Cassandra's POV "Pasok!" Napangiti ako ng makita ko kung sino iyong pumasok ng kwarto ko pero agad na nabura iyon ng makita ko kung sino iyong kasunod niya. Kasunod ni Mishang si Clifford. "Goodmorning, sweetheart, how's your sleep?" Tanong niya at nilapitan niya ako. Napalunok ako at inisip ko iyong nangyari kagabi. At ang lahat ng sinabi ni Mishang sa akin. The fake one. Na hindi ko alam kung sino talaga. "I-I-'m okay. Medyo napagod lang ako kagabi kaya nakatulog ako. Pasensya kana." Dahilan ko dito. Mas lalo akong hindi nakampante ngayon kay Clifford dahil sa sinabi ni Mishang sa akin kagabi. Napasulyap pa nga ako dito kaya alam ko na siya talaga ang totoo. "Where do you want to go today?" Masuyong tanong nito at tinabihan niya pa ako. Ngumiti ako ng alanganin dito. "Kahit saan.

