Hindi niya napigilang mapasalampak ng upo sa sahig ng elevator. Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya. Napakasama ng loob niya. Napakasakit ng dibdib niya.
Napakaraming tanong ang nabuo sa isip niya. Mga tanong na punong-puno ng paghihimutok. Mga tanong na hindi niya alam kung paano masasagot.
Bakit kailangang maging ganito kasakit ang lahat? Bakit nangyari ito sa kaniya? Ano ba ang nagawa niyang mali kay Steve? Kasalanan ba niya dahil hindi siya pumapayag na magpagalaw dito?
Dahil sa kaiiyak ay hindi niya namalayan ang pagbukas ng elevator. Naramdaman niya nalang na may lumakad palabas kaya napaangat siya ng tingin. Ni hindi niya napansin na may kasama pala siya sa loob. Marahil ay kanina pa siya nito pinagtatawanan. O baka iniisip nitong nababaliw na siya? Tsk. Wala na siyang pakialam. Eh sa naiiyak ang tao e.
Tiningnan niya kung nasaan na nakaturo ang numero ng elevator. Nang makita niyang nasa ground floor na pala iyon ay nagmamadali na rin siyang lumabas.
Walang direksyon ang naging paglalakad niya. Para siyang batang naliligaw. Ang tanging gusto lang niya ay ang makalayo na sa lugar na iyon.
Hanggang sa napahinto siya sa bukana ng isang bar. Malapit lang iyon sa Black Empire Hotel. Para siyang ina-anyayahan ng musikang nanggagaling sa loob. Hindi siya mahilig uminom, pero sa tingin niya ay kailangan niya ang espirito ng alak ngayon. Gusto niyang sandaling makalimot. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman niya kahit sandali lang.
Pagpasok niya ay nilampasan niya ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng daan. Tuloy tuloy siyang lumakad patungo sa bartender na nag she-shake ng drinks.
Isang napakatapang na alak ang ni-request niya dito. Nang maiabot iyon sa kaniya ng bartender ay tuloy tuloy niya iyong tinungga hanggang sa maubos. Gumuhit ang matapang na alak sa lalamunan niya. Uminit rin ang dibdib at tiyan niya. Ang sarap sarap no'n sa pakiramdam.
Ganoon yata kapag nasasaktan. Nagbabago pati ang panlasa.
Nang mailapag na niya ang hawak na baso ay um-order ulit siya ng isa pa. At isa pa. At isa pa. At isa pa. Paulit-ulit na ganoon ang ginawa niya hanggang sa maramdaman niyang tila gumagaan na ang lahat. Umiikot man ang paningin niya ay wala na siyang nararamdamang sakit. Ito talaga ang gusto niya.
Nang mapatingin siya sa mga nagsasayawan ay nakaramdam siya ng bahagyang inggit sa mga ito. Gusto niya ring sumayaw. Gusto niyang magwala. Kahit ngayon lang, gusto rin naman niyang maranasan ang mawala sa sarili. She's been a good girl for a decade kaya deserve niya rin ang magpakaligaya just for once.
Mula sa counter ay tumayo siya at tinahak ang kumpol ng mga taong nagsasayawan. Dahil wala na siya sa tamang wisyo ay pagewang gewang siyang naglakad. Nang may masagi ang paa niya na kung anong bagay ay hindi niya napigilang matumba. Napaupo siya sa sahig. Tuloy ay inis na inis niyang hinubad ang suot niyang sandal. Inihagis niya iyon sa kung saan. Pagkatapos ay muli siyang tumayo at tumungo na sa dance floor.
Siksikan ang mga lalaki at babaeng nagsasayawan doon pero wala siyang pakialam. Basta gusto niyang makipagsabayan sa mga ito. Nang maka pwesto na siya sa gitna ay sinimulan na niya ang pag indayog. Gumiling siya ng gumiling. Nang magsimulang magsigawan ang mga nakapalibot sa kaniya ay lalo niyang pinagbuti ang ginagawa. Pakiramdam niya ay proud na proud ang mga ito sa kaniya at ayaw niyang mapahiya.
Naging mas mapangahas pa ang sumunod niyang ginawa. Ramdam niya ang pagnanasa ng mga lalaking nanunood sa kaniya. Gustong gusto niya ang atensyon na nakukuha niya. Ganito pala ang pakiramdam ng pinagkakaguluhan.
Maya-maya ay naramdaman niyang may humigit sa bewang niya. Dahil doon ay napatigil siya sa pagsasayaw. Nang lingunin niya ang may gawa noon ay isang nakangising lalaki ang tumambad sa mga mata niya.
"I think, you need someone."
Napangiti siya. Ipapatong niya sana ang kamay niya sa balikat ng lalaki pero may malakas na pwersang humila sa kamay niya palayo dito. Madiin ang ginawa nitong paghawak sa kaniya kaya halos makaladkad siya habang hinihila siya nito paalis sa dance floor.
"Hey I'm talking to her. Nauna ako sa kaniya!" sigaw ng lalaking naunang lumapit sa kaniya habang hinahabol sila.
Hinablot nito ang braso ng lalaking may hawak sa kaniya kaya napatigil sila sa paglalakad. Pagharap ng lalaking may hawak sa kaniya ay hindi niya napigilang hangaan ang panlabas nitong kaanyuan. Para itong anghel na bumaba sa langit. Halos magkasalubong na ang makakapal nitong mga kilay. Ang mga bagang nito ay tila nagsasagupan dahil sa paninigas niyon. Ang mata nito ay tila nagliliyab na sa galit. Pero. Kahit ganoon kaseryoso ang mukha nito ay hindi maitatago noon ang ka-gwapuhan ng binata.
"SHE'S MINE!" matigas nitong sagot.
Wala sa loob niyang napangiti. Pakiramdam niya ay pinagtatanggol siya nito. Dahil doon ay niyakap niya ito mula sa likuran. Inako niyang pag-aari ang bewang nito. May katigasan man ang katawan nito ay napakainit naman niyon.
Naiiling na umalis na ang lalaking humabol sa kanila. Nang hindi na ito matanaw ng binatang yakap niya ay mariin nitong hinawakan ang braso niya. Pwersahan nitong tinanggal ang pagkakayapos niya sa bewang nito. Pagkatapos ay galit siya nitong hinarap.
"What the hell are you doing?" He look so annoyed. He also gave her a 'dont hug me' look. So, she pouted.
"Gusto ko lang namang yakapin ka. Ito naman, napaka kill joy." She sweetened her voice.
Muli siya nitong hinawakan sa braso at sinimulang hilahin palabas ng bar. Dahil wala siyang anomang sapin sa paa ay bahagya siyang napapa-aray kapag may natatapakan siyang bagay. Napansin naman iyon ng lalaki kaya naiiling na binuhat siya. Pagkarga nito sa kaniya ay agad niyang kinapitan ang leeg nito. Dahil nakarap siya dito ay mas natitigan pa niya ng mabuti ang mukha nito. Seryoso lang itong naglalakad habang nakatingin sa dinaraan nila.
"Pwede ba kitang maging boyfriend?" wala sa loob na tanong niya.
Hindi niya naman siya nito pinansin. Parang wala itong anomang naririnig. Ni hindi nga ito nagbababa ng tingin para silipin man lang siya. Ipinasok siya nito sa isang mataas na building. Hindi niya alam ang pangalan ng building na iyon pero pamilyar sa kaniya ang mga nakikita niya sa paligid.
Black Empire Hotel?
---×××---
Nagising siya na sumasakit ang ulo. Para iyong binibiyak. Ugghh. Ito yata ang tinatawag nilang, hang-over.
Bahagya siyang napatigil ng mapansin ang kwartong kinaroroonan niya. Hindi iyon pamilyar sa kaniya. Hindi iyon ang kwarto niya.
Nasaan ako?
Napakislot siya ng maramdaman niyang bahagyang kumirot ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya. Halos lumuwa ang mata niya ng makilala ang sakit na iyon. It was from her private part.
Taranta niyang iniangat ang kumot na nakatabon sa katawan niya. Ganoon nalang ang pagkabigla niya ng mapagtantong wala siyang anomang saplot.
OH MY... GOD!
Nanlulumo niyang pinagmasdan ang hubad na katawan. Pakiramdam niya ay bigla siyang naubusan ng lakas.
My God. Ano itong ginawa ko?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Pinilit niyang balikan ang mga nangyari kagabi.
"Ano bang problema mo sa akin? Hindi ba ako kaakit-akit? Oy wait. Baka naman... Bakla ka? Tell me, bakla ka ba ha?"
"WHAT?" inis itong napamasahe ng sentido. "Ughhh. This is unbelievable."
Ngumisi siya at muling lumapit sa dito. Pinanliitan niya pa ito ng mata na parang inuusig.
"My gosh. Bakla ka nga." She pouted. Napa-cross arm din siya dahil sa disapointment. Akala pa naman niya ay isang prince charming ang dumating para iligtas siya.
Napamulagat nalang siya ng biglang higitin nito ang bewang niya. Dahil mas mataas ito sa kaniya ay kinailangan pa niyang tumingala upang makita ang mukha nito.
Bigla nalang siyang napalunok habang nakikipagtagisan ng titigan sa lalaki. Bigla ay para siyang mauubusan ng hininga.
"You don't know me." his voice was so calm and yet he sounds so seductive. Parang sadya siya nitong inaakit.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mga mata nito. She was being hypnotize by it. Yeah, everything was blured but she can see his tantalizing eyes very well.
Unti-unti nitong ibinaba ang ulo. Kapirangot lang ang iniwan nitong espasyo sa mga mukha nila. He is too close. Damang dama niya ang paghinga nito.
"Kapag pinagbigyan kita, kapag hinalikan kita, magiging akin ka na. Ano, handa ka na bang mag-asawa?"
Halos magtayuan ang mga balahibo niya sa paraan ng pagsasalita nito. Pakiramdam niya ay gusto niya itong halikan. Or maybe it was not her? Maybe it was the spirit of the alcohol. She don't know. Basta gusto niya itong halikan.
"Tell me, do you still want me to kiss you?" dugtong nito.
Ipinatong niya ang dalawang braso sa leeg nito. Pagkatapos ay bahagya niya iniawang ang labi niya to welcome his kiss.
"Yes please."
Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Hanggang sa maramdaman na niya ang pagdidikit ng mga labi nila. Agad siyang napapikit. May kilabot na gumapang sa katawan niya ng maramdaman ang mainit nitong hininga. The sensation was overwhelming.
Ito talaga ang gusto niyang maramdaman ngayon. She wanted to know what it feels like to get laid by someone.
Naitakip niya ang dalawang kamay sa bibig nang maalala ang mga nangyari.
Ginawa ko ba talaga iyon?
Inis niyang ginulo ang buhok niya. Pinagsisipa niya rin ang kamang hinihigaan niya.
Ugghh. Baliw ka na Shannon! Baliw ka!