Kabanata 16:Behind this huge mess

2495 Words
Pag kababa ko ng kotse ni Andrei ay nag paalam itong pupunta muna s'ya sa office at may kailangan lang kausapin. Tumango nalang ako at nag lakad na paalia. Tahimik kong nilakad ang corridor bahagya ko pang inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko. Nakangiti nagpatuloy lang ako sa pag lalakad pero agad ding nawala ang mga ngiting yon nang makita ang isang pamilyar na lalaking nakatalikod mula sakin. Nahinto ako sa paglalakad at mabilis pinalibutan ng kaba. Ang lalaking iyon ay kaharap ang isang babaeng ngayon ko pa lang nakita. Masayang nag sasalita ang babaeng iyon habang nakapulukot sa bewang nya ang mga kamah ng lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang lalaking 'yon. Kilalang kilala ko. Nagitla ako at mapahawak sa bibig ko ng makitang hinalikan ng llaking iyon ang babaeng nasa harap. Tumagal ang halikan na iyon ng ilang segundo at hindi ko alam kung paanong natagalang panoorin iyon. Tila ba napako na ako rito. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala. Nabalin ang tingin sa'kin ng babaeng nasa harap at mangiti sabay hampas sa balikat ng binata. "May nakatingin, ano kaba." Rinig kong maarteng sabi nito dahilan para balingan ako ng tingin ng lalaki. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Kervin ng tuluyang makita ang mukha ko. Doon ay natauhan ako. Mabilis na iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad palayo mula sa kanila. Narinig ko ang pag tawag sakin ni Kervin na hindi ko na magawa pang lingunin. Hindi ko alam kung pano pa sya titignan. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman sa mga oras nato. Nanginginig ang mga kamay ko ganon narin ang mga mata kong nag babandyang mag labas ng likido. Pinigilan ko ang sarili kong luha habang nag lalakad. Alam kong wala akong karapatan pero sobrang nasaktan akong makitang dumampi ang labi ng taong mahal ko sa labi ng iba tao. Mabilis ko pinunasan ang luhang hindi ko na napigilang lumapang sa pisngi ko. "Hi baby!" Rinig kong bati ni Hyde na naka tambay sa pinto ng room namin. Nakita kong mabilis na napalitam ang seryoso n'yang mukha na kanina ay masaya. "Ow, what happen?" Mabilis na iniyuko ko ang mukha ko ng mapagtantong paiyak na pala ako. "Wala. wala ako sa mood ngayon, Hyde. umalis kana." Sabi ko bago dumeresto sa loob. Narinig ko ang masayang pag bati ni Desiree kasama si Bernard pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Alam kong binigyan ko sila ng palaisipan sa nagawa ko pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Ang sakit.... Sobrang sakit makita sa ganoong paraan si Kervin. Wala akong nagawa kundi iyuko ang mukha at damdamin ang sakit. "Lianne let's talk." Nagulat ako ng maiangat ang mukha ko at makita ang seryosong mukha ni Kervin. Mabilis na iniwas ko ang tingin para hindi nya makita ang mga mata kong nangingilid na ang luha. "H-Huh? Bakit, W-wala naman tayong dapat pag-usapan eh." Sagot ko. "I want to talk to you." Mabilis na sagot din n'ya. "T-Tungkol ba do'n sa nakita ko? Nako! W-Wag kang mag alala. Hindi ako mag iingay." Kunwareng patawa-tawa pang saad ko. "This is not about that, Lianne please. 'Wag tayo dito." Naawang ang bibig ko ng hilain n'ya ako patayo. Aaminin kong hindi ko nagustuhan ang ginawa n'ya. "Kervin ano ba, sabi nang ayoko!" Hindi ko napigilang pag taasan s'ya ng boses ng hatakin ko ang kamay ko pabalik dahilan para balutin ng katahimikan ang buong room. Alam kong sa mga oras nato saamin na nakatuon ang mata ng lahat. "Lianne, please." Tila nag mamakaawa ang mga mata neto. Muli kong naramdaman ang maiinit n'yang palad sa braso ko at tila kusang gumalaw ang mga paa ko palakad. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng room ay nahinto na kami ng may isang kamay ang humawak sa braso ni Kervin na nakahawak sa'kin. "Get your f*****g hand off her... she don't even want to talk to you, she said it already." Matigas na boses ni Hyde. Iniangat ko ang paningin ko sa kanya para makita ang seryoso netong mata. "This is between me and Lianne, 'wag kang makikisali dito, Hyde." Pag didiin ni Kervin. "Let her go and I won't get involve.” Pag mamanigas nito. “Pabayaan mo kami!” Inis na itinulak nito si Hyde. "Then don't dare force her, leave her alone and I will forsake you as well.” Tulak din ni Hyde pabalik dahilan para mapabitaw ito sa'kin. Pasinghal na natawa si Kervin sa nagawa ni Hyde tila ba hindi ito makapaniwalang tinulak s'ya nito. “You!” Mabilis na napuno ng sigawan ng makita ng lahat kung paano malakas na sinuntok ni Kervin si Hyde. Tulad ng inaasahan ay hindi gumanti si Hyde. “You know, I don't even believe someone will feel too much hatred towards others, Until I met you and your brother!” Inis na sigaw ni Kervin. “Why the hell you two keep getting in my way?!” Dugtong n'ya. Nakita ko kung paano binalot ng inis ang mga mata ni Hyde nang maisama na sa usaoan ang kapatid. Naiyukom narin nito ang kamao na alam kong nakita ni Kervin. “Why? You want to punch me?” Ngisi n'ya "Go punch me!" Muli n'ya tinulak si Hyde. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw para awatin sila. Natawa lang si Kervin ng hindi gumanti sa kanya si Hyde. "Di mo magawa noh? Kasi duwag ka! Pareho lang kayo ng kapatid mong nag tatago sa likod ng perpekto n'yo kunong pamilya!" “Don't involve him here... Ayokong gumanti sa'yo at pag sisihan lang 'yon sa huli.” Mahina at kalmadong sagot ni Hyde. “Ow? Oo nga pala, You really hate getting your hands dirty.”Ngumisi ito. "....Gaya ni Andrei! Ayaw n'yong nadudungisan ang pangalan ng perpekto n'yong pamilya!" "Stop, Kervin. You don't have the slightest idea how he going through.” Makikita mo na ang galit sa mata nito. “Really, Hyde? He really didn't feel ashamed at all!” Sigaw nito na idinuro pa ang mukha ni Hyde. Kitang kita ko ang pangingilid ng luha sa mata nito. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Galit na galit “He killed her!” Muling sigaw nito. “Kervin stop!!--” “Tumahimik kayo! Lahat kayo, pinabayaan n'yo lang s'yang mamatay. Wala kayong ginawa!” pagputol nito sa sigaw ni Desiree Nakita ko ang takot sa mata ni Dsiree na naibalin sa'kin ang mata. Hindi ko maintindihan... Sinong tinutukoy n'ya? Ano ba talagang meron? “Ah.. you all afraid that she'll find out?” Balin sa'kin ni Kervin na napangiti. “Then, I'll tell her right now. ” “Kervin please...” Pakikisuyo ni Bernard pero hindi n'ya ito pinansin na nakatingin lang sakin. “You know. your boyfriend, Andrei Kiyen Canillas.... is a killer.” Madiin na sabi n'ya na nag pagulo lalo sa'kin. "I said stop involving him here!” Sigaw ni Hyde. Napasigaw ako at mabilis na napahawak sa bibig ko ng makitang mabilis na suntukin ni Hyde si Kervin. Narinig ko rin ang sigaw nila Bernard at Desiree sa pangalan ni Hyde. Lahat kami dito gulat sa nagawa ni Hyde. Hindi kami makapaniwala sa nagawa n'ya. Mabilis na lumapit si Bernard kay Kervin para tulungan itong makatayo. Nakita ko kung pano nanginig ang kaliwang kamao ni Hyde. Bakas sa mukha n'yang kahit s'ya ay nagulat sa nagawa. “Gago ka!” Naging mabilis si Kervin sa pag bawi at pag suntok sa mukha ni Hyde. “Bernard! My god stop it!” Sigaw ni Desiree. Mabilis namang hinawakan ni Bernard si Kervin upang hindi na ito makalapit pa kay Hyde. “Ilayo mo na dito si Hyde, please!” Balim sakin ni Desiree na hindi ko agad nagawang sundin dahil sa pagkagulat sa nangyari. Nabawi ko rin naman ang sarili ko at hinawakan si Hyde para hilain ito palayo. Sa clinic kami dinala ng mga paa ko. Nang hiram ako ng first-aid kit at agad na nilunasan ang putok nyang labi ganon nadin ang sugat sa kamao n'ya. “I don't want to feel guilty even after punching someone, but I still did.” Ngumuso ito. "Bat mo ginawa 'yon? Hindi ba't ayaw mo sa karahasan?" Inis na bulyaw ko. Ngayon lang ulit nag bukas ang mga labi ko dahil kanina pa kami tahimik. "Alangan naman na panoorin lang kita doon... tch! Hindi ka nalang mag pasalamat." Angil nito sakin. Nangiwi nalang ako dahil ako ang nasasaktan sa sugat n'ya. Tila sanay na s'ya sa mga sugat na nakukuha. "M-Masakit pa ba?" "Malamang, ikaw kaya makipag suntukan doon. Hays may utak ka ba?" Angil nito. "Bakit gano'n si Kervin, bakit parang ang laki ng galit n'ya sa pamilya n'yo lalo na kay Andrei? Ano ba talagang meron?" Hindi ko na maiwasang mag tanong ng maalala iyong mga mata ni Kervin, punong-puno ng galit. Naguguluhan narin ako sa kung ano ba talaga ang meron sa pagitan nila. Tinignan ako nito na parang hindi naniniwalang wala akong alam "Hindi mo pa pala alam ang story behind this huge mess? " Tanong niyong hindi ko nagawang sagutin. ".... Kawawa ka naman. Pumasok ka sa isang sitwasyong wala kang kaalam-alam." Dagdag pa nito na dahilan kaya ako napahinto sa pag gamot sa kamay n'ya. "Ano.... ba kasi talagang meron?" Bigkas ng labi kong nag nanais ng isang sagot. “Sino yung tinutukoy ni Kervin--Si Andrei may pinatay?” Dagdag na tanong ko pa. Ngumiti lang ito at iniwas ang tingin sa'kin. "Why you would asking me?" Balin neto muli sa'kin. "Ask Andrei instead, you were the ones dating." Naipaikot ko ang mata ko sa naging sagot n'ya. "...At isa pa, ayokong sa akin manggaling ang lahat ng malalaman mo, Mas masaya kaya kung ikaw mismo ang makaka tuklas ng lahat." Ngisi neto na agad din naman n'yang binawi at muking bumalin sa ibang dereksyon. "Sana lang, kapag nalaman mo na ang lahat mag stay ka parin sa tabi ni Andrei... mas kailangan ka n'ya sa araw na 'yon." Tumingin iyo ng deretso sa mga mata ko. Nakita ko ang pag mamalasakit nito sa kapatid n'ya dahil doon lalo ko pang naramdaman ang pagkanais na malaman ang totoo. Mabilis na kinain ako ng inis dahil wala akong narinig na sagot sa kanya. Tinakpan ko na ang first-aid ket. "Alam mo? Ewan ko sayo, bahala ka nga jan." Tumayo na ako at aakmang aalis nang hagitin nya ang kamah ko pabalik at yakapin ako ng mahigpit. "H-Hyde...A-Ano bang ginagawa mo?" Mabilis na kinabahan ako sa ginawa nya pero lalo nya lang ibinaon ang mukha sakin. "Girlfriend ka ng kapatid ko, at mahal na mahal ko ang kapatid ko.... pero bakit ganto? " mahina at seryosong saad nito na nag pakunot ng noo ko. Ano bang sinasabi n'ya? THIRD PERSON'S POV KINABUKASAN... Maagang nagising ang binatang si Hyde Magulo pa ang buhok nitong bumaba upang maabutan ang buo n'yang pamilya sa harap ng lamesa at magsisimula nang mag almusal. Humikab pa ito at nag unat bago ngumiti. “Good morning!” nakatinging bati nito na ikinangisi ng ama. “There's no good in my morning. Sana hindi kana bumaba.” Saad nito. “Hon, please. 