"Teka lang Lianne ah. Punta lang ako cr, mauna kana sa cafeteria." Paalam ni Kervin
Ngumiti at tumango nalang ako aaka pinanood s'yang lumusot sa palikong daan.
Nag umpisa na akong mag lakad pababa na sana ng hagdan ng mahinto ako ng makita si Andrei na may kinakausap sa baba.
Mabilis na umurong ako para hindi n'ya ako makita.
Mahagyang luminga ako para makita ang kausap n'ya.
Doon ko nakita ang isang lalaking sa palagay ko ay nasa 40 na pero sa pananamit nito ay mukha s'yang business man.
"I'm not a robot nor your puppet, Dad. Stop giving me excessive works."
Nanlaki ang mata ko at mabilis na nahawak sa bibig ko ng makita kung paano s'ya sinampal ng lalaking tinawag n'yang dad.
Saglit na natahimik ang pagitan nila bago makita ang pag ngisi ni Andrei
Hindi ko man alam ang dahilan at ang pinag umpisahan bago sila nahantong sa ganito pero mababakas na hindi gano'n kaganda ang samahan nila bilang mag ama.
"I'm doing this just for you! I'll bring everything for you!" Sigaw nito sa mismong mukha ng anak
Nakita ko ang pag tawa n'ya. Ngayon ko lang s'ya nakitang tumawa ng gano'n, may kasamang galit.
"And how about Hyde, huh?"
Doon ito tumingin sa mismong mata ng ama.
"...You're telling me you'll do everything for me but how about him? You treated him like a trash. You never see him as your child, Dad hindi lang ako ang anak mo! Why are you treating him like this way?! You're unfair!"
Mas lalong nanlaki ng mata ko sa narinig ko.
Hindi lang pala si Andrei ang nag isang anak? Meron pa s'yang kapatid?
Hindi sumagot ang ama n'ya bagkus luminga sa ibang parte na lalo pang nag pangisi kay Andrei.
"Don't pretend like you're doing this for me. I never wanted this." Sagot ni Andrei atsaka tumalikod pero kusa rin s'yang nahinto.
"You always giving me a reason to hate you even more." Nakita ko ang pag yukom ng kamao n'ya bago nag lakad na.
Nataranta ako sa mga oras na iyon hindi ko alam kung paanong mag tatago pero huli na dahil nakita na ako ni Andrei na agad na huminto ng makita ako.
Pilit na nangiti nalang ako.
"Ay. M-May naiwan pala ako sa room..T-Teka babalikan ko nga--Araaay! " Gumaw nalang ako ng dahilan para sana taliluran s'ya pero agad na hinawakan n'ya ako sa braso at hinila
"Teka lang naman araay!" Reklamo ko pa pero wala na akong nagawa kundi hayaang hilain n'ya.
"Aray-aray! Ano ba. Hindi ko naman sinasadyang marinig eh." Paliwanag ko ng bitawan n'ya na ang braso ko.
Inilibot ko ang paningin ko para makitang sa storage room n'ya ako hinila.
"I know." Seryoso n'yang sagot.
Umupo ito sa isang lumang lamesa.
"Eh iyon naman pala, bakit hinila mo pa ako rito?" Nakaramdam ako ng inis.
Naawang ang bibig ko ng marahang hilain n'ya ako. Naramdaman ko ang mainit n'yang brasong umangkin sa bewang ko ng yakapin n'ya ako.
"I badly need you right now. So, please stay here...with me." Ibinaon n'ya pa ang ulo n'ya sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Ang isip ko'y gustong-gustong alisin ang pag kakayakap n'ya sa'kin pero bakit ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Now, you've finally saw the real me. The real Andrei Kiyen Canillas that they all thought was a Perfect." Bahagya s'yang natawa.
"...Masaya akong ikaw ang nakakita nu'n...kasi, hindi ko alam kung paano magsinungaling sa harap mo." Malamig ang tono n'ya.
"Andrei." Wala akong masabi kundi ang tawagin ang pangalan n'ya.
"I'm just nothing but a rich son, I can get what I want but not what I need... They can give me expensive clothes and anything but not support and comfort. " muli kong narinig ang mga pilit na tawa mula sa kanya.
"...Everyone think that I am living a life that they're dreaming at. But they're wrong, my life is a cursed." Ramdam ko ang inis sa tono n'ya.
Alam kong may pinang huhugutan s'ya sa mga 'yon pero hindi ko alam kung ano.
Hinayaan ko lang s'yang mag salita.
"...and all the people who still think that I am righteous and virtuous, like a perfect. I mock at them." Naramdaman ko ang lalo pang pag higpit ng pag kakayakap n'ya.
"They have no idea that I'm just doing what's my dad wanted to see...And I hate that I can't do anything but to obey him like a damn puppet."
Hindi ko alam kung bakit pero nag kusa ang mga kamay kong hawakan ang buhok n'ya. Para tuloy ay nakayakap narin ako sa kanya.
Daglian akong nakaramdam ng awa sa kanya.
Ito ba iyong gustong iparating ni Kervin?
