Kinabukasan...
"Anak may package delivery dito para sa'yo." Rinig kong sigaw ni papa mula sa baba
Hininto ko ang pag susulat para sa research ko at tumayo para bumaba.
Pagkababa ko ay inabutan ko sila mama at papa na kaharap ang isang lalaking halatang delivery man.
May hawak itong pahabang box.
Naglakd nako papalapit.
Lumapit nako.
"Are you Lianne Patricia Fontenilla?" Tanong nito sa'kin. Nagtataka akong tumango.
"Ah, paki pirmahan nalang po ito, salamat." Abot n'ya sa papel na agad na pinirmahan ko naman atsaka n'ya inabot iyong box. Hindi naman iyon mabigat.
Matapos iyon ay nagpaalam narin iyong delivery man.
Pagkaalis n'ya ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng box na iyon, may pulang ribbon pa sa gitna.
"Kanino ba galing 'to?" Tanong ni mama. Bumalin ako sa kanya dahil miski ako ay hindi ko alam kung kanino gaking ito.
"Teka, may card oh. Tignan natin kung anong nakasulat." Turo ni papa. Doon ko din napansin na may maliit na card na nakadikit pala doon.
Kinuha iyon ni papa at gusto kong matawa ng sabay na nailapit pa namin ni mama ang mukha namin doon na tila sabik na makita kung anong nakasulat.
Umupo nako sa sofa ,pinatong ko yung box sa hita ko. Si papa din ito naman si mama saka si Andrew ang bilis mag sitabi samin
'Hi love, I know you're pretty whatever you wear. But, you will look prettier when you wear this. I love you.' -Andrei
"Yiie! Ang sweet naman ng boyfriend ng anak ko." Tila kinikilig na sambit ni mama.
Doon biglang nawala ang pagka excite ko. Nang maalala ang sinabi n'ya sa'kin.
Gusto nga pala n'ya akong ipakilala sa family n'ya.
"Wow! Ang ganda naman nitong dress!" Muli akong bumalin sa kanila para makita ang isang dress na hawak ni mama.
Aaminin kong ang ganda nga ng dress na iyon.
Off-shoulder dress iyon na kulay white na may purple na bulaklak sa laylayan nun.
"Oh meron din palang sapatos at bag na kasama iyan." Sabat ni papa
Heels na black and white at sling bag na white iyong nakita kong hawak ni papa.
Kung titignan pala ang mga ito ay nahihilo nako ng maisip na sobrang mahal ng mga iyon.
Hindi bagay sa'kin ang mag suot ng ganyan.
"T'yak na bagay sa'yo 'to anak!" Natutuwang puri ni mama.
Nangingiti ako sa kanila pero ang totoo'y hindi ko magawang maging masaya ng maisip na ipapakilala ako ni Andreii sa magulang n'ya bilang girlfriend n'ya gayong hindi naman s'ya ang gusto ko.
"Nak, dapat maganda ka 'pag nakipag meet ka sa parent ni Andreii ah." Hindi ko inakalang maririnig ko iyon kay papa.
Mukha gusto na nga n'ya si Andreii para sa'kin.
"Oo, saka dapat magustuhan ka nila anak." Dugtong naman ni mama.
Ngumisi ako nang may mabuo sa utak kong kalokohan.
"Oo naman po ma, siguradong magiging masaya ang dinner date nayon." Nakangiting sagot ko.
Lagot ka sa'kin. Andreii Kiyen Canilas.
ANDREII KIYEN'S POV
Huminga ako ng malalim nang makalabas na mula sa kotse ko. Tinignan ko ang kabuuhan ng bahay nila Patricia na nasa harap ko.
Ngumiti ako bago pumasok.
Pagpasok ko ay agad naman akong sinalubong ni tita Patche.
"Tita si Patreng po?" Bungad ko sa kanya.
"Ay nag bibihis na-- Anak! Andito na si Andreii hindi ka pa ba tapos?!" Sigaw nito sa may hagdan bago ngumiti sakin.
"Anjan napo!" Rinig kong boses ni Patricia.
Ilang segundo bago ko masilayan ang napakagandang babaeng bumaba mula sa hagdan.
Napalunok ako at hindi ko magawang alisin ang pagkakatitig ko sa kanya.
Tulad ng naisip ko ay bagay na bagay sa kanya ang suot n'ya.
"Anak. Ayusin mo naman 'to. Nakakahiya kay Andreii akala naman n'ya nag ayos kana." Rinig kong bulong ni tita Patche sa anak n'ya sabay ng pag ayos nito sa suot na damit nito.
Mahinang nangiti ako dahil sa mukhang si tita pa ang excited samin.
"Ang ganda ho ng anak n'yo tita, ang swerte ko." Hindi ko namalayang nasambit iyon. Nabawi ko ang sarili ko sa pagka tulala sa magandang mukha n'ya at tumungin sa napangiting si tita.
"Tama na nga, kanina pa ako pinupuri nila mama dadagdag kapa?" Singhal ni Patricia na naawang ng hampasin ni tita sa braso.
"Ano kaba! 'Wag ka ngang ganyan kay Andreii. Pinupuri kana nga ng boyfriend mo, mag pasalamat ka dapat." Pangaral nito.
"Sino po bang anak mo mama!" Nakangusong parang batang singhal nito habang nakahawak sa braso.
Nangiti ako habang pinapanood sila.
Sa totoo lang nakakainggit ang pamilya nila.
Pangarap kong mag karoon ng pamilya na gaya nila.
Pamilyang hindi importante ang istado sa buhay. Pamilyang kahit payak lang ang pamumuhay ay nagagawang makuntento at maging masaya.
Pagkatapos ng ilang pag uusap ay nag paalam narin kaming umalis na.
Nang makarating na kami sa parking lot ay ako ang unang lumabas.
Naglakad ako papunta sa pinto sa harap ni Patricia at ipinagbuksan s'ya ng pinto pero nanatili parin s'yang naka upo.
"Lumabas kana jan. Andito na tayo." Sambit ko pero nakanguso lang s'ya.
"Naalala ko, meron pa pala akong gagawin tara bumalik na tayo samin." Alok n'ya
Bakas sa kanya na hindi s'ya mapalagay.
Pasinghal na natawa ako bago nag smirk.
"Stop fooling around. Tara na sa loob."
"B-Baka.... baka hindi ako magustuhan ng pamilya mo at isa pa, ayoko sa term na meeting the parents." Paliwanag n'ya.
Napaikot ko ng pabilis ang mata ko bago isinandal ang dalawang siko ko sa bubong ng kotse ko para maipasok ko ang mukha ko sa loob ko para maidikit ng kaunti ang mukha ko sa kanya.
"Wag mong sayangin ang oras ko. Gaya ko, ay mahalaga para sa pamilya ko ang bawat oras." Inis na inalis ko sa pag kakalock ang seatbelt n'ya.
Mabilis na hinawakan ko ang kamay n'ya ng akmang ibabalik n'ya ang pagkakalock nu'n.
"Dito nalang kasi ako!" Singhal n'ya.
"Stop your crap." Iritableng saad ko at pinanood s'yang mangiwi ng hilain ko s'ya palabas.
"Oo na!" Inis na inalis n'ya ang pag kakahawak ko sa kamay n'ya.
"...Basta 'wag mong sasabihin na hindi kita ni-warningan ah!" Inis na sagot narin n'ya bago nag paunang pumasok.
Doon ay saglit na nahinto ako. Ba't pakiramdam ko ay may gagawin s'yang hindi maganda?
Pagkapasok ay agad na binati kami ng mga kasambahay.
Sa dining area kami dumeretso at doon nakita si mommy na agad na ngumiti nang makita kami.
"S'ya na ba si Lianne Patricia? Oh gosh! You really are pretty, hija." Masayang puri n'ya dito na binigyan lang s'ya ng tipid na ngiti.
"Salamat po." Animoy nahihiyang tugon nito.
Daglian akong nakaramdam ng kaba ng makita ang may lamang ngiti na'yon ni Patricia.
Alam kong may hindi maganda s'yang gagawain.
Pagkatapos maghanda ng mga kasambahay ay umupo narin kami.
"I heard some random things about you and masasabi kong okay ka naman as a student." rinig kong sabi ni dad pero bakas na hindi rin naman nya gustong sinabi 'yon.
"Alam ko, pero salamat." mabilis na bumalin ako kay Patreng nang mar inig ang tila sarcastic na tono neto.
Saglit na natahimik si mama at tila hindi rin nagustuhan ang paraan ng pag sagot nya pero hindi nalang iyon bibigyan ng pansin at ngumiti.
"Where's hyde anyway ? Hindi pa ba sya umuuwi?" Pag iiba ko nalang sa usapan.
"Bakit ba lagi mong hinahanap ang walang kwenta mong kapatid? I told you not to--"
"hon, stop will you? Don't talk crap about your 'own' son infront of your son's girlfriend. " awat ni mom kay dad na napa ngisi lang bago sumubo ng pagkain.
"But seriously, son. I never expect na talagang ipapakilala mo s'ya samin personally. Talaga bang seryoso ka sa kanya? " tila nangliliit na saad ni dad. Hindi ko nagustuhan ang tono n'ya
Nakakaasar talaga s'ya.
"Bakit po, Akala n'yo ho ba jinowa ako ng anak n'yo para mag laro? " Nasamid ako ng marinig ang nakakalokong sagot ni Patricia bago natawa.
"Hindi mo naman sinabing joker pala 'tong tatay mo Andrei... Nakakatawa promise. " muli itong natawa.
Anong nangyayari sa kanya? Ba't s'ya biglang nagkakaganyan?
T-Teka? Hindi kaya...
"Patreng..." tawag ko sa kanya para patigilin s'ya pero parang wala s'yang narinig.
"Ay ano pong tawag sa pagkaing 'to? Mukhang masarap penge po ah." Tila parang ignoranteng kuha nya sa pag kain. May ilang katas pa ang tumulo sa lamesa.
Ano bang ginagawa n'ya?
Nakita ko ang pagka dismaya ni mom sa ginawa n'ya
"Any way, buti nag karon ka ng time na ma meet kami." Pag iiba ni mom sa usapan.
"Time? Syempre mo marami akong time, ayoko lang po talaga kayong makilala. Pinilit nga lang ako netong anak n'yo. Nako! Kung ako masusunod hindi po ako mag papakita sa inyo." Sagot nito na ikinalaglag ng panga ni mom
Ano bang ginagawa mo Patricia!
"W-What?" gulat na expression ni mom.
"Bakit po?"
"D-Did you just really said that?"
Naiinis na talaga na tono ni mom
Saglit na tumahimik si Patricia na tila napaisip pa.
"Nanggaling po yon sa bibig ko kaya po siguro sinabi ko nga talaga yon." Nakakalokong sagot n'ya.
Stop it please.
"Nauuhaw po ako. Ano po yon?" Turo nya sa alam kong alam namang n'yang wine.
Base sa galaw n'ya ay alam kong sinadya n'ya matabig ang kadikit nung tubig para matapon dahilan para matapunan ni mom.
"Gosh!" Mabilis na napatayo ito.
"Ay nako po, sorry hindi ko po sadya." Agad na kumuha ito ng tissue at pinunasan ang damit ni mom.
"Don't touch me, please! J-Just don't touch me." Pag pipigil na galit ni mom.
"Sorry po talaga." Akmang hahawakan ulit nya si mom ng hatakin ko ang kamag n'ya dahilan para mabalin s'ya sakin dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.
"My gosh! I can't stand it anymore! " Galit na sigaw ni mom kasabay ng pag tayo n'ya.
"What the hell is she problem?! " Duro pa neto sa bakas na nag mamaangmaangan na Si Patricia.
"Ako po?" Turo neto sa sarili
"Ay wala po akong problema ah' Ewan ko nalang po sa inyo." Dugtong pa n'ya bago uminom.
"Damn! Ito ba ang babaeng ipapakilala mo sa'kin? Seriously?! Get her out of here! I don't want to see here face again!"
"mom --"
"Stop! Hindi ko natatanggap ang gaya n'ya. You better stay away from her son... I'm warning you!" Duro n'ya dito.
"Ayokong gaya mo lang ang kababaliwan ng anak ko! " Galit na sabi neto bago naglakad paalis.
Muli kong binalingan si Patricia.
Alam kong plinano n'ya ang lahat ng 'to
LIANNE PATRICIA'S POV
"Damn! Look at you've done?!" Inis na sabi ni Andrei pagkaalis ng mom n'ya.
Gusto kong matawa sa mukha n'ya. Galit na galit ito sa ginawa ko.
"Bakit ba? " Kahit na alam kong alam na n'ya na sinadya ko lahat ng ginawa ko ay nagawa ko paring mag maang-maangan
"You know, son. If I were you, I'll follow your mom. She really is mad. " Rinig kong sabi ng dad n'ya
Saglit na tinignan ako ng masama ni Andreii bago nag pakawala ng buntong hininga.
"You stay here, we'll talk later. " Turo n'ya sakin bago tumalikod at naglakad. Parang ayaw pa nga nitong iwanan ako dito.
Napa sobra ba ang ginawa ko?
Nag buga nalang ako ng hangin at lumingon sa ibang dereksyon para magitla ng mapag tantong andito pa pala si Mr Anvier.
Makatingin lang ito sakin kaya pilit nalang akong nangiti
"Hindi ko alam na magaling ka rin palang umarte? " Nakangiting sabi neto.
"Po? "
Alam n'ya?
Nangisi ito sa reaksyon ko.
"Yes I know you're just pretending. I just don't know why you need to do that nor to say such crap. " Ngisi n'ya.
"Mukha namang seryoso talaga sayo ang anak ko. " Dugtong n'ya.
Isang bagay na ayoko.
Umayos ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa lamesa.
"Ano bang habol mo sa anak ko. Pera? I can give you that. " Tila nangliliit na alok n'ya.
Nayukom ang kamay ko. Hindi ko nagustuhan ang narinig
"Hindi po ako mukhang pera--"
"What do you want, then? I'll give you just name it. "
Ganito ba talaga silang mga mayayaman? Akala nila alam makukuha nila dahil sa pera?
Sa inis ay tumayo na ako.
"Hindi ho ako sumama rito para matatanggap ng pang iinsulto galing sa inyo. "
"but I am not insulting you. Hindi mo ba alam na ang pang iinsulto ay iba sa pagpepresyo? I just wanted to know your price. " Saglit na natawa pa ito.
Kahit na iinis na nagawa ko paring ngumiti
"Kung wala na ho kayong magandang sasabihin, aalis nalang ako. " Akmang tatalikuran ko na s'ya nang magsalita ito.
"I don't like you for my son... Alam kong ikaw lang ang sisira sa image ng anak ko."
Naiyukom ko ang kamay ko dahil sa inis na naramdaman sa mga nasasabi nya.
Naiinis man ay nagawa ko paring ngumiti ng muling humarap sa kanya.
"Talaga po?" Ngumisi ako.
"Ako po ba talaga ang sisirasa anak n'yo o ikaw na mismong ama n'ya?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.
Basta ang alam ko lang ay hindi talaga maganda ang relasyon nila bilang mag ama.
"Wag ho kayong mag alala, hindi ako bibitaw sa anak nyo kahit na ano pang gawin n'yo." Dugtong ko bago tumalikod at nag madaling umalis.
Napahigpit ang kapit ko sa sling bag ko habang nag lalakad.
Ano bang pinag sasabi ko?
'Hindi ako bibitaw sa anak n'yo'? Hays!
Medyo nakahinga na ako ng makalabas mula sa dining area pero saglit ring napahinto ng makita ang lalaking naka sandal sa di kalayuan.
Nag kunwari nalang akong walang nakita at sanang lalagpasan na s'ya.
"Ang galing mong umarte kanina. "
Napahinto ako nang marinig iyon. Muli akong nagbalik tingin kay hyde upang makita s'yang naka ngisi.
Nakita n'ya?
Umayos na s'ya ng tayo at ipinag krus ang mga braso.
"Nakakapag taka lang.... Bakit ka umaktong gano'n para hindi ka magustuhan ng parents namin? I thought you two are inlove to each other. Aren't you?" Saglit akong hindi nakagalaw ng marinig ang tila sarcastic na tanong n'ya sa bandang huli.
Napalunok ako bago pinilit na tumingin sa kanya ng deretso.
"O-Oo nga... B-Bakit mo naman i-iniisip na hindi kami inlove? Saka... H-Hindi ako umaarte kanina noh? Ba't naman ako aarte hindi naman ako artista tsk... " natataranta pang sagot ko.
"If you say so.. " Pasingal na nagbuga ito ng ngisi.
"Let's go.. "
"T-Teka saan? "
"I'll drive you home. Where on earth you think we're going? "
Wala na akong nagawa ng hatakin n'ya na ako palabas.