Kabanata 17: Shannon Is Missing

1043 Words
"O di ako na ang walang love life!" Naiinis niyang usal. Parang bata niyang pinagsisipa ang mga batong humaharang sa dinaraanan niya. Kahit medyo masakit ang ginagawa niya ay tinitiis niya lang iyon dahil naiinis siya. Katatapos lang ng photoshoot. Alas-kwatro nang hapon na kaya medyo malambot na ang sikat ng araw. Ang sabi kanina ni Judy ay mag iikot-ikot daw sila. Pero nang ayain ito ni Tristan ay mabilis pa sa kidlat ang naging pag-oo nito. At dahil nauna ng gumala ang iba pa nilang kasamahan ay naiwanan tuloy siyang mag-isa. Hay. Napaka ano mo talagang Judy ka. Ngayon ay para siyang ampalayang naglalakad. Ang pait-pait ng mukha niya. Bigla siyang napahinto. Hindi niya alam kung saan na siya dinala ng mga paa niya. Puro matataas na puno nalang ang nakikita niya. Sa haba ng paghihimutok niya ay hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa gitna ng kakahuyan. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Nagpalinga-linga siya paligid. Wala siyang makitang trail. Kahit konting bakas nang dinaanan niya ay wala. Masyadong madamo sa lugar kaya walang naiwang footprints sa lupa. Taranta siyang nagpaikot-ikot. Nasaan na ba ako? Kahit saan siya lumingon ay pare-pareho lang ang nakikita niya. Mga matataas na puno. Ni hindi niya makita ang beach. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip niya. Paano kung may mang rape sa akin doon? Kapag sumigaw siya para humingi ng tulong ay tiyak na walang makaririnig sa kaniya. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Pag naabutan siya ng gabi ay tiyak na mas mapapasama pa siya. Nagmamadali niyang kinuha ang cellphone na nasa bulsa. Mabuti nalang at may signal sa kinaroroonan niya. Agad niyang dinayal ang numero ni Judy. "Sorry the number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." Natutop niya ang sariling noo. Nakapatay ang telepono ng bruha. Siguradong ayaw nitong magpa-istorbo. Muli siyang nag dial ng number. This time ay si Agatha naman ang tinawagan niya. Sa wakas ay sinagot nito ang tawag. "Shannon, nasaan ka? Pabalik na kami sa hotel," bungad nito sa kaniya. "Agatha, I think naliligaw ako." kinakabahan niyang sabi. Patuloy parin siya sa pagsilip sa bawat direksyon. Nagbabakasakali na may mapansin na kakaiba. Baka may konting bakas na dinaanan niya. Nabaling sanga. Wasak na damo. Kahit ano. "What? Nasaan ka banda? Oh my gosh..." "I dont know. Basta maraming puno. Please help me. "Ok. Just hang-on ok. Hihingi ako ng..." Napasigaw siya ng biglang maputol ang tawag na iyon. Buwesit! Kaka-selfie niya kanina ay naubos ang battery ng cellphone niya. Hindi naman kasi niya inakala na may importante pala siyang paggagamitan ng cellphone. Kung alam niya lang ay hindi na sana siya nag picture nang nag picture ng kung anu-ano. She's starting to freak out. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Natatakot naman siyang maglakad dahil baka mas mapalayo pa siya. Ayaw na gumana ng utak niya. Please, anyone... Kahit sino basta tao. Please help me. Napaupo siya sa damuhan. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naroon. Basta ng makita niyang dumidilim na ay triple na ang naging kaba niya. Napatingala siya ng mabagsakan ng tubig. Ilang sandali lang ay nagawa na niyong basain ang damit niya. Naramdaman niya ang pagtagos ng tubig ulan sa kaniyang kasuotan. Basang-basa na siya. Napakamalas naman. Naliligaw na nga siya, umulan pa. Hindi lang iyon basta ulan. May kasama pa iyong kulog at kidlat. Parang sinasadyang malagay siya ganitong sitwasyon. Mukha na nga siyang naliligaw na pusa ay naging basang sisiw pa siya. Dala ng awa sa sarili ay nagsimula na siyang umiyak. Iyong kaninang malakas na loob niya ay bigla nalang humina dahil sa panahon. Wala na siyang makita. Kung kaninang maliwanag pa ay hindi niya mahanap ang daan, ano pa kaya ngayon? Malakas ang ihip ng hangin. Halos mangatog siya sa tuwing papaling sa direksyon niya ang malamig na hangin. Sinubukan niyang humanap ng masisilungan pero matataas na puno lang ang nakikita niya. Ramdam niya na parang bibigay na ang katawan niya. Hindi siya sanay sa matinding lamig kaya para siyang nanghihina. Nasaan na ba ang rescue niya? Bakit ang tagal naman nila? May darating ba? Dasal nalang ang kinakapitan niya. Gusto niya pang mabuhay kaya hangga't kaya niya ay titiisin niya ang lamig. Susubukan niyang hindi makatulog o mawalan ng malay. Pilit niyang nilalabanan ang panghihina ng kalooban at lamig. Hindi siya pwedeng matalo. Mayamaya ay nakarinig siya ng nababaling sanga. Sinundan niya ng tingin ang pinanggagalingan niyon. Wala namang tumatawag sa pangalan niya. O baka meron pero dahil sa lakas ng pagbagsak ng ulan ay hindi niya naririnig. Baka iyon na ang rescue na iniintay niya. Tumayo siya. Yakap ang katawan ay inihanda niya ang sarili sa anumang kahaharapin. Natatakot man ay pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na ayos lang ang lahat. Kung sino man itong parating ay isa itong mabuting tao. Napatakip ng mata nang masilaw sa liwanag ng flashlight na dala nito. Dahil nakatutok sa kaniya ang liwanag mula sa pailaw ay hindi niya makita kung sino ang may hawak ng bagay na iyon. "Shannon?" Pamilyar sa kaniya ang boses ng lalaki. Napangiti siya sa kaginhawaan. Lumuwag bigla ang dibdib niya. Salamat naman at may nakahanap na rin sa kaniya. Dahan-dahan nitong binaba ang hood ng suot na kapote. Hindi nga siya nagkamali. Sa wakas ay ligtas na siya. Naglandas ang luha sa kaniyang pisngi. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Basta masaya siya dahil dumating ito para iligtas siya. Tuwang-tuwa niya itong sinalubong ng yakap. Walang mapaglagyan ang kaligayahan niya. Hindi pa siya mamamatay. Sa pagdidikit ng mga katawan nila ng lalaki ay tuluyan ng bumigay ang katawan niya. Ang kaninang pinigil niyang panginginig ng tuhod ay tuluyan ng nangibabaw dahilan para bumagsak siya. Mabilis naman siyang nasalo ng lalaki. Bago pa tuluyang hunagalpak sa damuhan ang katawan niya ay nahawakan na siya nito sa bewang. "Hey, ayos ka lang ba? My God. Basang-basa ka." Rinig niya pa ang pag-aalala sa tinig nito dahilan para mapangiti siya. Masyadong malamig. Kahit ang talukap ng kaninang mga mata ay nanghihina narin para manatiling nakabukas. Inaasa nalang niya ang lahat sa kasama niya. Hawak na nito ang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD