Napahilamos ng mukha si Caydhen. Kanina pa siya nilalamok sa pwesto niya tapos ito lang ang makikita niya. Agad nagsalubong ang mga kilay niya. Madidiin ang mga hakbang na ginawa niya nang lapitan niya si Shannon. Nagulat pa ito sa paglabas niya mula sa gilid. Sinundan niya ng tingin ang naghatid dito. It was that f*****g asshole again. Binalaan na niya ang Rapha na iyon pero ayaw talaga nitong tumigil sa pang-aasar. Napupuno na siya dito. Sa susunod na makita niya ito ay hindi nalang simpleng sapak ang makukuha nito sa kaniya. Siguradong bubugbugin na niya ito.
"Caydhen. Anong ginagawa mo dito?" Nakamulagat na tanong ni Shannon.
Mariin niyang hinawakan ang bewang nito at hinila palapit sa kaniya. Natahimik naman ito. Parurusahan niya ito para sa pagsama nito kay Rapha at sa pag-alis ng walang paalam. Isang kaparuhasan na sigurado siyang hindi nito makalilimutan.
"Ano bang ginagawa mo." Sinubukan siya nitong itulak palayo pero nanatili siyang nakayapos dito.
Hindi mo ako pwedeng takasan. Sa paglapit ng mukha niya sa mukha ng dalaga ay narinig na naman niya ang maingay na tunog sa loob ng dibdib niya. Iyong tunog na ilang beses na niyang narinig simula ng magkita sila nito. As he kisses her ay lalo pang bumilis ang pagtambol ng nag-iingay niyang puso. He was being amuse by it. It was new to him and he was liking it. He kiss her gently. Galit man siya sa ginawa nitong pagsama kay Rapha ay hindi niya naman ito kayang saktan. Si Rapha, pwede niyang balian ng buto pero si Shannon. Hindi niya kaya.
Nang pakawalan niya ang labi ng dalaga ay napatakip ito ng bibig. Gulat na gulat ito sa ginawa niya. Para na siya nitong kakainin ng buhay. At bago pa ito makapag reklamo ay ininuhan na niya itong sermunan.
"Bakit ka ba sama nang sama sa hayop na Rapha na iyon ha?" pagtataas niya ng boses dito.
Tinirikan naman siya nito ng mata. "Bakit ka ba nanghahalik?" Hinampas pa nito ang balikat niya.
Damn! Napakatapang talaga ng babaeng ito. Palagi nalang gustong makipagtalo. Pagdating sa iba ay ang sweet nito, tapos pagdating sa kaniya, ganito. s**t! Ano bang ginawa niya? The thing happened between them. Hindi naman iyon ang intensyon niya nang lapitan niya ito sa bar. He was just saving her from the real trouble. But she's so drunk and pleased him to make love. So, ano ang kasalanan niya doon? Kasalanan ba na naging mahina siya sa panunukso nito. Lalaki lang siya. It's his DNA's fault.
"Bakit ba kasi bigla ka nalang umalis?"
"Bakit ka rin ba umalis?" Inirapan siya nito.
Napailing-iling siya. Hindi niya napigilang mapangiti ng maramdaman niya ang galit nito kasabay ng pagsasabi nito sa 'bakit ka rin ba umalis'. Tunog nagseselos ito. Iyon ba ang dahilan kung bakit pagbalik niya ay wala na ito sa kinaroroonan ng mga kasamahan nito. Wow. She's so cute.
Nakangiti niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga. Ngayon lang siya hindi natakot na may makakita sa kaniya in public na may kasamang babae. He wasn't afraid at all dahil hindi iyon sumasagi sa isip niya kapag si Shannon ang kasama niya.
"Umalis lang ako para kausapin si Katarina."
"Kausapin?" Naka-pout nitong tanong.
"Pinagsabihan ko siya na tigilan na niya ang pagiging clingy niya sa akin lalo na kapag kaharap ka. Hindi ko iyon masabi sa harap ng maraming tao dahil ayoko namang mapahiya siya kaya niyaya ko muna siyang lumayo." he explained.
Totoo iyon. Nang makita niya ang matalim na tinging ipinupukol sa kaniya ni Shannon kanina ay nakaramdam siya ng pagkabahala. Nag-alala siya na baka masamain nito ang paggiging sweet sa kaniya ni Katarina. Kaya niya ito kinausap. After that nag-walk out na nga ito. And him, bumalik kaagad siya kinaroroonan ng party. Pero pagdating niya doon ay wala na si Shannon kaya hinanap niya ito. Ilang oras din siyang nagpa-ikot ikot pero hindi niya ito nakita kaya nag decide na sjyang maghintay nalang sa labas ng hotel.
"Iyon lang ang ginawa ninyo?"
"Iyon lang." Ngumisi siya. "Nagseselos ka ba kay Katarina?"
"Hindi ah. Bakit naman ako magseselos. Tch." Itinulak na siya nito. Lumakad ito papasok sa hotel. Hinabol naman niya ito. He's not done talking yet. Gusto niyang maging malinaw muna ang lahat sa kanila.
"Talaga? Kahit konti?"
"Hindi nga."
"Ok. Pero gusto ko na ring linawin sa'yo na wala kaming relasyon ni Katarina. Kababata ko lang siya. That's all."
"Liar."
"Hindi ka naniniwala?"
"May TV naman ako sa bahay no. Balitang-balita kaya ang relasyon ninyo."
"I don't know where it came from pero seryoso. Kaibigan ko lang siya. Uso naman ang fake news hindi ba."
"Ok." Pumasok na sa elevator si Shannon.
"Ok? Iyon lang ang sasabihin mo?" Iniharang niya ang kamay sa pinto ng elevator para hindi iyon magsara.
Nang makita nito na may paparating ay hinila siya nito papasok sa loob at saka pinindot ang button para sumara na ang pinto.
"Are you afraid if someone sees us? Nahihiya ka ba?" Kinunutan niya ito ng noo. Pipindutin niya sana ulit ang buton para bumukas ang pinto pero hinampas ni Shannon ang kamay niya.
"Ano ka ba. Kung sanay ka sa tsismis, ako hindi. My God!" Inirapan siya nito. Sumandal ito sa sulok at tumingin sa kaniya. "Kung wala ka ng kailangan, makaaalis ka na. Nakahalik ka na diba?"
Kumurba na naman ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Dalawa lang sila sa elevator. Pwede niyang gawin ang gusto niya at tiyak na walang makakakita sa kanila. Pwede niyang pindutin ang emergency stop.
"What if, hindi lang halik ang gusto ko..." Umisog siya palapit sa dalaga. Suot ang nakakalokong ngiti ay pinasadahan niya ito ng tingin simula ulong hanggang pa. Nakaramdam naman ito ng pagkailang na agad niyakap ang sarili.
"Alam mo ikaw manyak ka talaga."
"What? Will you stop calling me manyak?" Umayos na siya ng tayo. Tumingin siya sa nakasarang pinto ng elevator at nagpamulsa.
"Ano ba kasi talaga ang kailangan mo sa akin huh?"
"Liligawan kita." Nahihiya siyang tumingin sa ibang direksyon.
There it is. He spill it out. Kanina pa niya hindi masabi ang salitang iyon e. Hanggang ngayon ay hindi niya parin kasi matanggap na gagawin niya iyon. Kahit minsan hindi niya pa iyon nagawa. Yeah, he dated so many girls pero hindi naman siya ang nag-aaya. Umu-oo lang siya tapos may mangyayari na. Nasanay na siya sa ganoon. Hindi niya inakala na kailangan niya rin palang pagdaan ang salitang panliligaw. Damn. His brothers is not really helping him. Kailangan niya ba talagang gawin iyon? Ayon sa mga love expert niyang kapatid ay kailangan daw para mapaamo niya si Shannon. Kaya heto na. Sinabi na niya. Now what?
"Ok."
"Ok lang?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Ngumiti lang si Shannon. Lumabas na ito ng elevator. Habang siya ay nakatulala lang na naiwan sa loob.
Ok? Anong klaseng sagot ba iyon? Ok, may aasahan ba siya dito. O ok, bahala siya sa buhay niya. F*ck! This is so frustrating...