Ito ba yung tinutukoy n'ya na hindi alam ng marami tungkol kay Andrei.
Na hindi talaga s'ya perfect tulad ng akala ng lahat dahil ginagawa n'ya lang ito dahil ito ang gusto ng dad n'ya, na wala s'yang kalayaang gawin ang totoong gusto n'ya?
Pero bakit pakiramdam ko ay may bagay pa akong hindi alam. Isang bagay na s'yang pinag mulan ng lahat.
- THIRD PERSON'S POV -
Sunod-sunod na suntok ang lumatay sa mukha at tagiliran ng binatang si Hyde mula sa isang lalaking may suot ng gloves na tila isang punching bag lang ang tingin sa kanya.
"Don't you have anything better to do than to destroy a car?"
Rinig netong sermon ng kanyang lolo habang patuloy n'yang tinatanggal ang mga suntok na halos mag patabingi na sa mukha at katawan n'ya.
"That car just bought 3 weeks ago."
Maka ilang beses na itong natuhod sa lakas ng pag kakasuntok sa kanya pero nagagawa n'ya paring makatukod at makatayo.
"You are really good for nothing!"
Ang totoo ay hindi naman isang boxing tainer ang sumusuntok sa kanya dahil ito ang secretary lamang ng matandang nag uutos.
Nasanay narin s'ya na makita ang pag mumukha nito na walang ibang ginawa kundi ang suntukin ang mukha n'ya sa tuwing nag kikita sila dahil sa utos ng kanyang lolo.
Ito ang paraan ng matanda para bigyan s'ya ng leksyon ang pasaway na apo.
"Hit him again." Utos nito ng huminto ito sa ginagawa ng dagliang napaluhod ang walang laban na binata.
Agad na tumango ang secretary n'ya atsaka kumuha ng bwelo upang suntukin ang mukha ng binata.
Sa lakas nu'n ay bumagsak ito sa sahig pero tila sanay na ang katawan nito sa ganoong sitwasyon kaya naging madali na lamang s'yang naatayo.
Napapikit ito ng muling umamba ito para suntukin s'ya pero natigilan sila ng bigla ay mag pasigaw na pumasok mula sa loob ng kwarto.
"Chairman Jo!! Stop that already please." Pag mamakaawa nito bago mabilis na tumuhod sa harap ng matanda.
"Please calm down... Hyde did nothing wrong... This is all my fault...You should beat me instead." Pag mamakaawa nito sa harap ng matanda.
Palihim na napangiti ang binatang si Hyde dahil alam naman nito na umaakting lang ang babae upang patigilin na ang kanyang lolo sa pag papabugbog sa kanya.
Ang totoo'y ang babaeng pumasok ay ang asawa ng kanyang ama.
Napalapit narin s'ya rito na tinuring narin s'yang tunay na anak.
"Kasalanan ko itong lahat...Akala ko ay mapapalaki ko s'yang masunurin... dahil sa'kik kaya s'ya nag ka ganyan... Ako nalang ang parusahan mo Chairman Jo..." Pakunwari pa ito maiiyak para mas mapanindigan ang pag aakting.
Nang bumalin sa kanya ang kanyang lolo ay agad na humawak ito sa kanyang tagiliran at umaktong nasasaktan.
"Umayos ka!" Sigaw ng matanda na agad namang sinunod ng binata.
"You're the best Tita! Mas gugustuhin ko talagang mabugbug araw-araw kung ganito naman kasasarap na pagkain ang laging sasalubong pagkatapos." Masayang inilahad n'ya ang kamay sa napakaraming pag kain na inihanda ni Mrs Kieshna Canillas.
Matapos kasing dumating at tumuhod ang ginang ay nakunbinsi nya na ito na ipatigil na ang pag papabugbog sa apo.
"Nag patulong talaga ako sa mga maids na iluto iyan... Alam ko kasing makakatikim ka na naman kay Chairman Jo-- Ikaw naman kasi, bakit mo naman ipinabunggo nalang ang kotse mo?" Saad nito ng ipaghanda ang binata.
"Tita. It's not my fault... may babae nalang kasing biglang sumulpot sa kalsada--hays!" Singhal n'ya bago sumubo ng pag kain. Ngumiti ito ng malasap ang pagkain.
"Ang saraaap! Namiss ko 'to tita." Nag tumbs up ito sa harap ng ginang na ngumiti naman sa kanya.
Saglit na natahimik ang sila ng dumating na ang matanda at umupo sa harap ng lamesa.
"Asan pala ang magaling mong asawa, kieshna?" Bungad na tanong nito ng tuluyang makaupo.
"May business meeting po s'ya ngayon, Chairman Jo." Sagot naman nito.
"Mas mahalaga pa ba iyon kesa sa mga anak n'ya? He didn't even fetch his son on the airport." Pag tutukoy nito kay Hyde na saglit na natigil sa pag kain.
"That's enough lolo, Nakauwi na'ko. Tapos na 'yon." Awat ng nakangiting si Hyde.
"...Just buy me a new car instead...Actually hindi ko rin talaga gusto iyong binili mo, buti nalang at sira na s'ya." Humalakhak ito pero agad na umilag rin ng akmang hahampasin s'ya ng panukod ng kanyang lolo
"Hay! Ikaw talagang bata ka!" Sigaw nito na ikinangiti lang ng apo.
"...Kumain ka na nga lang jan. Kahit kelan talaga ay napakapasaway mo."
Hindi maitatanggi na kahit na laging ipinapabugbog ng kanyang lolo ang binata ay dito parin s'ya pinakamalapit.
Ito lang kasi ang tila tumayong ama at nag paramdam sa binata na may ama s'ya dahil hindi n'ya iyon makita sa tunay na ama.
"Ba't hindi mo sagutin? Si Andrei ang tumatuwag." Tanong ng apo ng makitang pinatayan nito ng tawag si Andrei.
Umiling ang binata saka in-off ang phone n'ya.
"Saka na po lo, uuwi rin naman ako. At isa pa, Si Andrei lang naman ang matutuwang makita ako...Hindi si Dad." Natawa ito saka sumubo ng kinakain
Nagkatinginan ang matanda at ang ginang matapos marinig iyon sa binata.
Dagliang nakaramdam ng panlulumo ang matanda sa apo.
- LIANNE PATRICIA -
Nang mag dismissal na ay sabay kaming nag lakad ni Kervin.
"Ay! Shit." Nagitla ako sa biglang hinto n'ya
"Bakit?" Pinanood ko s'yang mag kalkal sa bag niya
"Nakalimutan ko book ko, babalikan ko lang." Hindi niya na'ko inantay na sumagot dahil tumakbo na ito pabalik.
Tumayo nalang ako para antayin s'ya.
Nasa ganoong sitwasyon ako ng bigla ay may humatak sa'kin.
Sa gitla ay wala akong nagawa hanggang sa makalapabas kami ng University.
Mabilis ko rin na binawi ang pulsuan ko sa lalaking humila nalang sa'kin at sinamaan siya ng tingin.
"Bitawan mo nga ako! 'Wag mokong hahawakan." Singhal ko sa mismong mukha ni Andrei.
Hinimas ko ang sarili kong pulsuan dahil sa higpit ng hawak n'ya.
"Swerte mo nga hinahawakan pa kita 'E. Hindi mo ba alam maraming babae jan na gustong mahawakan miski dulo lang ng kuko ko." Ibinaba niya ang paningin sa kamay niya na parang bang ginto yon.
Nakapayabang talaga!
Parang kanina lang todo ang iyak n'ya sa harap ko. Ibang klase.
"Ano ka superstar?" Ipinag krus ko ang braso ko.
"No, 'Cause I am more than a superstar." Nag labas ito ng isang nakakaasar na ngisi.
Gusto kong dukutin ang mukha n'ya at lamutakin iyon hanggang sa madurog, Seryoso.
"Can we stop barking to each other? This is nonsense." Alok niya nang akmang mag sasalita pa ako.
"Pwede naman, ikaw lang naman kasi walang kwenta dito eh." Singhal ko.
Hindi nalang n'ya sinagot iyon at nakamot nalang sa dulo ng kaliwang kilay niya saka nag pakawala ng hangin
"Let's just go, Ihahatid na kita."
"A-Ano? Ayoko nga!"
"No, I won't accept that because from now on you'll be my 'lucky' Girlfriend at ihahatid kita sa inyo because that is my responsibility."
"A-Ano! A-Ako girlfriend mo?" Gulat na bulalas ko. Napikit lang ako
Nag karoon na'ko ng boyfriend?
"...Ayokong ihatid mo, lalong ayokong maging girlfriend mo!" Sigaw ko sa mismong mukha n'ya bago s'ya tinalikuran at iniyak na ang mga paa ko.
"You don't? fine. I'll just tell Kervin about what happened between us." malakas ngunit kalmadong siwalat n'ya na awtomatikong nag pahinto sa mga paa ko.
Humarap ako sa kanya na nangisi naman.
"Yes, I know you have a very special feelings toward him...ano kaya magiging reaksyon n'ya if he finds out." Ngisi n'ya muli.
"Nababaliw kana!" Hindi ko na mapigilang sumigaw na alam ko naman hindi n'ya binibigyan ng halaga.
Ngumiti ito.
"Oo, kaya sumakay kana sa kotse ko at uuwi na tayo." Akmang hihilain na na ako.
"Bina blackmail mo ba ako?" Seryosong tanong ko habang hawak-hawak n'ya ang pulsuan ko.
"And now you're putting the blame on me? Kasalanan mo naman bakit nang yayari sa'yo 'to. Pumunta ka pa kasi sa party ko, ayan.... Nagkaroon ako ng chance na i-black mail ka." Seryoso n'ya ring sagot na may nang aasar na titig.
Saglit na natulala ako.
Hindi ako makapaniwalang magagawa n'ya 'to.
Naputol ang pag isip ko ng bigla ay hatakin n'ya ang damit ko.
"I said get in the car now." Hila n'ya sa'kin hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa kotse n'ya.