Kabanata 18: Forever longing.

1589 Words
Inilibot ko ang mata ko sa paligid ko. Malalakas na tugtog at nakakahilong iba't-ibang kulay na mga ilaw ang mabilis na nag papatay-sindi na sinasabayan ng naghalo-halo ng tao. Kapwa sila nasisiyahan habang umiindak. Ang totoo'y ayaw pa nga sana akong papasukin ng bouncer dahil sa suot kong school uniform. Pero noing nakita n'ya na kasama ako ni Hyde ay natutywang pinapasok na ako nito. Pinood kong kausapin ni Hyde ang waiter para sa oder namin. Dito ako sa club dinala ni Hyde. Hindi ko nga alam kung paano nya akong naisama dito pero wala na akong magagawa dahil andito na'ko. Naibaba ko ang paningin ko sa hawak kong phone ng makitang tumatwag si Andrei. Mabilis na pinatay ko ang tawag pati narin ang phone ko atsaka itinago iyon sa bag ko. Naibalik ko ang paningin ko kay Hyde ng marinig ang tawa n'ya. "Ayaw mo bang malaman si Andrei na kasama mo ako....dito sa bar." Muli itong natawa. Mabilis na inirapan ko s'ya. Kapatid ba talaga s'ya ni Andrei? Mayamaya ay dumating na ang isang bucket ng beer. "Uubusin mo lahat yan?" Turo ko doon. Pinanood kong buksan n'ya ang isang bote at ipatong sa harap ko. "Syempre tutulungan mo'ko. Anong silbi ng pag sama ko sa'yo rito." Sagot n'ya. Nakakainis s'ya! Pakiramram ko tuloy si Andrei ang nasa harap ko. Asar na kinuha ko ang bote atsaka nilagok iyon. Nangiwi pa ako dahil sa pait noon. Nasa ganoong sitwasyon kami ng may dalawang babaeng huminto sa harap namin. “Hyde Canillas?” Gulat na nasisiyahang tawag ng isang babae dito. Tinignan ko ang maikli niyong suot. Grabe, kulang nalang ang mahubaran na s'ya. "Wait, Ashley right?" Turo nito sa babaeng mukhang hindi sigurado sa sagot. "Yes! Oh gosh how are you." Sagot nya Nadi-daling lumapit si Hyde para halikan ang likod ng kamay nito atsaka akbayan. "Miss me, darling?" Sabi nya sa mismong tainga ng babae. Darling? Yuck! Kahit kailan ang ang landi talaga netong si Hyde. Walang pasabing nag lakad sila paalis at umupo sa table na malapit lang sa pwesto namin. Seryoso? Iniwan n'ya ako dito mag isa. Napasinghal nalang ako sa inis. Agad kong kinuha mula ang bote at tinungga iyon. Nag tagal ako sa pwesto ko, naiinis man ay wala akong magawa kundi panoorin lang si Hyde kung paano landiin ang mga babaeng nasa harap. Limang babae ang kasama n'ya sa isang table at naka akbay ito sa dalawang babae. “Nakakaasar s'ya, isasama n'ya ako dito para lang iwanan sa kawalan? Tch!" Inis na bulong ko sa sarili. Bago inis na binalingan ng tingin muli si Hyde. Isinuot ko nalang ang sling bag ko at tumayo. Inayos ko muna ang sarili ko bago nag lakad papalapit sa table nila. “Aalis na ako." Nakangusong sabi ko Hindi ako neto tinignan at sumenyas nalang na ako daw ang bahala gamit ang kamay n'ya. Napasinghal nalang ako at umaktong babatukan s'ya sa inis bago inirapan s'ya at umalis na. Marahang nag lakad nalang ako, inililibot ang mata sa mga taong nag sasayawan sa malakas at nakakabinging tugtog. Napahigpit ko ang pag kakahawak sa sling bag ko at yumuko nalang habang nag lalakad. Hindi ako sanay sa lugar na'to. Bakit ba kasi ako sumama sa letseng Hyde na 'yon. Nakayukong naglakad lang ako bago nahinto nang makabangga ako. "Ay kuya, sorry po. Hindi ko sinasadya." Mabilis na pag hingi ko sa nabangga ko. Dahil sakin kaya natapon sa suot nyang damit ang dala nyang wine. Ngumiti lang ito sa harap ko. "It's okay. Are you okay?" Tanong nito sakin. Sakto! Buti mabait si kuya. "Okay lang po ako. Pasensya na ulit, sige po aalis na ako." Akmang aalis na ako ng hawakan n'ya ang kamay ko. "Wait, Wag ka munang umalis. Samahan mo nalang ako." sambit nito Tinignan ko ang kamay n'yang nakahawak sa kamay ko. Aba! Ninabawi ko na ang sinabi ko! Akmang bubuka na ang bibig ko para sana sabihing bitawan n'ya ako nang biglang may humigit ng kamay ko mula sa pag kakahawak n'ya. "Touch my girl again and I'll barely kill you." Napatulala ako sa seryosong mukha ni Hyde. 'My girl? "Ow, I'm sorry I thought--" "Stop your crap and go back to your shelter little dog." Bahagyang naitulak n'ya palayo iyong lalaking sumenyas lang na ayaw n'ya ng away atsaka nag lakad paalis. Ilang segundo bago s'ya humarap sakin. "Okay kalang?" "Okay lang ako. Bumalik kana dun sa mga kalandian mo, uuwi na ako." Inalis ko ang pag kakahawak nya atsaka tumalikod. "Are you being jealous?" Akbay nito sakin na ikinahinto ko. Mabilis na tinulak sya palayo. "Ba't naman ako mag seselos baliw ka ba?" Malakas na humalakhak ito. "I'm just kidding, why are you so defensive?" Muli itong tumawa. "Baliw." Bulong ko bago mabilis na nag lakad palabas. Hinabol ako neto hanggang sa makalabas. Saglit na nahinto ako dahil umaambot pala pero pinagpatuloy ko ang pag lalakad ng marinig ang pag tawag ni Hyde. Nakakainis talaga s'ya pareho sila ng kapatid n'ya. Nahinto ako ng hilain ni Hyde ang kamay ko. Sumenyas pa ito na teka lang daw atsaka hingal na napahawak sa bewang. "Ang bilis mo namang maglakad, Lianne." Hingal na sambit n'ya sa harap ko. "Sino ba kasing nag sabi na sundan mo'ko." Walang ganang sagot ko. Natawa nalang ito atsaka hinubad ang suot na jacket. Sa gulat ko dahil biglang lapit nito sakin ay napa atras pa ako. Nangisi s'ya bago isinuot sakin ang jacket n'ya. Isinuot n'ya rin ang hood nun sa ulo ko. Hoodie. "Baka mag kasakit ka awayin pako ng kapatid ko." Ngumiti ito at wala na akong nasabi kundi tignan nalang s'ya. "Wuy! Mukhang marasap mga pagkain nila bili tayo!" Turo n'ya sa isang convenience store sa gilid namin. Naawang nalang ang bibig ko nang hilain nalang ako neto basta papasok doon. Tumayo lang ako doon at inantay s'yang matapos sa pamimili. Nagitla ako ng bigla ay may binato ito sa'kin. Nangunot ako ng makitang mogu-mogu iyon na strawberry flavor. Bumalin ako sa kanya na naka ngiti sakin. "Remember the first fight we had because of that?" Ngisi nito. Nangunot ako muli at nanlaki ang mata ng maalala iyong oangalawang beses naming magkita sa convenience store. Nairap ako sa kanya atsaka natawa rin. Pinanood ko s'yang magtungo sa cashier at ilapag ang mga binili. “Ms mag kano 'to mukhang sobrang sarap eh.” biglang tanong ni Hyde sa kahera at may tinuro. “Ah-Eh Sir, Salamin po yan.” Nahihiyang sagot nung tindera. Kahit ako ay napahawak sa noo ko dahil sa kalokohan na naman netong si Hyde. Konti nalang talaga at mababaliw na'ko sa taong 'to. “Sorry, Kasalanan ko bang sa sobrang sarap ko 'E pati sarili ko minsan nag pag kakamalan ko nang pagkain?” balin nya sakin. Godlord! Saan ba humuhugot ng oxygen itong si Hyde? Napakahangin. Napapailing na lumabas nalang ako. Ako ang nahihiya sa ginagawa n'ya. Inilapag na ni Hyde ang biniling bote ng alak sa gilid namin pati narin ang ibang sancks na binili. Dito kami sa isang tahimik na park, naka upo sa bakal na duyan. Gabi narin ngayon kaya tahimik na ang buong piligid. Pinanood ko s'yang lagukin ang hawak na bote na para bang tubig lang ang iniinom. Hindi ba s'ya nag sasawa sa alak? "Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong, kusa nalang na lumabas galing sa bibig ko. Nangisi ito. "Pwede ba akong umamin na hindi? Pwede ko bang sabihing hindi naman talaga ako naging okay?" Doon naramdaman ko ang hapdi sa kanya. Ramdam ko iyong sinabi n'ya. "Anong silbi ng pag sama mo sa'kin dito? Hyde, pwede kang magsabi sa'kin...makikinig ako." Sincere kong sabi bago ngumiti. Hindi ako nito tinignan at sa malayo nakatuon kahit pa wala namang eksaktong tinitignan. “My name's really suits me. ” May pait itong suminghal “...Lagi akong itinatago sa likod ng perpektong pamilyang hindi ako nababagay... Lagi akong nakakubli at pilit hinahanap ang pag mamahal na hindi ko alam kung may naka-reserba ba talaga para sa'kin... Ako ang ikinakahiyang anak sa pagkakamali ng ama kong kahit na kailan ay hindi manlang natuwang makita ako.” Ngumiti ito bago saglit na bumalin sakin pero ibinalik sa iba ang paningin. “I'll forever longing for a father's love that I will never have.” Natawa pa ito bago tinungga ang bote. “Just like my name, I always hide what was real. My life surrounded by darkness. ” Humalakhak ito ng napakalakas na umalingawngaw sa buong paligid. Matapos ang halakhak nayon ay isang nakakabinging tahimik na ang bumalot sa kanya. Alam ko sa mga oras na'to nakikipaglaban s'ya sa sarili n'yang mga luha na gusto nang kumawala. "...Sometimes what you all calling home is no longer feels like home for me." "Hyde.." Wala akong ibang nasabi kundi ang pangalan n'ya. Gusto kong pagaanin ang kalooban n'ya pero hindi ko alam kung paano. "If only he would proud that I am his son, If only." Lumagok ito muli sa bote Ba't ganito. Bakit ako nakakaramdam ng awa sa kanya? Ang mga ngiti at tawa na ipinapakita n'ya sa harap namin. Lahat ng tao kaya n'yang mapaniwala na totoong masaya s'ya pero ngayon. Ni hindi ko manlang naisip na ganito pala ang totoong Hyde na nag tatago sa likod ng happy go lucky at babaerong Hyde. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko para tumayo at lumapit sa kanya. Marahan kong isinandal ang ulo n'ya sa'kin. Nakatayo ako habang yakap yakap s'ya. Alam kong ito ang kailangan n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD