Kabanata 24: Panliligaw

1135 Words
Napatingala si Shannon sa building na kinaroroonan ng Jigoo. Isang linggo na ang nakararaan simula ng sabihin sa kaniya ni Caydhen na liligawan siya nito pero hanggang ngayon ay wala pa itong paramdam sa kaniya. Ayaw niyang aminin pero nag lo-look forward siya sa gagawin nito. Noong unang araw pa nga lang pagkabalik niya sa Manila ay maghapon na niyang iniisip kung ano ang mga gagawin nito para makuha ang atensiyon niya. But till now, ni-ha ni-ho ay wala siyang narinig mula rito. Malapit na niya tuloy isipin na isang malaking biro lang ang mga sinabi nito sa isla. He was just teasing her. Baka pinagtitripan lang siya nito. Pagpasok niya ng opisina ay napansin niya agad ang kumpulan ng mga katrabaho niya. Mukhang may bagong balita silang pinagkakaguluhan. Bago pa siya makalapit sa mga ito ay isang kamay ang humila sa kaniya. Dinala siya ni Judy sa cubicle nito at pilit na pinaupo sa upuang naroon. "Ano ba. Makahila ka naman." Hindi nito pinansin ang pagtaas niya ngvboses bagkus ay pinagpapalo siya nito sa balikat habang kilig na kilig na nagpapatirik ng mga mata. "Eeeeii. Ikaw ah, ba't wala akong alam?" tili nito. Napaawang ang bibig niya. Wala siyang maintindihan sa pinagsasabi nito kaya tinaasan niya lang ito ng kilay. "Sus pa inosente ka pa d'yan." she continue tapping her shoulders kaya bahagya siyang umatras para mapatigil ito. "Ano bang sinasabi mo?" "Hay. Yung manliligaw mo. Mukhang big time ah." Nanlaki ang mga mata niya. Agad na pumasok sa isip niya si Caydhen ng marinig ang salitang manliligaw. Kailangan niyang malaman ang ginawa nito. Excited siyang tumayo. "Paanong big time?" "Halika." muli siyang hinila ni Judy. Dinala siya nito sa table niya. Doon mismo iyon sa gitna ng kumpulan. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Ang daming regalo na nakapatong sa mesa niya. May isang malaking pink na stuffed toy, isang bouquet ng red roses, at mga chocolates na siguradong ilang buwan niyang lalantakan. Ngayon ay alam na niya ang pinagkakaguluhan ng lahat. Nilapitan niya ang mga ng iyon at isa isang tiningnan. Patuloy parin ang bulungan ng mga kasamahan niya pero wala siyang balak na pagtuunan iyon ng pansin. Kinuha niya ang maliit na piraso ng papel na nasa gitna ng mga rosas. Shannon, would you be my girlfriend now? -Caydhen Napangiti siya ng mabasa iyon. Tama nga ang hinala niya. Galing ang mga iyon kay Caydhen. She's been waiting for it at ngayon na nagsimula na nga ito ay hindi niya alam ang nararamdaman niya. She was so excited to see more. Muli siyang hinampas ni Judy. Hindi parin naaalis ang kilig nito. Parang sasabog na ang lalamunan nito sa kakatili. "Kanino galing?" Sinubukan nitong silipin ang papel na hawak niya pero bago pa nito mabasa ang note ay itinagi na niya iyon sa bulsa niya. "Ay ang damot naman..." Ngumiti lang siya. Hindi niya balak na ipangalandakan na nililigawan siya ni Caydhen dahil ayaw niyang lalo siyang dumugin ng mga katrabaho niya. Isa pa ay ayaw niya rin na maging laman siya ng mga blind items sa mga susunod na araw. Ayaw niyang maging instant celebrity. Sinimulan na niyang ibaba ang mga nasa mesa niya. Samantala ang mga chocolates naman ay pinilian niya at ibinigay ang iba sa mga kasamahan niya na tuwang-tuwang nag-alisan sa table niya. Maliban kay Judy na hindi napasaya ng ibinahagi niyang grasya. Humila pa ito ng upuan para