Kabanata 15: Kababata

1097 Words
"Shannon wake up." Nagising siya ng maramdaman ang mahinang pagyugyog ni Judy sa balikat niya. Pagmulat niya ng mata ay sumalubong sa kaniya ang nakabusangot nitong mukha. "Bakit? May problema ba?" Kinusot-kusot niya ang mga mata. Pagkatapos ay nag-unat siya. Masyado siyang napuyat kaiisip sa sinabi ni Winsley kagabi. Tinanghali na tuloy siya ng gising. "Bruha ka. Late na tayo sa second photoshoot. Bilisan mo na diyan. Ginising lang kita. Mauna na ako sa'yo. Bye." Umalis na ito sa kama niya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto. Biglang parang nabuhay ang dugo niya ng marinig iyon. Taranta siyang napabangon. Wala na siyang oras na sinayang at mabilis ng naligo. Kasalanan talaga iyon ng Caydhen na iyon. Masyado nitong ginugulo ang utak niya. Talaga naman. Kapag talaga ako nawalan ng trabaho dahil sa kaniya. Naku. Isusumpa ko talaga ang pangalan niya. Ipapakulam ko siyang hayop siya. Pagkatapos magbihis ay halos takbuhin na niya ang daan palabas ng kwarto. Pagdating sa labas ng hotel ay bigla nalang bumagsak ang balikat niya dahil wala siyang nasumpungan doong sasakyan. Ang usapan kahapon ay ihahatid sila ng van patungo sa next spot nila. At dahil na late siya ay nakaalis na ang mga ito. Ano na ang gagawin ko? Habang tahimik na nag-iisip ay may tumigil na kotse sa tapat niya. Pagbukas ng pinto nito ay tumambad sa kaniya ang masamang hilatsa ng mukha ni Caydhen. Ngayon niya lang nakita ang nakakatakot na awra nito. Tila napakasama ng timpla nito. "You're late. Get in." Hindi niya sana ito ibig na makasama ng sarilinan pero hindi niya magawang magmatigas ng oras na iyon. Ramdam niya na may hindi magandang mangyayari kapag hindi niya ito sinunod. Bigla niyang naalala na ito nga pala si Caydhen Quinn. Mahigpit ito pagdating sa trabaho. Kasalanan niya, kaya wala siyang plano na makilagtalo dito. Hanggang makarating sila sa kinaroroonan nang nagsisimula ng photoshoot ay walang namagitang pag-uusap sa kanila. Nang mai-park na nito ang kotse ay basta nalang siya nitong iniwanan ng walang pasabi. Dahil nagsisimula na ang photoshoot ay nanuod nalang siya ng mga modelong uma-angulo sa kamera. Nang may makita siyang malaking tipak ng bato na nasa lilim ay lumakad siya patungo doon at doon naupo. Medyo malayo iyon sa karamihan. Ayaw niya muna kasing sumama sa mga kasamahan niya, lalo na at wala siyang naitulong sa mga ito. Hinanap ng mata niya si Caydhen. Nakaupo na ito sa isang tent. Bigla siyang nakaramdam ng hiya ng makita na nakatingin din ito sa direksyon niya. Agad siyang nagbaba ng tingin at nang mag-angat siya ay binalik niya ang tingin niya sa mga modelong nasa batuhan. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago tiningnan muli si Caydhen. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero para may mahinang humahampas sa dibdib niya ng makita na kasama na naman nito iyong babae na nakita nila ni Judy na kasama nito noong nakaraang araw. Kahit siya naguguluhan sa nararamdaman niya. Dapat ay binabaon niya ito sa galit dahil sa kalokohang ginagawa nito sa kaniya pero wala siyang maramdaman na ganoon ngayon. "Ano bang problema mo Shannon," anas niya sa sarili. Umiling-iling siya. Dapat galit siya dito at hindi siya parang girlfriend nito na nagseselos. Natampal niya ang sariling bibig nang pumasok sa isip niya iyon. Girlfriend? Saan naman nanggaling iyon? Dahil hindi parin naaalis ang tingin niya sa dalawa ay nakita niya ang paghila ng babae kay Caydhen patungo sa kasukalan. Nailing-iling nalang siya. May gagawin sigurong milagro ang dalawa. Again her heart ache a little. Parang konektado iyon sa ginagawa ng lalaki. Hindi niya iyon naramdaman kahit minsan kay Steve kaya hindi niya iyon maipaliwanag. "Huy, anong iniisip mo ha?" Napaigtad siya ng bigla siyang tapikin sa balikat ni Judy. Hindi niya namalayan ang paglapit nito dahil sa kakaisip niya kay Caydhen. That guy. Kailan ba nito patatahimikin ang utak niya? "Uhm, wala naman," pagsisinungaling niya. Naupo si Judy sa tabi niya, pagkatapos ay tumingin ito sa mga modelong nakasalang. "Oo nga pala, pagkatapos ng photoshoot ikot tayo ha?" Tumango lang siya. Hindi parin binibitawan ng mata niya iyong spot na pinasukan ni Caydhen at ng kasama nito. Parang gusto niya itong sundan. Gusto niyang makita ang ginagawa ng mga ito. Ginagawa ba nila ang bagay na iyon? Lalo lang bumigat ang dibdib niya. Bakit ba parang nasasaktan siya? Nababaliw na ba siya? Bakit sa ex niyang si Steve ay hindi siya nagselos ng ganito. Selos? Iyon ba ang nararamdaman niya ngayon? Natawa siya ng mapakla. Ano ba ang ginagawa niya sa sarili niya. "Teka, sino bang tinitingnan mo ha?" Tumingin din si Judy sa tinitingnan niya. Nang wala itong makita roon ay binalik nito ang tingin sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Tinitingnan? Ano bang sinasabi mo? Wala akong tinitingnan no." "Weh, eh bakit kanina ka pa tingin ng tingin doon sa kakahuyan? May iniintay ka bang lumabas mula roon?" "Ano ka ba, parang napatingin lang doon may iniintay na?" "Hindi nga? Para talagang may iniintay ka eh." "Ewan ko sa iyo." Inikot na niya ang tingin niya. Wala naman siyang ibang panunuorin kaya binalik niya nalang iyon sa mga modelo. "Teka, nakita mo ba si Mr. Quinn?" pag-iiba nito ng usapan. "Hindi," tipid na sagot niya. "Nakita mo ba iyong kasama niyang babae? Iyong kababata niya?" "Ah, iyong babaeng dikit ng dikit ba sa kaniya?" "Oo. Siya nga. Alam mo ba ang balita tungkol sa kanila?" "Ano?" "Ang usapan e, may plano na daw magpakasal ang dalawang iyon. Ayon pa sa tsismis ay iyon daw ang babaeng sinasabing nabuntis ni Caydhen." "Ganon ba." Ano ngayon? Anong pakialam niya sa dalawang iyon. Edi magsama sila. Humayo sila at magpakarami. Para siyang nabu-bwesit. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng Caydhen na iyon noong nakaraan. Hindi siya nito makalimutan pero sumasama naman ito sa ibang babae. Naiinis siya dahil malinaw pa sa tubig na pinagti-tripan lang siya nito. Kung ikakasal na nga ito, malamang ginagawa lang siya nitong pampalipas oras. Kaya siguro sumama ang loob nito ng makita nito na magkasama sila ni Lantis noon. Dahil iniisip nito na ito dapat ang nangti-trip sa kaniya. But instead, she show him the other way. Buwesit! Dapat niya na talaga itong iwasan. Baka mas lalo lang siyang mabaliw kakaisip dito kung patuloy niya paring dinidibdib ang mga sinasabi nito. He was just teasing and playing her. Iyon ang dapat niyang isaksak sa utak niya. Kailangan na talaga niyang kontrolin ang sarili niya dahil baka magising nalang siya isang araw na sinasamba na naman niya ang katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD