{}
GRAHAM:
Ikaw Caydhen ha, hindi ka nagsasabi.
CAYDHEN:
???
GRAHAM:
Nahanap mo na pala ang one true love mo pero wala ka man lang balak na ipaalam sa amin ah. Loko ka.
EVANDER:
Yieeeeee.... ? Pakanton na 'yan!
Napailing-iling siya. Alam niya na siya na ang magiging topic ngayon ng pag-uusap nila dahil siguradong nakarating na sa mga kapatid niya ang tungkol sa paghahanap niya kay Shannon. Napakatabil talaga ng dila ng Zygfryd na iyon.
WINSLEY:
Kaya pala wala sa sarili ng makita ang date ni Lantis e.
ZYGFRYD:
HAHAHA
LANTIS:
Oy kamuntikan pa akong ilibing ng buhay ng tarantadong iyan!
ZYGFRYD:
So kumusta naman ang panunuyo mo kay Shannon?
CAYDHEN:
Ano bang panunuyo?
Walang ganon Zygfryd.
ZYGFRYD:
So hindi ka parin kumikilos ha?
Ano pa ba ang iniintay mo? Pasko?
Tagal pa no'n bro.
WINSLEY:
Natotorpe ata ang loko. Hahaha.
GRAHAM:
Ano ba kayo. Imbes na suportahan ninyo ang kapatid natin, binu-bully ninyo pa.
WINSLEY:
At bakit hindi? Pinagdaanan ko rin 'to ah. Gantihan lang iyan! Hahaha...
CAYDHEN:
Sige masaya kayo e.
EVANDER:
Siguradong naguguluhan iyan ngayon.
Eh kasi para siyang sinapak ng katotohanan na dumating narin sa wakas ang katapat niya.
LANTIS:
Korak! Ayaw pang aminin. Haha...
CAYDHEN:
Bakit ko pa ba kayo kinakausap?
You're all just wasting my time.
LANTIS:
Aminin mo na kasi. Inlababo ka na e.
Napamasahe na siya ng sentido. Ilang araw na nga siyang walang tulog na maayos ay dinadagdagan pa ng mga lokong kapatid niya ang stress niya.
CAYDHEN:
Sige na. Ila-log out ko na 'to. Mga wala naman kayong kwentang kausap e.
WINSLEY:
Sandali naman. Nandito nga kami para turuan ka e. For sure kasi, nakakararanas ka ngayon ng depression.
CAYDHEN:
Ano bang depression. Tarantado.
LANTIS:
Sus. Aminin mo na. Paniguradong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin natatanggap ang katotohanan na in love ka na nga. Haha.
Para siyang tinamaan sa sinabing iyon ni Lantis. Iyon ba ang dahilan kung bakit apektado siya sa bawat nakikita niyang ginagawa ng babaeng iyon. Bigla niyang naalala iyong araw na nakita niyang kausap ni Shannon ang isang modelong lalaki. Hindi niya napigilang hjndi makialam sa pagbibigay ng nickname nito sa dalaga. Para siyang naiinis na may taong itinuturing na espesyal ang babaeng iyon.
Iyon ba ang dahilan kung bakit masyado siyang apektado dito?
Imposible talaga. Wala sa karakas niya ang makaramdam ng ganito. Baka gusto niya lang matikman ulit si Shannon kaya niya ito iniisip. Baka natatakot lang siya na lapitan ito ng ibang lalaki dahil ayaw niyang may tumikim ditong iba bukod sa kaniya. Siguradong iyon lang iyon.
CAYDHEN:
Bahala na nga kayo.
Lalo 'nyo lang ginugulo ang isip ko e.
"Finally you're here." Sinalubong siya ng yakap ni Katarina.
"Ano bang ginagawa mo dito?" walang gana niyang tanong.
Naupo siya sa folding chair na nakita niya at tahimik na ibinalik ang tingin niya kay Shannon. Buo na ang plano niya. Balak niyang makipaglapit dito at gawin itong isa sa mga babae niya. Pero sa tuwing lumalapit siya dito ay nawawala siya sa sarili. Lahat ng iniisip niyang gagawin ay iba sa ikinikilos niya. Hindi niya tuloy alam kung nagmumukha na siyang tanga sa harap nito.
Sometimes he's cold, sometimes he's hot. Ano ba ang problema niya.
"Syempre, gusto ko lang mapagpakita ng support sa'yo."
Katarina is a childhood friend. They we're very close pero hanggang doon lang iyon. Nakikita niya ito bilang nakababatang kapatid na babae, which he never have. Napakalambing nito, kaya minsan ay napagkakamalan ng may relasyon sila. Pero hindi iyon big deal sa kaniya.
"You shouldn't have to cheer me here. Dapat ay nagba-bakasyon ka ngayon hindi ba?"
Natigilan siya ng makita ang pagtingin sa direksyon niya ni Shannon. Gusto niya sana itong ngitian pero ayaw naman gumalaw ng bibig niya. Parang hindi siya ang nagmamay-ari no'n at ayaw sumunod sa kaniya. Hanggang sa pumaling nalang ito ng tingin sa ibang direksyon ay hindi niya nagawang makangiti dito. s**t! What the hell is wrong with me?
"Uhmm... Ano ka ba. Pinapalayas mo ba ako ha?"
"It's not like that. Concern lang ako sa'yo."
Nagulat nalang siya ng yakapin siya ni Katarina. Nabigla man ay hindi niya ito sinubukang itulak dahil sanay na siya sa ganitong asta nito. Parang normal nalang iyon sa kaniya.
"Sino bang tinitingnan mo ha?" Tumaas ang kilay nito. Sinundan nito ng tingin ang tinititigan niya. Mas lalo pang umarko ang kilay nito ng makita si Shannon na nakatingin na naman sa direksyon nila.
"My soon to be wife." Nag smirk siya.
Iyon ang unang pumasok sa isip niya kaya iyon ang binitiwan niyang salita. Wala naman talaga sa loob niya na ito ang pakakasalan niya. He just said that to make a point. Hindi niya kasi alam kung ano ba talaga si Shannon sa kaniya, right now.
Agad siyang nabitawan ni Katarina. Halata na nabigla ito sa narinig. Kinunutan siya nito ng noo. "Are you serious?" tila nagbago rin ang mood nito.
"Mukha ba akong nagbibiro?" he just smiled to her.
"So how about Ina? Jenica? Iza? How about them? Huh?" frustrate na tanong nito
He chuckled. Her she is. Starting to nag him again. Sanay na siya sa ganitong sermon ni Katarina kaya bina-balewala niya lang ito. "But this one is different."
Different nga ba? Ano ba ang pinagkaiba ng babaeng ito sa mga babaeng kilala niya?
"Paanong iba? I don't believe you. Siguradong isa na naman ito sa laro mo. Pwede ba, mag seryoso ka naman. Tumatanda ka na kaya."
Lalo pa siyang natawa. "Ano bang tumatanda? Grabe ka naman... Hahaha..."
"Hay sige, bahala ka na nga sa buhay mo. Basta, kapag na karma ka. Ay naku. Ewan ko lang sa'yo." Naka-cross arm itong umupo sa isa pang folding chair na naroon.
Sandali silang naging tahimik pareho. Ibinalik niya ang tingin kay Shannon. Nakaupo parin ito sa tipak ng bato at nanunuod sa mga modelo. Malinaw pa sa alaala niya noong una niya itong nakita. He was there, inside the VIP elevator ng pumasok ito na hirap na hirap sa mga dalahin. Nasanay na siya na mag-isa lagi sa elevator dahil pang-VIP nga iyong ginagamit niya na may espesyal na susi kaya ng makita niya ito na pumasok roon ay agad sumama ang timpla niya. She look so happy and excited. Pero ng pababa na ito ay para na itong pinagtakluban ng langit at lupa. Curiosity hits him, that's why he followed her. And the rest was history.
Recently niya lang nalaman ang nangyari dito. Dahil sa nangyaring gulo sa birthday party ni Lantis ay nakilala niya ang ex nito. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa dito, knowing na nahuli pala nito ang Steve na iyon an may kaulayaw sa mismong anniversary nila. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit nito nagawa ang lahat. But still. He never want this girl to control him. Siya ang dapat na komo-kontrol dito kaya nga nakikipaglapit siya dito. Para makuha niya ang loob nito at maipagawa niya dito ang anumang gustuhin niya.
"Oy samahan mo naman ako don." Nguso ni Katarina sa mapunong bahagi ng isla. "Nalalaglag yata kasi doon ang bracelet ko kanina e."
"Ano namang ginawa mo doon sa gubat?" kunot noong tanong niya.
She pouted. Para talagang bata.
"Eh naiinip na nga kasi ako kanina kaya ayun naghanap ako ng perfect spot para mag picture picture. Tara na, samahan mo ako." Hinawakan na siya nito sa braso. Napilitan nalang tuloy siyang tumayo. Alam niya na wala naman siyang magagawa para tanggihan ito kaya pinagbigyan niya nalang ito.
Maghahanap lang naman ng bracelet eh.