lang samahan siya sa cubicle niya. "Wala ka talagang balak na sabihin kung kanino galing ang mga iyan no?" Magtatanong pa sana si Judy pero biglang tumunog ang telepono niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para mag excuse dito at masagot ang tawag. Bahagya siyang lumayo dito at saka tiningnan ang screen ng telepono niya. Isang unregistered number ang naka-flash sa screen. Hindi man alam kung sino iyon ay sinagot niya na rin para makaiwas sa pangungulit ng ka-trabaho. "Hello," pagsisimula niya. "Do you like it?" she heard the excitement on Caydhen's voice. Napangiti siya. Hindi man niya nakikita ang mukha nito ay nai-imagine niya ang matamis nitong ngiti. "Uhmmm pwede na." "So what? Pwede na ba kitang maging girlfriend ngayon?" She rolled her eyes. Napailing-iling rin siya. Para namang may lakad ang loko. Kasisimula pa nga lang nito ay umaasa na itong sasagutin niya kaagad. Hindi siya makapaniwala sa pagiging atat nito. "Excuse me, may lakad? May lakad? Nagmamdali?" sarkastiko niyang sagot. Pinipigilan niyang matawa. Hangga't maaari ay ayaw niyang maisip nito na pinagti-tripan niya lang ito. Gusto niya lang itong pahirapan ng kaunti. Natutuwa kasi siya sa mga inaasta nito. Para kasi talaga itong inosente sa panliligaw. "So kelan kita pwedeng maging girlfriend? You know I can't wait forever. This is too much torture Shannon." he exclaimed. He sounds frustrated. Napapailing nalang siya. Ang sarap sapukin ng loko. Akala ba niya kapag binigyan niya ako ng mga eklabu tsutsu na iyan eh papayag agad ako? Ano ito? Binibili niya ang oo ko? No way. Para sa kaniya, libre lang kaya iyon no. "Paano pala kung sabihin kong kailangan mo akong ligawan ng isang taon bago kita sagutin? Huh?" hamon niya dito. Wala naman iyon sa loob niya pero gusto niya lang malaman kung gaano kahaba ang pasensiya nito. Gusto niyang malaman kung kaya nitong maghintay. "WHAT? ONE YEAR? ARE YOU CRAZY?" tumaas ang boses nito kaya bahagya niyang inilayo sa tenga niya ang hawak na telepono. Pagbalik niyon sa tenga niya ay ginantihan niya rin ito ng sigaw. "Sinisigawan mo ako? Fine. Kung hindi mo iyon kaya, ngayon palang tigilan mo na to! Sinasayang mo lang ang oras ko!" She hurridly end the call. Napakurap-kurap siya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa niya. She got too excited kaya napatay niya ang telepono. It wasn't her intention. Napatakip siya ng bibig. Paulit-ulit niyang ginulo ang buhok niya. She look at her phone. Inintay niya na muli iyong tumunog pero hindi na iyon tumunog ulit. It was her fault. Minsan talaga ay hindi niya mapigilan ang matabil niyang dila. What should I do? ---×××--- "Sinisigawan mo ako? Fine! Kung hindi mo iyon kaya, ngayon palang tigilan mo na to! Sinasayang mo lang ang oras ko!" Nalaglag ang panga ni Caydhen ng marinig ang pagkaputol ng tawag nila ni Shannon. Napahilamukos siya ng mukha dahil sa inis at stress. This is bullshit!Ginagago ba ako ng babaeng iyon? Hindi siya makapaniwala na papatayan siya nito ng telepono. Ang matindi ay sinigawan pa siya nito. Sa inis niya ay naihagis niya ang mga papeles na nasa harap niya. Nababaliw na ba siya? Gusto niyang ligawan ko siya ng isang taon? No way! Damn it. He is a Quinn. Wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. And that woman... Ipakikita ko sa kaniya kung sino talaga ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD