Galit na galit siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay ang landi landi niya. Hindi niya man naaalala ang buong detalye ay sigurado naman siyang may nangyari sa kanila ng lalaking hindi niya kilala. Hindi siya pwedeng magkamali dahil hanggang ngayon ay nararamdaman niya parin ang pananakit ng kaselanan niya. Kung sinoman ang hudyong kumuha ng virginity niya ay siguradong nagdiriwang iyon sa galak. Hayop ito. Pinagsamantalahan nito ang pagkalasing niya.
Suddenly her tears begin to fall.
Dahil sa kagagahan niya ay nawala ang bagay na pinaka-iingatan niya. Ngayon ay wala na siyang maipagyayabang sa lalaking mapapangasawa niya. Iyong pangarap niyang perfect love story ay hindi na mangyayari. Dahil sa isang pagkakamali ay nasira na ang lahat.
Paano pa siya makababalik sa dati ngayon? Sirang-sira na siya.
Gusto niyang saktan ang sarili niya. Gusto niyang saktan ang malandi niyang katawan pero... Mamaya nalang. Kailangan niya munang makaalis sa lugar na iyon. Hindi niya kayang harapin ang lalaking iyon.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Mukhang mag-isa lang siya ngayon. Umalis siguro iyong lalaki. Bwesit naman! Ni hindi niya maalala ang pangalan nito.
Tumayo na siya. Kinaladkad niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Sinubukan niyang hanapin ang damit na suot niya kahapon. Nang hindi niya iyon makita ay isang closet ang binalingan niya.
Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang purong damit panlalaki. Malamang, nasa condo siya ngayon ng isang lalaki e. Pero in fairness. Nakatutuwa kasi well organize ang laman ng closet na nito. Nakasalansan ng mabuti ang mga naka hanger na polo, nakahilera ito simula sa light color hanggang dark. Tapos ganoon din ang mga tie, nakasabit ang mga iyon ayon sa pagkakasunod sunod ng mga kulay.
Dumampot siya ng puting polo at isang boxer shorts. Agad niyang binitiwan ang hawak na kumot. Hindi na siya humanap pa ng banyo. Kung nasaan siya nakatayo ay doon nalang siya mismo nagbihis. Wala na kasi siyang sapat na oras. Baka mamaya ay bumalik na iyong lalaki. Ayaw niyang maabutan siya nito dahil hindi niya alam kung paano ito haharapin.
Pagkatapos magbihis ay nagmamadali niya ring dinampot ang shoulder bag niya. Nakita niya iyong nakapatong sa mesa. Nang maisukbit niya na iyon sa kaniyang balikat ay agad niyang tinungo ang pintuan.
Wala na siyang pake kung wala mang sapin ang paa niya. Basta ang gusto niya lang ay makaalis na sa lugar na iyon. Nang tuluyan na siyang nakalabas ng building ay doon niya lang napag-alamang iyon din pala ang Black Empire Hotel na pinanggalingan niya kahapon.
Pero iyong kanina; she was sure hindi iyon ang unit ni Steve. Mas malaki kasi iyon ng triple sa unit ni Steve. Kakaiba rin ang desinyo at pagkakagawa ng unit na iyon. Para iyong unit ng isang may katungkulan na tao. Bukod pa doon ay mukhang mas mamahalin din ang mga furniture sa loob ng unit na iyon. Sigurado siyang kung sino man ang nakatira doon ay napaka yaman nito.
Ano ba ang pakialam niya sa unit na iyon. Eh ano kung mayaman ang nakatira doon. Basta napakasama nitong tao dahil pinagsamantalahan nito ang kahinaan niya.
Pagdating sa labas ng hotel ay nagmamadali siyang pumara ng taxi. Nagpahatid siya sa apartment niya. Habang nasa byahe ay tumunog ang cellphone niya na agad niyang hinanap sa bag na nakasabit sa balikat niya. It was her ate Maureen. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Hello." she greeted.
"Hey, nasaan na kayo?" Bakas sa tinig ng ate niya ang pag-aalala. Muli niyang tiningnan ang screen ng phone niya para malaman kung anong oras na. It was 10:35am
Napamulagat siya ng makita ang oras. Bigla niya kasing naalala na may lakad pala sila ngayon. Usapan nilang sabay na uuwi sa Batangas. Plano rin nilang isama si Steve doon. Nagkataon kasing fiesta sa lugar nila at balak sana nilang ipagdiwang din doon ang anniversary nila.
Napangiti siya ng mapait. Ngayon ay wala ng pagdiriwang na magaganap.
"Shannon? Nandiyan ka pa ba? May problema ba?" sunod sunod na tanong nito.
Mukhang hindi ito mapakali. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nagsisimula na itong bumuo ng haka haka sa isip. Ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya kaya mabilis siyang nagsinungaling.
"Ah yes ate, I'm still here. Wala, naman akong problema. I'm fine."
Mamaya niya nalang ipapaliwanag ang lahat. Mas maganda kasi kung sa personal niya sasabihin at iku-kwento ang mga nangyari.
"Good. So nasaan na nga kayo? Kanina pa ako dito sa terminal."
"Ah, I'm sorry ate. Male-late lang kami ng konti. Mauna ka na, magkita nalang tayo sa bahay."
"Sigurado ka?"
"Oo. Sorry talaga."
"Ok sige. Kita nalang tayo later. Bye."
"Bye."
---×××---
Nagising siya sa tunog ng alarm clock na sinet niya kagabi. Maaga dapat ang pasok niya ngayon dahil may importanteng meeting siya na dadaluhan. Pero... Wala siya sa mood. He keep thinking about the girl who caught his attention.
Damn! I did'nt even get her f*****g name.
Ano ba kasing problema nito at umalis ito ng walang paalam? Ni hindi man lang nito inintay na makabalik siya mula sa laundry. s**t! This kind of thinking makes him feel so annoyed. Pakiramdam niya ay napagtripan siya.
Nakakagago!
He knew she seduced him. She did everything on to caught his attention. And now she did it. Bakit bigla nalang itong umalis? Is she playing trick on him?
Fuck! He's all screwed up.
Wala pa sana siya sa mood na bumangon pero paulit-ulit na tumunog ang buzzer ng unit niya kaya tumayo na siya.
Sino naman kayang hinayupak ang gagambala sa kaniya ng ganoon kaaga?
Inis niyang tinahak ang front door. Wala siyang pake kahit gulo gulo pa ang buhok niya. O kung hindi pa siya presentableng tingnan. Ang gusto lang niya ay mapatigil ang kung sino mang istorbong nasa labas ng unit niya.
Pagbukas ng pinto ay isang hindi niya inaasahang bisita ang bumungad sa kaniya. It was Zygfryd. One of his brother. Mukha itong dugyot dahil sa get up nitong pang harabas. Psh. Ewan ba niya sa trip ng nito. Kahit bigote ay mukhang ilang araw narin nitong hindi inaasikaso. Hindi na nga siya mukhang isang Quinn.
"Caydhen." masayang bati ni Zygfryd. Binigyan siya nito ng bro tap at pinasadahan ng tingin.
"What brought you here?" walang gana niyang tanong.
Agad niya itong tinalikuran. Tinungo niya ang kusina. Naramdaman niyang sumunod naman ito sa kaniya.
"Hey. Bakit naman parang hindi ka masaya sa pagbisita ko ha?" parang batang sumimangot si Zygfryd.
"Ano ba kasi ang kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong niya habang kumukuha ng bacon sa ref. Dahil sa kakaisip niya sa babaeng nakasiping niya noong isang araw ay hindi siya nakakain ng maayos kagabi. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom nang makita ang pagmumukha ng kapatid.
"Well, gusto ko lang naman kasing sumabay sa'yo."
"Sumabay?"
"Uh-uh. Wag mong sabihing nakalimutan mo na iyong lakad natin?"
Saglit siyang napatigil sa pagbubukas ng electric stove. Pinilit niyang alalahanin ang sinasabi nilong lakad.
Mula sa likod ay bigla siyang inakbayan ni Zygfryd. "It's Lantis birthday. Come on Caydhen, ang sama mong kapatid para kalimutan iyon."
And then he remember. Mabuti nalang at nagpunta ito, dahil tiyak siyang magkakaroon ng pambu-bully kapag hindi siya nakarating sa event na iyon.
"Alam mo namang marami akong iniisip hindi ba." pagdadahilan niya.
"Tsk. Alam mo, tatanda kang binata niyan kaka-trabaho. Minsan naman magliwaliw ka rin no. Ba't di mo gayahin si Winsley? Namundok lang, pagbalik may dala ng anak."
"Hay tigilan mo nga ang kaka'sermon Zygfryd. Bago mo pakialaman ang love life ko, ayusin mo muna iyang sa'yo." reklamo niya. Itinuloy na niya ang naudlot na ginagawa.
"Ok, change topic." Naiiling na sambit ni Zygfryd. Tumawa ito ng mahina.
Ayaw na ayaw talaga nitong pinag-uusapan ang love life nito. Siguro dahil iyon sa issue tungkol sa babaeng nagugustuhan nito. Akalain mo ba naman kasi, sa isang madre pa nahulog ang tarantado.
Pagkatapos niyang magluto ng bacon ay kinuha niya sa kabinet ang tinapay. Tapos kumuha rin siya ng kamatis at lettuce. Ipinatong niya iyong lahat sa mesa at nagsimulang gumawa ng sandwich.
"About Winsley. Kamusta na nga pala sila ni dad? Nag-uusap na ba sila?" Napatigil siya.
Recently ay nagkaroon nga ng conflict ang daddy nila at si Winsley. He definitely knew the issue. Ayaw niya lang makisawsaw dahil buhay iyon ng kapatid niya. Pero kung siya ang tatanungin. He will forgive dad. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Isa pa ay kita naman ng lahat ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad. He even gave up some of their businesses abroad para palayin si Winsley. And he also explain his side. Iyong pananakit kay Kate ng mga dumukot dito ay wala sa utos ng ama nila.
But of course. Time can only tell kung kailan magiging handa ang lahat.
"Yeah, they're be fine. I think."
Sooner or later ay siguradong magkakaayos rin ang lahat. He hardly prayed for that.