Part 17

1512 Words

Cassandra's POV Tulad nga ng sabi ni Mishang. Umuwi rin kami ng gabing iyon sa isla. Hinatid pa nga kami ni Clifford pero bumalik din agad siya sa metro dahil may malaking problema daw ang mga negosyo niya. Hindi naman na ako nagtanong. Mas gusto ko nga iyon. Wala siya sa tabi ko na parang lagi akong binabantayan. Iyong parang nasa kulungan. Ako iyong preso. Iyon kase ang pakiramdam ko tuwing nandito siya sa isla kasama ng mga tauhan niya. Hindi ko na nga inalam kung anong negosyo niya. Kase wala talaga akong interest. Ang nasa isip ko lang sa loob ng tatlong buwan na nagising na ako at walang alaala ay iyong maibalik kung ano ang nawala sa isipan ko. Pero napakahirap gawin iyon kahit na nandito na si Mishang at sinasabi niya sa akin ang lahat. Kinaumagahan ay hindi ko mahanap si Mishan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD