"What? Anong nawawala si Shannon?" Sigaw niya sa ka-trabaho ng dalaga.
Umalis lang sila sandali ni Katarina, pagbalik niya ay ganito na ang sasalubong sa kaniya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang pagmumurahin ang mga walang kwenta nitong ka-trabaho dahil iniwanan nilang mag-isa si Shannon pero wala rin naman iyong magagawa. Kahit palayasin niya pa ang mga ito sa isla niya ngayon din ay hindi noon maibabalik ang dalaga.
"Eh sir, kanina pa po kasi namin siya hinahanap eh. Hindi po talaga namin siya makita." Nakayuko nitong sagot.
"Bakit ngayon ninyo lang sinabi?" frustrate niyang tanong.
Dumidilim na ang paligid. Konting oras na lang ay lulubog na ang haring araw. Mas mahirap maghanap kapag madilim. Isa pa ay baka kanina pa ito umiiyak. Ang isiping iyon ay nagbibigay sa kaniya ng sakit ng ulo. Damn it! He have to do something. Inis niyang tinalikuran ang kausap. Wala na siyang oras na dapat sayangin. He need to find her.
Napamasahe na siya ng sentido. Hindi niya alam kung bakit tila may kumakalabog nang malakas sa loob ng dibdib niya. Puso niya ba iyon? He's not sure. Mayroon pala siya no'n. That's funny. Ngayon niya lang kasi narinig ang matinding pagwawala niyon. No. It was the second time he heard that sound.
Naramdaman niya ang paghiga ni Shannon sa dibdib niya. Dinilat niya ang mga mata niya. Para itong batang naka-kukot na nagpapakampi sa kaniya. Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. Suddenly, his heart went crazy. Tila may humampas niyon. Parang may hindi tama. Para siyang may sakit na puso at bigla nalang inaatake. But this one is different. Nang mag-angat ng tingin ang dalaga ay sinalubong niya ang mga mata nito. Her hazel eyes, starting to control him. Para siyang nawawala sa sarili. Namalayan nalang niya na hinahalikan na niya ito. He tasted so many lips, pero iba ang labi nito. It was soft and demanding. It taste like heaven. More. Gusto niya itong matikman ng mas marami pang beses.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang naghahabol ng hinihanga. He hugged her so tight.
"Your mine. Your only mine," anas niya. Katahimikan lang ang naging tugon ng dalaga. Nang muli niya itong lingunin ay nakita niyang nakatulog na pala ito. Marahan niya itong binuhat at iniayos ng higa sa kama. Hinila niya ang kumot at kinumutan niya ito. Pagkatapos ay humarap siya dito. Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito at ngumiti.
That woman! Bakit ba siya nito pinahihirapan.
Agad niyang kinontak ang head security sa isla. Kailangan na niyang bilisan bago pa may mangyari da dalaga.
"Mister Quinn."
"I need all of you. Pumunta kayo dito sa rocky side ng isla. May ipapagawa ako sa inyo. Asap!"
"Copy that sir."
Just when he heard his confirmation ay tinapos na agad niya ang tawag na iyon. Irita siyang naglakad nang pabalik-balik. Hangga't maaari ay ayaw niyang mag isip ng mga negatibong bagay. But this damn brain if him, it won't let him go. Sadyang napaka sutil niyon at kung anu-ano ang pinapasok sa kaniyang sistema.
Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ganito ang nararamdaman niya. Parang sasabog ang puso niya sa kaba. Totoo ba ang sinasabi ng mga kapatid niya? He's in love with that woman? Natawa siya ng mapakla. Ito na ba talaga ang katapat niya? Ito na ba ang karma niya sa mga babaeng pinaiyak niya? Damn! If that's the case. He need to find her, as soon as he can. Hindi niya pwedeng hayaan na may mangyaring masama dito dahil baka hindi niya mapatawad ang sarili niya.
---×××---
Minutes later ay dumating narin ang tinawagan niya. Katulad ng utos niya ay kasama nito ang mahigit tatlumpong security persons ng isla. Agad niyang pinasuyod ang lugar para hanapin si Shannon. He need to find her himself. Sumama siya sa isang grupo na pumasok sa kakahuyan.
"Shannon?"
Paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan nito habang naglalakad. Paglubog na ang araw. Ngayon niya lang iyon hindi ikinatuwa. Madalas siyang manuod mg sunset sa tabing dagat habang namamangha sa ganda ng kalikasan. Pero iba ngayon. Alam niyang mas mahihirapan sila sa paghahanap kapag tuluyan ng dumilim.
Fuck! Nasaan ka na ba kasi Shannon? Don't f*****g do this to me!
---×××---
Nakasisilaw na liwanag ang gumising sa kaniya. Marahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napatingin siya sa sliding door na nakabukas. Nililipad ng hangin ang kurtinang nakasabit doon at mula sa posisyon niya ay tanaw ko ang malawak na dagat.
Wala siya sa hotel. Ni-inspeksyon niya ang buong paligid. May isang picture siyang nakita na nakapatong sa ibabaw ng mesang malapit sa kaniya. There is a guy and a girl. Mukhang napakasaya nila sa larawang iyon. Iyong tipong masasabi mo nalang na 'uy bagay sila'.
Naalala niya ang nangyari kagabi. Hinimatay siya ng eksaktong dumating ang rescue niya. Napaka perfect ng timing nito. Ipinapapasalamat niya na dumating ito sa tamang oras. Nang mapaling ang tingin niya sa suot na damit ay biglang nanlaki ang mata niya. May nagpalit ng damit ko.
Oh my God! Nayakap niya ang sariling katawan. May ginawa na naman ba siyang kalokohan? Umiling-iling siya. Wala siyang natatandaan. Hinimatay siya kaya hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kaniya pagkatapos dumating ang rescuer niya. Ito ba ang nagpalit ng damit niya? Kung ito nga ay tiyak na wala na siyang mukhang ihaharap dito.
"Gising ka na pala." Isang napakalaking ngiti ang binungad sa kaniya ng binatang nakatayo sa harap niya.
Halos pamulahan siya ang mukha habang iniisip kung paano siya nito pinalitan ng damit. Hiyang-hiya siya sa sarili niya.
"Here. Kumain ka, pinagluto kita ng sopas." Naupo ito sa kama. Inilapah din nito doon ang bitbit na tray. "What's with the face huh? Na gulat ka ba sa ka gwapuhan at ka machohan ko? Hmm?" Itinaas pa nito ang muscle habang humahanap ng magandang anggulo para ipakita sa kaniya.
Ibig niyang matawa dahil sa ka-preskuhan nito pero hindi iyon ang iniisip niya. Inaalala niya talaga ang pagpapalit nito sa suot niya.
"I-ikaw b-ba a-ang?" Tiningnan niya ang sarili.
Agad naman nitong nakuha ang tanong niya. "Naaaah. Dont need to worry. Hindi ako ang nagpalit ng damit mo. It was yaya Mercid, who did that. Sayang at hindi mo siya naabutan. Actually kaaalis niya lang."
"So wala kang nakita?"
"May dapat ba akong makita?" Ngumisi ito dahilan para lalo siyang pamulahan ng mukha.
"Thanks Rapha."
"Sige na. Kumain ka na, at ako na ang maghahatid sa iyo sa hotel. For sure nag-aalala na silang lahat, sa'yo."
Tumango naman siya. Tamang-tama at kumukulo narin ang tiyan niya. Hindi siya nakapaghapunan kagabi kaya ramdam niya ang panghihina.
---×××---
Wooooop...
Taas kamay sa mga umasa at nasaktan.
Ang bad ko ba? Haha..