Pauwi na sana siya nang marinig ang boses ng isang lalaking malungkot na kumakanta. Tulak ang kaniyang bisekleta ay sinundan niya ang tinig na iyon. Hinatid siya ng mga paa niya nagluluksang si Lantis. Para talaga itong namatayan dahil sa hindi maipintang mukha nito. Wala naman ito sa tono pero damang-dama nito ang pagkanta. Hindi niya tuloy alam kung maaawa ba siya dito o matatawa.
"And now, the end is near. And so I face our final road date..."
He was talking to his car. Bigla niyang naalala iyong usapan nila kanina. Siguro iyon si Kendi. Ang kotseng huling araw na nitong makakasama dahil hindi siya pumayag na makidalo sa party nito. Napakalungkot talaga nito para kantahan pa ang kotseng iyon.
Isa lang naman iyong simpleng pagsama sa kainan kaya bakit ba hindi pa niya ito samahan? Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Wala namang mawawala sa kaniya kung sasamahan niya ito. Isang gabi lang naman.
Namalayan nalang niya na lumalakad na siya papalapit sa binata. Agad itong napatingin sa direksyon niya. Taranta nitong pinunanasan ang pisngi tapos nagmamadali itong tumayo.
"Ah, Shannon? Bakit nandito ka pa? Akala ko kanina ka pa umalis." surprise nitong tanong.
"Ah, nagpatulong pa kasi si sister Clara sa garden."
Bahagyang napayuko si Lantis. Tila hiyang hiya ito sa kung anoman. "Ah, you heard?"
"Slight."
Napakamot ito ng ulo. "Ugh, this is so embarassing."
"So palagi mo bang ginagawa iyan? Kinakantahan mo ang kotse mo kapag malungkot ka?"
Bahagyang namula si Lantis. Lihim tuloy siyang natawa. Para kasi itong batang nahuli na gumagawa ng kasalanan. Ang cute nitong pagmasdan. Ni hindi nga ito makatitig ng diretso sa kaniya.
"Actually..." Halata paring nahihiya ito sa kaniya.
Mabuti nalang at naroon siya, hindi para pagtawanan ito. Naroon siya para pumayag sa pag-aayaya nito. Iisipin niya na lang na regalo niya iyon para sa pagtulong nito sa paborito niyang ampunan.
"Anyway, hindi mo na kailangan pang sagutin iyon. Nandito ako hindi para husgahan ka. Nandito ako para sabihin na pumapayag na ako sa pagsama sa'yo sa birthday party mo."
Namilog bigla ang mga mata nito. Sa tindi ng tuwa nito ay mahigpit siya nitong niyakap at pinaghahaplos ang likod niya." My God, thank you Shannon. Thank you talaga. Utang na loob ko ito sa'yo. Promise, balang araw ako naman ang tutulong sa'yo."
Hindi niya ma-explain ang mukha ni Lantis ng mga sandaling iyon. Nagdiriwang ito pero may kaunting butil ng luha sa sulok ng mga mata nito. Talagang masaya ito.
6:42pm
Katulad ng napag-usapan nila ay sinundo siya ni Lantis sa bahay nila bago mag seven. Syempre, ang ginamit nitong kotse ay ang pinakamamahal nitong si Kendi.
He explained to her kung paano nito nakuha ang kotseng iyon na milyong dolyar ang halaga. Sinabi nitong naging premyo nito si Kendi mula sa isang pustahan kasama ang mga kapatid. Hindi na nito sinabi kung anong klaseng pustahan iyon basta mayroon daw nawalang bagay na mahalaga dito nang makuha nito sasakyan. Kaya simula noon noon ay doon na nabaling ang buong atensiyon nito. It was his little obsession. For him it was his life. Nakakaloko, pero sino ba siya para husgahan ito?
"Wow. You look so beautiful." ani Lantis nang makita siya. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at nakangiting itinuro ang daan papasok ng kotse.
"Bolero ka rin no." Natawa lang siya. Nang makapasok na siya sa kotse ay patakbo na itong pumunta sa driver's seat. Pagsampa nito ay agad itong humarap sa kaniya.
"Hindi 'yon biro no."
"Well, thank you. Pero kung ako sa'yo ay paandarin ko na si Kendi, bago pa magbago ang isip ng kasama mo at bigla ka na lang takasan. Ikaw rin..."
Nang sabihin niya yon ay tarantang sinusian ni Lantis ang kotse. Wala pang ilang segundo ay nagsisimula na sila sa pagbi-biyahe. Mukhang nakuha niya ang kahinaan nito.
Napaka suwerting Kendi.
---×××---
Pagdating sa lugar ng party ay tuloy tuloy silang pumasok sa may paradahan ng mga sasakyan. Sa pagbaba niya ay inalalayan pa siya ni Lantis na parang isang tunay na gentleman. Bago sila lumakad ay kinuha nito ang kamay niya at isinabit iyon sa braso.
"Ok lang ba?" he asked, in a very nice way.
Nginitian niya lang ito. Wala namang masama sa paghahawak ng kamay. Since she was his date for the night ay kailangan niya iyong panindigan. Ayaw niya namang mag-inarte dahil ayaw niyang mapahiya ito, lalo na sa mga kapatid nito.
Dumiretso sila sa maliit na entrance na may mga nakabantay na babaeng naka black dress. Masigla silang binati nito.
"Good evening Mr. Quinn. Happy birthday po." Nakangiti nitong tinanggal ang pulang lubid na nakaharang sa daanan. Tapos sumenyas ito na pumasok na sila.
Pagkalampas sa makipot na entrance ay isang napakalawak na garden ang bumungad kanila. Napakaraming pailaw ang nakasabit sa mga puno at posteng naroon. Marami-rami na ring bisita ng mga oras na iyon. Halos lahat ay masasabi niyang mga mayayaman.
Bahagya siyang nakaramdam ng panliliit. Hindi kasi siya sanay na makisalamuha sa mga ganoong klase ng tao. Pakiramdam niya ay sa kaniya lang nakatingin ang mata ng mga ito. Lalo na ngayon at magkakapit silang naglalakad ni Lantis; ang star of the night.
That akward feeling na nararamdaman niya ay tila nahalata naman ng kasama niya. Agad itong bumulong sa tenga niya. "Don't be too nervous. Walang nangangain ng tao dito. Lahat 'yan mga normal na tao lang rin. Mababaho rin ang mga dumi niyan."
Somehow, napagaan nito ng bahagya ang nararamdaman niya. She even smiled for that reality check. Tama naman ito. Masyado niya lang ibinababa ang sarili niya.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Maraming bumabati sa kasama niya, pero puro tango lang ang nagiging sagot nito at tipid na ngiti. Busy kasi ang mga mata nito kakasuyod sa lugar. Nang makita nito ang hinahanap ay muli itong bumulong sa kaniya. "They're all here."
"Hey." kaway ni Lantis sa grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan sa isang sulok. Sabay-sabay itong napatingin sa direksyon nila. Nang makita niya ang mukha ng mga ito ay para siyang bigla nalang napunta sa isang fantasy world sa isang iglap lang. Para kasi silang mga prinsipe sa ayos nila. Lahat sila ay naka-tuxedo at bagay na bagay iyon sa kanila. Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga lalaki. Halos magkakasunod lang ang mga edad nito.
Bigla siyang napatigil ng makita ang isa sa mga ito. Her eyes widen. Biglang napakunot ang noo niya. Parang nakita niya na kasi ang lalaki. Pinakatitigan niya itong mabuti. Wala rin itong kakurap-kurap na nakatitig sa kaniya. That eyes... Para siyang bigla nalang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto kung sino ang lalaking iyon. Kumurap-kurap siya. Hindi siya maaaring magkamali. He remembered those eyes.
"So, who is this beautiful lady huh?" tanong ng pinaka matured na kapatid ni Lantis.
Pakiramdam niya ay tino-torture siya ngayon. Tino-torture siya ng isa sa kapatid ni Lantis. Hindi man ito nagsasalita ay grabe naman ang mga tinging ipinupukol nito sa kaniya. Parang gusto siya nitong kainin ng buhay.
"This is Shannon." pakilala ni Lantis sa kaniya.
Isa-isa niyang kinamayan ang mga kapatid nito. Pagtapat niya sa lalaking titig na titig rin sa kaniya ay bigla siyang napalunok.
"Caydhen." walang emosyon nitong sabi.
Pinipilit niyang basahin ang reaksyon nito pero wala siyang makita na kahit na ano roon. It was all blank.
Sandali pa siyang nakipag kwentuhan sa mga kapatid ni Lantis. Nang makakuha siya tyempo ay nagpaalam siya para magtungo sa banyo. Hindi naman siya naiihi. Basta gusto niya lang mag-excuse. Hindi na niya kasi kinakaya ang nakatutunaw na pagtitig sa kaniya ni Caydhen.
Yeah, Caydhen was the bastard's name.
Hindi niya inakala na makikita niya pala ito sa party ni Lantis. And much worst. Kapatid pa pala ito ng binata. Kung minamalas nga naman siya. Kung nalaman niya lang ng mas maaga ay hindi na sana siya sumama.
Naiiling niyang tinahak ang daan patungo sa banyong itinuro ni Lantis. Bago tuluyang makapasok sa nakita niyang comfort room ay pinigil siya ng isang malakas na pwersa. May humila sa braso niya. Naramdaman niya ang pagbaon ng kuko nito sa balat niya. Pagpihit niya ng tingin ay namilog ang mga mata niya. It was Caydhen. Parang apoy ang mga mata nito. Napakasama ng tingin nito sa kaniya.
Naramdaman niya na parang bigla nalang lumakas ang pagtambol ng dibdib niya. Parang may nagwawala sa loob niya na gustong makalabas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.
"So, this is your game plan huh?" nangungutya nitong sabi. His teeth was grinning in anger. Hindi lang basta galit, pero mukha itong galit na galit.
"Game what?" hindi niya napigilang magtaas ng kilay.
Iniisip ba nitong nakikipaglaro siya dito? Why would she do that? Eh siya nga itong walang pakundangan na nagnakaw ng virginity niya. Tapos kung maka asta ito ngayon, parang ito pa ang agrabyado.
Psh! Damn bastard!
"So pagkatapos ko, ay balak mo namang isunod ang kapatid ko?" he's still grinning.
Halos malaglag ang panga niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Iniisip niya palang tinutuhog niya silang magkapatid? Or maybe worst?
I can't believe this!