Ilang araw narin ang nakalilipas simula ng mangyari sa kaniya ang isang nakakahiyang bagay. Dahil hindi iyon dapat ipagmalaki ay hindi niya iyon binanggit sa kahit na kanino. Iyong break up lang nila ni Steve ang palaging dinadahilan niya kapag nahuhuli siya ng ate niya na nakatulala.
Hindi na nga niya alam kung alin ba talaga ang dinadamdam niya. Iyong break up nila ni Steve o iyong pakikipagtalik niya sa hindi niya kilala.
Bigla siyang napa-buntong hininga. Mukhang kailangan niya pa ng oras para maiayos niya ang sarili. Ayaw niya munang bumalik sa Manila dahil inaalala niya na baka makita niya roon ang lalaking paulit-ulit na rume-rehistro sa isip niya. Hindi pa siya handang makaharap ito.
"Shannon?" Naupo ang ate niya sa tabi niya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila.
"Bukas ka na pala aalis?" basag niya sa katahimikang iyon.
"Alam mo naman ang trabaho ko hindi ba?" sagot ng ate niyang si Maureen.
Tumango siya dito. Alam niyang marami pa itong naiwan na trabaho sa Manila. Bilang isang doktor ay matagal na ang tatlong araw na bakasyon para dito. Ang dami dami kasing tumatawag sa kapatid. Lalo na at sa isang pampublikong ospital pa ito nagta-trabaho. Talagang kailangang kailangan ang serbisyo nito roon.
"How about you? Sigurado ka bang ok ka na?" dugtong nito.
"You know I'm strong." Pinilit niyang magpakawala ng matamis na ngiti.
Ayaw niya kasing isipin ng ate niya na masama parin ang loob niya dahil sa nangyari sa kanila ni Steve. Ayaw niyang mag-alala pa ito. After all, hindi naman talaga si Steve ang pinaka-inaalala niya ngayon. She was more thinking about what happened to her and to that unknown guy.
"Awww. that's our girl." sagot naman ng ate niya sabay unat ng dalawa nitong kamay.
Agad niya itong nilapitan para pagbigyan ang hinihingi nitong yakap. Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating ang nakababata nilang kapatid na lalaki. Nakisingit ito sa yakapan nila atsaka nagsalita.
"Group hug ba 'to? Pasali naman..."
---×××---
Kinabukasan pag-alis ng ate niya ay naisipan niyang bumisita sa ampunan na madalas niyang puntahan kapag naroon siya. Dahil wala naman siyang gagawin sa bahay nila ay mabuti na iyon upang maaliw siya. Since plano niyang magtagal pa doon ay hahanap nalang muna siya ng mapagpapalipasan ng oras.
{| Angels Sanctuary |}
Pagdating niya doon ay naabutan niyang may nakaparadang truck sa bukana ng ampunan. Mula sa truck na iyon ay napakaraming kagamitan ang ibinababa ng mga lalaking nakasuot ng puting t-shirt. Para iyong mga donasyon.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng gate. Doon ay naabutan niya si Sister Clara na may kausap na babaeng mukhang donya. Marahil ay isa iyon sa nagbibigay ng donasyon sa ampunan.
"Shannon." bati ng madre pagkakita nito sa kaniya.
She smiled to her. Isinandal niya sa isang puno ang dala niyang bike at lumapit dito.
"Sister Clara." Kinuha niya ang kamay nito para magmano. Nakangiti niya ring hinarap ang kasamang babae ng madre. "Magandang umaga po."
Tipid na ngiti lang ang naging tugon ng donya.
"Ah, Shannon. Ito nga pala si Donya Carmela." pakilala ni Sister Clara sa babae.
Kahit mayaman ito ay mukha naman itong mapagkumbabang tao; katangian na bihira mo lang makita sa isang tao na mataas ang estado sa lipunan. Karamihan kasi sa kanila ay masama ang hilatsa ng mukha. Iyong tipong hindi mo pa man nakikilala ng personal pero alam mo na kaagad na maypagka masungit. She wasn't like that. And Shannon admire her attitude. Ang totoo'y hanga siya sa katulad nitong mayaman na hindi nagdadamot sa mga biyayang natatanggap. Lalo na sa panahon ngayon, bihira ka nalang makakita ng mga mayayaman na alam ang salitang 'share your blessings'.
"Oh sige po Sister Clara, mauna na po ako. Marami pa kasi akong kailangang ayusin." paalam na ng donya.
Pagdaan nito sa tabi niya ay nakangiti nitong tinapik ang balikat niya. Habang naglalakad ay sinalubong ito ng isang lalaking may dalang payong at pinayungan.
"Sakto ang dating mo Shannon. Pwede ba akong makisuyo sa'yo?"
"Ano po iyon?"
Nagpalinga-linga sa paligid si Sister Clara na parang may hinahanap. Sa curious niya ay naisipan niyang gayahin ang ginagawa nito. Pinagala niya rin ang tingin niya sa paligid kahit hindi naman niya alam ang hinahanap nito.
"Naku, nandito kasi iyong isa sa anak ni Donya Carmela. Gusto niya raw kasing mag birthday na kasama ang mga batang ulila. Gusto niyang sorpresahin ang mga ito."
"Sorpresahin?"
"Kung pwede lang sana, bilang kabisado mo naman ang San Domingo eh ikaw na ang sumama sa kaniya para maipasyal ang mga bata. Para maihanda namin ang lahat, pag-alis ninyo." mahabang litanya ni Sister.
"O sige po. Hindi naman ako busy ngayon e."
"Pero nasaan na kaya ang batang iyon?" Patuloy parin ito sa pagpapaikot ng tingin.
Maya maya ay isang lalaki ang kinawayan nito. Lumakad ito palapit sa kanila. Pagkatapos ay naka smile rin itong gumanti ng kaway.
Napaka simple lang ng porma nito. Isang denim shorts at itim na T-shirt ang maayos na nakalapat sa katawan ng binata. Simple nga pero nadadala nito ng mabuti ang sarili. Iyong mga tiga-sakanila, kapag ganoon lang ang suot ay parang ordinaryong tao parin. Samantalang ito ay bakas na bakas parin ang pagiging anak mayaman.
"Mabuti naman at nakita din kita." sabi dito ni Sister Clara.
Tumingin ito sa kaniya at bahagyang nagyuko ng ulo. "Hi." naka smile nitong bati sa kaniya.
"Hi."
"Oo nga pala. Lantis, ito si Shannon. Siya ang magiging tour guide ninyo ngayong araw." pakilala sa kaniya ng madre.
Iniunat ni Lantis ang kamay at nakipagkamay sa kaniya. "Nice meeting you Shannon."
"Nice meeting you din."
Nang bitawan ni Lantis ang kamay niya ay bumaling ito kay Sister Clara. "Sigurado po ba kayong kaya na ninyo rito?"
"Aba, oo naman. Sige na, umalis na kayo at ng makapagsimula na kami." Tulak ng madre dito.
"Sige po." sagot naman ni Lantis.
Medyo nabigla pa siya ng hawakan nito ang braso niya at sinimulan siyang hilahin paalis sa harapan ng madre. Hindi naman siya kumontra dito. Pero dahil kakakilala niya lang dito ay bahagya pa siyang naiilang sa ginagawa nito.
Hinila siya ni Lantis papunta sa labas ng gate. Doon ay may nakaparadang mini-bus na halos mapuno ng mga batang nagdiriwang. Bakas sa mukha ng mga ito ang galak dahil sa gagawin nila. Pagsampa ni Lantis sa bus ay sumunod na rin siya dito. Naupo siya sa likod ng driver, habang ang binata naman ay naupo sa likuran niya.
"So, where are we going miss tour guide?" nang magtanong si Lantis ay wala siyang nagawa kung hindi ang humarap sa dito.
Iyon nga lang. Hindi niya alam na nakapatong pala ang baba nito sa sinasandalan niya. Kaya dahil sa ginawa niya ay halos magbanggaan ang mga mukha nila. She smiled akwardly. Agad din naman siyang umatras.
"Ah-eh kung sa Twin Lighthouse kaya?" naiilang niyang sagot.
"Twin Lighthouse? I've never been there. Pero, ayos lang ba na dalhin doon ang mga bata? Tunog may pagka-creepy kasi ang lugar na iyon eh." Kunot noong tanong ni Lantis.
"Oo naman. Uhm, hindi lang kasi basta lighthouse iyon. Dahil nga sa marami ang nagpupunta doon ay naisipan ng pamahalaan na palagyan iyon ng iba't ibang atraksyon. Like, mini-park. Mga statue na malalaki at kung anu-ano pa. For sure, magugustuhan doon ng mga bata." kompiyansa niyang paliwanag.
"Ah ok. Kung 'yan ang tingin mo." Nag smile nalang si Lantis. "Manong driver, sa twin lighthouse daw tayo."