"I'm being hunt by it every single day. Damn. I am thinking it every single f*****g day."
Ano ba ang ibig sabihin nito? Masyado siyang apektado sa sinabing iyon ni Caydhen. Kagabi niya pa iyon pinag-iisipan pero wala siyang makuhang matinong sagot mula sa sarili niya. Kasalanan niya rin naman. Dahil nag walkout kaagad siya pagkatapos iyong sabihin ng binata ay hindi na niya naitanong ang ibig nitong sabihin.
"Hey Shannon, can you help me with this? Please." tawag sa kaniya ni Tristan.
Isa itong german model. Nagpapatulong ito sa paghawak sa sinusuot na body armor. Nasa isang pool sila ngayon. Naroon sila para i-assist ang mga modelo. Maswerte siya dahil lalaking modelo ang napunta sa kaniya. Iyong ibang kasamahan niya kasi na babae ang hinahawakang modelo ay hindi magkandaugaga sa mga utos na natatanggap.
Nilapitan niya si Tristan. Katulad ng request nito ay hinawakan niya ang sinusuot nito. Napakarami kasing nakalawit na kung anu-ano doon kaya hindi na nakapagtataka kung bakit kailangan nito ang tulong niya.
"Ugh. Why is this so hard?" frustrate nitong sabi.
Sa dami ng butas ng armor na hawak nito ay naguguluhan na ito kung alin ang isusuot, saan.
"Stand still. Let me all handle it, ok." sabi niya dito.
Parang masunuring bata naman ito na sumunod sa sinabi niya. Dahil nanatili lang itong nakatayo ay mabilis niyang naisaayos ang armor at naisuot dito. Tuwang-tuwa naman itong niyakap siya.
"My God, youre a genius," anito.
Pakiramdam niya ay sinisimulan na silang pagtinginan ng mga tao kaya bahagya na niya itong itinulak. "I know."
"Oh, your a big help. Thank you Shan, wait. Can I call you Shan? You know, I really love to make nicknames. Specially, to those memorable people that I have met."
"Shan? Uhm, sure. Call me anything you want." sagot niya naman. Kung saan ito komportable ay ayos lang sa kaniya. Since ilang araw pa silang magsasama ay dapat lang na maging komportable sila sa isa't isa.
"Really? That's great then. Thank you Shan." masayang sambit ni Tristan.
"There is no calling of nicknames here."
Napatigil sila sa pag-uusap ni Tristan ng biglang dumating si Caydhen. Pumagitna pa talaga ito sa kanila.
"But why?" takang tanong ni Tristan dito.
"Yeah, why?" she asked too. Tinaasan niya pa ito ng kilay.
Bahagya namang natigilan si Caydhen. Mukha itong napaisip ng isasagot. Psh. Kung anu ano kasi ang pinagbabawal.
"Why? Because that's my rule. I'm the one who's paying you! I don't have to explain. I can fire you now, if I wanted to." pagtataas nito ng boses.
Dahil sa taas ng boses nito ay nagtinginan na ang ibang naroon sa kanila. Wala namang lumapit sa kinaroroonan nila pero lahat ng mata ng mga kasamahan niya ay nakatitig na kay Caydhen.
"Alright. No nicknames." Tumango-tango si Tristan.
Pagkatapos nito ay siya naman ang nakasimangot na binalingan ni Caydhen. "Shan? Shan? Tss. That is not even a good name."
Biglang parang gusto niyang matawa sa inaarte nito. Kelan pa naging big deal ang pagbibigay ng nickname?
"Hay. Ewan ko sa'yo." nakasimangot niyang sambit. Agad na siyang tumalikod sa dalawa.
Naupo siya sa nakita niyang bakanteng beach chair. Samantala si Caydhen naman ay parang batang pinanlalakihan siya ng mata.
Haha. Nakakatawa. Nagseselos ba siya?
---×××---
After that long tiring day ay napagpasyahan ng lahat na mag celebrate dahil sa magandang kinalabasan ng photoshoot. Nagtungo sila sa nag-iisang bar sa isla. Dahil ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling iinom ng alak ay juice lang ang in-order niya.
"Ano ba naman 'yan Shannon. Para ka namang bata e. Bakit juice lang 'yang in-order mo?" sita agad sa kaniya ni Agatha.
She just smiled to her. "Ok na ako dito. May phobia na kasi ako sa alak e." Baka mamaya ay kaninong kwarto na naman ako magising. Mahirap na.
Nang magsimulang umalingawngaw sa buong bar ang nakakaindak na tugtugin ay agad na hinawakan ni Judy ang kamay niya at hinila siya papunta sa dance floor. Kaunti lang ang tao sa lugar. Halos silang mga nasa photoshoot lang kanina ang naroon.
"Dali sayaw tayo."
Wala siyang nagawa kundi magpatianod sa gusto nito. Pero dahil nasa katinuan naman siya at walang sapi ng alak ay hindi siya gaanong makaindak. Paano ba sumayaw? Basta gumagalaw lang ang katawan niya ay ayos na iyon. Para lang siyang sira na isinasabay sa paggalaw ng walang ritmo niyang katawan ang paghilig ng kaniyang ulo. Tinawanan tuloy siya ng kasama.
"Ano ba 'yan Shannon. Para ka namang tuod na niyuyugyog haha."
Sinimangutan niya lang ito. Sino ba kasi ang may sabing marunong siyang sumayaw.
Nang mapalitan ang kanta ng isang slow rock na tugtugin ay hinila na niya si Judy paalis sa dance floor. Habang naglalakad sila pabalik sa table nila ay may humarang sa kanila kaya napahinto sila.
"Can we dance Shannon?"
Si Tristan iyon. Inilahad nito ang kamay. Halos ipagtulakan naman siya ni Judy na tanggapin iyon.
"Huwag kill joy Shannon. Parang sayaw lang e." ungot ni Judy sa kaniya.
Tatanggapin niya na sana ang naka-offer na kamay ni Tristan pero may bigla namang humila sa kaniya dahilan para malayo siya dito. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi siya kaagad na nakapag-react. Napatulala lang siya habang hinihila siya ni Caydhen pabalik sa dance floor. Rinig niyang nagtilian ang mga kasamahan niya ng hapitin nito ang bewang niya.
"Tuwang tuwa ka talagang paglaruan ako, ano?" singhal niya dito. Sinubukan niyang umalis sa pagkakayapos nito pero hindi siya nito pinakawalan.
"At sino naman ang may sabing nakikipaglaro ako?"
"Pwes, kung hindi ka naglalaro. Ano ba 'tong ginagawa mo ha?"
Bakit mo ginugulo ang utak ko?
Inilapit pang lalo ni Caydhen ang ulo nito sa mukha niya dahilan para masamyo niya ang mabango nitong amoy. Napalunok siya nang matitigang muli ng malapitan ang mga mata nito. It was just like the first time. And before she was being hypnotized again by it, ay nagbaba na siya ng tingin.
"I'm just claiming my property."
Namilog ang mga mata niya. He what? Muli siyang napatingin dito. He was serious as ever. Walang halong pagbibiro ang makikita mo sa mga mata nito. Natawa lang siya. Ang lakas naman ng loob nito. Dinuro-duro niya ang mukha nito.
"I. AM. NOT. YOUR. PROPERTY." bawat salitang binitiwan niya ay binigyan niya ng diin. Gusto niyang ipamukha dito ang kahibangan.
Wala siyang oras para sakyan ang trip nito kaya itinulak na niya ito gamit ang buong lakas niya. Sa wakas ay nakawala na siya sa pagkakakapit nito sa bewang niya.
"You can't get away Shannon. You already signed our contract."
"Nababaliw ka na talaga 'no. Wala akong pinirmahan na kontrata."
"Oh please Shannon. Gusto mo bang i-kwento ko pa sa'yo ang bawat detalyeng naaalala ko?" naka smirk nitong sagot.
Her face starts turning red. Sa pagtigil ng tugtugin na umaalingawngaw sa paligid ay naging tahimik na ang lahat. Para siyang bigla nalang napunta sa gitna ng spotlight. Lahat ay nakatitig sa kaniya at kay Caydhen. Hindi man naririnig ng mga ito ang pinag-uusapan nila ay hindi naman maalis ang tingin ng mga ito sa kanila dahil silang dalawa nalang ang nasa dance floor.
"Ewan ko sa'yo."
Mabilis na siyang nag martsa paalis sa harap nito. Nangunot lang ang noo ng mga kasamahan niya ng lampasan niya rin ang mga ito. Her mind was too busy thinking what happened that day. Wala naman talaga siyang pinirmahan na kontrata.
Ano ba ang problema ng lalaking iyon? Bakit ginugulo na naman nito ang utak ko?