Kabanata 8: Don't fall 

1401 Words
Pag katapos namin kumain ni Kervin ay agad na inaya n'ya na ako para bumalik na sa room. Hindi ko alam kung bakit biglang naging tahimik si Kervin. Nakailang sulyap ako sa kanya habang nag lalakad kami at kita ko na tila may malalim s'yang iniisip. Saglit na nangiwi ako ng maramdaman ang kirot ng tuhod ko. Kanina ko pa pinipilit na ayusin ang pag lalakad ko para hindi nila malamang masakit ang binti ko dahil sa aksidenteng natamo ko kagabi. Nakakatawang wala ngang naka pansin nu'n. Mabuti nalang din at pwede kaming mag suot ng sibilian ngayon. "Lianne?" Rinig kong tawag n'ya sa'kin. Doon ko napagtantong ako na pala ang nangunguna sa paglalakad at huminto na s'ya. Huminto narin ako at takang humarap sa kanya. "Bakit, Kervin?" Ilang segundong napako ang paningin n'ya sa mga mata ko. Nakita ko kung pa'no s'ya napalunok bago putulin ang pag kakatitig sa mata ko. "Can I ask you a favor?" Saglit akong natahimik dahil ito ang unang beses na manghihingi s'ya ng pabor sa'kin. Tumango ako atsaka ngumiti. "Oo naman. Ano ba 'yon?" "Don't... fall with Andrei Kiyen Canillas." Seryoso nitong saad. Hindi ko nagawang maibuka agad ang bibig ko dahil sa pagkalito. Bakit sa lahat ng pwede n'yang maging hiling ay iyon pa? Ano bang meron sa pagitan nila ni Andrei ang hindi ko alam. "Bakit?" Gusto kong sampalin ang sarili kong bibig dahil sa tanong na'yon. Ano ba Lianne? Nag iisip ka ba? Nangiti s'ya "I know it is too much to ask--but Lianne, You can love every single man but not Andrei." Paliwanag n'ya. Ngayon kumpirmado ko na sa mata n'ya. Kita kong may galit s'ya kay Andrei pero hindi ko alam kung bakit. "You don't even know him, believe me. Lahat ng nakikita mo, it was all fake. He's a great deceiver." Dugtong pa n'ya na humawak sa magkabilang balikat ko. Nangunot ako. "Hindi ko maintindihan." Naguguluhang saad ko. Patawang nasinghal s'ya kasabay ng pag baba ng kamay n'ya. "Malalaman mo rin. Kaya please..habang maaga pa layuan mo na s'ya. I don't want to see him destroying your life." Mas lalo akong naguluhan habang nakapako sa buhok nya ng saglit na yumuko s'ya. Ininalik n'ya rin naman ang paningin sa'kin. "Promise me, Lianne." Aawang pa sana ang bibig ko nang narinig namin ang pag tawag sa'kin ni Desiree. Tumatakbo ito papalapit samin "Hays. Buti nakita na kita bago ka pumasok sa next sub mo." Hingal na sambit n'ya "...Tara! May ipapakilala ako sa'yo. Kervin hiramin ko muna s'ya ah. " Naawang ang bibig ko pero wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Desiree. Pabalik sa cafeteria ako hinila ni Desiree. Sa harap ng table na may nakaupong babae kami nahinto Naunang umupo si Desiree at dahil nga hawak n'ya ako ay napaupo narin ako. "S'ya ang gusto kong ipakilala sa'yo..." Masayang panimula n'ya. "...She's Nalliah Mercader, Bernard's cousin. Sister s'ya ni Keeil Rye Mercader, You know him right?" Pag papakilala ni Desiree. Nakangiting tumango ako kasabay ng pasimpleng pag suri ko sa kanya. Kapatid s'ya ng Cool but Cold-hearted na si Keeil Rye? "Hi." Preskong bati n'ya sa'kin. Iniluwal nito ang subong lollipop at basta nalang inilagay sa basong may lamang tubig. Sa pananamit n'ya at sa kilos ay parang hindi s'ya nadisiplina ng maayos sa bahay nila. Ang itim na lipstick at damit na animoy kinulang sa tela na suot n'ya. Bagay man sa kanya ang mga iyon ay hindi parin matatangging bata pa s'ya. Hindi bagay sa maamo n'yang mukha ang kulureteng suot. "Galing s'yang Kingville International School. One year na s'yang nalipat dito pero hindi masyadong nag sasama samin kaya akala nila new student s'ya." Dugtong ni Desiree na mukhang sanay na sa asal n'ya. "Hi. I'm Lianne Patricia--" "Yeah! I already know you. You don't have to remind me." Naawang ang bibig ko sa asal n'ya. "Nalliah. She's older than you, don't she? Isa pa. Simula ngayon magiging kaibigan na natin s'ya. Makipag usap ka ng maayos sa kanya." Pangaral ni Desiree na animoy s'ya ang ate nito. "Whatever. Jan na kayo." Tumayo ito saka nag lakad paalis. Tinawag pa s'ya ni Desiree pero hindi s'ya nito pinakinggan kaya napapahiyang ngumiti nalang sa'kin ito. "Pasensya kana do'n ah. Gano'n lang talaga 'yon pero pag nakilala ko 'yon. Mabait talaga s'ya." Paliwanag nya. Nangiti nalang ako saka muling binalikan ng tingin si Nalliah na ngayon ay malayo na Mukha ngang mabait s'ya pero bakit kaya may pinipili n'yang maging ganon? Pag ka dismissal ay nauna na akong umuwi. Hindi nakisabay sa'kin si Kervin dahil tinawagan s'ya ng mommy n'ya at nakikipag kita sa kalapit na restaurant. Mabuti nalang din at hindi ako kinulit ng mokong na si Andrei. Ewan ko rin ba do'n kung bakit hindi ako pinansin ngayong araw. Napailing ako ng maisip na bakit ko nga ba s'ya iniisip. Ang lalaking 'yon. Ang sama n'ya! Tama si Kervin. Kailangan kong lumayo sa kanya. Sisirain n'ya ang buhay ko. Sa katunayan nga'y nag umpisa na s'ya. Naisipan kong dumaan na muna ng convenience store para bumili ng paborito kong mogu-mogu bago umuwi sa bahay. Hindi kasi ata mabubuo ang araw ko ng hindi nakakainom no'n. Pagka paso ko ay agad na nag tungo ako sa kinalalagyan non. Nangiti ang ng makita ng hinahanap ko at saka dampot sa straberry flavor. Naglakad na ako patungo sa counter bahang nakatingin sa bawat detalyeng nakasulat sa hawak ko. Palapit na sana ako ng mahinto ng biglang may taong nakaharang sa daanan ko. Nag taas ako ng tingin para makita s'yang mangisi. Nakasuot itong shade. "Uy sakto!" Naawang ang bibig ko ng mabilis na hinablot n'ya mula sa'kin ang hawak ko. "This is what I am looking for...thank you miss." Dugtong n'ya pa na parang wala lang. "Hoy!" Pigil ko nang akmang tatalikuran n'ya na ako. "Ay sorry, Kahit kelan wala talaga akong manners..." Umiling ito saka inilabas ang wallet n'ya. "Oh etong bayad ko." Kinuha nya ang kamay ko saka abot ng Isang libong piso. "...Keep the change." Ngumiti pa ito. Naawang ang bibig ko "Teka ano ba!" Muling pigil ko sa kanya ng hilain ko s'ya paharap sakin. Doon ko tuluyang nakita ang kabuuhan ng mukha n'ya. May putok ang gilid ng labi n'ya at kahit na may suot s'yang shade ay maaaninag parin ang kaliwa n'yang mata na may pasa. Halatang galing pa 'to sa bugbugan. "Ms, Alam kong gwapo ako pero please 'wag ngayon. nag mamadali ako eh." Tila s'ya pa ang nairita saming dalawa. Tignan mo 'tong mayabang na'to. "Akin 'yan. Ako ang kumuha n'yan doon." Turo ko pa sa pinangalingan ko. "Kumuha ka ng sa'yo." May inis na sa tono ko. "Sa'yo 'to? Gusto mong ibalik ko'to sa'yo?" Seryosong turo n'ya sa hawak nya. "Oo!" "Nek-Nek mo! Ako ang may hawak kaya sa'kin na'to. At isa pa. Nakakatamad maglakad papunta dun. Bumalik ka nalang kung gusto mo." Natawa pa ito. Nakakaasar! "H-Hoy! Kinulang kaba sa aruga? Hindi mo ba alam na mali ang manguha ng pag aari ng iba?!" Naiinis na talaga ako sa taong 'to. Saglit na tumahimik s'ya na animo'y oi ag isipan ang nasabi ko saka muling bumalin ng tingin sa'kin "Honestly..... Hindi." Ngumisi ito saka itinaas ang hawak atsaka naglakad paalis Nahawak ako sa noo ko ng tuluyan na s'yang makalabas. Nakakainis s'ya! Tumalikod nako para sana pumili nalang ng ibang mabibili ng kusang huminto ang paa ko Teka, Kilala ko s'ya. Sigurado akong hindi ito ang una naming pag kikita. Nanlaki ang mata ko ng maalala ang isang pangyayari na alam kong nandon s'ya. Hindi ako pwedeng mag kamali. S'ya 'yon...Ang taong kamuntikan ng makasagasa sa'kin. Mabilis na tumakbo ako palabas para sana habulin s'ya. Pero ng tuluyan akong makalabas ng store ay hindi ko na maaninag ang mukha n'ya. Ang bilis naman n'yang makalayo. Naiyukom ko ang kamay ko ng makaramdam ng inis dahil sa nangyari. Muli ko lang naalala ang nangyari sa'kin isang taon na ang nakakalipas. Ang pangyayari noong kamuntikan ng kumuha ng buhay ko. Sa inis ay nalukot ko ang kaninang iniabot n'yang pera atsaka ibinato iyon sa kalsada. Nag lakad na ako papalayo pero dahil sa panghihinayang sa perang yon ay napahinto ako. Napatunog ko ang bibig ko ng bumalik at muling damputin ang pera. Hindi ko kasi kayang itampon nalang ang ganitong kalaking pera ng ganon nalang. Ibabalik ko nalang 'to sa kanya kung magkita kami...kung magkikita pa nga kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD