Bente-singko minutos ang naging biyahe nila bago narating ang Twin Lighthouse. Bakas sa mga mata ng mga bata ang tuwa ng makita ang lugar. Agad silang nagsidungawan sa bintana ng bus. Katulad ng inaasahan ni Shannon ay manghang-mangha nga ang mga ito sa tanawing tumambad sa kanila. Napakaraming malalaking statue na pambata ang nakapalibot sa lugar. Maraming mga makukulay na bulaklak at may palaruan pa.
Maya-maya ay tumayo si Lantis sa gitna ng bus at pumalakpak ng malakas na nakatawag naman sa atensiyon ng mga batang nasa labas ang tingin.
"Ok mga bata. Kailangang pumila kayo bago tayo bumababa ah. Tandaan ninyo. Walang pwedeng lumayo sa amin ni ate Shannon ninyo. Maliwanag ba?"
Katulad ng hiling nito ay pumili ang mga bata paalis sa mga upuan nila. Hindi niya napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang pakikipag-usap ni Lantis sa mga bata. Kung titingnan kasi ito ay parang matagal na nitong nakakasama ang bawat isa sa kanila. Siguro matagal na nga, at dahil ngayon lang naman ulit siya nakabisita sa ampunan ay ngayon niya lang nakita.
Nang maayos na ni Lantis ang mga bata ay nakahilera na silang bumaba. Sinimulan narin nila ang paglapit sa mga atraksyon na naroon.
Sa totoo lang, hindi na niya kailangan pang magsalita para aliwin ang mga bata. Dahil si Lantis, hindi ito nauubusan ng mga kwento. Para tuloy siyang nanunuod ng pambatang palabas at ito ang bida roon.
Nang tila makaramdam na ng pagod si Lantis ay nag-aya na itong magpahinga muna. Binilhan niya ng tag-iisang ice cream ang mga bata at pinaupo sa damuhan.
Ganoon din ang ginawa niya. Humanap siya nang magandang pwesto at naupo ng tahimik. Nang lumapit sa kaniya si Lantis ay may bitbit itong dalawang ice cream. Iniabot nito sa kaniya ang isa, habang ang isa naman ay sinimulan na nitong lantakan bago naupo sa tabi niya.
"So, matagal ka na bang tumutulong sa ampunan?" pagbubukas niya ng usapan.
"Yeah. Actually, it's our family tradition. Bawat miyembro ng family namin ay may kani-kaniyang ampunan na tinutulungan. Uhm, how about you? Bakit parang ngayon lang kita nakita sa Angels Sanctuary?"
Ngayon ay alam na niya kung bakit parang sanay na sanay na itong magpasunod ng mga makukulit na bata.
"Ah, nasa Manila kasi ang trabaho ko. Nandito lang ako ngayon para magbakasyon."
Nagpatango tango si Lantis. Sandali itong tumahimik. Nang tila may pumasok sa isip nito ay nangingislap ang mga nitong tumitig sa kaniya. Napakunot lang ang noo niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit para itong tuwang-tuwa dahil sa naisip.
"Yes, ikaw nga."
"Ako nga?"
"Will you do me a favor? As a birthday present narin?"
Ano raw? Birthday present?
Napakurap-kurap siya. Hindi niya alam kung ano ang maitutulong niya dito. But he looked desperate. Iyong tingin na may kasamang pagmamakaawa and at the same time ay masaya.
"Ah anong klaseng pabor naman iyon?"
"Would you be my birthday date?"
Nawala ata bigla sa pagkaka-align ang panga niya dahil sa pagkabigla. Bigla kasi iyong bumagsak. Literal na napanganga siya.
"Birthday date?"
Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o sisimangot dahil sa narinig. Kasi naman. Alam niyang attractive siya pero... Hello? Ngayon lang kaya sila nagkakilala. Ano iyon feeling close lang kung makahiling na i-date niya?
"Ah yes. A date? For my birthday?" Nakangising sagot nito.
Hindi niya alam ang isasagot niya. Ayaw niya sanang maging rude pero wala pa siya sa mood na makipag-date ngayon.
"Alam mo kasi Lantis, honestly I'm not into dating eh. Sobrang complicated ng buhay ko ngayon at ayokong lalo pang gumulo ang lahat. I hope you understand." lakas-loob niyang sagot. Mas maganda na ang diretsahin ang kausap niya kesa paasahin pa ito.
"Uhhh... It's not a real date naman eh. We're just going to fake it. Ano... Parang sasamahan mo lang ako sa birthday party ko. Ganoon lang."
"Huh? Bakit mo kailangan ng kasama? I mean, bakit kailangan mo pang kumuha ng ka date sa birthday party mo?"
Biglang napakamot ng ulo si Lantis. Napangisi rin ito. Ginulo nito ang buhok at lumihis ng tingin. "Iyong mga loko-lokong kapatid ko kasi eh. Imbes na bigyan ako ng regalo eh, babawiin pa nila iyong baby Kendi ko kapag hindi ako nakapagdala ng ka date sa birthday ko. WOULD YOU BELIEVE THAT? Mga wala silang puso."
Baby Kendi? May baby na siya? Tapos babawiin iyon ng mga kapatid niya? Anong klaseng baby ba iyon? Baby, as in anak? Baby, as in girlfriend? O baka naman baby, as in pet?
Sa lahat ng iyon ay iyong pinakahuli ang posibleng sagot. Marahil si Kendi ay isang alagang hayop. Anong klaseng hayop kaya ito? Mukha kasing malaki ang takot ni Lantis na mabawi ito ng mga kapatid.
"So, dahil lang kay Kendi handa kang gawin ang lahat?" she smiled to him.
"Yes!" walang kagatol-gatol na sagot nito.
"Eh anong klaseng hayop ba si Kendi?" curious na tanong niya.
Biglang natawa ng malakas si Lantis. "Kendi is not a pet."
"Hindi siya pet? So ano, tao siya?"
Lalo pang lumakas ang pagtawa ni Lantis na ikinasalubong ng mga kilay niya. Wala naman kasing nakakatawa sa tanong niya. Gusto niya lang malaman dahil curious siya.
"Oh eh, ano ba si Kendi?"
"Ok, here's the deal. Ipakikilala kita kay Kendi, kung papayag kang samahan ako sa birthday party ko. Ano? Sige na. Samahan mo na kasi ako oh. Please..."
Lihim siyang natawa. Ipakikilala daw siya nito kay Kendi basta sumama lang siya sa party. Eh ano naman kasi ang pakialam niya sa dalawang iyon? Curious nga siya pero, ano naman kung hindi niya makilala ang Kendi na iyon. Hindi naman siya ganoon ka-enteresado na malaman ang buhay nito.
"Alam mo Lantis..."
Hindi pa man tapos ang sasabihi niya ay agad na iyong pinutol ni Lantis. "Sige na kasi. Birthday gift mo nalang sa'kin ito oh. I know it's too much to ask, pero wala na kasi akong ibang pwedeng lapitan eh. Mamayang gabi na kasi iyong party ko. I know, I have all the time in the world para maghanap ng makakasamang babae. It was just that, I don't know someone na walang hihingin na kapalit; except you. Please Shannon help me. Hindi ko talaga kayang mawala sa'kin si baby Kendi ko eh."
"Pero..."
"Please, I will do anything basta pumayag ka lang. Sige na naman oh. Maawa ka na sa may birthday."
"Pero wala rin akong isusuot."
"Don't worry about that. Ako na ang bahala sa lahat. Basta pumayag ka lang."
Wala naman siyang gagawin mamaya pero, hindi niya talaga trip ang mga ganoong party. Hindi niya gusto ang makisalamuha sa maraming tao, lalo pa at alam niya na mga mayayaman ito. Baka manliit lang siya sa sarili niya. Isa pa ay nag-aalala siya na baka masira lang ng presensiya niya ang party nito.
"Lantis, hindi ko talaga kasi gustong mag party ngayon eh. Sorry talaga."
Tuluyan ng bumagsak ang balikat ni Lantis. Agad na nawala ang masiglang ekspresiyon ng mukha nito. Napalitan iyon ng paglamlam ng mga mata nito. Agad itong naglihis ng tingin. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng lungkot. Bigla kasing nagbago ang mood nito at mukhang kasalanan niya pa iyon.
It was his birthday. He suppose to be happy. But because of her ay mukhang magiging malungkot pa yata ang araw na dapat ay espesyal para rito.
"Ok. Kung ayaw mo talaga, hindi na kita pipilitin." malungkot nitong sabi. Tumayo na ito at nagpagpag ng puwetan. Pagkatapos ay mabagal itong naglakad palayo sa kaniya.
Hanggang sa makabalik na sila sa ampunan ay hindi na nagpakitang muli ang masiyahing Lantis na una niyang impresyon dito. Ang kaninang pagiging madaldal nito ay bahagya ng nabawasan. Although ma-kwento parin naman ito ay parang mayroon ng kulang.
Gusto niya pa sanang pagaangin ang loob nito pero alam niyang isa lang ang magagawa niya para dito. She need to attend his party. But she think... She's too selfish to do that.
Habang isa-isa ng bumababa sa bus, ang mga batang kasama nila ay muli niyang nilapitan ni Lantis. Kahit halatang pilit lang ay nginitian parin naman siya nito.
"Uhm, thanks nga pala sa pag tour mo sa amin. Talagang nag enjoy ang mga bata." sabi nito.
"Alam mo Lantis, pasensiya ka na talaga kung hindi kita mapagbibigyan ah. Alam kong birthday mo. Pero kasi..."
"Nah. It's ok. I know it was too much. Of course, we just have met. Then suddenly, I requested that kind of thing. I'm crazy. J-Just forget about it alright. Siguro magkita nalang tayo, some other time. Bye."
Tumalikod na ito sa kaniya at lumakad papasok sa ampunan. Tila may nagsasabi sa kaniyang habulin niya ito pero nanatili lang siyang nakatayo sa kinatatayuan. She want peace off mind kaya siya narito sa lugar nila. But because of Lantis, para tuloy nadagdagan pa ang isipin niya.
Ano ba ang dapat niyang gawin? Tama ba na tinanggihan niya ito?