'Wag ngayon." Pigil ni Mrs Kiesnha sa asawa bago ngumiti sa harap ng anak. "Good morning son--ow? What happened to your face?" Nag aalalang saad nito na aakmang lalapitan ang anak ngunit agad na pinigilan ng asawa. "Hindi ka pa ba sanay sa anak mong yan? Siguro ay may ginawa na namang hindi maganda iyan at naparusahan na naman ng lolo n'ya." Tumikim ito sa kape n'ya. Samantalang nanatiling tahimik lang ang kapatid netong si Andrei na alam na kung saan nanggaling ang mga pasa nito sa mukha. Nakangising umupo nalang si Hyde. "Does your lolo beat you up again?"Nag aalang tanong ni Mrs Kieshna "No, hindi kami nagkita." Tipid na ngiti n'ya. "....It just that, your son made a mistake yesterday..." Ngisi neto. "... I angrily punched someone in the face." Matigas na asal nito bago nangisi muli nang makitang mag yukom ng kamao ang ama. "Why did you get involved? You hate violence." Saad naman ng kapatod na alam na ang nangyari. "Am I like dad?" Nakangiting balin neto sa ama. "...I really hate it."pangising singhal pa nito bago nagbigay ng walang ganang expression. "Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo, Hyde Dracel Canillas?!”Pag tataas nito ng boses at nahampas pa ang lamesa. "And now your claiming that I am Canillas?" Natawa pa ito. "Stop it, Hyde please." Awat ng kapatid neto na nag sesenyas na huwag ng sumagot pero binalewala lang iyon ng binata. " No.... Go ahead dad, hit me and give me a scolding. Jan ka magaling, diba?" Mang aamok nito sa ama. "Why? Anong gusto mo, pabayaan ko lang ang ganyang asal mo, You stupid?!" Naiinis nang bulyaw nito habang dinuduro ang anak. "... You enjoyed privilege from us, but you don't want me to interfere?" Dugtong pa nito na ikinangisi lang ng binata. Si Mrs Keisnha ay napatunog lang ang bibig at napahawak sa noo sa inis dahil nag uumpisa na naman ang dalawa. "You really think I am enjoying this?" Nakangisi pero naiinis ng sagot ni Hyde. “No one wants to live a life like mine.... No one wants to wake up every day and keep asking themself 'how come I am still alive?' Hindi na nito napigilang mag taas ng boses. “Who let you to be that way? Who let you grow like a damn moron! Who was it, is it your grandfather?!" pasigaw na duro narin nito sa binata Mabilis na nag pintig ang tenga ng binata nang marinig iyon. "This is between you and me, Why did you bring him into this?" "...you wanted to know who was it? It's you, dad! you're the only one here who let me to be like this mess!" Inis na napatayo na ito. Ni hindi na nagawang makasagot ng ama. “Why you're always make me feel alone? Why you're always make me feel bad to myself... Why you're always make me feel that I'm useless, Are you even my dad?” Halos nangingilid na ang mga luha nito sa mata. “Don't give me that crap! Stop being a headache to me!” Sigaw naman ng ama. “But even I become a saint, I'll always be a headache for you, dad.” "You!!--" "What, Bastard?" Pag putol nito sa sasabihin ng ama na hindi na nagawang makapag salita pa. "Do not bother telling me how much disappointment I brought you, dad. I know my existence is already a disappoinment to you." Saad nito bago tumalikod at umalis. Sinikap ng kanyang tinuring nang ina na tawagin s'ya pero hindi na s'ya nito nilingon. Nangiti na may inis ang binatang si Andrei. "Good for you, dad." Sabat naman ni Andreii bago s'ya naman ang tumayo at umalis. Wala nang nagawa ang kanilang ina kundi ang makahawak sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD