Kabanata 19: His Place

1144 Words
He can't sleep. He can't eat. Patuloy paring gumugulo sa isip niya ang nawawalang dalaga. Nasaan na ba ito? Sinuyod na nila ang kagubatan pero hindi nila makita kahit ang anino nito. Inabot na sila ng ala-una nang madaling araw kakahanap dito pero wala silang napala. She was still missing kaya pagkagising niya ay nagsimula na naman siya sa paghahanap. Nagdagdag pa siya ng tao para mas dumami ang maghahanap dito. "Nandito na tayo," ani Katarina. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kotse. Nasa tapat sila ng isang villa. Hindi niya alam kung paano siya napilit nito na sumama sa pagbisita nito sa isang kaibigan. Basta namalayan nalang niya na nakasakay na siya sa kotse niya at pinagmamaneho ito. Dapat ay hinahanap niya si Shannon pero nakakagulo lang daw siya doon. Baka daw layasan pa siya ng mga tauhan niya, kakasinghal at kakamura niya sa mga ito. He can't help it. Masyado kasi siyang apektado sa pagkawala ng dalaga. "Hintayin mo nalang ako dito sa sasakyan. Saglit lang ako." Bumaba na ito sa kotse. Tamang-tama lang iyon, dahil wala naman talaga siyang balak na bumaba. Hindi rin naman siya interesadong malaman kung sino ang kakamustahin nito. Napasandal siya sa backrest ng inuupuan niya at napatingala. Doon ay biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Agad sumilay ang ngiti sa labi niya. Para siyang nakakita ng anghel. Shannon? ---×××--- Katatapos lang ni Shannon na kumain ng sopas kaya naisipan niyang magpahangin sa balkonahe. Napaka presko ng hangin kaya hindi niya napigilang mapapikit habang ninanamnam iyon. Doon biglang pumasok sa isip niya ang nangyari. Siguradong nag-aalala na sa kaniya ang mga ka-trabaho niya. Mabilis siyang umalis sa balkonahe at lumabas ng kwarto. Kahit hindi niya kabisado ang lugar ay mabilis niyang nakita ang hagdan patungo sa ibaba. Nagpalinga-linga siya habang naglalakad. Nagbabakasakali na makita niya si Rapha. Kailangan na niyang makabalik sa hotel kaya magpapahatid na siya rito. Napatigil siya sa paghakbang ng makita si Rapha na nakatayo sa may pintuan. Kausap nito ang babaeng kababata ni Caydhen. Magkakilala pala ang mga ito. Maya-maya ay halos lumuwa ang eyeball niya sa nakitang sumulpot sa likuran ng babae. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Caydhen. Humahangos siya nitong tinakbo. Nabangga pa nito si Rapha na bakas ang gulat sa mukha. "My God, where have you been?" Niyakap siya nito. Para siyang bigla nalang napipi. Nalunok niya ata ang dila niya noong kumain siya ng masarap na sopas. Naguguluhan siya sa nangyayari. Bakit parang boyfriend niya kung umasta ngayon ang binata. Nag-alala ba talaga ito sa kaniya. Hindi niya napigilang mapangiti sa isiping iyon. "Ehem. Where still here," singit ni Rapha. Tila wala namang naririnig si Caydhen na patuloy lang sa pagyakap sa kaniya. Hindi niya naman ito magawang itulak dahil nagugustuhan niya rin iyon. Ewan niya pero parang ang sarap ng pakiramdam niya dahil nag-aalala ito sa kaniya. Nang pakawalan na siya ni Caydhen ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila. Nakatulala lang sa kanila iyong babae. Alam niya na nanggagalaiti na ito sa galit. Kita niya ang talim ng pagtitig nito sa kaniya. Lalo pa ng hindi ito pansinin ni Caydhen. Nilampasan lang nila ang dalawa na parang wala ang mga ito roon. Pagdating sa labas ng villa ay tsaka niya hinila ang kamay niya. "Saan mo ba ako dadalhin?" "Sakay." Turo nito sa sasakyan. Nag cross arm lang siya. Bakit niya naman ito susundin. Wala sa bokabularyo niya ang maging sunod-sunuran ng kung sino. Buti sana kung boyfriend niya ito. Wala naman silang relasyon kaya wala itong karapatan na utusan siya. "Kung ayoko." Naiiling itong lumapit sa kaniya. Bago pa siya muling makapag reklamo ay binuhat na siya nito nang pa baligtad. Ipinatong siya nito sa balikat at parang nagbubuhat ng sako na dinala siya sa passenger seat. Bago pa man siya nito ibaba ay sinubukan niyang manlaban pero napatigil siya dahil pinalo nito ang pang-upo niya. My gosh! Ano bang tingin ng lalaking ito sa akin? Pagkababa sa kaniya ni Caydhen ay sinuotan siya nito ng seat belt at mabilis na tumakbo patungo sa driver's seat. Tatakas pa sana siya pero sa bilis ng pagkilos nito ay nauna na nitong napaandar ang kotse bago pa niya natanggal ang seat belt. "Ano ba? Kini-kidnap mo ba ako? Alam mong wala akong pang ransom hindi ba?" Katahimikan lang ang naging tugon nito. Naka-focus lang ito sa pagmamaneho. At dahil hindi niya kabisado ang lugar ay hindi niya alam kung saan siya balak na dalhin nito. Dinala siya sa bundok ni Caydhen. Doon sa nag-iisang bahay na nakatirik sa gitna ng bundok siya dinala nito. The house is different from other villa na nadaanan nila kanina. Para iyong espesyal. Halos mapuno iyon ng salamin. Mula sa loob ay tanaw na tanaw ang kagubatan at malawak na karagatan. Sandali siyang iniwanan sa sala ni Caydhen. Pagbalik nito ay may dala na itong damit na iniabot sa kaniya. "This. Change your clothes. I don't want to see you wearing that." Tiningnan niya ang sarili niya. Ayos lang naman ang itsura niya. Napasimangot pa siya ng makita na katulad lang din naman sa suot niya ang binigay na damit nito. Isang maluwag na t-shirt at boxers. Bakit magpapalit pa siya? "Ano ba. Pareho lang naman iyan ng suot ko ah." reklamo niya. Ibabalik niya sana kay Caydhen ang hawak niya pero tiningnan siya nito ng masama. "There is a big difference Shannon. Damn. Kung hindi ka pa magpapalit ng damit ay ako na ang magbibihis sa'yo." Nataranta siya ng marinig iyon. Alam niyang wala siyang laban kapag ginamitan siya nito ng lakas kaya mainam na sumunod na siya rito. "Ah, nasaan ang banyo?" "Go there straight. Nasa pinaka-unang pinto ang banyo." Turo nito sa isang direksyon. Bitbit ang damit na ibinigay nito ay tinahak niya ang daan patungo sa banyo. Pagdating doon ay tinitigan niya ang repleksyon sa salamin. Doon niya napagtanto ang itsura niya. Wala pala siyang suot na bra. Natutop niya ang sariling noo. Kaya pala iwas na iwas sa pagtingin sa kaniya kanina si Rapha. Nakakahiya. Walang gana niyang inilantad ang binigay na damit ni Winsley. Salitan niyang tiningnan ang suot niya at damit na hawak niya pero kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang makita na pagkakaiba sa dalawang iyon. Parehas lang naman iyong t-shirt. Nagkataon na parehas din iyong kulay puti. Nasisiraan na yata ang lalaking iyon. Kahit ayaw niya pa sana ay nagpalit nalang siya ng suot. Pagkatapos niya roon ay bitbit niya ang hinubad niya nang lumabas siya ng banyo. Kinuha naman iyon ni Caydhen sa kamay niya. Hindi siya makapaniwala sa sunod nitong ginawa. Hinagis lang naman nito sa labas ang damit na hinubad niya at saka sinilaban. Bakit ba galit na galit siya sa damit na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD