ANDREII KIYEN'S POV
Kinabusan ay maaga akong gumising at nag ayos.
Plano kong puntahan si Patricia sa kanila.
Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa n'ya kagabi. Alam kong sinadya nya ang lahat ng iyon.
--
"Hi tita where's Patreng? "
Bungad ko sa mama n'ya ng makarating ako sa kanila at salubungin nito.
Inalok pa nga ako neto na mag almusal muna ngunit tumanggi ako at sinabing kumain na ako.
"Ah nasa kwarto nya, kaka akyat lang din n'ya. " Ngumiti ako sa harap nito kahit pa sobrang inis na ang nararamdaman ko.
"Sige po puntahan ko lang po sya."
Pag akyat ko ay agad na kinatok ko ang pinto ng kwarto n'ya.
"Ma bakit po?!" Rinig kong sigaw n'ya mula sa kabila. Nangiwi ako dahil doon.
"I'm not your mother, Stupid. Open the door we need to talk." May inis na sagot ko at hindi na makatiis na buksan ang pinto.
Hindi na s'ya muling sumagot at binalot na ng katahimikan ang kwarto n'ya.
Inulit ko ang pagkatok sabay sabing pag buksan n'ya ako pero wala.
Akala n'ya ba matatakasan n'ya ako?
Hinawakan ko ang door knob at ganon nalang ang ngsi ng mapihit iyon. Hindi naman pala nakalock.
Agad na binuksan ko ang pinto ng kwarto n'ya para makita s'ya naka higa habang naka talakbong ang kumot n'ya sa kanya.
Tignan mo 'to. Mag kunwari ka daw na tulog? So stupid.
"Hoy! Babae bumangon ka nga jan." Utos ko ngunit tila wala s'yang naririnig na lalo pang nagpainis sa'kin.
"Ayaw mo?" Dugtong ko pero ayaw n'ya paring bumangon kaya sa inis ay hinablot ko na ang braso n'ya at hinila s'ya.
"Araaayy! Oo na! Babangon na. " Reklamo nito bago nakangusong bumangon paupo sa kama n'ya. Narinig ko pa ang pagpapatunog nito sa bibig n'ya.
Tsk!
"Bakit ba?" Tila walang alam na tanong nito habang hinihimas ang braso n'yang mahigpit kong hinila.
"B-Bakit ba?' Ang saya mo ah, guguluhin mo yung dinner kagabi tapos bakit?" Gusto kong matawa sa pag mamaang-maangan n'ya.
"You think you can just run off after making a such mess? You stupid!"
"Tss tapos na 'yon. Mag move on kana." Hindi ito makatingin sa'kin ng deretso nang sabihin 'yon.
"Saka diko naman sadya." Dugton pa n'ya
Nang aasar talaga sya?
"I know you did that on propose! You can't fool me." Inis na sagot ko.
"Baliw hindi kaya, lakas ng tama mo ah. Takas ka bang mental?"Parang wala lang na sagot n'ya.
"Kung akala mo makikipag hiwalay ako sayo because of that, well sorry ka, Akin ka lang." Pag didiin ko.
Bakas sa mukha n'yang naiinis ito sa narinig n'ya.
"Eh ang lakas pala talaga ng tama mo eh hanapin mo nga nawawalang turnilyo n'yang ulo mo. Baliw!"
"Oo, Lakas nga siguro ng tama ko... I'm getting crazy because of you! 'Wag mo nang ulit ulitin, You know why? Kasi hindi ako proud na nag kagusto ako sa babaeng mahirap. Minsan kailangan pa mag part time job para sa other expenses at.... At teka kwarto mo ba talaga 'to? "pag lilibot ng mata ko sa paligid ng maliit n'yang kwarto.
"OO!" Inis naman n'yang sagot.
"At... At sa maliit ang kwarto, 'E malaki pa nga dog house namin sa kwarto mo eh."
Nakita ko kung paano lumaki ang mata n'ya dahil sa inis.
Galit na tumayo na ito mula sa kama n'ya.
"Grabe! Ikaw na mayaman, ikaw na rich! " Inis na sigaw nito.
Ilang segundo pa bago ako nakasagot dahil naguluhan ako sa nasabi n'ya.
"Pareho lang 'yon ah?"
Saglit na natikom rin s'ya nang marealize din ang sinabi.
"E-Eh bakit ba gusto ko eh. Lumabas ka nga sa kwarto ko kung lalatiin mo lang tss labas!" Ipinagtulakan n'ya ako palabas sa kwarto n'ya.
Huminto lang s'ya ng nasa labas na nga kami.
"Teka? Richard told me, last day he saw you with Kervin. Diba I told you not or stop talking with him already ?" Sabi ko ng maalala ang binalita sa'kin ng isa kong kaibigan.
Sa lahat ng tao si Kervin lang ang ayokong nakakalapit sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na ang totoong gusto nya ay si Kervin kaya hindi ko hahayaang makalapit si Kervin sa kanya.
"Wow! Ngayon nararamdaman ko nang kino-control ako, na bawal na akong makisalamuha sa iba. Nice!" Inis na siwalat n'ya na animo'y nakikipag usap sa sarili at wala ako sa harap.
Naging mabilis ang kilos ko para hawakan s'ya at isandal sa pader at ikorner s'ya.
Ngumisi ako ng makita kung pa'no lumabas ang gulat sa mga mata n'ya. Nakita ko rin ang pag pula ng pisngi nya ng ilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya.
Idinikit ko ang bibig ko sa kaliwang tenga n'ya.
"Well, Welcome to a relationship penniless." Natawa ako nang itulak n'ya ako pa-distansya sa kanya.
"Sino kaba para utusan ako? 'E boyfriend na pilit lang naman kita!" Inis na sagot n'ya.
"Sinasabi ko 'to sayo para hindi ka mag mukhang malandi sa tingin ng ibang tao."
"MALANDI? Ako?! Eh ano ka naman, Rapist? " singhal neto.
Akmang sasagot pa ako nang
"Nag aaway ba kayo?" rinig naming boses ng mama ni Patricia.
Mabilis na naramdama ko ang mga braso ni Patricia na yumakap sa braso ko.
"K-kami, Nag aaway? Hindi noh ganito lang talaga kami ma... diba?.... " Balin n'ya sa'kin at sinasabi ng mga mata n'ya na sumabay ako sa kanya.
Nakangiting inakbayan ko narin s'ya.
Gusto kong matawa sa mabilis na pagpapalit nya ng expression.
Hindi n'ya rin pala kayang awayin ako sa harap ng mama n'ya eh. Bakit kaya?
"Ah opo tita. Bakit naman kami mag aaway?" Niyakap ko s'ya ng sobrang higpit yung tiping hindi na s'ya makakahinga. Nararamdaman ko ang pag pokpok nito sa likod ko kaya kumawala na ako.
Niyakap ko s'ya ng sobrang higpit yung tipong di na sya makahinga pinapalo nya naman ako sa likod dahil don.
"Ganon ba? 'E ano yung narinig kong malandi, Sino? " takang tanong nito.
"M-malandi? Nako tita hindi ah. May nagsabi ba ng malandi? Mali po ata narinig nyo baka ma -- ma -- malammbing 'yon! Oo, Malambing po kasi 'to si Patreng sa'kin tita 'e kaya love ko 'to eh. "Pilit na ngumiti at pinisil ang pisngi n'ya.
"Ah ganon? Eh may narinig akong rapist? Ano naman yun? "
Shit, narinig n'ya pala mga 'yon?
"Ay. Ma mali po ata ulit narinig n'yo. Baka po Ra---- rabist! may na kagat po ng aso dun sa school namin ay grabe kawawa sya. " Gusto kong masinghal kay Patricia ang galing n'ya talaga gumawa ng paraan eno.
"Ah yun pala 'yon? Hay nako. Sige bababa nako mag lilinis lang ako ng tenga na bibingi na ata ako eh. " Umiiling na tumalikod si tita at bumaba n'ya
Nang tuluyan na itong nawala ay agad na tinulak ko si Patricia palayo sa'kin.
"Tss. Nakapa Ungentleman mo talaga!"
"Sino ba naman kasi mag papa ka gentleman sa ugali mo. "Sagot ko.
"Ewan!"
"I love you."
Nanlaki ang mata nito sa narinig nya pero agad naman nyang nabawi saka ako inirapan atsaka muling pumasok sa kwarto n'ya.
Kinilig lang s'ya eh ayaw pang umamin
LIANNE PATRICIA'S POV
Inis akong nag ayos ng uniform ko sa school habang naka harap sa salamin. Nag handa na ako para pumasok.
Napabuntong hininga ako ng maalalang nag aantay sa baba si Andrei. Matapos nya kasi akong pasukin at insultuhin dito sa sarili kong bahay ay nagawa parin n'yang sabihing mag aantay s'ya sa baba para sabay na kaming pumasok.
Pano n'ya namemaintain ang ganong ugali. Napakagaling!
Inis na hinablot ko nalang ang bag ko at naglakad na pababa ng marinig ang sigaw ni mama na nag papaalalang kanina pa nag aantay sa baba si Andrei.
Kung ako lang masusunod bubulukin ko talaga s'ya jan kakaantay!
Bumaba na na ako para makita ang nakakairita n'yang mukha.
Gusto kong mangisi ng makita s'yang ngitian ako ng makita n'ya ako.
Matapos n'yang laitin ang pagkatao ko ngingiti s'ya ng ganyan sa harap ko?!
Nag paalam narin kami kay mama na inihatid kami sa labas at nag habilin na mag aral ng mabuti at mag ingat.
Hinayaan kong pagbuksan ako ng pinto ni Andrei saka ako pumasok.
Tsk. Pabibo! Akala mo kung sinong gentleman sa harap ni mama.
Bago n'ya inistart ang kotse n'ya ay binuksan n'ya muna ang player.
Nakita ko sa playlist n'ya na ang kantang 'Incomplete na version ni Micheal Pangilinan ang pinindot n'ya.
Mahilig pala s'ya sa ganitong mga kanta? Nevermind!
Tahimik lang ako buong byahe. Hindi ako nag sasalita. Naiinis ako sa kanya.
"Aren't you going to talk to me?" Rinig kong sabi n'ya. Nakatutok lang ito sa daan.
"Anong sasabihin ko sayo? Bakit gusto mo ba ng round 2? Okay lang naman din sakin tara. Mag away tayo ulit." Iritang sagot ko.
"Nope. Ayaw ko ng round 2 sa away. Pwede bang round 2 nalang sa bed?" Ngumisi ito sa harap ko ng makitang nanlaki ang mata ko nang maalala iyong nangyare samin dati.
Gusto ko s'yang bugbugin kung wala lang kami sa highway.
"Hindi ka nakakatuwa! Tumahimik kana nga."Singhal ko na ikinatawa n'ya.
"I won't. Just talk to me Patreng, I want to hear your voice, I always wanted." Sagot n'ya.
"Tell me how much you love me."
Mabilis na binalingan ko s'ya.
"Ulol!" Inis na sagot ko na ikina tawa n'ya.
Nakakaasar talaga s'ya!
Ngumisi ako ng makaisip nang ikakainis n'ya.
Umayos ako ng pag kakaupo.
"E kung sabihin ko nalang sa'yo kung ga'no ko kamahal si Kervin?"
Naawang ang bibig ko ng bigla ay ipreno n'ya ang sasakyan n'ya.
Nakarinig ako ng mga ilang busina sa likod namin dahil sa ginawa n'ya pwede kaya kaming maaksidente sa ginawa n'ya.
"What?" Mabilis na naging seryoso ang mukha n'ya.
Napalunok ako at hindi makatingin sa mga mata n'ya pero kailangan kong panindigan ang sinabi ko.
"Gusto mo ulitin ko? Na... mahal na mahal ko si Kervin--"
"Stop! I don't want to hear that crap!" Pag tataas n'ya ng boses.
"Tuwang tuwa ka talaga enoh. Pag nag seselos ako, feeling mo siguro ang ganda ganda mo!" Dugtong n'ya pa.
"Baka feeling? Ni ayaw ko ngang ako yung gusto mo 'e! Ayoko sayo--iba gusto ko, so bakit ako matutuwang eto ka ngayon ginugulo ang buhay ko at pinapahirapan ako!" Inis naring singhal ko.
"Alam mo siguro kung wala ka? Kung sana hindi kita nakilala. Siguro masaya ang buhay ko. Masaya ako at nakakasama ang taong gusto ko!" Dagdag ko pa.
"So, gusto mong mawala ako?"
"Oo!"
"Then, get out." turo n'ya sa pinto ng kotse n'ya. Nasaglit na nagpatikom sa'kin
"A-Ano? Andrei nasa gitna tayo ng highway."
"I don't care, just get out." Walang gana na n'yang sagot.
"Seryoso ka? Andrei nasa gitna tayo ng highway." Pag uulit ko.
"I said get out, now!" Pag tataas n'ya ng boses.
Seryoso ba talaga s'ya?
Nangiwi ako at wala ng nagawa kundi ang lumabas sa kotse n'ya.
"Sabi mo s'ya yung gusto mo. Then go find him... Tignan natin kung mapupuntahan ka jan ng pinagmamalaki mo!" Sabi n'ya bago muling inistart ang kotse n'ya.
"A-Andrei? Andrei!" Sigaw ko pero pinaharurot na neto ang kotse n'ya palayo.
Seryoso? Iniwan n'ya ako dito?!
Sa gitna ng highway?
Kinapa ko ang sarili ko at gano'n nalang ang kaba ng hindi mahawakan ang bag ko pati cellphone ko andon.
Teka!
Puta naiwan ko ba sa kotse nya!
Pano ako makakasakay neto!
Bwisit ka talaga Andrei!!
Anong gagawin ko ngayon?
Ni walang pampasaherong sasakyan ang dumadaan dito. Kung meron man wala naman akong ipambabayad.
Hindi ko rin kakayanin kung lalakarin ko.
Ba't ba ganyan s'ya? Kahit anong gawin ko hindi ako mananalo sa kanya. Ang sama-sama n'ya talaga!
Sa sobrang inis na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko na napigilang pamaluha.
Anong gagawin ko ngayon?
Pano ko makakaalis dito? Sa lintek na highway nato?!
Sa inis ay wala na akong nagawa kundi maupo nalang sa kalsada at umiyak habang nakabaon ang mukha ko sa yakap-yakap kong tuhod.
Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla ay tila nakarinig ako ng yapak papalapit sakin.
Inalis ko ang pag kakabaon ng mukha ko sa tuhod ko para makita ang isang pares ng itim na sapatos.
Itinaas ko ang mukha ko ng mapagtanto kung sino ang nag mamay ari ng sapatos na iyon.
At makita nga si Andrei na seryosong nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit nalang biglang bumilis ang takbo ng dibdib ko ng muli s'yang makita.
Para bang natuwa itong makitang binalikan ako.
"Tumayo ka jan. Stop crying, will you." Inilahad nito ang kanang kamay sa harap ko.
"B-Ba't ka bumalik? Akala ko iniwan mo na'ko." Umiiyak parin na tanong ko.
"Oo galit ako sa'yo. But that can't change the fact that I still love you, and I can't just leave you here alone. I am into you, Lianne Patrica Fontenilla. I love you." Hindi na ako inantay nito na hawakan ang kamay n'ya at sya na ang nagkusang alalayan ako patayo.
Natikom pa ako nang inayos n'ya ang suot ko at pagpagan ang laylayan ng palda ko.
"I'm sorry for leaving you like that, I promise I won't ever do that s**t again." Pangako n'ya sa mismong mukha ko sabay halik sa noo ko atsaka niyakap ako.
"Wag mo nang uulitin 'yon ah. I really hate to hear you talking about other man infront of me, It's hurt." Sabi n'ya habang nakayakap sakin.
Tipid na ngumiti nalang ito nang kumalas mula sa'kin at haplusin pababa ang buhok ko.
"Let's go, Late na tayo." Hinawakan nito ang kamay ko at marahan akong hinila palakad.
Wala akong nagawa kundi titigan lang ang likod n'ya habang nag lalakad kami.
Bakit ganito?
Biglang nawala lahat ng inis ko sa kanya?
Pakiramdam ko parang naging komportable ako.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?