad ang dalagang si Lianne sa kalsada. Hindi nito alintana ang mga ilang taong napapabalik tingin sa kanya dahil sa pag iyak n'ya.
"Hindi ko na s'ya makikita... Hindi ko na s'ya makikita ulit."Tanging sa pag iyak lamang nito nailalabas ang kanyang galit
"Hindi ko na s'ya makikita! "Pinunasan nito ang sariling pisngi.
Dahil narin sa pag kalutang nito sa nangyari sa kanya ay hindi na nya namalayan ang dinadaanan.
Ni hindi niya napansin ang papalapit na sasakyan. Mabilis rin ang pag papatakbo ng sasakyat na animo'y may kaaway rin ang nag mamaneho nito.
Mabuti nalang at nakita na ng taong nag mamaneho ang dalaga. Mabilis na ipinihit nito ang sasakyan palingo dahilan para tumama ito sa isang poste. Pabuti nalang at agad ring naapakan ang preno.
Sa gulat at bilis ng pangyayari ay natumba ang dalaga dahilan para tumama ang tuhod niya sa matigas na bagay.
Hindi nito nagawang tumayo dahil sa nangyari.
Ilang segundong katahimikan ang sumunod pagkatapos ng makalas na alingawngaw galing sa pag kakabunggo.
Maya maya ay isang binata ang lumabas mula sa kotse.
Gumagapang na ang pulang dugo mula sa noo nito dahil sa pag kakabunggo nito.
Iika-ika itong nag lakad habang nakahawak sa nanakit na ulo.
"Baliw ka ba?! You can't just walk into the road! "Sigaw nito sa dalagang ngayon ay nangginginig parin at hindi manlang magawang mabuka ng bibig. Nag kalat ang gamit nito dahil sa pagka laglag ng bag niya.
"Shit."Bulalas nito matapos makita ang pinsalang nakuha ng kanyang sasakyan. Nahawak ito sa batok niya.
Naiinis man ay nagawa niya paring pakalmahin ang sarili bago nag lakad papalapit sa dalaga.
"Hey, You okay?"Tanong nito ngunit nanatiling nakayuko ang dalaga.
"I didn't hit you, right? "Paninigurado n'ya pa.
Ilang saglit muli ang katahimikan bago muling humagulgol ang dalaga.
Napatunog ng binata ang bibig n'ya umupo sa harap ng dalaga.
"Tumayo ka na jan."Humawak ito sa mag kabilang balikat ng dalaga.
Doon sila nag katitigan. Ang titig na iyon ay bumilang ng ilang segundo bago ang babae na mismo ang bumitaw sa mga tingin na yon dahil sa pag balik ng diwa n'ya. Doon ay tuluyan na itong natauhan at naalala ang nangyari sa pagitan nila ng binatang si Andrei.
Mabilis na itinulak ng dalaga ang binata pa distansya sa kanya. Napaupo ang binata sa kalsada dahil dito. May sugat pang iniinda ay nagawa parin na mangisi ng binata bago tumayo.
Tumayo narin si Lianne ngunit na ngiwi rin ang mukha nya ng maramdaman at kirot sa tuhod at ng ibaba na nga nya ang paningin ay nakita nya ang malaking sugat aa kanyang tuhod.
"Darn it. "Rinig n'yang bulong ng binata ng makita ang nag dudugong tuhod niya.
"Hey, I didn't cause that. Okay? "Turo n'ya rito.
Uuwang pa sana ang bibig ng binata nang bigla ay tumunog ang phone nya. Kinuha niya iyon at sinagot.
"L-Lo? I'm on my way but something came up--Y-Yeah. I'll be there in a minute."Pinatay na nito ang phone niya. Saglit na pinasaringan pa muna niya ang dalaga bago ito nilagpasan at mag lakad papaalis na animo'y wala s'yang dalang kotse kanina.
- LIANNE PATRICIA -
Hindi ko alam kung paanong nakauwi ng bahay.
Nang makita ako ni mama ay agad na sinalubong niya ako.
"A-Anak, anong nangyari sa'yo. Ba't nag dudugo yang tuhod mo? "Gulat na sambit n'ya.
Doon ko palang napansin ang nag dudugo kong tuhod na hindi ko na nagawa pang indain.
Hindi ko maiwasang maisip na sana ay nabunggo nalang talaga ako kanina.
Pa'no n'ya nagawa sa'kin 'to?
Pinag samantalahan n'ya ako ng wala akong kamalay-malay. Ang sama n'ya.
"W-Wala po 'to ma. N-Na.. Nasabit lang ito doon sa nadaanan ko. Hindi naman po gano'n kasakit, lilinisin ko nalang "Pilit kong ngumiti upang itago mula kay Mama ang nararamdaman ko.
Ayokong malaman n'ya ito dahil alam kong sobrang mag aalala lang sila sa'kin.
"Hays. Ikaw talaga, hindi ka kasi nag iingat. Tara at lilinisin natin yang sugat mo--"
"W-Wag na po ma. Ako nalang po, kaya ko na 'to. "
Tanggi ko ng akmang hihilain n'ya na ako.
"Sigurado ka? "
"O-Opo. S-Sige po, aakyat nako."Tipid na ngiti pang nng ibinigay ko sa kanya. Nag aalangan pa nga akong tumalikod dahil bakas sa mukha niya na may gusto s'yang itanong at malaman ngunit hindi nalang s'ya nag sasalita.
Pag akyat ko ay agad na umupo ako sa kama ko.
Doon ay naalala ko na naman yung sitwasyon ko kanina. Naiyukom ko ang mga kamao ko.
May parti sa sarili ko ang ayaw ng pumasok. Aaminin kong bigla ay nawalan ang ng gana para sa lahat ng bagay dahil sa ginawa sa'kin ni Andrei.
Pero sa twing naiisip ko ang pangarap ko at ang pamilya ko ay may lakas na nararamdaman ako.
Oo, Lianne. 'Wag kang mawalan ng pag asa. Hindi ang isang gabing pag kakamali na 'yon ang wawasak sa mga pangarap mo para sa pamilya mo. Kaya ko 'to. Lalaban ako.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok pero sa halip na dumeretso sa room ay nag lagi muna ako sa quadrangle.
Hindi ko parin kasi kayang pumasok sa loob lalo na sa tuwing maiisip na nandon na sa room si Andrei.
Nasa ganoong sitwasyon lang ako ng bigla ay may nag hiyawan.
'Wow squad goals oh.'
'Oo nga eyy. Nakakainggit sila. Sobrang fame nila lahat '
'How I wish I could be one of them'
Rinig ko pang malakas na bulungan ng iba.
Napatingin narin ako sa lugar kung sa'n sila nakatingin.
Nakita ko mula rito si Desiree akbay akbay ni Bernard. May dalawang lalaki pa silang kasama na bago lang sa paningin ko. Mukhang hindi rin naman sila nag aaral dito dahil iba ang suot nilang uniform.
Nang magawi ang mata ko sa bandang likod na sana ay hindi ko nalang pala ginawa ay nakita ko si Andrei bitbit ang bag niya.
Aaminin kong lumulutang parin ang kagwapuhan n'ya miski hindi s'ya ngumingiti. Tch, pervert
Nag pa late na nga ako. Pati ba naman sila?
Yumuko nalang ako para umalis nalang ng maisip na baka makita nila ako dito.
"Patricia!!!! "
Rineg kong boses ni Desiree ng akmang iyayapak ko na ang paa ko. Napangiwi ako at ayaw na sanang muling humarap sa gawi nila.
Nag aalangan kong iniharap ako mukha ko s kanila bago pilit na ngumiti.
'Ha? Sino tinatawag ni Desiree? '
'I think s'ya 'yon ' tinuro ako
'What, That girl?'
Nilingon ko ang mga babae sa gilid ko para makita ang tila nang hahamak nilang titig.
Pag harap ko muli kila Desiree ay nakatakbo na pala s'ya palapit sa'kin.
Naawang ang bibig ko ng mahigpit na niyakap niya ako.
"Aaaahhh. I missed you already Patricia. I'm sorry pala kagabi ha. Hindi na kita nabalikan." Nakangusong hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
"Hay. Nako babe mukhang nakakita kana ng bago mong bestfriend ah. " Nangingiting sambit ni Bernard. Nakalapit narin sila sa'min.
"Oo naman babe." Binitiwan niya ako para yakapin si Bernard na inakbayan s'ya.
"By the way. Kevin, Julian. This is Lianne Patricia Fontenilla, My new friend. "Turo n'ya sa'kin.
"Patty, This is Kevin De Vera and Julian Franco. Mukha lang silang badboys pero mababait yang mga yan."Saglit na natawa pa si Desiree sa sariling nasabi pati narin iyong brown na buhok na si Julian daw.
Nakipag kamay ako sa kanila.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil kahit na mga naka uniform sila ay bakas na mga badboy ang mga ito. Na nag tatago sa mala angel na mukha.
"As you see, sa ibang school sila nag aaral. Actually, they went here for Bernard. Leader nila ang pinsan ni Bernard na si Keeil Rye." Paliwanag pa ni Desiree na ikinaawang ng bibig ko.
Kilala ko si Keeil Rye at alam kong Leader nga ito ng isa sa kinatatakutan na gang sa ibang school. pinsan pala nya si Bernard.
Napalunok ako.
Tama lang pala na nakaramdam ako ng takot dahil mga Coldest heart gangsters ang mga ito.
Ngumiti nalang ako kay Julian ng makitang ngumiti iyon sa'kin.
"Oh, mag ingat ka rito kay Julian. Bukod kay Hyde ay isa 'tong numero unong play boy."Natatawang bigkas ni Bernard.
Hyde? Sino 'yon?
"Nilalaglag mo naman ako n'yan Bernal eh."Tumawa ito kasabay ng pag kamot sa sariling batok.
Nagawi ang paningin ko sa ibang direksyon para makita ang tila aburido ng mukha ni Andrei. Doon ko lang din naalala na andito pala s'ya kasama namin.
"Tama nang usap. Pumasok na tayo."Iritableng aya niya at nag paunang maglakad.
Naiyukom ko ang kamao ko nang maalala na naman iyong nangyari.
Pa'no n'yang nagagawang umakto na para bang wala lang s'yang ginawa sa'kin?
Nawala ang galit sa mata ko ng bigla ay yakapin ni Desiree ang braso ko. Nangiti nalang ako at hinayaang hilain n'ya ako.
Pag karating namin sa room ay nandoon na nga ang first sub namin at nag tuturo.
Humiwalay narin sa'min iyong sina Kevin at Julian na tumungo papuntang canteen.
"Oh. May nakapag sabi ba sa inyong sobrang late na kayo?"Bungad nito. Sabay naman kaming nang hingi ng tawad maliban kay Andrei. Tsk.
"Hay. Nako, kayo talagang mag babarkada- oh! Ms. Fontenilla? Di ako nainform na kasali kana pala sa kanila?"
"Yes, Sir She's now one of us." Sagot ni Desiree.
Pumunta ang paningin ko sa direksyon ng upuan ko at makita si Kervin. Ngumiti iyon sa'kin ngunit hindi ko nagawang gantihan. Naiwas ko ang paningin ko dahil hindi ko alam kung paano ko s'ya titignan ng deretso.
"Sige na mag si-upo na kayo."
Nag siupuan na kami.
Tahimik lang ako at ni hindi magawang lingunin si Kervin. Hindi ko rin alam kung pa'no iyon gagawin. Natapos ang first sub ay gano'n lang ang sitwasyon namin.
Nag ayos na kami ng gamit
"Patty let's go lunch na tayo. Treat ng boyfriend ko." Aya ni Desiree turo sa boyfriend na ngumiti.
"Oo nga Patty tara "-Bernard
Tumango nalang ako at akmang lalapit na sa kanila ng mahinto ako at maibaba ang paningin ko sa kamay ni Kervin na humawak sa'kin.
Kita ko ang blangkong mata n'ya.
"Pwede mauna na kayo? I just want to talk to her. " Balin n'ya sa mga 'to. Na halatang nag taka sa ginawa n'ya.
Hindi ko alam kung bakit nagawi ang paningin ko sa pinto at makita si Andrei na naka sandal sa gilid ng pinto. Umiwas rin ito ng isuot ang earphone nya at nag paunang lumabas. Problema niya?
"O-Oh sige. Mauna na kami. "Nag aalangang sagot ni Desiree bago yumakap kay Bernard na kumaway samin at lumabas na nga sila.
Pinanood lang namin silang makalabas bago ako nag aalanganh humarap na sa kanya.
"Lianne may problema ba? "Malamig ang tono niya
"Hah?"
Hindi ko talaga magawang tumingin ng deretso sa mata n'ya.
"Bakit feeling ko galit ka sa'kin. "
"H-ha? Hindi ah--Ano kaba."
"Really? Eh bakit hindi ka makatingin sa'kin ng maayos ngayon? Dahil ba sa hindi kita nasamahan last night?"
"H-Hindi Kervin ano kaba... Wala talagang problema satin."Hinawakan ko ang kamay niya
"T-Tara,sabay na tayong mag lunch. " Aya ko. Sinabi ko nalang iyon para hindi na s'ya mag isip pa ng iba.
"You sure? Akala ko kila Desiree ka na sasabay."
Ngumiti ako.
"Okay lang. May next time pa."Sagot ko saka hinila nalang s'ya paalis.
Alam kong hindi na magiging normal tulad ng dati ang pagitan namin ni Kervin.
Pag ka dating namin sa cafeteria ay agad na umorder si Kervin.
Okay naman sana ang pag kain namin kung hindi lang namin katabi ang table nila Andre na walng ibang ginawa kundi ang tignan ako.
Nakakainis s'ya!