Balak sanang idayal ni Shannon ang number ni Caydhen para tawagan ito pero dumating na ang boss nila kaya napilitan na siyang bumalik sa cubicle niya. Dahil naging busy na siya ay nawala na sa isip niya ang nangyari nang umaga. Masyado siyang maraming inasikasong paper works kaya naman nakalimutan na niya ang tungkol kay Caydhen. Pagdating ng hapon ay doon niya ito ulit nabalikan. Tsinek niya ang phone niya oara tingnan kung tumawag pa ba ulit ito pero kahit text man lang ay wala siyang natanggap mula rito. Bigla tuloy bumagsak ang balikat niya. Sumuko na ba ito? Ang bilis naman... Mabigat ang loob niyang lumabas ng opisina nila. Bitbit ang mga regalo ni Caydhen ay walang gana siyang nag-abang ng taxi na masasakyan. Nang may huminto sa harap niya ay bagsak ang balikat niyang sumakay doon

