Kabanata 20: Midtook

1002 Words
Katahimikan. Isang nakabibinging katahimikan ang hindi niya alam kung paano babasagin. Bakit ba siya dinala ni Caydhen sa tinutuluyan nito? Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito. Kanina niya pa ito pinagmamasdan. Wala naman itong ginagawa. Titig na titig lang ito sa kaniya at parang naputulan ng dila at hindi nagsasalita. "Ehem... So ano na?" pag-bubukas niya ng usapan. Nang mapatingin ito sa direksyon niya ay para itong nahiya na bahagyang namumula pa ang mukha. Nagba-blush ba siya? Bigla niyang naisip ang dibdib niya. Taranta siyang nag cross arm para harangan iyon. "Bastos ka talaga!" angil niya dito. Napayuko naman ito na parang hiyang-hiya. "I'm sorry." Tama nga siya. Humuhingi ito ng paumanhin dahil tinititigan nito ang katawan niya. Ang walang hiya, napaka manyak talaga. "Pwede ba, ihatid mo na ako sa hotel. For sure hinahanap na ako ng mga kasamahan ko." "Huwag kang mag-alala tinawagan ko na sila. Sinabi kong ok ka na kaya hindi ka na hahanapin ng mga iyon." "Bakit mo pa ba ako dinala dito? Pwede namang diniretso mo na ako sa hotel." "Dahil kailangan nating mag-usap." Biglang sumeryoso ang mukha nito. Habang nakatitig ito sa kaniya ay biglang lumakas ang kalabog ng dibdib niya. Parang may mangyayari. Kinakabahan siya. Dalawa lang silang naroon kaya natatakot siyang baka mapag-tripan siya nito. Si Rapha? Hindi man lang ito sumunod sa kanila. Hindi ba nito naisip na napilitan lang siyang sumama kay Caydhen? "T-tungkol s-saan?" nauutal niyang tanong. Napaatras siya sa kinauupuan niya ng lumipat sa tabi niya si Caydhen. Naupo ito sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. "About us." Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya dapat na mag expect hangga't hindi niya pa naririnig ang sasabihin nito. Pero paano kung magtapat ito sa kaniya? Handa na ba siya. Wala pang isang buwan nang maghiwalay sila ni Steve. Hindi niya alam kung handa na ba siyang magpapasok ulit sa puso niya. "What about us?" Napalunok siya. Paulit-ulit siyang bumuga ng malalim na buntong-hininga. Kung pwede lang na magtatakbo na siya palayo sa lugar na iyon para makaalis na sa hot seat na inuupuan niya ay malamang kanina niya pa ginawa. "I like you Shannon." Para siyang nabingi. Wala nang pumapasok sa tainga niya maliban sa nag-iingay niyang puso. Tila naghuhumiyaw ito. Animo'y gusto nitong lumabas sa kaniyang dibdib. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksiyon nito, sa sinabi ng binata. Hindi niya iyon makontrol. Kahit anong sabihin niya sa sarili niya ay hindi niya iyon mapatigil. "Y-you l-like m-me?" Kinuha ni Caydhen ang kamay niya. Para siyang naliligo sa yelo dahip sa lamig ng katawan niya. "Tell me, kung ano ang dapat kong gawin para makuha kita ulit." Nalaglag ang panga niya. Natutop niya ang sariling noo. So this is all about what happened to them? Dahil lang pala sa s*x kaya siya nito gusto. What a maniac! Inis niyang hinila ang kamay niya. Nanggagalaiti niya itong tiningnan. Kung pwede niya lang itong iuntog sa pader, ay baka ginawa na niya. "Alam mo manyak ka talaga! Manyak!" Inis siyang tumayo. Bago pa siya makapaglakad ay nahawakan na siya ni Caydhen sa kamay. "Ano bang sinabi ko? Bakit ka nagagalit?" tila inosente nitong tanong. Pa-inosente pa. Hindi na iyon uubra sa kaniya. "Ihatid mo na ako sa hotel! Ngayon na!" galit niyang sigaw. ---×××--- Ibinalibag ni Caydhen ang katawan sa malambot na kama. Kanina niya pa naihatid sa hotel si Shannon. Kanina parin siya nag-iisip kung ano ba ang sinabi niya at bigla nalang itong nagwala. Sinabi ko lang naman na gusto ko siya. Ano ba ang masama roon? Ayaw niya sanang kontakin ang mga kapatid niya pero wala na siyang maisip na pwedeng lapitan. Ihahanda nalang niya ang sarili niya sa mga maririnig niys mula dito. Basta gusto niyang malaman sa mga ito kung ano ba ang maling ginawa niya. Tumayo siya para kunin ang laptop niya. Dumiretso kaagad siya sa group chat nilang magkakapatid. Tatlo lang ang online ng mga oras na iyon. Tamang-tama lang iyon dahil konti lang ang mambu-bully sa kaniya. {} CAYDHEN: I have a problem. LANTIS: Love problem? WINSLEY: Shannon problem kamo. ? CAYDHEN: Ok fine. Your all right about her. Inaamin ko na. Attracted nga ako sa kaniya. EVANDER: Alam na namin iyan. Walang namang bago. WINSLEY: So, asan ang problema? CAYDHEN: I already said I like her. LANTIS: And she didn't like you back CAYDHEN: Sort of. EVANDER: Ano bang sort of? Elaborate dude. CAYDHEN: I said I like her tapos bigla nalang siyang nagalit. What should I do? LANTIS: Wala ka namang sinabi na kahit ano? Like offended words. CAYDHEN: Wala. I think so. WINSLEY: Sira. Sa tingin mo magagalit iyon ng wala kang ginagawa ha? CAYDHEN: Wala nga akong alam. LANTIS: Ano ba ang eksaktong sinabi mo? CAYDHEN: I like you. Tell me, kung ano ang dapat kong gawin para makuha kita ulit. WINSLEY: ??? LANTIS: ??? EVANDER: ??? CAYDHEN: Ano bang mga sagot iyan? Ang titino 'nyo talagang kausap. GRAHAM: Eh siraulo ka naman kasi e. Basahin mo nga iyong chat mo. Gunggong! Dumating bigla si Graham. Nadagdagan pa tuloy ang pagpapaliwanagan niya. Buwesit! Katulad ng sinabi ni Graham ay binalikan niya ang chat niya. Binasa niya iyon ng paulit-ulit. Ano ang dapat kong gawin para makuha kita ulit? Iyon ba iyon? Masama yata ang dating ng mga salitang iyon kay Shannon. Pero wala naman siyang ibig sabihin doon na masama. He just want to be with her again. Iyon lang. WINSLEY: Ano nakuha mo na? CAYDHEN: I guess... GRAHAM: Tarantado ka kasi e. Bakit may gusto pang makuha ulit. Hahaha. Alin ba ang kukuhain mo ulit? Ang katawan niya? Hahaha... LANTIS: Inosente ang puta! ? EVANDER: Virgin pa sa mga matitinong babae e. Haha. Isinara na niya ang laptop. Ngayon ay alam na niya kung saan siya nagkamali. He shouldn't say that to her. Kailangan niya itong makausap ulit at makapagpaliwanag dito. Damn Caydhen umayos ka nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD