7PM at QUINN'S MANSION
in Batangas.
The music is booming all over the mansion's garden. Marami na ang bisita, pero iyong birthday celebrant ay hindi parin dumarating. Marami ng tao sa garden. Halos lahat ng mayayamang kasosyo ng pamilya Quinn sa mga negosyo nila ay naroon. Kung tutuusin nga ay parang hindi iyon party ni Lantis. Para iyong meeting assembly ng mga business man. Dahil narin siguro sa dala nilang apelyido; everyone wants to be invited.
"Sa tingin ninyo may nahanap kayang ka date si Lantis?"
Napalingon ang magkakapatid kay Winsley ng basagin niti ang katahimikang namamagitan sa kanila.
Sa ganitong klase ng okasyon ay pinipilit talaga nilang magkakapatid na ma-kompleto. Syempre, kahit pa may kani-kaniya na silang pinagka kaabalahan sa buhay ay gusto parin naman nilang maka bonding ang isa't-isa. Of course, iba parin kasi ang live na kamustahan at asaran hindi ba.
"Well, mukhang walang makukuha ang Lantis natin." sagot ni Zygfryd sabay higop sa hawak na champagne.
"How would you know?" tanong ni Graham.
"Ang balita ko kasi, this past few days daw ay walang ibang pinupuntahan si Lantis kung hindi iyong Angels Sanctuary. Eh sino bang nakakasama niya doon? Mga madre?" Zygfryd explain and laugh.
"For sure gagawa iyon ng paraan. Alam 'nyo naman kung gaano niya kamahal ang bebe Kendi niya hindi ba?" natatawang litanya naman ni Evander.
"Yeah, I agree. Hindi iyon basta susuko. Haha." sang-ayon rin ni Winsley.
"Yes, baka magbayad pa iyon ng babae." Evander.
"Is he allowed to do that?" Winsley.
"Bakit, wala naman kayong sinabing rules hindi ba? Haha." Graham.
"Iyon lang. Haha." Winsley laugh.
Nang lingunin ni Graham si Caydhen para alamin ang masasabi nito ay napansin niyang tila malalim ang iniisip ng loko. Simula pa kanina nang dumating ito ay hindi na ito masyadong nakikipag-usap sa kanila. Tila may bumagabag sa isip nito. Hindi naman kasi ito ganoon kapag nagkikita sila. Mahilig itong mang-asar at manggulo. But look at him now. Para itong wala sa sarili. Naroon nga ang katawang lupa nito pero wala naman roon ang isip nito.
Nilapitan ito ni Graham. When he stand in front of him ay agad niyang binagsak ng sobrang lakas ang paa niya para gulatin ito. And like what he was expecting. Naibuga ni Caydhen ang iniinom na alak dahil sa pagkabigla. Hagalpak tuloy ng tawa si Graham. Nang makita ng lahat ang naging reaksyon nito ay sabay sabay silang nagtawanan.
"Hey! Para saan naman 'yon?" iritang tanong ni Caydhen.
Inakbayan ito ni Graham at parang batang hinimas ang balikat habang pinapakalma. "Ayos lang iyan bro. Mamahalin ka rin 'non."
Nabu-bwesit na inalis ni Caydhen ang kamay niya na nasa balikat nito at bahagyang lumayo. "Ano bang sinasabi mo. Siraulo."
"Well, halata naman kasing babae ang iniisip mo eh." Graham answered.
Para iyong naging firing gun sa isang marathon. Isang simpleng salita pero naka-trigger ng mga kalokohan ng magkakapatid. Bigla tuloy na punta kay Caydhen ang usapan.
"Wohooo pumapag-ebeg na ang aming Caydhen." Hiyaw ni Winsley.
"Seryoso na ba 'yan bro?" tanong agad ni Evander.
"Aiszt. We need to meet that girl." Graham.
Tila naiiling naman na napamasahe nang sentido si Caydhen. "I cant believe this!" frustrate nitong sabi.
Dahil sa pagkairita nito ay napuno na naman ng tawanan ang pwesto nila.
"So, who's the lucky girl man? We have to meet her. Maganda ba ha? What's her name?" Sunod-sunod na tanong ni Winsley. Lumapit at tumabi rin ito kay Caydhen.
"There is no one ok. Tss. I'm not thinking anyone." pagtatanggol naman nito sa sarili.
He was not so good at lying. Halata naman na nagsisinungaling lang ito. His eyes were too obvious. Lalo na ng bigla nilang ungkatin ang tungkol sa babaeng iniisip nito. He is not, into serious relationships. Pero ngayon, ang tingin nila ay seryoso na ito. Malamang. Dahil kung palaging ngang nasa isip nito ang babaeng iyon ay talagang malakas ang tama nito dito.
Muli ay inakbayan ni Graham si Caydhen. Nang humarap siya sa mga kapatid ay ngumisi siya nang nakakaloko. Itinaas niya ang isa niyang kamay at kumindat. Na gets naman agad ng mga kapatid niys ang ibig niyang sabihin kaya agad itong nagbulungan.
"Can this be love I'm feeling right now? I am not sure of it's giving me now. I dont recall, ever feeling this way..."
Sabay na kumanta sina Evander at Zygfryd. Medyo wala ang mga ito sa tono kaya nagtawanan sina Graham at Lantis. Napatigil narin ang dalawa na nagtatawanang naghampasan rin.
"Dude, kailangan pa nating mag practice." naiiling na sambit ni Zygfrd.
"Huy. Ikaw lang iyong wala sa tono no." tutol naman dito ni Evander. Muli ay nagtawanan silang dalawa.
"Ako naman, ako naman." singit ni Winsley sa kanila.
Agad itong tumayo ng tuwid at pinagpatong ang mga palad na parang kakanta sa isang choir.
Tumingin ang lahat dito. Maging si Caydhen. Kahit bahagya na itong nakasimangot ay pinanood parin nito si Winsley.
"Coz I'm inlove I'm in love with that bitch... Ako'y may hawak na bote sa kanan at baso sa kaliwa..."
Biglang hinampas ni Graham ang kumakantang si Winsley kaya napatigil ito. "Tarantado ka talaga."
Parang bata naman itong humarap. "Bakit?" tapos pa inosenteng nagtanong.
"Iyon talaga ang kantang naisip mo ha? It wasn't a love song, tarantado. Tapos ano iyon? I'm in love with that b***h? Baliw ka talaga!" sermon nito sa kapatid.
"Eh, iyon kasi ang kantang may love na pumasok sa isip ko eh. Kailangan ba love song? Hehehe." Kakamot kamot ulo nitong sagot.
"MGA BALIW TALAGA KAYO!" sabat na ni Caydhen. Iiling-iling ito habang tinatapunan sila ng tingin.
Muling napuno ng tawanan ang lugar na kinatatayuan nila. Nasa ganon silang sitwasyon ng marinig ang sigaw ni Lantis mula sa malayo.
"Hey!"
Sabay sabay silang napalingon sa direksyon nito. To their surprise ay hindi lang ito nag-iisa. He was with a beautiful lady in a lovely red dress. Naka angkla ang kamay ng babae sa braso nito. They both look good together. Para silang perfect couple sa ayos nila. Dahil narin siguro iyon sa matchy match na red theme na mga damit nila.
Inintay nilang tuluyan na makalapit ang dalawa. Pagharap sa kanila ni Lantis ay isa-isa nila itong binati.
"Happy birthday bro." pahayag ni Graham while tapping his back.
"Happy birthday." singir agad ni Winsley pagkabitaw dito ni Graham.
"Yeah happy birthday kapatid." Evander.
"Happy birthday." Zygfryd.
Nang makabati na ang lahat ay sasabay-sabay silang napalingon kay Caydhen na wala yatang balak na batiin ang may birthday. Nanatili lang kasi ito sa kinatatayuan nito. He looked so surprise. Nakatulala ito habang titig na titig sa kasamang babae ni Lantis.
Uh-uh. Mukhang na starstruck ang loko. Haha magkakaroon pa yata ng love triangle dito.
"Ehemmmm..." tumikhim si Graham para kuhain ang atensyon ni Caydhen. Para naman itong natauhan at lumapit kay Lantis para batiin ito.
"Ah, happy birthday bro." anito habang tinatapik ang balikat ni Lantis.
Nang bumalik ito sa tabi nila ay muli na namang napako ang mga mata nito sa babaeng kasama ni Lantis. Did he knew her?